XIAMARA "SIGURADO na ba kayo sa desisyon niyo, Zi?" tanong ni Papa kay Ziggy. Kasalukuyan kaming nasa sala ngayon at pinagpaalam ni Zi ang tungkol sa pagsasama namin sa iisang bubong. Ni hindi man lang tumutol sila Mama at Papa, lalo naman kay Papa nang ipaalam ito sa kanila ni Ziggy. "Yes po, tito. Promise, aalagaan ko po ng mabuti si Xi doon," may diin niyang sambit kay Papa sabay hawak niya sa aking kamay. Bumaba naman ang tingin ni Papa at Mama doon kaya nakaramdam ako ng hiya. "You don't need to promise, Ziggy, just do it." Mahigpit na bilin ni Papa kay Ziggy na sinang-ayunan naman nito. "Ziggy, ikaw na ang bahala sa anak namin. Malaki ang tiwala namin sa'yo na hindi mo siya pababayaan.... at sasaktan," naiiyak na bilin rin ni Mama. Hindi ko tuloy napigilan ang maluha na rin dah