3. XIAMARA - Dada

1855 Words
XIAMARA HINDI ako makatingin ng diretso sa mga mata ni Ziggy habang magkalapit ang aming mga mukha. Kanina pa ako kinakabahan at pilit ko lang itong tinatago para hindi niya ito mahalata. Ngunit kahit na ano'ng pagtatago ko ay hindi pa rin talaga ito nakaligtas sa kanya. "You look tense, Xi," aniya. Inirapan ko lang siya. Kanina pa siya nakatitig sa akin at hindi ko naman siya pinapansin. Inabala ko ang sarili sa paglalagay ko ng foundation sa kanyang mukha. Naayos ko na rin ang kilay niya. Konting suklay lang naman iyon gamit ang brush, ayos na. Makapal ang kilay niya na namana ni Y sa kanya. "Xi, ako naman ang make-up-an mo," tawag naman sa akin ni Ridge. Binalingan ko siya ng tingin at tipid na nginitian. "Find another makeup artist, Ridge," galit na utos ni Zi kay Ridge dahilan para mag-angat ang tingin ko sa kanya. Simula kanina nang makapasok kami dito sa tent ay ngayon lang nagtama ang mga mata naming dalawa. "At last, you finally looked at me!" masaya niyang sambit na para bang kanina niya pa inaabangan na tumingin ako sa kanya. Inirapan ko siya. Huminga muna ako ng malalim bago ko binuka ang aking bibig. Mahirap na at baka pumiyok pa ako at mautal. "Tapos na kitang make-up-an kaya si Ridge na ang susunod," saad ko sa malamig na tinig, nangunot ang noo niya at naging galit ang kanyang mukha. "No, ako lang dapat ang hahawakan mo. Wala ng iba!" may pang-aangkin niyang sabi. Tumayo ako at hindi nagpatinag sa kanya. "Kasama si Ridge sa babayaran nila sa akin. Maging ang dalawa niyo pang ka-grupo ay kasama, hindi mo ako binili para angkinin na lang ako basta-basta. Besides, we're not close enough for you to command me," matigas at may diin kong paliwanag sa kanya. His lips parted. Puno ng pagtataka ang kanyang mga mata. Nagtataka dahil sa malamig na pakikitungo ko sa kanya. Hindi naman ako natutuwa na nakita ko siya after five years. Tahimik na ang buhay ko, namin ni Yasmin. Bitbit ang make-up bag ko'y, pinuntahan ko naman ang kinauupuan ni Ridge. Nakangisi siya sa akin. "Wala ka pa ring pagbabago, Xi, bukod sa maganda ka pa rin. Kaya mo pa rin pangangahin ang bibig ng isang Ziggy Madrigal," aniya na may halong pang-aasar para kay Zi. He chuckled. Napapa-iling na lang ako sa kanya. "Ikaw rin walang pagbabago, mapang-asar ka pa rin." "Boring ang grupo kapag walang mapang-asar na tulad ko," hirit niya pa. "Oo na," natatawa kong sang-ayon sa kanya at sinimulan ko na ang paglabas ng foundation na gagamitin ko para sa kanya. Tan ang kulay ni Ridge, hindi gaya kay Ziggy na maputi. Pero parehong makinis ang mga balat nila. Tinalo pa nga nila ang balat ko dahil sa sobrang kinis at lambot nito. Kagaya ng kay Ziggy, mapula na rin ang labi niya kaya hindi na rin kailangan lagyan pa ng lip tint. "Nasaan na 'yung dalawa?" tanong ko kay Ridge. Sina Brixton at Kade ang tinutukoy ko. "Tatawagan ko lang sila. Siguradong nagha-hunting na naman sila ng mga babae sa labas." Kinuha niya ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa at may ni-dial doon. "Labas lang ako Xi," paalam niya sa akin na agad kong tinanguan. Ang akala ko ay wala si Zi dito dahil hindi nagpaalam sa kanya si Ridge, pero akala ko lang pala iyon dahil nagulat na lang ako nang bigla siyang tumabi sa akin. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa gulat ko sa kanya. "Huwag ka naman nang-gugulat," sita ko sa kanya. Saglit ko lang siyang tiningnan, inabala ko ulit ang aking sarili. "Xi, love, can we talk?" malamyos na tanong niya, hindi pinansin ang pagsita ko sa kanya. Nanginig yata ang tuhod ko dahil sa endearment na binanggit niya. Iyon ang tawagan namin noong mag-jowa pa lang kami. 'Yong mga panahong patay na patay pa ako sa kanya kaya naman kahit tanga na ang tingin sa akin ng mga nakakakilala sa akin ay wala akong pakialam. I love Ziggy so much, na sinayang niya lang. "About what?" kaswal kong tanong, pilit pinatatag ang aking boses kahit sinasalakay na ako ng matinding tensyon at kaba. Kung bakit naman kasi iniwan pa ako ni Ridge dito ng mag-isa. "About us, Xi. It has been five years, but I still don't know the reason why you suddenly left without saying goodbye to me," malumanay niyang sambit. Mabigat na paghinga ang ginawa ko bago tamad na tumingin sa kanya. Punong-puno ng emosyon ang mga mata niya samantalang ang sa akin ay pinanatili kong blanko. "Una sa lahat, walang lumalayas na nagpapaalam." "Then why did you leave?" tanong niya. Kung sasabihin ko sa kanya ang dahilan siguradong itatanggi niya ito sa akin, at paniniwalain ako sa kasinungalingan niya. Mabuti na lang ay may pumasok dito sa loob ng tent kaya hindi ko na siya kailangan pang sagutin. Bakit hindi niya alam kung bakit ako umalis? Nagka-amnesia ba siya at ang mga kalokohan niya lang noon ang mga nakalimutan niya? Agad akong lumayo sa kanya nang makita kong si Ridge ang pumasok. At maya-maya lang ay nakasunod na sa likod niya sina Brixton at Kade. Gulat na gulat sila nang makita ako na para bang nakakita sila ng multo. "Totoo ba ang nakikita ko?" bulalas ni Brixton habang nanlalaki ang kanyang mga mata. Ngumiti ako sa kanya kaya naman agad siyang humakbang para makalapit sa akin. Yayakapin niya sana ako nang biglang humarang sa harap ko si Ziggy. "Bilisan niyo ng magbihis, magsisimula na ang gig natin," utos niya dito ng mariin. Kita ko rin ang pag-igting ng kanyang mga panga habang nakatitig kay Brixton. "Umalis ka nga diyan, Ziggy. Tititigan ko lang si Xi kung totoo ba talaga na nandito siya," wika ni Brixton habang hinahawi si Ziggy sa harapan ko. Ni hindi man lang siya natinag sa masamang tingin na pinupukol sa kanya ng kaibigan. Ako na ang nagbigay ng way para makalapit si Brixton sa akin. "Don't you fuc-king touch her, Brix!" galit na banta ni Ziggy. Natawa ang tatlo dahil sa itsura ngayon ni Ziggy na galit na galit at namumula na ang kanyang mukha. Halos maputol na ang litid sa kanyang leeg dahil sa pagsigaw niya. Kagaya pa rin talaga siya dati na masyadong possessive sa hindi naman niya pag-aari. Alam kong iniwas na ni Brixton na hawakan ako kahit gusto niya, pero dahil na-miss ko rin siya ay ako na ang kusang yumakap sa kanya. "Hey, bakit siya niyakap mo tapos ako hindi?!" paghihimutok ni Ziggy, pero hindi ko siya pinansin. Biglang lumambot ang boses niya. Niyakap ko rin si Kade na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala na nakikita niya ako sa harapan niya. "Kumusta ka na?" "Is that really you, Xi? Grabe ang ganda mo pa rin!" bulalas ni Kade, sa wakas ay nakapag-salita na rin siya. "Bolero ka pa rin. Tara na magsimula na tayo. Bilisan na natin dahil magsisimula na kayong mag-perform," utso ko sa kanila kaya umupo na sila sa kani-kanilang pwesto. Habang inaayusan ko si Brix ay hindi maiwasan na napapasulyap ako sa repleksyon ng salamin at nakikita ko ang repleksyon ni Ziggy doon na masamang nakatingin sa aming dalawa ni Brix. Umiigting ang kanyang mga panga at namumula pa ang kanyang mga mata. Pagkatapos ni Brix ay si Kade naman. Saglit ko lang naman silang inayusan. Kaunting retouch lang at inayos ko na rin ang suot nila na damit. Huli kong ni-check si Ziggy bago sila lumabas nitong tent. Naiwan pa kaming dalawa ni Ziggy na halatang hinintay niya pa talaga ako. "May gagawin ka pa ba after mo dito?" pagkuwan ay tanong niya. Palabas na kaming dalawa sa tent. Bitbit ko ang aking bag at siya naman ay ang kanyang gitara. Saglit ko siyang nilingon. "Papasyal lang saglit sa dalampasigan kasama ang kaibigan ko." "Pwede ba akong sumama?" nangungusap niyang tanong. Umiling ako. Kasama ko si Y at hindi pa ako ready na magkita silang dalawa. "Why?" Nagkibit lang ako ng aking balikat. Nauuna sa amin ang tatlo kaya binilisan ko ang lakad para maabutan ko sila. Hindi ako komportable na kaming dalawa lang ni Ziggy. Kailangan ko na ring makalayo sa kanya dahil kanina pa ako hindi mapakali. "Xi!" Napalingon ako sa tumawag sa aking pangalan. Si Mama Ogs. Saved by the bell. Nakahinga ako ng maluwag at mabilis na naglakad papunta sa kinatatayuan ni Mama Ogs. Hindi ko na nilingon pa si Ziggy kahit ramdam ko ang pagsunod niya ng tingin sa akin, at hindi na rin ako nagpaalam kina Brix, Ridge at Kade na nauna ng naglakad patungo sa backstage. Kailangan ko ng puntahan si Tiffanny bago pa sila makarating sa event mamaya. Delikado na magkita ang mag-ama ngayon dahil hindi pa ako handa sa mga susunod na mangyayari. Lalo pa at alam kong sandali lang sila Ziggy dito. Siguradong masasaktan ang anak ko kapag umalis siya ulit at hindi sila ulit magkikita. "MAMA Ogs, kailangan ko na pong umalis." "Ha?! Hindi pa nagsisimula ang programa," aniya. Ang inaalala niya ay ang pag-re-retouch sa mga artist. Siguradong pagkatapos kasi nila mag-perform ay pagpapawisan ang mga ito. Kakailanganin nila ng re-touch dahil kailangan fresh pa rin sila sa last pictorial para sa ending ng show mamaya. "Babalik rin po ako, pupuntahan ko lang si Y," paniniguro ko sa kanya. "Oh, siya sige. Basta bumalik ka kaagad. Tatlong kanta lang ang gagawin nila mamaya at mabilis lang iyon kaya kailangan bago sila matapos nakaabang ka na sa backstage," bilin niya sa akin. Sunod-sunod akong tumango sa kanya bago ko na siya iniwan. Mula dito ay natanaw ko sila Ziggy na paakyat na sa stage bitbit ang kanyang gitara. Nagmukha siyang rock star sa ayos niya ngayon. Bagay na bagay sa kanya ang black leather jacket na may black shirt sa loob niyon at pinaresan niya ng maong jeans. Halos magkakapareho lang sila ng porma. Pero magkaka-iba ng tindig at karisma. Tinakbo ko na ang daan patungo sa hotel. Siguradong naka-out na si Tiffany at didiretso sila sa event. Mabilis kong tinawagan si Tiffany para tanungin siya kung nasaan sila. "Hello, Tiffany. Nasa'n kayo?" "Nandito na kami sa event. Nasa'n ka na ba?" "Umalis na kayo diyan. Bumalik na kayo sa hotel, do'n na lang tayo magkita," humahangos kong utos sa kanya. Naririnig ko na ang pag-check nila ng sound system, kaya naman mas lalong lumalakas ang pagtibok ng puso ko. "OMG, Xi!" tili ni Tiffany. Kahit hindi niya sabihin ang dahilan ng pagkagulat niya ay alam ko na. Mula dito ay kita ko na ang bandang 'The Rebels' na nakatayo sa entablado. Si Ziggy na may mikropono sa harap niya habang ang kanyang gitara ay nakasukbit sa kanyang balikat. Si Brix naman na may hawak na gitara, si Ridge na naka-upo sa tapat ng drums at si Kade na may hawak na base. Nagtitilian na ang mga tao lalo na ang mga kababaihan. Nakatayo na rin sila at ready ng makipag-sabayan sa pagkanta ng banda. Lahat ng ingay at tili ay tila ba napawi sa aking pandinig ng marinig ko ang boses ni Y mula sa kabilang linya. "Dada!" sigaw niya sa masayang tinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD