21. Flashback- Ang Pagbabalik ng Echuserang Ex!

2471 Words

XIAMARA NAGHIYAWAN na ang mga tao sa buong Araneta nang tumungtong na sa stage ang bandang The Rebels. Lahat sila ay pare-pareho lang ang suot. Naka-black leather jacket at maong na pantalon. Bumalik ako dito na parang walang nangyari na milagro sa aming dalawa ni Zi. Nasilaw ang mga mata ko nang bumukas na ang ilaw na nakapaligid sa stage. Naka-pwesto na sila Ziggy, may nakatayong microphone sa harap niya habang nakasukbit ang gitara sa balikat niya. Naka-set up na rin ang drums para kay Ridge. Bumaba ang mga mata ni Ziggy sa stage at nagtama ang mga mata naming dalawa. Kinilig ang lahat nang kindatan ako ni Ziggy. Maging si Xiabelle at Tiffany na nasa tabi ko ay nakiki-tili na rin. "Are you ready Araneta!" sigaw ni Ridge, tinaas pa nito ang kamay na may hawak na drumsticks sa ere.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD