Episode 4
- Xyriel -
. . . . . "maging tayo. Maging tayo sa loob ng isang linggo. Kahit isang linggo lang." napa lingon kaming lahat sa sinabi ni Elle. Ano raw?! maging kami? seryoso ba siya?,
"Truth or dare diba?! at yun ang dare ko para kay Xyriel, anong tinginan yan?! laro lang eto!!" pag e-explain niya.
"ano?! kaya mo ba? kung hindi, amin na ang 20,000 peso," sabi niya at ngumiti pa eto. Doon nag sink-in sa akin na yun ang dare niya para sa akin, kasi hindi ko magawa, at pag hindi kasi magawa ang isang dare mag bibigay ka ng 20, 000 peso dun sa taong nagbigay sayo ng dare. At eto ang dare niya! ang saya! ang taba ng utak.
Nagtawanan nalang kami, kasi mukhang pare-pareho kami ng iniisip.
"wala akong 20,000 peso, kaya game ako sa dare mo!" masayang sabi ko. Anong akala niya?! maiisahan niya ako!
Napa ngisi pa ako, dahil may idea ding pumasok sa isip ko.
"game ako! dalawang linggo!! sa loob ng dalawang linggo ang sumuko sa atin ay siyang mag bibigay ng 20,000!! " sabi ko. Na ngisi talaga ako. Yakang yaka ko to. Maging kami, tsk! easy!!
"deal!! " payag niya agad! nanganga ilangan talaga.
"teka! teka! teka!! " singit na sabi ni Calvin. Kaya napalingon kami sa kanya.
"mukhang masaya ang laro neyo! makiki sali ako!" sabat pa niya.
"ha?! anong makikisali?! ano un? makiki pag third party ka?!" singhal naman ni Krisha.
"hindi nuh! ano ako kabit? ni-no? ni Elle o Xyriel?! ayoko maging kabit nuh!!" denay na sabi ni Calvin.
"saan ka naman makikisali?!" sabat naman ni Emerald.
"sa pustahan nila!" agad na sagot ni Calvin
"diba nga, sa loob ng dalawang linggo, ang umayaw ay siyang mag babayad ng 20,000! kaya ako, pupusta din ako. Syimpre, dapat kung maging sila sa loob ng dalawang linggo dapat yung makatotohanan naman. Ganito, ang mag kasintahan may kissing scenes, bawat kissing scenes mag bibigay ako ng 1,000 ." paliwanag ni Calvin.
At kung ano naman ang pumasok sa isipan ko ay bigla kung hinatak sa batok si Elle at hinalikan eto sa labi. Ng humiwalay ako sa pagkakahalik kay Elle, nakita ko na namilog ang mga mata ng mga kasama ko. Lalong lalo na si Elle.
"1500 pag sa lips! come on! give me 1500!!" ngising sabi ko. Napanganga sila, at nagkamot naman sa ulo si Calvin at inabot sa akin ang 1500.
"mukhang yayaman ako dare na to!" masayang sabi ko.
"teka lang Xyriel!! hindi pa ako tapos mag explaine!" sabi ulit ni Calvin.
"tayo tayo lang ang nakaka alam na dare lang ang pagiging kayo. Hindi pwede malaman ng iba na dare lang ang lahat mg eto. Sa oras na malaman ng iba nag dare lang eto, kayo ang mag babayad sa amin ng 20,000! tig 20,000 kayong dalwa. so! 40,000 lahat ang dapat neyong ibigay sa amin. Pag hahatian namin yun!" paliwanag pa niya.
"Deal ako! my twist para exiting!! dapat sa harap ng publiko ma paniwala neyo na kayo talaga, sa bawat eksena na hindi kapani paniwala ay mag bibigay kayo ng 1500." singit na sabi ni Grace.
"deal!! easy lang yan.. Basta ha! pag nagawa namin eto sa loob ng dalawang linggo yung 20,000 ko." payag na sabi ni Elle.
Nangangailangan talaga ang lalaking eto. Gaano ba siya kahirap.
Sege! wala namang mawawala. Para makalimutan ko pansamantala ang sakit na nadarama ko, dahil sa pangloloko sa akin ni Francis.
.
.
.
Sa loob ng dalawang linggo, naging kapani-paniwala ang pag-papa-panggap namin ni Elle bilang magkasintahan, inaaliw ko rin kasi ang sarili ko, ginagawa ko ang lahat para makalimot pansamantala. Isang buwan! isang buwan at mahigit ang binigay sa akin ng magulang ko para maka break, pero pagdating ng isang buwan at mahigit, wala na akong magagawa, dahil sa ayaw at gusto ko, matutuloy parin ang kasal namin ni Francis. Kaya susulitin ko na. Andito na eto eh!.
"Grabi! talagang kina-rer neyo ang pagiging kunwaring magkasintahan! nangangailangan lang?! " sabi ni Grace. Ngayon ay andito kami sa beach kung saan nag tatrabaho si Elle, dalawang linggo na, ibig sabihin eto narin ang huli naming pag papa-pangap, dito na din nagtatapos ang sinimulan naming laro.
"teka! yung 20,000 ko pala, tapos na ang laro sa araw na eto, so?! ano na?! pasensyahan na, walang personalan nangangailangan lang ako. Alam neyo naman." sabi ni Elle.
"Tama! nangangailangan din kami ng kaibigan ko ang pera, wala na kaming pamasahe pabalik sa amin." pang sang-ayon naman ni Krisha.
"korek!! ang usapan ay usapan!" pang sang ayon ko narin.
"sege na! sega na!" sukong sabi ni Calvin.
At ang napag usapang presyo ay binigay sa amin ni Elle.
Lumipas ang ilang oras, lahat kami ay mga panay lasing na. Nagkakantahan kami kahit walang musika, sumasayaw, sinasabayan ang bawat pag palakpak. Para kaming mga nakawala sa hawla.
"dapat, may kasalang magaganap, naging sila ng kunwari, di dapat magpakasal din sila kunwari, para sa ganun ay i-cecelebrate tayo! di tuloy tuloy ang celebration!!" lasing na saad ni Krisha.
"hay! ano ba naman yang pinag sasabi mo bestie!! kahit magpakasal kami ni Elle ngayon, wala din kasi wala namang pari!" sagot ko.
"oo nga noh! boring na, tara mag saya tayo! kunwari nalang na ikakasal si Elle at si Xyriel! ako ang made of honor!" sabi ni Grace.
"ha?! ako dapat ang made of honor!" reklamo ni Emerald.
"teka! hindi dapat kayo, ako! ako dapat kasi ako ang bestfriend niya." sagot naman ni Krisha.
"alam ko na, kayo nalang ang flower girl Grace at Emerald." Sabi ni Greg. At nagtawanan sila. Si Emerald naman ay sinabunutan niya si Greg. Dahil sa inis neto.
"tara na! ano pa hinihintay natin dito, hanap na tayo ng pari para maikasal na tong dalawa. Sagot ko na ang inuman. Doon tayo sa bar! para mas masaya!" saad namn ni Calvin.
"tara!!" sagot naman ang lahat.
Wala na din akong nagawa sumama narin ako, maghahanap daw kami ng kunwaring pari. At kunwari din kaming ikakasal.
Hindi ko namalayan na nasa harap na pala kami ng simbahan.
"teka lang! akala ko ba kunwari lang bakit nasa simbahan na tayo?" pag tatanong ko.
"ano kaba! kunwari nga lang, walang magkakasal sa inyo ni Elle sa ganitong oras, diba sa pelikula, sa simbahan sila kinakasal, sa totoong simbahan, pero hindi naman totong pari! kasi nga diba kunwari lang." paliwanag sa akin ni Calvin.
"eh! sino ang mag kakasal sa amin?" pagtatanong ko pa.
"ako na! dali na." sagot ni Greg. "at si calvin nalang ang tatayong tatay ni Elle." dugtong pa niya.
Mi nake-upan ako ni Grace, ewan ko ba sa mga eto, kunwari lang naman pero eto sila parang totoo. Ang magaling kung kaibigan, ayun kasama si Emerald at naghahanap ng bulaklak.
Pumasok kami sa loob ng simbahan, naka switch naman ang ilaw sa loob. Sa may gilid kami dumaan dahil bukas iyon. Nag tungo kami sa may malaking pintuan pero sarado iyon. Pumwesto kami doon, at maglalakad patungo sa altar, tulad ng ginagawa talaga ng isang ikinakasal.
Nauna na ang dalawa, nanguna na sina Grace at Emerald na nag lakad. May pa petals petals pa silang nlalaman na itinatapon iyon sa bawat dinadaanan nila. kinarer nila ang pagiging flowergirl talaga. At eto namang kaibigan ko sumunod narin na nag lakad, pasuray suray pa eto, dahil narin sa kalasingan.
Sumunod narin ako na naglakad papunta sa altar, tulad nila Emerald, Grace at Krisha ay pasuray suray narin ako sa paglalakad. Tumatawa tawa pa ako, dahil sa kalokohang nagaganao.
Pero, ewan ba! dahil sa nagaganap ngayon, hindi ko narinig na nagsalita si Elle. Pero binaliwala ko nalang iyon.
Nagtaka pa ako na hindi si Greg ang nasa harap. Akala ko ba si Greg ang mag kakasal sa amin.
Pero pinang sang walang bahala ko nalang iyon, baka namamalik mata lang ako. Baka dahil sa kalasingan kaya hindi ko na makilala ang nasa harapan ko na kunwaring mag kakasal sa amin ni Elle.
Natatawa pa ako, dahil may alam talaga sa pag sesermon tulad ng pari sa kasalan ang lalaking nakatayo ngayon sa harapan namin. Pero napapa iling nalang ako.
Meron pa nga akong pinirmahan na papel, pero parang ordenaryong papel lang ang tingen ko sa mga papel na iyon. Kaya binaliwala ko nalang.
Natapos ang pag sesermon nung lalaki, at nagpalakpakan naman ang kasamahan namin. Walang naganap na halikan dahil kunwari lang naman iyon.
Pagkatapos ng kasal kasalan na iyon, tulad ng sabi ni Calvin. Nagtungo kami sa bar, at doon ng celebrate.
"mabuhay ang bagong kasal!!" sabi nila. At nag tawanan pa kami.
Dahil sa kalasingan narin, hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinalikan ko si Elle. Wala na akong naririnig sa paligid ko, kundi ang mga hiyawan nila.
Ni, hindi ko nga alam kung paano ako napunta sa isang mamahaling condo.
Oo, hindi ko na alam ang kasunod na nangyari, dahil pag gising ko narito na ako sa isang condo at katabi si Elle, pero take note. Hindi ko lang siya basta katabi dahil,.pag gising ko ay hubad ako. Pero hindi namam totally hubad, naka suot ako ng bra at naka suot ako ng panty at naka short ako ng maiksi.
Acting lang ang pagsigaw sigaw ko. At feeling nakuha ang virginity ko. Pero hindi naman. Dahil pinakiramdaman ko ang sarili ko at wala naman akong naramdaman na kakaiba. At etong si Elle, ay prinaning pa ako dahil naki join pa sa kalokohan at sinasabi niya na isipin ko daw kung ano ang dapat ginagawa ng bagong kasal.
"kasal??! hibang ka ba? hindi totoo ang kasal. Dare lang yun! saka para saan pa yun?! aakia na kami sa susunod na araw!" masungit na sabi ko. Nakasakay kami ngayon sa bus patungo sa bahay nila Krisha. Kami lang dalawa. Aawayin ko ang babaitang yun pag dating ko. Dahil iniwan niya ako. Humanda siya.
"sayang 20 000 pag diko pinatos ang kunwaring kasalan natin, saka libre yung condo noh! kaya wagkang magtaka. Saka sumakasy ka nga lang sa trip nila. Saka mag oo ka lang ha! para makuha natin ang 20 000 !" sabi ni Elle. Aba! natuto na siyang mag salita ng mahaba. At kung kailan malapit na kami umalis saka namam siya natutong maging pilyo masyado.
"hindi ko kukunin ang 20 000 noh! kung gusto mo, sayo na! ayokong sumama sa trip mong nakaka badtrip!" inis na sabi ko. Pero tumawa lang siya.
---
(end of flashback)
.
.
.