XIAMARA "PILLS?! Nagpi-pills ka?" Gulat na gulat ang reaksyon ni Tif nang aminin ko sa kanya ang totoo na nagpi-pills ako. Napalinga tuloy ako sa paligid, mahirap na at baka may nakarinig sa amin. Mabuti na lang ay nasa sulok kami banda dito sa loob ng coffee shop. Sa ibang coffee shop kami ngayon tumambay at hindi doon sa pinag-tatambayan namin nila Ziggy. Wala naman kasi sila ngayon. Nasa isang probinsya sila ngayon dahil naimbitahan sila ng gobernador doon para mag-perform. Hindi kami nakasama ni Tif dahil may exam kami na hindi pupwedeng ipagpaliban. "Sshhh... 'wag ka ngang maingay," sita ko sa kanya at tinapat ko ang isang daliri sa aking bibig. Umiling-iling siya at pumilantik ang kanyang dila. "Malaking gulo 'yang pinasok mo, Xi. Paano kung malaman niya at magalit siya sa'yo?"