XIAMARA MASAKIT ang katawan ko paggising ko kinabukasan. Nang idilat ko ang mga mata ko'y nakaramdam pa ako ng pagkahilo at pag-kirot nito sa aking sentido. Hindi ko alam kung ano'ng oras na kaming dalawa natapos at nakatulog kagabi ni Ziggy. Basta pagkatapos naming gawin ulit iyon sa banyo ay dinala niya ulit ako dito sa kama para angkinin ng paulit-ulit. Dahan-dahan akong bumangon nang makita kong mag-isa na lang ako dito sa kwarto niya. Napaigik ako sa kirot nang maramdaman ko ang sakit sa pagitan ng aking mga hita. Sigurado akong namamaga na ito ngayon dahil sobra itong nabugbog kagabi. Napatingin ako sa dugo na naka-mantsa sa hinihigaan ko na bedsheet. Iyon ang tanda na virgin pa ako at ngayon ay tuluyan na iyong nawala. Wala naman akong nakakapa na pagsisisi sa aking sarili dahi