XIAMARA MATULIN na lumipas ang isang buwan. Halos dito na tumira si Ziggy sa bahay namin dahil na rin sa request ni Y. Naging mas close pa silang dalawa ng anak niya. Good thing ay hindi na niya ako pinakikialamanan ngayon. Natakot siguro na iwan ko ulit siya at ilayo ang anak namin sa kanya. Hindi ko naman gagawin iyon kung hindi naman kinakailangan. Samantala, si Xien naman ay bumalik na sa Maynila dahil tapos na ang bakasyon niya dito. Nakakapagtaka nga na mas naging extra caring siya sa akin ngayon at laging tumatawag sa akin kung minsan ay video call pa. Marahil ay nag-aalala siya para sa akin dahil nandito si Ziggy. Sinabi ko naman sa kaniya na kaya ko ang sarili ko. Plano ko ng i-enroll bukas sa daycare si Y kaya heto at inaasikaso ko na ang mga requirements na hinahanap ng s