EPISODE 3
-Xyriel-
..... Lakad dito lakad doon ang ginagawa ko. Paikot ikot sa aking silid. Tatlong araw na ngayon simula ng malaman ko na kinasal kami ni Elle. Binabalikan ko ang araw, kung bakit humantong kami sa ganun. Kung paano kami kinasal. Ang natatandaan ko lang....
...Flashback..
...Umiiyak ako. Andito ako ngayon sa bahay nila krisha. Umiiyak ako dahil nagawa akong lokohin ng lalaking pakakasalan ko. Niloko niya ako at nagawang mangbabae, tapos ako pa yung masama. Sa sobrang sama ng loob ko, dahil pati pamilya ko kampi sa hayop na lalaking iyon, at ako pa talaga ang lumalabas na masama.
Sa sobrang sama ng loob ko umalis ako sa amin, at nag punta sa kaibigan ko. Gusto ko muna makalimot, gusto ko muna kalimutan ang sakit na nararamdaman ko. Oo, hindi naging pormal ang kasal na magaganap sa amin ni Francis, pero sinusubukan ko naman siyang mahalin.
"Uy! tama na yan bestie! tahan na! wag mo na ngang iyakan ang lalaking iyon! tama na sa simula palang, alam mo na na hindi siya karapat dapat sayo!" payo sa akin ni Krisha.
"hindi ko naman iniiyakan ang g**o na iyon!! h***p siya!! mag sama sila ng babae niya! nakaka iyak lang kasi kay Francis kumakampi ang pamilya ko.!" sabi ko.
"alam ko na!! total nag paalam ka naman sa pamilya mo na mag papa hangin ka ng isang buwan, pwes! tutuhanin natin iyon!!" bigkas ni Krisha.
Napatigil ako sa kakaiyak ng sabihin noya iyon! parang gusto ko ng idea ng kaibigan ko.
"pupunta tayo sa Shamar! doon sa may malapit na resort!.sa Zyndra' resort! malapit lang ang bahay namin sa resort. Ano?! payag kana?!" tanong ni Krisha.
"may malapit din bang bar sa inyo?" sabi ko.
Ngumiti naman si Krisha. Na ikinangiti ko rin.
Dali dali din kaming nag impaki at umalis ni Krisha, nag paalam kami sa pamilya neto na doon muna kami sa kanila sa Shamar. Parte parin iyon ng Maiden South. Pero karatig lugar na eto. Mga limang oras at kalahati din ang byahe papunta doon.
Nang makarating kami sa Shamar, nag tungo kami sa bayan ng San Felipe dahil dun kami tutuloy.
Sariling bahay at lupa nila Krisha yun. Taga Shamar kasi ang ina neto na si tita Charlie. Dito sa Shamar unang nanirahan sila Krisha bago pa sila nanirahan sa Nolan.
Napa mangha ako sa ganda ng Shamar, lalong lalo na sa San Felipi. Bago kami makarating sa mismong tinitirahan nila Krisha, madadaanan pa ang isang beach, malapit sila sa beach. May mga malalaking gusali din na makikita ngunit mas malalaki parin ang gusali sa Nolan . Nasa kalahating oras ang bayan ng Shamar papuntang San Felipi kung saan nakatira sila Krisha.
"wow bess!! mukhang mag eenjoy ata ako dito!" manghang sabi ko.
"oo naman bess! segurado akong mag eenjoy ka talaga dito! kalimutan mo muna ang problema mo, kalimutan mo muna si Francis! kalimutan mo muna ang lahat at mag enjoy ka dito kasama ako! tiyak ko na makaka kilala pa tayong bagong papa!" sagot naman ni Krisha at napakilig siya sa sinabi niyang bagong papa, na ang ibig sabibin niya ay lalaking magugustuhan namin, yung tipong crush ba, ganun. Napa ngiti nalang akobsa sinabi niya.
Nakarating na kami sa mismong bahay nila Krisha, malinis eto, gawa sa semento ang bahay nila, wala mang palapag pero may tatlong kwarto eto. Meron ding banyo at kusina, may sala syimpre. Kompleto ang gamit, hindi pinapabayaan ang bahay nila, dahil may taga pag alaga dito, ibinilin nila eto sa pinsan ng mama ni Krisha, na si tita Sandra. Kaya naman malinis eto pagdating namin.
"biglaan naman ang pagpunta neyo dito Krisha!" salubong sa amin ni tita Sandra.
"oo nga tita! gusto kasi magbakasyon netong kaibigan ko. Kaya dito nalang kami pumunta para mag bakasyon, mga isang buwan lang naman kami dito tita." sagot naman ni Krisha.
"oh! siya sege! maiwan ko nalang kayo dito, kung may kailangan pa kayo tawagin neyo nalang ako, diyan lang naamn ang bahay ko." sagot ni tita Sandra.
Umalis na si tita Sandra at naiwan nalang kaming dalawa ni Krisha dito. Nag ayos kami ng gamit, at iisang kwarto lang ang ginamit namin at yun ay ang kwarto niya. Mas okey yun na magkasama kaming dalawa sa iisang kwarto, para mas masaya diba.
Pagdating ng hapon ay nagpasya kami na mamasyal sa beach na malapit lang sakanila, seguro mga nasa limang minuto ang tatagal bago ka makarating don pag maglalakad.
Pagdating namin dun ay medyo may tao, yun pala ay may nagpatayo dun ng isang resort eto ata yung sinasabi ni Krisha na 'Zyndra Resort' grabi mukhang sikat ata dahil tanaw dito mula sa beach ang resort nila, at maraming tao, pero hindi ko na pinansin yun, dahil niyaya agad ako ni Krisha na mag lakadlakad sa gikid ng dalampasigan, para mag relax daw.
At sapaglalakad lakad namin ay bigla kung kumuha ng tubig sa kamay ko at bihuso yun kay Krisha, at ganun din ang ginawa niya. Nag basahan kaming dalawa ng tubig, naghabulan pa nga kami. Sa pag hahabulan namin may nakita kaming isang lalaki na nakaupo sa buhangin sa may gilid lang din ng dalampasigan.
Napaka seryoso ng mukha neto, naka uniform eto na suot. Basi sa uniform niya ay may nakatatak na 'Zyndra Resort' at may naka lagay na pin sa damit niya na may nakasulat na pangalan. Hindi ko manaba kung ano ang nakasulat doon, pero mukhang pangalan niya ata.
"tignan mo! may papa! ang hot niyang tignan, grabi! ang gwapo niya!" punan ni Krisha.
"ewan ko sayo! lahat naman sayo gwapo at hot!" bara ko dito. Pero totoo naman eh! gwapo siya.
Hindi ko alam kung ano ang trip ng kaibigan ko at nilapitan niya ang lalaki, tumabi pa eto dito, kaya naman no Choice ako kung hindi ang lumapit din dito.
"hi!! my name is Krisha, at eto ang kaibigan kung si Xyriel." pag papakilala ni Krisha. Inilahad pa neto ang kamay niya at tinangap din niya eto.
"Elle!! Elle Gellido!!" pakilala niya.
"mukhang nag iisa ka ata?!" tanong la ng makulit kung kaibigan.
"kami din nag iisa, lalo na tong kaibigan ko, nag iisa. Niloko siya kasi ng hayop niyang Boyfriend!!" sabi pa niya. Ang daldal, pati ba yun kailangan sabihin niya pa?! hinila ko ang buhok niya at pinag mulatan ng mata senyalis na tumigil siya sa pag dadaldal. Pero ningitian lang ako ng bruha.
Napansin ko na ngumiti ang lalaki na nag ngangalang Elle.
"excuse me! pinag tatawanan mo ba ako?!" masungit na sabi ko. Umiling iling siya bilang sagot sa tanong ko.
akmang magsasalita sana eto ay may biglang tumawag dito.
"Elle!! Elle!! kailangan ka na sa loob, hinahanap kana ni ma'am!" sigaw ng isang lalaki.
"sege!! mauna na ako sainyo. Nice to meet you" paalam niya.
At umalis na nga eto, at naiwan muli kami ni Krisha na kaming dalawa lang ulit. Kaya nag pasya nalang kami na umuwi. Dahil may pupuntahan daw kaming mamayang gabi na tiyak daw na magugustuhan ko.
Kina gabihan, nag tungo kami sa isang bar! sabi niya, magugostohan ko daw ang pupuntahan namin, well! naguatuhan ko nga. Nasa city kami ng Shamar, dito ang mayroong bar. Mga nasa 30 minutes ang layo mula sa San Felipe.
Ang ganda pala dito, mas maganda sa inaasahan ko. Mas maganda nga eto kung ikukumpara sa Bar don sa Nolan na lagi kung pinupuntahan.
Pagkapasok namin, umupo kami sa may bartender, napapa sabay pa ang ulo ko sa togtog ng musika sa loob ng bar, parang gusto ko tuloy sumayaw!
"dalawang mojito nga pls." order ni Krisha. Mojito pangalang ng isang alak.
Iniabot naman ng bartender ang aming inorder, pero nakatitig ako sa lalaking bartender, dahil pamilya siya sa akin, ganoon din siya. Nagkatitigan kaming dalawa. Teka! sino nga ukit to?!
"Elle? oo! tama! ikaw si Elle?! dun sa may beach sa San Felipe, sa Resort ng Zyndra Resort." sambit ni Krisha.
"kayo nga!" sagot niya tinuro niya si Krsisha at para eto nag iisip, at bigla niyang binangit ang pangalan ni 'Krisha!' at bumaling naman ang tingen niya sa akin at sabing "Xyriel." saka with kindat pa.
"hi!" tanging sabi ko lang.
"ang taray ha?! andito ka din?!" bulaslas ni Krisha. "wait lang ha! nung makita ka namin sa beach, naka uniform ka dun, tila sa may Resort ka nag tatrabaho, tama ba?!" dugtong neto.
"oo. Tama nga ang hinala mo. Sa umaga janitor ako sa resort, at sa gabi isa akong bartender naman sa bar." taas noo niyang sabi ni Elle.
"taray ha! doble kayod?! pamliyado?!" si Krisha.
"hindi namm. Wala pa akong sariling pamilya, walang may gusto sa akin dahil mahirap lang ako, isang janitor at bartender lang. Para sa pamilya ko eto, kaya doble kayod, dahil nag iipon ako para sa kapatod ko." sagot naman nung Elle.
"wala naman masama sa pagiging mahirap, at wag mo nga ni la-lang-lang ang trabaho mo. Isang marangal ang pagiging janitor at bartender noh! buti kapa may ganap sa buhay!" wala sa sariling sabi ko. Ewan ba at bigla akong sumingit sa usapan nila. Nananahimik nga ako dito, bigla naakng akong simagor sa usapan nila. Nakakinis kasu, ayokong may nririnig na nilalait nila ang sarili nila dahil sa mahirap sila.
"sorry." hinging paumanhin niya.
"hayaan mo na yang frennie ko! mabait yan, may topak nga lang." pag iibang topic ni Krisha. "anyway! araw araw kaba dito?" tanong pa niya,
"hindi, paiba iba ang schedule, sa Resort din pa iba iba ang schedule ko. May araw na hindi ako pumapasok." paliwanag niya.
"tara! sayaw tayo! " yaya sa akin ni Krisha.
"sege na! mauna kana susunod na lanag ako." sabi ko. At umalis nga eto angpunta sa dance floor. At ako naiwang mag isa dito kay Elle.
"totoo bang niloko ka ng Boyfriend?!" tankng ni Elle. Pag kaalis kasi ni Krisha ay mga ilang saglit ang namayani aa aming dalwa, at eto siya biglang magtayanong at yan pa talaga.
"excuse me! ex Boyfriend!" pagtatama ko sa sinabi niya. "ex na siya, dahil hihiwalayan ko na siya! ngek ngek niya!" masungit kung sabi. Tumawa eto.
"Ako si Allyzea Xyriel Manansala! tapos ga*a*u*in niya lang ako! ano ang pinag mamalaki niya?! na mas mayaman oa siya sa amin ganun? kaya pwede niya akong lokohin! ngek ngek niya! mas gusgutohin ko nalang mag pakasal sa isang mahirap, o dikaya sa isang katulad mo, basta mamahalin niya ako at hindi sasaktan, kahit maghirap kami ay ayos lang, kung katulad mo ang mapapangasawa, swerte ko na! alam no kung bakit?! dahil may ganap ka sa buhay! may tyaga ka! masipag ka. Hindu tulad ng ex ko na panay pasarap lang ang alam! ang hangin pa! " mahaba kung sabi. Ewan ko bat ko nasabi yan. Seguro dahil sa dala na din ng alak, dahil nadin seguro sa kalasingan, pero hindi pa ako masyadong lasing.
Lumipas ang ilang oras ay nagkagaanan ko siya ng loob, inilabas ko sakanya ang sakit ng dulot ni Francis, nalaman ko din na sila lang ng kapatid niya, pero hindi ko alam kung nasaan ang magulang neto, wala kasi siyang nabanggit kung patau na sila o hindi.
Panay tawanan nalang ang namayani sa aming dalawa, imbes mag sasayaw ako sa dance floor ay nanatili akong naka ulo saay bartender, at kausapsi Elle. Pansin ko na walang customer na lumalapit sa amin, pero hindi ko na iyun pinansin, dahil masarap kakwentuhan si Elle.
Nang umuwi na kami ni Krisha ay inihatid niya kami sa bahay nila Krisha, gamit ang sasakyan daw ng bar na pinag tatrabahuan niya.
Nagyaya pa nga eto sa isang fast food na pinag eextrahan din daw niya. Diba, ang sipag niya. Kumain daw kami doon, para matikaman daw namin ang mga inaahin nila. Pero Syimpre, hindi daw libre iyon. Natawa nalang ako sa point na hindi libre. Hindi ko naman iniisip na ililibre niya kami, natawa ako sa pagbigkas lang neto. Ang cute kasi. Hahahah...
Sa sumunod na araw ay nagpunta nga kami sa fastfood kung saan niya kami pinapapunta, dahil yun din ang araw na andun siya. Siya daw ang mag sisilbi sa amin. Yun nalang daw ang libre niya sa amin.
"hhmm-!! ang sarap!" bigkas ko habang kinakain ang isang beffgarlicsteam kung tawagin, inihaw naman na karneng baka na maamoy mo ang bango ng isang garlic, at ang souce talaga ang mas nagdala dahil masarap eto.
"nagustohan neo ba?" tanong sa amin ni Elle.
"sobra! ang sarap pala." sabi namin ni Krisha.
"teka! mag trabaho kana, wag mo na kaming masyadong pag silbihan. Baka mamaya sabihin ng iba favoritism ka!" saway ko pa sakanya. Kasi, parang ayaw na niya umalia aa kinaroronan namin. Inalok ko din siyang kumain na makisabay sa amin, pero hindi daw pwede. Kaya ayon tinaboy ko nalang. Baka niyan ako pa ang maging sanhi talaga na pagkatanggal niya sa trabaho.
Bago kami umalis nag usap kami saglit, sinabihan ko siya kung kaylan siya free para mayaya naman namin siya mamayal o kumain, pasasalamat narin dahil niwellcome niya kami ni Krisha at naging kaibigan namin siya.
"kelan ka pala free? labas naman tayo minsan. Tayong tatlo ni Krisha. Wag kang mag alala treat ko." sabi ko.
"sege! bukas! sa Resort. mga hapon. Punta kayo don. Mag papa alam ako sa amo ko na dun muna tayo ng buong gabi. Total treat mo naman, ikaw nalang mag bayad nung rent." sagot niya, at pangiti ngiti pa eto.
"ayan tayo Elle! ganado sa treat!" sabat ni Krisha, pero pabiro niya etong sinabi.
Nagkamot si Elle at ngumiti eto.
"okey lang, basta wag mahal masyado." pabirong sabi ko.
"wag kang mag alala. Mahal yun, pero may kaambagan ka naman. May kasama kasi tayo." sagot niya.
"ha?! sino?!" sabay naming sabi ni Krisha.
"sakto! andiyan na pala siya." napalingon kami sa kakarating lang ng isang lalaki.
"hi!" bati niya sa amin.
"siya pala si Greg, kaibigan ko." pakilala niya dito.
"wow! may kaibigan ka pala na angat sa buhay." sabi ni Krisha.
"hindi naman! sakto lang. Wala naman ako sa class, medyo pumapantay lang sa may Class." sagot netong si Greg.
"sasama din yung kapatid kung si kaye. At yung boss ko dito sa restaurant na eto. Okey lang na sa enyo?!" sabi ni Elle.
"wow! ang saya nun! mas marami mas masaya!." masayang sabi ko.
"tama ka! mas marami mas masaya. Sa akin nalang ang beer." sabat naman ni Calvin. Ang nag mamay-ari ng restaurant na pinag tatrabahuan ni Elle.
"sege! game!!" pag payag agad namin ni Krisha.
. . . . .
Dalawang linggo na, dalawang linggo na ang lumipas simula ng mag punta kami ni Krisha dito sa Shamar. At sa loob ng dalawang linggo na iyon, masasabi kung naging masaya ako. Pansamantalang nakalimutan ko ang problema ko.
At sa loob ng dalawang linggo na iyon, nakilala at nakasamo ko si Elle. Hindi lang iyon, dahil nakilala ko din ang kaibigan niyang si Greg, at si Calvin na boss niya. Malaki pala ang utang na loob nila kay Elle dahil may ginawa daw eto sakanila na ikanapapasalamat nila. Hindi na din nila binangit kung ank ang mga iyon. Basta, yun lang ang sinabi nila na malaki ang utang na loob nila kay Elle, at sinasabi din nila na mabait si Elle, at yun ay alam ko. Wala ngang kaibigan si Elle, kami lang daw ang kauna-unhang kaibigan ni Elle na nakipag kapwa tao daw. Ewan, bat ganyan ang ibang tao. Tinitignan nila kung ano ang estado ng pamumuhay ng isang tao. Bago nila eto erespeto o kaibiganin.
Ngayon ay nandito kami sa Resort kung saan din ay nagtatrabaho si Elle. Pinayagan daw eto ng kanyang amo. At sa may malapit sa dalampasigan kami pumwesto.
May kasama pa kaming ibang babae, isang kaibigan ni Kaye na kapatid ni Elle at dalawang kaibigan ni Greg. Si Emerald at Grace ang kaibigan ni Greg. At si Fatima ang Kaibigan naman ni Kaye.
Halos magkasingtangakad lang sila Kaye at Elle akaya hindi mahahalatang magkapatid sila, at tatlong taon ang pagitan nilang dalawa.
Nag burn fire kami sa may gilid ng nerentahang bahay, sayawan, kantahan at kwentuhan ang mga ginawa namin hanggang sa mapunta sa aming dalawa ni Elle ang atensyong ng lahat.
"alam neyo?! bagy kayong dalawa!" sabi sa amin ni Grace.
"oo nga! bagay kayo!!" pang sang ayon naman ni Emerald.
Mga lasing na kaya kung ano ano na ang pinag sasabi. Tinutukso tukso na jami ni Elle tuloy.
Dala ng kalasingam dahil sa pag inum ng alak, kung ano namang katalinuhan ang naisip ng kaibigan ko at nag palaro eto.
'Truth or dare' daw.
Isang laro na ipapaikot ang bote, at pag ang bunganga ng bote ay tumapat sayo, tatanungin ka kung Truth or dare, lahat ay pwese mag tanong, basta isa kang ang dapat mag tanong o mag utos. Ang Truth ay isang katanungan na dapat walang halong keme, dapat ay totoo ang sagot mo, at ang dare naman ay isang kautusan, na dapat mong sundin.
Sa una ay nagkakatuwaan pa kami. Pero hindi nag tagal ay naging seryoso ang usapan, lalo nat nang tumapat aa akin ang bote.
"ako ang magtatanong" sabi ni Greg. "Truth or Dare?!"
"Truth!!" bigkas ko.
"mahal mo ba si Elle?" deretsong tanong ni Greg.
"mahal mo ba siya? im mean. May posibilidad ba na magustuhan mo siya kahit mahirap lang siya? o baka naman wala ka naman gusto sakanya ginagawa mo lang siyang panakip butas."
"hindi ko siya ginagamit, mahal? hindi ko alam. Posibilidad. Seguro! baka. Merong posibilidad. Hindi ko naman tinitignan ang estado sa buhay, ang importante mahal niya ako at hindi niya ako lolokohin " makapag damdaming sagot ko.
Pinaikot muli ang bote at sa akin na naman eto tumapat.
"Dare naman gusto ko!" sabi ko agad na tumatawa pa.
"maging tayo! maging tayo sa loob ng isang linggo! isang linggo lang." agad na sabi ni Elle, kaya napa lingon kaming lahat sakanya. Hindi ko alam kung seryoso ba siya o dala lang ng alak kaya niya sinabi iyon.
.
.
.
. . . . .