SIX YEARS LATER....
XIAMARA
"LOVE, please sorry na."
Paulit-ulit na pagsusumamo sa akin ni Ziggy. Nang makarating ako sa likod ng lumang building nitong school ay saka ko lamang siya hinarap.
Hapon na at uwian na rin pero at heto siya hinarang ako sa tapat ng gate kanina at ayaw akong paalisin. Wala na rin namang tao dito kaya mas pinili kong dito magpunta. Kaysa sa gate na napakarami pang nakatambay na estudyante. Ang iba ay nakikipag-kwentuhan pa sa kanilang mga kaklase at ang iba naman ay naghihintay ng kanilang mga sundo.
Naghihimutok na naman sa galit ang dibdib ko dahil naalala ko ulit ang mga nasaksihan ko kagabi. Mag-iisang taon pa lang kami na magkasintahan, at heto siya ay may nagawa na agad na kataksilan. Ni hindi pa kami nag-se-celebrate ng anniversary!
"Please stop, Zi. Ayaw ko na, okay? Let's end our relationship," mariin kong sabi sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat at sunod-sunod na iniling ang kanyang ulo. Humakbang pa siya palapit sa akin ngunit umatras naman ako palayo sa kanya.
"No, Love, I know we can fix this. I'm sorry, please, promise babawi ako. It will never happen again," His voice was full of sincerity.
Nagkatitigan kaming dalawa. Gaya ko ay parehong naluluha ang aming mga mata. Alam kong pinipigilan niya ang umiyak sa harap ko lalo pa at lalaki siya at mataas ang ego.
"You know how much I love you, right?" Humina ang kanyang boses. Ang malalim niyang boses ay naging malambing.
"Yun na nga eh! Mahal mo ako at mahal na mahal rin kita Zi. Pero bakit? Bakit mo nagawa iyon? Hindi pa ba ako sapat para sa'yo? Hindi pa ba sapat ang labi ko para manghalik ka pa ng ibang babae? Ano, may kulang ba? Mas magaling ba siyang humalik kaysa sa akin, huh?!" Pasigaw kong tanong. Rumagasa na ang masaganang luha sa pisngi ko at hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng aking emosyon. Naninikip na rin ang dibdib ko dahil sa ala-ala ng naabutan ko kay Ziggy at babaeng kasama niya kagabi. I don't even know her. At wala akong balak na kilalanin pa siya. Alam nila na may girlfriend na si Ziggy at alam rin nila na ako 'yun. Bakit may mga babae na alam na nilang may jowa ang tao ay lalapitan pa rin nila at iaalay ang kanilang sarili sa mga ito. Wala ba silang respeto sa kanilang sarili?
Sinabutan niya ang sarili dahil sa matinding frustration.
"Damnit, Love! Of course mas magaling kang humalik sa kanila," sigaw niya.
"Sa kanila? So marami sila?" kunot noo kong tanong.
Mas lalo naman siyang nataranta. "Sh-it, that's not what I mean," bumaba na ang kanyang boses.
Humalukipkip ako sa harap niya at tinaasan ko siya ng aking kilay. Mas lalo pang lumambot ang ekspresyon ng mukha niya habang nangungusap ang mga mata niyang nakatingin sa akin.
"Lubayan mo muna ako, Ziggy. Kapag nakikita kita..." Napahinto ako sa pagsasalita para lunukin ang bikig na bumara sa lalamunan ko. "..naalala ko ang nakita ko kagabi." Tumulo ulit ang masaganang luha sa pisngi ko.
Mahal ko si Ziggy, mahal na mahal. Pero masakit ang ginawa niya sa akin at hindi ko alam kung kailan ko iyon makakalimutan o kung makakalimutan ko pa ba.
FLASHBACK
"Sigurado ka ba na nakita mo dito si Ziggy?" tanong ko kay Tiffany, ang aking bestfriend.
"Oo, nakita ko siyang pumasok dito," may kasiguraduhan sa boses niya. Bakas na sa mukha niya ang kalasingan.
Nilibot ko ang mata sa kabuuan ng bar. Marami ng tao at lahat sila ay nagsasaya. Mayroong sumasayaw sa dancefloor, umiinom sa counter at ang iba ay nag-iinuman sa kani-kanilang table. Napuno rin ng usok dahil sa sigarilyo. Mahilig mag-bar si Tiffany, pero isang beses lang akong sumama sa kanya noon at medyo matagal na rin iyon. Focus kasi ako ngayon sa pag-aaral ko. At saka simula ng naging boyfriend ko si Zi ay pinagbawalan niya na rin akong pumunta dito sa mga bar.
May mga VIP room sa itaas kaya tumingala ako para suyurin ng tingin ang mga tao doon. Ngunit walang Ziggy akong nakita.
"Wala naman siya, Tif, bakit mo naman kasi hindi sinundan?" paghihimutok ko sa kanya. Ngumisi siya sa akin.
"Wrong timing naman kasi ang pagsulpot ng jowa mo. Kung kailan kaharap ko si Axel, saka naman siya biglang sumulpot. Kaya ayun hindi ko siya nasundan. Pero sigurado akong siya 'yun. At may kasama siyang babae dito," mahabang sabi ni Tif. Kanina nang banggitin niya iyon sa cellphone ay nanlamig ang buo kong katawan at nanginig ako sa galit. Kaya nga ako napasugod agad dito ay dahil gusto kong siguraduhin kung totoo ba ang sinasabi ni Tiffany sa akin.
Tumagilid ako ng tayo upang paraanin ang mga dadaan na bouncer. Sa dami ng tao ay talagang nakaharang na kaming lahat sa daan. Sa madilim na parte ay may pamilyar na bulto akong nakita kaya agad ko iyong tinungo. Madilim ang parteng ito kaya hindi sila agad kapansin-pansin.
"Hoy, Xi saan ka pupunta?" Sumigaw pa si Tiffany sa akin pero hindi ko na siya nilingon pa.
Sumunod siya sa akin kung susunod siya!
Naglakad sa makipot na highway ang pamilyar na lalaki at alam kong babae ang kasama niya. Hindi ko pa gaanong makita ang pagmumukha niya dahil madilim masyado sa pwesto nila. Habang sinusundan sila ay palakas naman nang palakas ang pagkalabog ng puso ko. Wala pa man akong nakikita ay tila pinipiga na ito.
Huminto sila sa isang pinto kaya huminto na rin ako. Nang tumama sa mukha nila ang ilaw na lumilibot sa kabuuan ng bar ay nakumpirma ko na kung sino ang lalaking iyon. Hindi nga ako nagkamali ng hinala. Siya nga!
"Z-Ziggy?" Nanginig ang aking boses at para akong binuhusan ng malamig na tubig kanina nang masaksihan ko kung paano naglalaban ang dila nilang dalawa. Kung paano humahaplos ang kamay ni Ziggy sa nakahantad na hita ng kahalikan niyang babae. Sexy ito, maputi at maganda. Pasok sa panlasa ni Ziggy. Ganito ang mga tipo niyang babae.
Natauhan lang ako nang magsalita si Zi.
"Xi!" tawag niya sa pangalan ko.
Kinuyom ko ang aking kamao at nagpupuyos ako ngayon sa galit dahil sa itinawag niya sa akin. Pinigilan ko sa pagtulo ang luha ko ngunit huli na ang lahat dahil kusa na itong bumagsak.
Lakas loob ko siyang nilapitan at binigyan ng isang malutong na sampal. Nang hindi makuntento ay sinampal ko naman ang kabila para magpantay. Tumili ang babae dahil sa gulat. Ngayon ay siya naman ang nilingon ko. Binigyan ko rin siya ng isang malutong na sampal.
"You bi-tch!"sigaw ko sa kanya. Akmang sasabunutan ko sana siya nang hawakan ni Zi ang braso ko. Galit ko siyang nilingon.
"Ano? Ipagtatanggol mo siya?" Galit kong tanong. Pilit kong pinatatag ang aking boses dahil alam kong kahit ano'ng oras ay mapapahagulgol na ako ng iyak.
Hindi niya ako sinagot kaya tinabig ko ang kamay niya na nakahawak sa aking braso. Sinubukan niya akong abutin ngunit umatras ako.
"Magsama kayo!" Malakas kong sigaw bago ko siya tinalikuran at tumakbo palayo sa kanya. Narinig ko pa ang pagtawag ni Ziggy sa akin ngunit hindi ko na siya nilingon. Tumakbo lang ako nang tumakbo hanggang sa makasakay ako ng taxi at nagpahatid sa bahay namin. Sobrang sakit na parang dinurog ang puso ko kanina. Sinuntok-suntok ko ang dibdib ko upang maibsan ang sakit doon ngunit hindi rin naman nakatulong.
It really breaks my heart to see him kissing another girl! I hate you so much, Ziggy Madrigal!
*****
ISANG linggo na ang nakalipas magmula nang makipaghiwalay ako kay Ziggy. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tumitigil sa kakasuyo sa akin. Wala yatang araw na hindi ako nakakatanggap ng paborito kong bulaklak na tulips mula sa kanya. Sa tuwing lunch break naman namin ay nagpapadala siya ng food dito sa loob ng classroom. Alam niya kasi na hindi ako kumakain sa cafeteria.
Ziggy Madrigal is a famous one. Vocalist siya ng sumisikat na bandang 'The Rebels'. Apat silang miyembro niyon at ang tatlong ka-bandmate niya ay naging kaibigan ko na rin. Sikat rin sila dito sa school dahil nga sa taglay nilang kagwapuhan.
"Xi, ayan na naman ang delivery mo," untag sa akin ni Tiffany sa aking tabi. Busy kasi ako sa pagbabasa ng mga notes na pinag-aralan namin kanina. Nalalapit na naman kasi ang exam at kailangan kong mag-aral ng mabuti.
Inangat ko ang aking ulo at tumingin sa may pinto. Napa-irap na lang ako doon nang makita ko si Ziggy, nakatayo habang bitbit ang isang paper bag na naglalaman ng pagkain.
Kami na lang ang narito dito sa classroom dahil ang lahat ay nasa cafeteria na.
Dahan-dahan na humakbang papasok si Ziggy dito sa classroom namin na tila ba tinatansya niya kung sisitahin ko ba siya sa ginagawa niyang paglapit sa akin.
Binalik ko ang tingin sa binabasa ko at hindi siya pinansin. Binalewala ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko nang makita ko ang gwapo niyang mukha.
"Xi, iwan na muna kita," paalam ni Tif. Nang tingnan ko siya ay nasa pinto na agad siya at palabas na.
Si Zi naman ang hinarap ko. Tinaasan ko siya ng kilay.
"What are you doing here? Ayaw kitang makita, Zi," asik ko sa kanya. Sinadya kong lamigan ang aking tono at tamad siyang tiningnan. Ang nakangiti niyang mukha kanina ay napalitan ng lungkot.
"I just want to have a lunch with you, Xi," mahina niyang sabi at inangat niya ang paper bag na hawak. Inirapan ko siya.
"I don't want to eat with you," matigas kong sabi. "Lumabas ka na dahil mag-aaral pa ako," taboy ko sa kanya at muli kong tinuon ang atensyon sa pagbabasa.
Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko at pinatong sa table ang dala niyang paper bag.
"Xi... please, let's talk," gumaralgal ang kanyang boses.
Kilalang masungit, bad boy si Ziggy pero ngayon ko lang siyang nakitang ganito kalambing. Yes, malambing naman siya sa akin noong boyfriend ko pa siya. Pero kakaiba ngayon.
Tamad ko siyang nilingon para maitago ang emosyon na namumuo sa dibdib ko. Inaamin ko na naaawa na ako sa kanya. Dahil halos araw-araw ay nakabuntot siya sa akin para lang suyuin ako.
Pero ano'ng magagawa ko kung masakit pa rin sa akin ang mga nakita ko nang gabing iyon. Hindi ko matanggap na meron na ako sa buhay niya pero may kahalikan pa siyang ibang babae.
"Magsalita ka na. Makikinig ako," malamig kong sabi. Bumuga siya ng hangin at mas lalo pang lumamlam ang kanyang mga mata kaya agad na akong nag-iwas ng tingin sa kanya.
"I was drunk that night, Xi. When she came near me, I thought it was you."
Bigla akong lumingon sa kanya at masama siyang tinitigan.
"Ako? Paanong naging ako 'yun?" singhal ko sa kanya. Oo maganda ng ang babae na 'yun, pero hindi naman ganon kakapal ang nguso ko. At isa pa mukha ngang peke ang ilong niya!
Sinabunutan niya ang sarili at bakas sa mukha niya na maging siya ay naguguluhan.
"I don't know, Xi! Promise, I'm telling you the truth."
Bakas sa mukha niya na nagsasabi siya ng totoo, pero ang isip ko ay hindi kumbinsido. Tila may tinatago siya sa akin.
"Umalis ka na," mahina kong sambit at muling nagbasa. Malapit nang matapos ang breaktime at hindi pa ako nakakakain. Wala rin naman akong gana dahil sa dami ko na ring iniisip at dumagdag pa siya.
"But-"
"Ayusin mo muna ang sarili mo bago ka makipag-usap ulit sa akin."
"But, Xi-"
Pinutol ko ulit ang sinasabi niya. "No buts, Zi. Ako ang nasaktan mo dito kaya ako ang masusunod. At isa pa, kung ako gumawa no'n sigurado akong magagalit ka rin, 'di ba?"
Biglang nagdilim ang mukha niya. "Of course! Girlfriend kita Xi at walang dapat na lalaki ang mang-hahalik sa'yo kung 'di ako lang!" galit niyang sambit.
Tinaasan ko siya ng aking kilay. "Exactly, Zi. Boyfriend kita at ako lang dapat ang hahalikan mo. Pero ano ang ginawa mo?"
Natigilan siya nang nakaawang ang kanyang mga labi. Marahil ay natauhan siya sa mga sinabi ko.
"Hindi ko pa nga ginagawa, galit na galit ka na. Sa tingin mo ano ang nararamdaman ko ngayon? Masakit Zi, dito!" sumbat ko sabay turo sa kaliwang dibdib ko.
Napayuko siya.
Bumuntong hininga ako. "Ayusin mo ang sarili mo. Hayaan mo muna akong makapag-isip kung mahal pa ba kita o hindi na," mahina kong sabi dahilan para mag-angat ulit ang tingin niya sa akin.
Namumula na ang kanyang mga mata at kita ko ang luha doon.
"No, Xi, please, give me another chance. Hindi ko kaya ang mawala ka sa akin. Promise, I'll do better this time." Pagmamakaawa niya. Kinuha niya ang kamay ko na nakapatong sa mesa at pinisil iyon.
Napatitig ako doon.
"I love you, Xi. Please, please, please, ayokong mag-break tayo." Paulit-ulit niyang sambit.
Garalgal na ang kanyang boses at hilam na rin ng luha ang kanyang mga mata gaya ko.
Nang tumunog ang bell ay saka ko lang binawi ang kamay ko sa kanya at pinunasan ang luha sa aking mga mata. Ganon rin ang ginawa niya bago tumayo sa upuan.
"Hihintayin kita mamaya sa labasan, Xi. Huwag mo na akong tataguan, please," saad niya bago lumabas. Maya-maya lang ay nagsidatingan na ang mga estudyante. Pansin ko ang tingin nila sa akin pero inignora ko lang sila. Alam na kasi ng karamihan na hiwalay na kami ni Zi, pero hindi lang nila alam ang dahilan.
Tumabi sa akin si Tiffany.
"Xi, okay ka lang ba?" May pag-aalala sa boses niya. Nilingon ko siya ng patagilid.
Tumango ako at tipid siyang nginitian. Hinaplos niya ang likod ko at ngumiti rin siya sa akin na hindi naman umabot sa mga mata niya. Alam kong maging siya ay nag-aalala sa 'kin. Sinisi nga rin niya ang sarili dahil sana raw ay hindi na niya ako pinapunta pa sa bar nang gabing iyon. Pero sinabi ko sa kanya na tama ang ginawa niya. Hindi ko alam kung kailan pa iyon ginagawa ni Zi sa akin. Ramdam ko naman na mahal na mahal niya ako. Ngunit bakit niya ako niloloko?
Am I not enough to him? Kulang pa ba ako sa kanya at kailangan niya pang makipaghalikan sa iba. Or worst baka hindi lang halik ang gagawin nila kung hindi ko sila nahuli. Papasok sa sila sa isang kwarto at hindi ko alam kung ano ang meron doon.
Kung totoo man na akala niya'y ako 'yun. Why? Gusto niya bang gawin na namin ang bagay na 'yun? Pero ang sabi niya gusto niya'y magpakasal muna kami bago namin gawin ang pag-se-se-x. Isa nga iyon sa mga nagustuhan ko sa kanya kaya mas lalo ko siyang minahal dahil doon. Pero bakit niya gagawin sa iba?
Halos mabaliw na ako sa mga pumapasok na tanong sa isip ko.
Wala akong naintindihan sa mga tinuro ng teacher namin. Para nga akong nakalutang at walang-wala ako sa aking sarili. Nang uwian ay tulala lang ako habang naglalakad patungo sa gate. Ramdam ko na pinagtitinginan ako ng mga tao.
Well, I don't care! Bahala sila kung ano ang gusto nilang sabihin tungkol sa akin. Basta nandito ako para mag-aral hindi para magustuhan nila!
Nand makarating ako sa gate ay doon lang ako natauhan nang maraming tao doon na tila may pinapanood sila.
Nag-angat ako ng tingin at sa loob ng nagkukumpulang tao, nandoon si Ziggy at ang bandang The Rebels.
Nanlaki ang mga mata ko lalo na ng magtama ang mga mata namin ni Zi. Sinundan ng mga estudyante ang tinitingnan ni Zi kaya nang makita nila ako ay agad silang nahawi sa dalawa at binigyan ako ng daan sa gitna.
Kumpleto sila at lahat sila maging ang strumento nila ay nandoon rin.
Tinapat ni Zi ang bibig sa mic at kinalabit niya na ang kanyang gitara at nakalikha na iyon ng tunog.
Sumunod ay ang paghampas ni Ridge sa tambol.
Nagsimula ng tumugtog ang gitara nila na nagbigay kilabot sa buo kong pagkatao. Ang mga nanonood na estudyante ay naghihiyawan na rin at kinikilig.
Humakbang ako ng paisa-isa palapit sa kanila.
'For everytime you go to sleep alone.
For every time I tried to rush you off the phone.'
Isa-isang tumulo ang luha sa aking mga mata nang umalingawngaw ang malamyos niyang tinig. Magkahinang ang aming mga mata at malamlam siyang nakatitig sa akin. Mas lalong nagwala ang puso ko. I know this song at first time niya itong kantahin.
'For every time I said something to make you cry.
Now that all is said and done, I can't deny.'
I'm so sorry for anything I might have done.
And I'm sorry, I never meant to hurt the only one.
And I'm sorry, the best laid plans sometimes fall through.
For anything that I might've done, I apologize to you.'
Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa akin dahil puno na ng luha ang mga mata ko. Humahagulgol na rin ako ng iyak at hindi ko na napigilan pa.
Binaba niya ang hawak niyang mic at niyakap niya ako ng mahigpit. Kinabig niya ang ulo ko at siniksik niya ito sa kanyang dibdib at hinaplos ang aking buhok pababa sa aking likod.
"I'm so sorry, love. I love you so much. Please forgive me," bulong niya sa tenga ko sabay halik sa sentido ko.