XIAMARA
KAAGAD kong hinanap ang kinaroroonan nila Tiffany at Y. Nagsimula ng mangatog ang mga tuhod ko. Ang bilis ng pagtibok ng puso ko ay sobrang bilis na rin. Mas lalo pa ngang nadagdagan ang pagkalabog nito nang magsimula na silang mag-strum ng gitara. Sumabay sa pagtambol ng t***k ng puso ko ang pagtambol din ng drum mula sa stage.
Nakita na ni Y si Zi na ikinakatakot ko. Hindi pa ako ready na magkita silang dalawa. Siguradong mahihirapan ako nitong magpaliwanag kay Y mamaya at hindi ito papayag na umuwi ng hindi nakakasama ang dada niya.
Nang makarating sa kumpulan na mga tao ay agad kong nilibot ang mga mata. Nakipag-siksikan na rin ako sa mga tao para makadaan ako. Ang sabi ni Tiffany malapit daw sila sa ilaw na kulay pula kaya ito ang hinahanap ko.
Napahugot ako ng malalim na paghinga ng sa wakas ay matanaw ko na sila. Nakatayo na si Y sa upuan habang tutok ang kanyang mga mata sa stage. Kumikislap ang kanyang mga mata habang nakatanaw roon. At lawak pa ng kanyang ngiti.
Malayo sila sa stage kaya hindi niya kita ng malapitan si Zi at hindi rin naman siya nito maririnig kung sakaling sumigaw muli si Y ng Dada.
"Mabuti naman at dumating ka na!" nag-aalalang sabi ni Tiffany sa akin.
"Y," tawag ko sa aking anak. Lumingon siya sa akin na malawak ang ngiti sa kanyang labi.
"Mima, look, is that Dada 'di ba?" masaya niyang tanong sa akin sabay turo doon sa stage. Napalunok ako at dahan-dahan na lumingon doon. Magsisimula na silang kumanta. At ang mga mata ni Zi ay gumagala, na tila may hinahanap sa parang dagat na tao na nasa harapan nila.
Bigla akong kinabahan na baka makita niya ako at kasama ko pa si Y, kaya kailangan ko na siyang maiuwi bago pa sila matapos mag-perform.
"We need to go home na, Y," aya ko sa kanya. Binabaan ko lang aking boses at hindi pinahalata na natataranta ako.
"But why, Mima? I want to see dada!" she exclaimed. Nagsisimula na rin siyang umiyak. Namumula na ang kanyang ilong at mga pisngi.
Nagkatinginan kami ni Tiffany. Maging siya ay hindi alam ang isasagot sa kanyang inaanak.
Umupo ako para magpantay ang mukha namin ni Y.
"Listen to me, baby. Kailangan na nating umuwi kasi gabi na. Remember what I told you na bawal magpuyat ang mga bata?" malambing kong sambit sa kanya. Dahan-dahan naman siyang tumango sa sinabi ko pero bumaling pa rin ang tingin niya sa stage kung saan naroon ang Dada niya. Naluluha ang kanyang mga mata kaya nahabag ang puso ko. I feel pity for her.
Masama na ba akong ina na ipagkakait ko na makita niya man lang ang dada niya? Pero kung hindi ko gagawin iyon ay may posibilidad na masasaktan ang aking anak.
Gusto kong maka-usap muna si Ziggy bago sila magkakilala na dalawa.
I let Yasmin to watched her dada. Pangako niya na tatapusin niya lang ang isang kanta at uuwi na sila. Hindi ko na sila masasamahan dahil ilang minuto na lang ay matatapos na sila at kailangan ko pa silang ayusan ulit para naman sa farewell photo shoot nila mamaya sa stage. Rock ang kinakanta nila kaya naman ang mga audience ay tumatalon na rin at nakikisabay sa kanta. Syempre hindi naman papatalo ang anak ko na kabisado na rin ang kantang 'to.
She enjoyed the show at kitang-kita ko iyon sa mga mata niya.
Pagkatapos ng kanta, kinarga ko na si Y.
"Goodbye, Dada," paalam ni Y habang nakatingin siya sa stage, nabasag pa ang kanyang boses dahil sa nagbabadya niyang pag-iyak. Tuluyan ng tumulo ang luha sa aking pisngi na kanina ko pa pinipigilan.
Bata pa siya at ang gusto lang naman niya ay ang makasama ang kanyang ama. Hinaplos ko ang kanyang ulo at hinalikan ang kanyang pisngi.
"I will talk to your Dada, okay?" saad ko sa kanya. Kumislap naman ang kanyang mga mata sa sinabi ko at yumakap siya sa aking leeg.
"Thank you, Mima!" she said cheerfully.
Sa kanto ko lang sila hinatid dahil kailangan ko pang bumalik sa event na 'yun. Sana lang ay matapos agad para makauwi ako ng maaga. Gusto kong i-comfort ang anak ko na alam kong malungkot ngayon. Susubukan ko rin kausapin si Ziggy pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung saan magsisimula. Hindi pa ako handa sa magiging reaksyon niya.
Nang makabalik ako'y patapos na sila. Pumwesto na ako sa tent para abangan sila. Nagkunwari akong busy sa pag-aayos ng mga makeups ko nang pumasok na sila dito sa loob ng tent.
Amoy ko na agad ang pamilyar na pabango ni Ziggy. Limang taon na ang nakalipas pero hindi pa rin siya nagpapalit ng brand. Dahil ba sa paborito ko itong amoy niya.
Pinilig ko ang aking ulo. Imposible!
Nag-angat ako ng tingin sa kanila at unang nagtama ang mga mata namin ni Ziggy. He was staring at me seriously. Bigla tuloy akong kinabahan na baka nakita niya kanina si Y sa audience.
Agad kong iniwas ang tingin sa kanya at ibinaling iyon kay Ridge.
"Hi, Xi, napanood mo ba kami?" tanong niya sa akin. Gusto ko sanang tumango sa kanya, kaso baka bigyan naman ng meaning ni Ziggy.
"Ha? Hindi," tanggi ko.
"Kaya pala hinahanap kita sa audience hindi kita nakita," aniya naman na may himig pagtatampo.
Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Mabuti at hindi niya ako nakita kanina.
Siya pa naman ang madaldal sa grupo.
"Bakit mo siya hinahanap?" baritonong boses ni Ziggy.
"Syempre, baka sakaling na-miss niya tayo... ako!" paliwanag ni Ridge na alam kong may halong pang-aasar na naman para kay Ziggy.
Inilingan ko na lang siya at binalik na muli ang atensyon sa mga makeups.
Pagkatapos kong ilabas ang pang-retouch ko sa kanila ay tumayo na ako at dumiretso sa salamin.
Hinarap ko sila at isa-isang tiningnan.
"Sino ang mauuna?" tanong ko sa kanilang apat. Nagkatinginan naman sila at isa-isang nagtulakan palapit sa akin.
"Ziggy, ikaw na ang mauna!" utos sa kanya ni Brix.
"No, I am the last," ma-awtoridad niyang saad. Inirapan ko lang siya nang mapunta ang tingin niya sa akin. Alam ko naman ang dahilan kung bakit gusto niyang magpahuli. Gusto na naman niyang mag-usap kami.
'Pagkakataon mo na gurl! 'Di ba balak mo rin naman siyang kausapin?' kastigo ng isip ko.
"Brix tara na," tawag ko kay Brix. Kakamot kamot pa siya sa kanyang batok habang lumalapit sa akin. Binatukan ko naman siya nang makalapit na siya.
"Ang arte mo!" pang-aasar ko.
"Tss. Gusto ko kasi ako ang mahuli," naka-nguso niyang sabi na parang bata.
Umupo na siya sa mataas na stool at humarap sa salamin. Pinunasan ko muna ang pawis niya bago ko sinimulan ang paglalagay ko ng foundation sa mukha niya. Konti lang naman ang ilalagay ko.
"Xi, bakit ka nandito?"
Natigilan ako saglit nang bigla siyang magtanong sa akin. Mahina lang ang boses niya na halatang ayaw iparinig sa mga kasama ang tanong niya.
Umangat mata ko sa paligid at nahuli kong nakatitig sa amin si Ziggy.
Tumikhim ako para sa paghahanda na sagutin siya.
"I want a peaceful life, Brix. Peaceful dito kaya mas pinili kong dito mag-stay," sagot ko. Totoo naman ang sinagot ko dahil isa naman ito sa dahilan kung bakit ako lumayo. Lumayo ako sa mga magulang ko na nagmamahal sa akin. Lumayo ako sa kanila dahil sa tingin ko iyon ang makakabuti sa mental health ko lalo na sa health ng baby ko. Toxic relationship ang meron kami ni Ziggy noon. Ang akala ko ay kaya ko, pero hindi pala. Darating pala ang oras na mapapagod din ako.
Pagkatapos kong ayusan ang tatlo ay si Ziggy naman ang lumapit sa akin. Gaya ni Brix, nagtanong rin si Kade at Ridge sa akin na kapareho ng tanong niya. At iisa lang ang sagot ko sa kanila.
Umupo na si Ziggy sa kaharap ko na upuan at sinimulan ko na ang pagtanggal ng foundation na namuo sa mukha niya dahil sa pawis. Makeup remover at wipes ang ginamit ko para matanggal na rin ang alikabok.
Umalis ang tatlo kaya naiwan kaming dalawa ni Ziggy.
Nako-conscious tuloy ako sa itsura namin dahil magkalapit ang mukha namin.
Natanggal ko na ang foundation sa mukha niya. Sunod naman ay lalagyan ko na naman ng panibago para fesh siyang tingnan. Paalis na ang kamay ko sa harap niya nang hulihin niya iyon at hinawakan.
Nagkatitigan kaming dalawa. Malamlam ang kanyang mga mata habang ako naman ay gulat na gulat.
"B-Bakit?" kandautal kong tanong.
"Why did you leave me?" malungkot niyang tanong.
Gusto kong humagalpak ng tawa sa tanong niyang iyon dahil seryoso talaga siya at parang walang alam.
"Alam mo na ang sagot doon, 'di ba?" sarkastiko kong tanong. Bumuga siya ng marahas na hangin.
"Alam kong marami akong naging pagkukulang sa'yo noon, pero alam mo naman kung gaano kita kamahal 'di ba?" May himig pagtatampo sa kanyang boses.
"Hindi sapat ang pagmamahal na 'yon, Ziggy para mabuo ulit ang tiwala ko sa'yo," simpleng sagot ko na kinatulala niya.
"Hindi mo na ba ako mahal?" he said seriously.
Saglit ko siyang tinitigan. Sa tanong niya'y tila nalunok ko ang sarili kong dila. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko dahil ang totoo'y mahal ko pa naman siya at hinding-hindi mawawala iyon.
Huminga ako ng malalim at buong tapang siyang sinagot. "Gusto mong malaman ang totoo?"
Tumango siya habang ang mga mata niya ay nangungusap ang titig sa akin.
"I don't love you anymore, Ziggy," diretso kong sabi. Napalunok ako ng mariin nang sambitin ko ang kasinungalingan na iyon. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang sakit doon.
"You're lying, Xiamara," saad niya na halos ibulong niya lang. Iniling-iling niya pa ang kanyang ulo na tila ba hindi siya naniniwala sa sinabi ko.
"That's the truth, Ziggy. Limang taon na ang nakalipas. At sa limang taon na 'yun ay marami na ang nangyari," dagdag ko pa.
Kumislap ang kanyang mga mata, hindi sa tuwa kun 'di sa nagbabadya na luha.
"But I still love you, Xi. Bakit 'yung akin hindi nawala?" asik niya na para kasalanan ko pa na kung bakit hindi nawala ang pagmamahal niya para sa 'kin. Umiigting na ang kanyang mga panga at namumula na naman ang kanyang mga mata.
Pinakalma ko ang sarili. Parang gusto ko siyang yakapin at pakalmahin gaya ng ginagawa ko noon sa kanya sa tuwing galit siya ngunit matinding pagpipigil ang ginawa ko sa aking sarili.
Sa kabilang banda ay nakaramdam ako ng tuwa dahil hanggang ngayon ay mahal niya pa rin ako.
Hinanda ko na ang sarili para sabihin sa kanya ang totoo tungkol kay Yasmin, ngunit may pumasok sa loob ng tent na kinaroroonan namin para tawagin si Ziggy dahil magsisimula na raw ang photoshoot nila sa stage.
"Wait for me here. We were not done talking," mahigpit niyang bilin bago siya umalis. Hindi ko siya sinunod at umalis na ako doon sa tent. Hinanap ko lang si Mama Ogs para kunin sa kanya ang bayad ko.
"Uuwi ka na agad?" May pagtataka niyang tanong.
"Opo, baka hinihintay na ako ni Y," sagot ko. Binigay niya na sa akin ang isang libo.
"Salamat dito Mama Ogs," sambit ko at nagpaalam na sa kanya.
Hindi na ako sumakay pa ng tricycle. Nilakad ko na lang ang patungo sa bahay namin. Gusto kong mag-isip ng matagal lalo na ang mga sinabi ni Ziggy kanina. Ramdam ko na totoo ang kanyang sinasabi ngunit kinokontra naman ito ng aking isip.
Nang makarating sa bahay ay naabutan kong naghihintay sa akin si Tiffany. Tumayo siya nang makita niya ako.
"Tapos na?"
Tumango ako at pagod na umupo sa kawayan na upuan dito sa maliit namin na sala.
"Nagkausap kayo?" tanong niya ulit. Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata.
"Oo."
"Ano'ng sabi? Nasabi mo ba ang tungkol kay Y?" Ramdam ko ang kasabikan niya sa kanyang tanong.
Umiling ako. Kita ko ang pagbagsak ng kanyang mga balikat.
"Natatakot ako Tiffany. Baka kunin niya sa akin ang anak ko o baka hindi niya ito tanggapin," nahihintakutan kong sabi. Tumulo na rin ang luha na kanina ko pa pinipigilan.
Umusod siya palapit sa akin at niyakap ako mula sa aking gilid.
"Naiintindihan kita. Pero karapatan niyang malaman ang tungkol sa anak niyo. Hindi naman ganoon kasama si Ziggy para kunin niya sa'yo si Y," pagpapagaan niya sa loob ko.
Sabagay may punto siya. Kahit na nasaktan niya ako noon ay hindi naman niya ako nasaktan ng pisikal. At alam ko na mabuting tao si Ziggy. Sadyang babaero lang talaga siya, dahilan kung bakit ko siya iniwan.
HINDI ako nakatulog sa magdamag sa kaka-isip ko kay Ziggy. Kaya heto at para akong nakalutang sa hangin dahil sa sobrang antok. Nagluluto na ako ng almusal namin ni Y. Tulog pa siya at alam kong sa oras na magising siya ay ang ama niya ang hahanapin niya sa akin. Naghahanda na ako ng plato sa maliit naming mesa nang may kumatok sa pinto. Agad ko naman iyong pinuntahan at binuksan.
Ngunit ganoon na lang ang pagkagulat ko nang makita ko si Ziggy sa labas ng aming bahay. Ilang beses ko pang kinurap-kurap ang mga mata ko, nagbabakasakali na baka panaginip lang na nandito siya sa harap ko. Ngunit nang magsalita siya ay doon lang ako nagising at ang antok ko ay tuluyan ng nawala.
"Xi...."
"A-Ano'ng-"
Nabitin sa ere ang sasabihin ko nang marinig ko ang pagtawag ni Yasmin sa likod ko.
"Mima?" Nanlaki ang mga mata kong nilingon siya. Nakatayo siya sa likuran ko habang kinukusot-kusot ang kanyang mga mata. Pero nanlaki ang mga mata niya nang makita niya si Ziggy sa labas ng pinto. Isasara ko sana ito pero huli na ang lahat dahil tinawag na ni Y ang kanyang ama.
"Dada?!" Masigla niyang sambit at agad na tumakbo para lapitan ang kanyang ama.