2. XIAMARA - Finally found you

1741 Words
XIAMARA SAKTONG alas tres ng hapon nang makarating kami ni Y sa mismong pagdarausan ng event. Sinama ko siya dahil walang magbabantay sa kanya sa bahay. Kahit naman sa parlor na pinag-ta-trabauhan ko ay lagi ko rin naman siyang kasama. Mabait naman siya at napag-sasabihan. Marami na ang tao dahil ang balita ko ay may mag-pe-perform rin na banda. Luminga-linga ako sa paligid. Marami na ang nakatayong tent kung saan nakatambay ang production team at ang mga models na magpo-photoshoot. "Xi!" Napalingon ako sa bandang kaliwa malapit sa hotel nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Tiffany. "Ninang!" sigaw ni Y at sumalubong sa kanyang ninang. Bumitiw siya sa pagkakahawak sa kamay ko. "Ohh, bakit hindi ka pa nakabihis?" Naka-suot pa kasi siya ng kanyang uniform. "Hindi pa tapos ang shift ko. Thirty minutes pa," aniya. Tumango-tango ako. "Ninang, dala mo po ba 'yong poster ni Dada?" dinig kong tanong ni Y. Napairap na lang ako kay Tiffany nang mapatingin siya sa akin. "Yes, baby. Nasa locker lang ni ninang sa itaas," tugon niya kay Y. Nagtata-talon sa tuwa si Y kaya hindi ko na rin mapigilan ang mapangiti. Ang makita ko siya na ganito kasaya kahit sa simpleng litrato lang ng kanyang ama ay natutuwa na ang puso ko. Ang kailangan kong paghandaan ay ang pagkikita nila. Kung ano ang magiging reaksyon ni Zi kapag nalaman niyang nagkaanak kaming dalawa ay hindi ko pa alam. Nagpaalam na rin si Tiffany at bumalik na ulit sa hotel. Kami naman ni Y ay hinahanap na ang tent kung saan ang mga models. Nang matagpuan ko iyon ay agad kaming pumasok. Kaagad kong tinakpan ang mga mata ni Y nang makapasok kami. Paano ba naman puro abs ang nakikita ko?! "Bakla ka nandito ka na pala!" sigaw ni Mama Ogs at lumapit sa akin. "Mama Ogs, bakit puro abs?" mahina kong tanong sa kanya pero ang mga mata ko ay sa abs lang nakatingin. "Ang mata mo, bakla!" saway niya sa akin. Tiningnan ko siya. "Bakit puro abs? ...este mga lalaki ang nandito?" "Ang bongga 'di ba?" proud niyang sabi. "Mima, masakit na po!" daing ni Y. Tinanggal ko na ang mga kamay ko na nakatakip sa mata niya pero pinaharap ko siya sa akin. "Mima, bakit mo po tinakip mata ko?" kuryoso niyang tanong. "Bawal sa bata. Doon ka muna kay ninang mo," ang sabi ko na lang. "Bakit po? Gusto ko rin po makakita ng abs!" sambit niya kaya nanlaki ang mga mata ko. Tumawa ng malakas si Mama Ogs. "Talagang anak mo nagmana sa'yo!" palatak niya. Inirapan ko na lang siya at muling binalingan si Y. "Let's go to your ninang, Y!" aya ko sa kanya. "Wow, ume-ingles si bakla!" hiyaw ni mama Ogs nang makalabas na kami. "TIFFANY, dito muna sa'yo si Y," bungad ko sa kanya nang makarating kami sa pwesto niya dito sa loob ng hotel. Mabuti na lang at nasa reception area siya ngayon naka-assign kaya mabilis ko siyang nahanap. "Bakit?" kunot noo niyang tanong. "Kasi naman, hindi ko naman alam na puro abs.. este puro lalaki pala ang me-make-up-an ko!" sambit ko. "Ohh, ano'ng problema do'n?" patay malisya niyang tanong at malapit ko na talaga siyang kurutin sa kanyang singit dahil sa dami niyang tanong. "Huwag ka ng maraming tanong. Malapit ka naman ng mag-out di'ba?" "Oo... pero pupunta kami doon mamaya sa event," saad niya. "Oo, pero tawagan niyo muna ako." "Sige na nga. Pasalamat ka at maganda ang inaanak ko!" palatak niya at pumayag na rin na iwan ko sa kanya si Y. Alam ko namang hindi siya makakatanggi dahil mahal niya ako at si Y. I'm so very thankful dahil may kaibigan ako ng gaya ni Tiffany. Hindi niya ako iniwan ng mag-isa sa mga panahon na kailangan ko ng kasama at karamay. Umupo ako upang magpantay ang mukha namin ni Y. "Baby, dito ka na lang muna kay ninang," paalam ko sa kanya. Saglit na nangunot ang noo niya pero nang lingunin niya ang kanyang ninang ay lumawak na rin ang pagkaka-ngiti. Alam ko na kung bakit siya napapayag. Dahil iyon sa poster ni Zi na ibibigay sa kanya ni Tiffany. Matapos magpaalam sa aking anak ay mabilis akong bumalik sa tent. Naabutan ko pa si mama Ogs na nagpapaypay habang tumutulo ang laway kakatitig sa mga naglalakihang abs sa kanyang harapan. "Mama Ogs, 'yong laway mo!" untag ko sa kanya. "Bakla ka, ang tagal mong dumating. Naghihintay na 'yong mga aayusan mo!" aniya habang ang mga mata niya ay nakatitig pa rin sa mga abs na nagkalat sa loob ng tent. "Hindi po ba sila ang aayusan ko? Nakaayos na sila," nagtataka kong sabi. "Hindi mo ba alam?" tanong niya at sa wakas ay lumingon na siya sa akin. Sunod-sunod ang ginawa kong pag-iling. "Hanapin mo 'yong tent na kulay asul na may number eleven sa labas. Nandoon ang aayusan mo," imporma niya. Kaagad na akong kumilos at hindi na nagtanong pa. Bitbit ang mga gamit ko ay agad kong hinanap ang tent na sinabi ni Mama Ogs. Malapit ng mag-alas kwatro at late na ako kapag hindi ko iyon nahanap agad. Thirty minutes before four ay nahanap ko rin ang tent na kulay asul. Nakasarado iyon at may nakadikit na number eleven sa labas. Humakbang na ako para buksan ang tent upang makapasok nang biglang may tumunog na gitara mula doon sa loob dahilan upang matigilan ang mga paa ko sa paghakbang. Tunog ng string ng gitara ang narinig ko. It was a familiar sound. Kilala ng puso ko ang tunog na iyon kaya naman ganoon na lang ito kung magwala sa loob ko. Nagpatuloy ang tunog niyon at tuluyan na nga akong naestatwa sa kinatatayuan ko. Nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako sa loob ng tent o hindi. Imposible naman kasing ang iniisip ko ang nasa loob. Bakit naman siya pupunta dito sa isla? He hates island! Kaya nga noon kapag may offer sa kanila na kakanta sa island ay hindi siya pumapayag. Siya ang leader ng banda, at the same time siya rin ang lead vocalist kahit pa lahat naman sila ay marunong naman kumanta. Kaya kahit na gusto ng mga ka-grupo niya na kumanta sa island ay napapasunod na lang sila sa desisyon niya. Huminga ako ng malalim at sunod-sunod na napailing. Binura ko sa sistema ko ang mukha ni Zi at ang mga alaalang pumasok sa utak ko nang marinig ko ang tunog mula sa gitara. Maya-maya pa ay nawala na rin ang tunog. Tinuloy ko na ulit ang paghakbang papasok ng tent. Paulit-ulit akong bumuga ng hangin bago ko inangat ang aking kamay para buksan ang tent. Subalit nabitin sa ere ang kamay ko nang biglang bumukas iyon. Tuluyan na akong kinapos ng aking paghinga nang lumabas ang tao sa loob. Pareho kaming nagulat na dalawa pero sa kanya ay mabilis ring nawala. Napalitan ng pangungulila ang titig niya sa akin. Hindi ko alam kung tatakbo ako o lalayo sa kanya. Hindi ko na maigalaw ang mga paa ko na para bang dumikit na ito doon. It's been five years since we saw each other. At ang last na kita ko sa kanya ang pinaka-masakit at hindi niya alam iyon. Ewan ko ba kung may idea na siya kung bakit ako umalis noon ng walang paalam. Basta umalis ako para protektahan ang baby sa tiyan ko at para makalayo sa kanya. Ang lahat ng sakit ay bumalik muli sa akin. Muling nanumbalik sa alaala ko ang araw ng panloloko niya sa akin. Matapos kong isuko ang bataan ko sa kanya at ibigay ang lahat-lahat ko sa kanya ay hindi ko akalain na makakayanan niya pa rin akong lokohin. Akala ko nga manhid na ako, pero hindi pa pala. Ang laman lang ng isip ko noon ay ang protektahan ang baby ko. Si Y ang naging lakas ko noon at siya rin ang dahilan para pigilan ang aking sarili na makipagkita kay Zi. "Xi?" tinig ng isang lalaki mula sa aking likuran. Pamilyar ang baritonong boses na iyon. And I know it's Ridge, ang drummer ng banda. Bukod kay Brixton ay close rin kami ni Ridge kahit kay Kade ay close rin ako. Gusto kong lumingon pero napako na ang mga mata ko sa kaharap kong lalaki. Sa lalaking minahal ko noon.. at hanggang ngayon ay mahal ko pa rin. Ngunit hindi nakuntento si Ridge. Humarap siya sa akin at hinawakan ang magkabila kong balikat kaya naman nabaling ang atensyon ko sa kanya. "It's you! Oh, my, God! Long time no see, Xi!" bulalas at niyakap ako ng mahigpit. Matangkad siya kaya pumatong ang mukha ko sa dibdib niya. "s**t, I missed you, Xi!" bulong-bulong niya habang humahaplos ang palad niya sa ulo ko. Pero sa isang iglap lang ay biglang nawala ang kayakap ko. "Aray!" daing ni Ridge na ngayon ay nakahandusay na sa buhangin. Sapo-sapo niya ang balakang niyang bumagsak doon. Napangiwi ako sa nakikita ko na itsura niya. Sa bilis ng pangyayari hindi ko man lang naawat si Zi na saktan si Ridge. "Don't touch her!" may diin niyang sambit. Natauhan ako nang marinig ko ang boses niya. Sinamaan ko siya ng tingin. Gusto ko siyang sigawan pero ayaw makisama ng boses ko. Walang lumalabas na tinig doon. "X-Xi... finally found you," nakangiti niyang sambit. Napangiwi ako sa sinabi niya. As if naman na hinanap niya ako. Baka nga masaya siya na umalis na ako sa buhay niya para magawa na niya ang mga bagay na gusto niya. Tinangka niya akong hawakan pero umiwas ako at umatras. "Xi?" Puno ng pagtataka ang gwapo niyang mukha. "D-Don't go near me," mahina kong sambit. Umatras ako ulit at tangkang tatalikuran na siya nang biglang may sumulpot na isang bakla. Base sa suot niyang uniform ay galing siya sa production team. "Excuse me, Sir. Mag-start na po ang show in about twenty minutes. Kailangan niyo na po mag-ready," imporma niya sa taong nasa likod ko. Bumaling naman siya ng tingin sa akin. "And you, ayusan mo na sila," utos niya sa akin bago siya tumalikod. Hindi na ako nakaangal pa dahil nakalayo na siya. Napapikit ako ng mariin habang kagat ko ang ibaba kong labi. Ayaw ko man pero hindi pwede. Baka kasi sa susunod ay hindi na ako mabigyan ng raket. Huminga ako ng malalim bago pumihit paharap. At hindi nga ako nagkamali, nandoon pa nga siya sa harap ko at nakatayo. Makahulugan siyang nakatitig sa akin at nakangisi. Shit!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD