5. XIAMARA - Selfish

2700 Words
XIAMARA TUMINGIN si Ziggy sa 'kin na puno ng katanungan ang kanyang mga mata. Nakayakap na ngayon si Yasmin sa isang hita niya habang siya naman ay tila na-estatwa na sa kanyang kinatatayuan at hindi na siya nakagalaw pa. Mariin akong lumunok at pinigilan ang luhang nakaambang tutulo sa aking mga mata. "Y.." Gumaralgal ang aking boses nang tawagin ko ang aking anak. Lumingon naman sa akin si Y. Malawak ang kanyang ngiti at kumikislap ang kanyang mga mata dahil sa labis na saya. Lumapit na ako sa kanya at bubuhatin na sana siya palayo kay Ziggy. "Why, Mima? Gusto ko pa kay Dada," aniya at mas lalo niya pang siniksik ang sarili sa hita nito. Pinilit kong ngumiti. "M-Mag-uusap lang kami ni Dada, okay? Kumain ka na muna." Tiningala niya si Ziggy at muli rin namang binalik ang tingin sa 'kin. "P-Pero hindi po aalis si Dada, 'di ba?" Naiiyak ang kanyang boses. Tumingin ako kay Ziggy na ngayon ay salitan ang tingin niya sa amin ni Y. "H-Hindi," tipid kong sagot sa aking anak. Sumigla ang mukha niya at agad na humalik sa aking pisngi. Pinilit kong pasayahin ang aking mukha at muli ko siyang hinila palayo sa mga hita ni Zi. Bago siya pumunta sa kusina ay nilingon niya muna si Ziggy na hanggang ngayon ay tulala pa rin. "Dada, mag-play po tayo mamaya, ha. Kakain lang po ako," masigla niyang sabi. Hindi na siya nasagot pa ni Zi dahil tumakbo na si Y patungo sa kusina. Naka-ready naman na ang pagkain doon at kaya na niya ang kumain mag-isa. Nandito lang naman kami ni Ziggy sa sala. "Pumasok ka muna," paanyaya ko sa kanya. Pumasok naman siya sa loob at umupo sa upuan kong kawayan. Umupo na rin ako ngunit may malaking distansya na pagitan mula sa kanya. "W-Who is that kid? Why is she calling me Dada?" Magkasunod niyang tanong. Mabigat ang kanyang paghinga. "Zi..." I paused, and then I breathed deeply. Umayos ako ng aking pagkaka-upo at hinarap ko siya ng mas mabuti. Nakatingin siya sa akin kaya nagtama ang aming mga mata. Puno ng pagtatanong ang kanyang mga mata na nahaluan ng kasabikan sa isasagot ko. "Y is my daughter..." huminto ulit ako at huminga ng malalim. Hindi ko akalain na ganito pala kahirap ang sabihin sa kanya ang tungkol kay Yasmin. Kaya siguro hindi ko na siya nagawang sabihin pa kagabi ay dahil alam kong mabigat sa aking dibdib. "...and you are the... f-father." Mariin kong ipinikit ang aking mga mata upang maiwasan ang magiging reaksyon niya. Natatakot ako na baka bigla na lang siyang magalit. "S-She is my daughter?" Hindi makapaniwala niyang tanong. Dinilat ko ang aking mga mata at tinitigan siya bago tumango upang tugon sa tanong niya. Tumawa siya ng malakas dahilan para magtaka ako sa kanya. Kinunutan ko pa siya ng noo dahil sa weird na reaksyon niya. Ngunit napasinghap ako sa gulat ng bigla na lang niya akong yakapin. Nanigas ang aking katawan dahil sa ginawa niya. Hindi ako agad nakakilos. Bolta-boltaheng kuryente ang naramdaman ko nang magkadikit ang katawan naming dalawa. "May anak na ako Xi? Is this really true that I am a father now?" tanong niya at bakas roon ang saya. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at tinitigan ako ng mabuti. Lumibot ang eyeballs ng mga mata niya sa kabuuan ng mukha ko. "May anak na tayo?" tanong niya ulit na halatang hindi siya makapaniwala. Hindi ko alam kung dapat ba na maging masaya ako dahil sa naging reaksyon niya. He is totally happy with the news. He is very happy to know that he already has a daughter. I didn't expect na ganito ang magiging reaksyon niya. Kaya naman gumaan na rin ang pakiramdam ko at nabawasan ang pag-alinlangan ko sa kanya. Sabay kaming pumasok sa kusina kung saan masiglang kumakain si Y. Dahan-dahan ang ginawang paglapit ni Ziggy sa aming anak habang ako naman ay nakasunod sa kanyang likod at hinihintay ang kanyang gagawin. Inusod niya ang isang upuan at itinabi niya sa tabi ni Y. Umangat ang tingin sa kanya ni Y nang nakangiti habang ngumunguya. Uminom muna siya ng tubig at saka nagsalita. "Hi, Dada, kakain ka na rin po ba?" masigla nitong tanong sa kanyang ama. Ngunit hindi siya sinagot ni Zi. Nakatitig lang ito sa kanyang anak. Hinaplos ni Zi ang matambok na pisngi ng aming anak. Nagtataka naman si Y sa ginawa ng kanyang ama ngunit nakangiti pa rin siya dito. "You really are my daughter," he exclaimed. Natutop ko ang aking bibig at isa-isang tumulo ang luha sa aking pisngi. Mas lalo pang bumugso ang emosyon sa aking dibdib nang yakapin ni Ziggy si Y. Yumakap naman pabalik sa kanya ang aming anak kaya mas lalo akong naiyak. Nanikip ang aking dibdib dahil sa halo-halong emosyon na aking nararamdaman. I really can't believe that this is actually happening. Na nagkita na ang mag-ama ko. At alam na ni Ziggy na nagka-anak kaming dalawa. Ang buong akala ko'y kukwestyunin niya ang ang tungkol kay Y. Marahil ay alam naman niya sa kanyang sarili na siya lang naman ang lalaki sa buhay ko noon. Pagkatapos ng mahigpit na yakapan ng mag-ama ay dumulog na ako sa kanila sa hapagkainan. Kumuha rin ako ng plato para kay Ziggy dahil hindi pa raw siya kumakain. Nakatingin lang siya sa akin habang kumakain. Kung minsan ay lumilipat ang tingin niya kay Y na ngayon ay iniinom na lang ang gatas niya. Pagkatapos kumain ay ako na ang naghugas ng mga plato. Pumunta si Y sa kwarto namin dahil may kukunin raw siya kaya naiwan niya muna kami dito ni Ziggy sa kusina. Naka-upo pa rin siya habang ako naman ay nakaharap sa sink. Ramdam na ramdam ko ang mainit na paninitig niya sa akin at pagsunod ng mga tingin niya kaya naman nakaramdam ako ng pagka-ilang. Maya-maya lang ay naramdaman ko ang pagtayo niya at narinig ko ang mga yabag niya na papalapit sa akin. "Why didn't you tell me right away that you're pregnant?" Napahinto ako sa aking ginagawa at hinarap siya. Huminga ako ng malalim. "Because I want to protect my baby," sambit ko. He frowned. "To protect OUR baby to me?" Pinagdiinan niya pa ang salitang 'OUR' sa kanyang sinabi. Na parang sinasabi niya na baby namin at hindi akin lang. Nag-iwas ako ng tingin at binalik ang atensyon sa paghuhugas ng plato. "Ganon na ba ako kasama sa paningin mo para ilayo ang anak ko sa akin?" Pinaghalong iba't ibang emosyon ang nakapaloob sa boses niya. May pagtatampo, galit at lungkot. "Hindi sa ganon iyon, Zi. Alam mo kung ano'ng klaseng relasyon ang meron tayo noon. It's a toxic one. Gusto kong maging healthy ang baby ko-" Agad niyang pinutol ang pagsasalita ko. "Natin, Xi. NATIN!" pagdidiin niya. Bumuntong hininga ako ngunit hindi ko pa rin siya hinaharap. Nang maitaob ko na ang mga plato sa lagayan nito ay saka ako humarap sa kanya ng maayos. "That was all in the past now. Ang importante nagkakilala na kayo," saad ko at nilagpasan ko na siya. Sumunod siya sa akin. Mabuti na lang talaga ay hindi pa nakakabalik si Yasmin. Gusto ko sana siyang tingnan doon sa kwarto ngunit nandito pa si Ziggy at ayaw kong pumasok siya sa kwarto namin. God! Nagkalat ang mukha niya sa loob at baka kung ano pa ang isipin niya! "Kung hindi pa ako pumunta dito, hindi ko malalaman na may anak pala tayo," bulong niya. Nasa sala na kami at umupo ako sa upuan at tiningala siya. "Paano mo nga pala nalaman ang bahay ko?" kuryoso kong tanong. Imposible naman na sinundan niya ako dahil hindi pa sila tapos kagabi sa photo shoot nila nang umalis ako sa venue. "Hindi na importante kung saan ko nalaman. All I want now is to know the truth." Niyuko ko ang aking ulo. "You already know the truth, Zi. And the truth is, you have a daughter. Wala ka ng dapat na malaman pa. Nandito tayo ngayon para lang maging parents ni Y, that's it!" mariin kong sabi at inangat ulit ang tingin ko sa kanya. Madilim ang kanyang mukha habang nakatitig sa akin. Ibubuka niya pa sana ang bibig niya nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto namin at niluwa niyon si Y. Sabay kaming lumingon doon ni Ziggy. Umaliwalas na rin ang mukha niya ngayon habang nakatingin sa anak namin. "Look Dada, I have your pictures here!" Lumapit siya sa amin bitbit ang isang album na puno ng pictures ni Ziggy. Nanlaki na lang ang mga mata ko habang nakatingin kay Y. Samantalang alam kong nakatingin sa akin si Ziggy at puno ng pagtataka ang kanyang mga mata. Umupo na rin si Ziggy sa aking tabi para magpantay ang mukha nila ni Y. Kinuha niya sa anak ang photo album na hawak nito at isa-isang binuklat ang pages niyon. Lahat ng naroon ay litrato niya at noong baby pa si Y. Wala akong pictures ko na nilagay doon dahil para lang sa kanilang mag-ama ang album na iyon. Meron namang bukod na photo album na kaming dalawa ni Y ang naroon. Mga litrato mula noong baby pa siya hanggang sa lumaki siya. Mataman ko lang silang tinitingnan sa aking tabi habang masaya silang nag-ku-kwentuhan na dalawa. Si Y ay kampante na agad sa presensya ni Ziggy. Parang ayaw na nga niya ito pakawalan. Nakakandong na siya ngayon sa kanyang ama habang ang kamay naman ni Ziggy ay nakapulupot sa maliit nitong katawan. "Dada, dito ka na po ba titira?" Nagkatitigan kami ni Ziggy sa sinabing iyon ni Y. "I don't know, baby," mahinang sagot ni Ziggy kay Y habang ang mga mata ni Zi ay nakatutok sa akin na para bang nanghihingi siya ng tulong. "Why po? Maluwag naman po ang bed namin, pwede ka doon matulog," Y insisted. Umusod ako ng kaunti sa kanila at pinaharap sa akin si Y. "Anak, hindi pwede. May ibang house ang dada mo, at doon siya uuwi," paliwanag ko sa aking anak. Ngunit lumungkot lang ang mukha niya at naluluha na. Binalik niya ang tingin kay Ziggy. "Pwede po akong sumama sa'yo, Dada?" mangiyak-ngiyak nitong tanong. Para namang pinipiga ang puso ko. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong matuwa na narito si Ziggy dahil parang na-balewala na ako sa aking anak. Tumingin sa akin saglit si Zi bago sinagot si Y. "Babalik naman ako dito, baby. Kukuha lang ako ng damit," pagdadahilan niya. Umaliwalas na ulit ang mukha ni Y kaya medyo napanatag na ako. "Talaga po?! Dalhin mo na po lahat ng damit mo dito para hindi ka na po aalis," suhestiyon pa nito. Natawa si Ziggy at hinaplos ang mukha ni Y bago niya ito hinagkan. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya nang magtama ang mata namin. Gumawa ako ng paraan mabago ang usapan nila. "Y, maligo ka na muna." Tumayo na ako at akmang kukunin ko na siya kay Ziggy ngunit umiwas siya sa akin. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa inasta ni Y. "Later na po Mima. I want to play with dada pa po, e," aniya. Huminga ako ng malalim para pahabain pa lalo ang pasensya ko. Ngayon ko lang nakitaan ng ganito si Y. Ayaw niyang nawawalay sa akin at kahit saan ako magpunta ay palagi siyang nakasunod. Ngunit sa isang iglap ay nagbago ang lahat nang dumating ang kanyang ama. Wala pa nga silang bente kwatro oras na magkasama ay nakalimutan niya na agad ako! "Later na tayo mag-play, baby. Go to your Mom and you have take a bath first." Si Ziggy habang hinahaplos niya ang buhok ng kanyang anak. Pumayag na si Y at lumapit na siya sa akin. Binuhat ko siya at dinala sa kwarto. Ramdam ko ang pagsunod sa amin ni Ziggy, ngunit nang pipihitin ko na ang seradura ay nilingon ko siya. "Hintayin mo na lang kami diyan," sambit ko at inirapan siya. Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa at pumasok na ako sa loob ng kwarto namin. Ni-lock ko pa iyon para hindi na talaga siya makapasok habang nasa banyo kami. Wala akong imik habang pinapaliguan ko si Y. Nagsasalita lang ako kapag may tinatanong siya sa akin. "Mima, pwede po bang dito na lang si Dada?" "Mag-uusap pa kami ni Dada tungkol diyan, Anak," malumanay kong sabi. "Okay po! Pero gusto ko mag-play kami mamaya," hirit niya pa. "Pero kailangan matulog ka ng tanghali ha," bilin ko pa. "Yes po, Mima!" sang-ayon niya. Napangiti na rin ako dahil sa kasiglahan niya. Masigla naman siyang bata pero mas masigla pa siya ngayong kasama na niya ang ama niya. Kailangan namin pag-usapan ni Ziggy ang tungkol kay Y at sa schedule niya para makasama si Y na siya lang. Paglabas namin ng kwarto, naabutan namin si Ziggy na may kausap sa kanyang cellphone. Agad naman siyang nagpaalam sa kausap niya sa kabilang linya nang makita niya kami. Agad na lumapit sa kanya si Y at nagpakarga. "Dada, gusto ko pong mag-play," request agad ni Y. Ngumiti si Ziggy. "Yes, baby mag-play tayo." Natuwa si Y at agad na nagpababa kay Ziggy para puntahan ang mga laruan niya. "M-Maliligo lang ako. Ikaw na muna ang bahala kay Y," sambit ko kay Ziggy. Tumango lang siya sa akin kaya naman tinalikuran ko na siya at bumalik na ako sa kwarto. Ni-lock ko ulit iyon para walang makapasok. Pagkatapos kong maligo at magbihis lumabas na ako para naman maghanda ng makakain namin. Wala sa sala sila Ziggy at Y kaya dumiretso ako ng kusina dahil doon ko sila naririnig. Namangha ako sa dami ng pagkain na nakahain sa mesa. Mayroong fried chicken, spaghetti at french fries. "Mima, look, maraming food na binili si Dada!" Si Y habang hawak ang isang hita ng manok. "Let's eat," aya sa akin ni Zi. "Lumabas kayo?" Umiling siya. "Nope. Pina-deliver ko lang." Tumango-tango ako. Kagaya kanina ay si Y lang ang maingay sa hapag. Magsasalita lang ako sa tuwing magtatanong siya sa akin. Pagsapit ng hapon ay pinatulog ko na si Y at ito na ang oras para makapag-usap na kami ni Zi. "Let's talk about Y." Halos sabay pa kaming nagsalita. Bumuntong hininga ako. "Araw-araw pwede ka naman bumisita dito, Zi. Kapag weekends at kapag wala kang trabaho, pwede mo siyang hiramin. Pero paano nga pala 'yun? 'Di ba sa Maynila ka?" Nilingon ko siya sa aking tabi. Masama ang tingin niya sa akin at madilim ang kanyang mukha. "B-Bakit?" kinakabahan kong tanong. "What do you think to our daughter? A doll? A toy?" pagalit niyang tanong. "'Yun ang ginagawa ng co-parenting, Zi," mahinahon kong sabi. "I don't want that, Xi. I want a complete family for my daughter. The better plan would be for us to get back together." Seryoso ang kanyang mukha habang sinasabi iyon. Nangunot ang aking noo. "No, Zi. Pwede tayong maging parents ni Y nang hindi 'yan nangyayari. Malabong mangyari ang sinasabi mo," mariin kong tanggi. "Why not, love? Still, we love each other. And I know that you love me too. I can feel it in the way you look at me." Tila siguradong-sigurado siya sa kanyang sinabi. Inirapan ko siya. "Huwag kang nagkakalat ng fake news, Zi." Tumayo ako at yumuko para tingnan siya. "Hindi na natin maibabalik pa ang nakaraan, Zi. At tanggapin mo ng hindi talaga tayo ang para sa isa't isa. Narito na lang tayo para maging parents ni Y, that's it! Mas maganda na ang ganito para hindi tayo parehong masaktan. I don't want Y will seeing us arguing like this." Tumayo siya at lumapit sa akin. Hindi ako nakaatras pa dahil hinawakan niya agad ang magkabilaan kong balikat. "Ayaw ko ng plano mo, Xi. As her father, I want to be with her all the time. Hindi ko na nga siya nakasama ng halos limang taon tapos ipagkakait mo pa ito sa akin ngayon? How selfish you are Xi?" Galit ang tono niya. Natigilan ako at hindi agad nakasagot sa kanya. Tila ume-echo sa tenga ko ang huling salita na sinambit niya. "Selfish? Ako pa talaga ang selfish?" sarkastiko kong tanong. Sunod-sunod na tumulo ang luha sa aking mga mata. At isa-isang bumalik sa ala-ala ko ang aming nakaraan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD