1. XIAMARA - After five years

1900 Words
WARNING: NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS OR SENSITIVE MINDS. THIS CONTAINS HUMOR, LANGUAGE, AND SITUATIONS INTENDED FOR MATURE READERS ONLY. BLURB: Ziggy Madrigal, the vocalist and leader of their band 'The Rebels', is also known as a womanizer and billionaire. Their band is famous not only in the Philippines but also in other countries. Aside from their beautiful voices and music, they are also known for their good looks. Xiamara Dantes, a simple college student, was Ziggy's girlfriend. She loved Ziggy so much that she forgave him time and again despite his infidelities. She thought her love was enough to not give up on Ziggy. But she grew tired and left him, not telling him that she was pregnant. Five years later, they cross paths again, and Ziggy meets their child who idolizes him. Will Xiamara accept Ziggy's love again, not just for her, but for their child? Will she still accept Ziggy when she discovers his secret? Can she still love him when she uncovers his secret obsession? XIAMARA "MIMA, wake up! Tanghali na, gugutom na po ako!" Maliit na tinig na babae at haplos sa aking pisngi ang nagpa-gising sa akin. Mukha ng maganda kong anak ang nabungaran ko pagmulat ng aking mga mata. Kunot na ang noo niya at salubong na rin ang makapal niyang kilay na namana niya pa sa kanyang ama. Nagkandahaba na rin ang mapula niyang nguso. Her name is Yasmin Ziara, but I call her Y. She is now four years old. Anak ko siya kay Ziggy Madrigal. You read it right! Anak ko siya sa bokalista at leader ng sikat na bandang 'The Rebels'. Pero hindi niya alam na may anak kami at nag-e-exist na sa mundo ang sperm na ibinaon niya sa akin five years ago. Wala rin naman akong balak na ipaalam sa kanya na may anak kami. Kung mangyari man na mag-krus ang landas naming dalawa at malaman niya na may anak kami ay handa naman ako sa mga posibilidad na mangyayari. Pero ngayon ay mananatiling lihim ang pagkatao ni Yasmin. Ayokong ma-expose siya sa mga tao at masira ang private life naming mag-ina. Gusto ko ng tahimik na buhay kasama ang aking anak. Masyadong sikat na kasi ngayon ang banda nila at isa na nga siya doon. Hindi naman lihim kay Y ang ama niya. Kilala niya ito at sa katunayan nga ay marami siyang posters dito sa silid namin. Libangan na rin ng anak ko ang panoorin ang ama niya sa youtube at pinapanood ang mga concert nito. Alam kong darating ang araw na hahanapin niya ang kanyang ama at gustong makita ng personal. Wala akong choice kung mangyari man iyon. Karapatan rin naman makilala ni Y ang ama niya. Pero syempre kailangan ko munang siguruhin na hindi masasaktan ang anak ko. Simula nang iwan ko si Zi at nagpakalayo-layo ay wala na akong balita sa personal niyang buhay. Nagkasya na lang ako sa panonood ng concert niya sa youtube o sa t.v. Kung may budget ay um-a-attend ako ng concert nila at pipiliin ko lang ang sa upper box para hindi niya ako makita. Sa ganoong paraan kasi ay nawawala ang pagka-miss ko sa kanya. Mahal ko pa rin naman siya at hindi mawawala 'yon. Pero may mga bagay talaga na hindi umaayon sa gusto ng isang tao. Mahal ko siya at ramdam ko rin naman ang pagmamahal niya sa akin noong magkasama pa kami. Pero hindi pa rin mawala sa puso ko ang takot at pangamba. Pagod na akong masaktan ng paulit-ulit. At ayaw kong dumating sa punto na maging ang anak ko ay madadamay. "Mima! Tulala na naman ikaw!" pagmamaktol ng aking prinsesa. Bumangon na ako at hinalikan ko ang kanyang pisngi. "Ang cute-cute mo talaga!" sambit ko at pinanggigilan ang matambok at mamula-mula niyang pisngi. "Sempre, kamukha ko si Dada!" Napangiwi tuloy ako sa sinabi niya. Para naman akong sinampal ng katotohanan na kamukha siya talaga ng kanyang ama. Ni wala man lang siyang nakuha sa akin maliban sa kamalditahan at kalokohan. At syempre sa pepe niya na matambok! Maganda naman ako.... sabi nila! Pero sadyang malakas lang ang sperm ng ungas na 'yon at talagang carbon copy niya ang aming anak. NASA kusina na kami. Nagpe-prepare ako ng pagkain ni Y. Ang paborito niyang tocino. Kahit sa paboritong ulam ay pareho sila ni Zi. Imagine? Siyam na buwan kong dinala sa aking sinapupunan pero ito ang resulta. Namana lahat sa magaling niyang ama! But, she's my life and my soul now. Siya ang nagbigay ng kulay sa mundo kong black and white. 'Yong tipong t.v na walang kulay at naghihingalo na. Sa kanya ko binuhos ang pagmamahal ko sa kanyang ama. "Kainan na!" anunsyo ko at nilapag sa mesa ang niluto kong tocino at sinangag. "Yehey!" palakpak naman ni Y sabay kuha ng kutsara at tinidor. "Hep, hep!'' pigil ko sa kamay niya nang magtangka siyang susubo. "You forgot something," sabi ko. Saglit siyang napa-isip pero maya-maya lang ay naalala niya rin. Pinagdikit niya ang dalawa niyang kamay, pinikit ang kanyang mga mata at yumuko. Sumunod ako sa ginawa niya at pinakinggan siya habang bumibigkas ng dasal. "Thank you po, Lord sa food namin. Sana po i-bless niyo pa po kami lagi-lagi at sana po 'wag kaming magkasakit. In Jesus name, Amen!" "Ang galing talaga ng baby ko!" puri ko sa kanya. Bata pa lang talaga siya ay tinuruan ko na siyang magdasal. Every sunday ay nagsisimba kami at bago matulog ay nagdadasal rin kami. Gusto kong lumaki siya na may takot sa Diyos unlike her father na hindi man lang marunong magdasal at magpasalamat. Opposite talaga kami ni Zi, hindi lang sa aspeto namin sa buhay maging sa pag-uugali. Mayaman at sikat si Zi. Hindi gaya ko na sa middle class lang at hindi popular. Sa pag-uugali naman ay matigas ang kanyang ulo, hindi lang sa baba maging sa taas. Mainitin rin ang kanyang ulo at maiksi ang kanyang pasensya. At higit sa lahat ay napaka-babaero niya. Tanggap ko naman ang pagiging matigas na ulo niya. Pero hindi ang pagiging babaero niya. Sa sobrang pagmamahal ko nga sa kanya ay inabot kami ng dalawang taon. Ilang beses ko na siyang nahuli na may babae at ilang beses na rin akong nagpaka-tanga sa kanya. Pinilig ko ang aking ulo nang pumasok na naman sa utak ko ang mga eksena habang may ka-se-x siyang iba. Gusto ko ng burahin 'yon sa utak ko. Kung pwede nga lang hilingin na sana ay magka-amnesia na lang ako ay gagawin ko. Kaso hindi pwede dahil ayoko namang kalimutan ang napaka-cute ko na anak. Pagkatapos naming kumain na mag-ina, si Y na ang naghugas ng plato. Nakabantay lang ako sa kanya dito sa lababo. Nag-e-enjoy naman siya sa kanyang ginagawa na kinakatuwa ko. Hindi gaya sa ibang bata na kailangan pang utusan para maghugas. Kung minsan ay hindi pa susunod at kung susunod man ay nagdadabog pa. "Finish na!" masiglang sabi ng aking anak. Tapos na siyang maghugas ng plato. "Very good!" palakpak ko. At sunod naman namin na gagawin ay maliligo. Ito talaga ang daily routine naming mag-ina. Naka-sunod sunod na 'yon sa sistema namin. Nagbabago lang naman kapag may dumating na bisita o sila mama. Lumaki kasi ako sa disiplinadong pamilya. Kailangan organized sa lahat ng gamit. Bawal ang makalat sa mga gamit at burara. Hindi rin pwede ang hindi maayos sa katawan at hindi naliligo. Kaya ganoon ko rin sinasanay ang anak ko. Dahil babae siya ay gusto ko maging disiplinado rin siya sa kanyang katawan. Lalo na sa kanyang balat. Naghahanda na ako ng damit naming dalawa nang tumunog ang phone ko. Sinagot ko iyon nang rumehistro ang pangalan ni Tiffany. Ang bestfriend ko since high school. "Hello?" "Hoy, bakla ka! Nasaan ka na?" Nilayo ko ang cellphone ko sa aking tenga. Parang mababasag ang eardrum ko sa lakas ng boses niya. "Nandito sa bahay. Bakit ba?" iritado kong tanong. Istorbo kasi ang aga-aga. "Gaga ka. 'Di ba ngayon ang sideline mo sa pag-me-makeup?" Bumuntong hininga ako. "Mamaya pang alas singko iyon, bakla!" May nakuha kasi akong sideline at mamaya pa naman iyong hapon. May photo shoot kasi na gaganapin dito malapit sa isla at nag-apply ako para maging isa sa make-up artist nila. Nakakapagtaka nga dahil modelo sila pero walang sariling makeup artist. Pero syempre hindi ko na inusisa ang bagay na 'yon. Maganda nga 'yon dahil may extra income ako. Make-up artist ako sa mga parlor. Naggugupit rin ako ng buhok, nagma-manicure at pedicure. Malaki naman ang kita ko sa parlor pero kailangan ko magdoble kayod dahil malapit ng mag-aral si Y. "Ayy, mamaya pa ba 'yon? Akala ko naman maaga. By the way, nandiyan ba ang inaanak ko na maganda?" "Oo. At maliligo na sana kami. Kaso istorbo ka!" "Pakausap na lang sa inaanak ko na kasing ganda ko. Para naman gumanda ang araw ko!' sabi niya kaya natawa ako. Marahil ay badtrip na naman siya sa trabaho niya. Maganda naman ang trabaho niya sa hotel at malaki pa ang sahod niya. Ang kaso ay stress siya sa bagong management ng hotel. Marami kasing mga bagong rules and regulations. At ayon pa sa kanya ay strikta raw masyado ang bagong manager nila. Kaya stress ang lola niyo! "'Hello po, ninang ganda!" masiglang bati ni Y. Iniwan ko na muna siya habang kausap si Tiffany. Inasikaso ko na ang makeup kits na gagamitin ko mamaya para sa photo shoot. Kinumpleto ko ang iba't ibang klase ng brush. May mga nilagay rin ako na mga foundations, primer at concealer. Provided naman nila ito pero magdadala lang ako just in case na hindi ko type ang shades na available sila. Natapos ko na ang inaayos ko ay hindi pa rin tapos mag-usap ang dalawa. "Baby, stop na 'yan. Maliligo na tayo," sabi ko at kinuha ko na ang cellphone sa kamay niya. "Bakla, ibaba ko na muna. Kailangan na naming maligo," paalam ko sa aking kaibigan. "Okay. Kita na lang tayo doon sa photo shoot mamaya," aniya at binaba na rin ang tawag. Binalingan ko na si Y na ngayon ay nakasimangot na. Lumuhod ako upang magpantay ang aming mukha. "Bakit sad ang baby na 'yan?" tanong ko sabay haplos sa kanyang pisngi. "Ninang told me na may bagong poster daw siya ni Dada," nakanguso niyang sambit. Napairap na lang talaga ako dahil sa kalokohan ng kaibigan ko. Kurot singit talaga siya sa akin mamaya! "Magkikita naman kayo mamaya ni ninang. Ibibigay niya 'yon sa'yo," alo ko naman. Lumiwanag naman ang kanyang mukha. "Talaga po?" Sunod-sunod ang ginawa kong pagtango. "Yes, baby. Kaya 'wag ka ng sad at maligo na tayo. Okay?" "Okay!" At ayon masigla na ulit siya. Napatingin tuloy ako sa poster ni Ziggy sa likod ng pinto namin. Solo picture niya ito at minomodelo niya ang bagong labas na shirt ng sikat na brand dito sa Pilipinas. Diretso ang tingin niya sa camera na tila ba sa akin na rin siya nakatingin. "Adik na sa'yo ang anak mo," usal ko sa mahinang tinig. Sa limang taon na wala siya sa aking tabi, hindi rin naman ako naka-move on sa kanya. Nahirapan pa nga ako noong buntis ako kay Y dahil gusto ko siyang laging makita kaya nagkasya na lang ako sa mga posters niya at ang panunood ko sa kanya sa internet. Paano nga ba ako makaka-move on ngayon kung puro poster niya ang nagkalat sa kwarto namin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD