7. FLASHBACK- Irene

1990 Words

XIAMARA "SERYOSO ka ba, Xi? Hinarana ka lang ni Ziggy pinatawad mo na siya kaagad?" pilantik ni Tiffany nang masolo niya na ako. Kanina kasi magkasama kami ni Ziggy kaya hindi siya makalapit sa akin dahil naiinis siya dito. Ang kaso tinawag na siya ng mga kabanda niya dahil magsisimula na ang rehearsal nila. Sa susunod na buwan kasi ay may gaganapin na program dito sa school at isa sila sa mga mag-pe-perform. Sa susunod na buwan na rin ang 1st year anniversary naming dalawa. "Nangako naman na siya na hindi niya na uulitin, Tif," pagngungumbinsi ko sa kanya. "Porket nangako siya pinatawad mo na agad. Sana pinahirapan mo man lang para magtanda!" galit niyang sermon. Nilapitan ko siya at inakbayan para pagaanin ang kanyang loob. "Ito naman mas galit ka pa kaysa sa akin, ah!" natatawa kong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD