XIAMARA DAHAN-DAHAN kong dinilat ang mga mata ko kinabukasan. Napalingon ako sa aking tabi nang makapa kong wala na si Ziggy doon. Napangiti ako nang maalala ang mga ginawa namin kagabi. Kaya heto at parang binugbog ang aking katawan. Nilibot ko ang mata sa kabuuan ng kwarto at hinanap ko si Ziggy. Nagtataka ko siyang nakita na naka-upo sa sahig habang nakasandal sa pinto ng cabinet. Nakayuko ang kanyang ulo habang nakapatong ang isa niyang braso sa kanyang tuhod. Bumangon ako at tinakip sa katawan ko ang kumot. Nakahubad pa rin kasi ako hanggang ngayon. "Z-Zi..." tawag ko sa kanya. Gumaralgal pa ang aking boses dahil sa nanunuyo kong lalamunan. Hindi siya nag-angat ng tingin sa akin kaya nagpasya akong daluhan siya doon. Alam kong gising siya pero hindi siya gumagalaw. Naglakad a