Episode 2
-Xyriel-
Hindi ako pumayag sa gusto ng bestie ko. Ayoko nga lumayo sa pamilya ko. Ayoko nga itakwil ako tapos kakausapin ko ang antipatikung Elle na yun! no way! ayokong maki pag tanan, parang itinatakwil ko ang sarili ko nun, pag ganon.
'hayyy!! mamamia!! take me! someone help me??! '
Nasa loob ako ngayon ng aking kwarto. Nag kukolong, ayaw kung lumabas, sesermonan lang ako ng mommy ko, kahit ganyan sila sa akin ay mahal na mahal ko parin sila, kaya ayokong lumayo sa kanila. Sa aming pamilya si kuya Xyvien lang ang nakaka unawa sa akin. Wala namang problema kay kuya Xyvien at sa asawa neto, mabait si ate Alice, siya din yung tipong laging sumusunod sa utos, pareho sila ni Kuya Xyvien na walang magawa sa kalagayan ko dahil naka base din ang galaw nila sa magulang namin at magulang ni ate Alice. Ayaw nilang suwayin ang kung ano man ang ipag uutos nila. Kung may magagawa nga lang daw sila para pigilan ang kasal ko mula kay Franciss gagawin nila, kaso natatakot din sila sa pwedeng mangyari sakanila pag naki alam sila, ngayong naka kapit parin sila sa kani kanilang magulang, umaasa pa sila sa magulang namin at magulang ni ate Alice.
Si kuya Xybie naman, hindi ko alam kung itinuturi ba niya akung kapatid, lagi nalang mainit ang ulo niya sa amin ni kuya Xyvien. At isa din siya na nag pu-push sa akin na ikasal kay Francis, naka pasok kasi si kuya Xybie sa kompanya nila Francis, at kaibigan naman ni ate Soffie ang pinsan ni Francis, kaya madalas na malditahan din ako ni ate Soffie, asawa siya ni kuya Xybie. May isang anak sila kuya Xyvien at ate Alice isang babae na nangangalang Alexa, ganun din sila kuya Xybie at ate Soffie may anak din silang isa, at babae din eto. At eto ay si Cassandra. Mas malapit sa akin si Alexa kesa kay Cassandra, malamang kapareha niya ng ugali ang ina niya.
'bakit ba ganito ang kapalaran ko!'
Pangarap ko na mag karoon ng sariling pamilya at pag nag karoon ako ng anak bibigyan ko sila ng kalayaan. Para nang saganun ay hindi nila maranasan ang naranasan ko. Mamahalin ko sila, kaso ayokong mag karoon ng sariling pamilya kay Francis, ayokong maging miserable ang buhay ko. Lalo na ang magiging anak ko.
'hay! iniisip ko palang, kinikilabutan na ako.!'
Sa pag isip isip ko, biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
"ma'am, pina patawag ho kayo ni madam." sigaw ng katulong namin mula sa labas nh kwarto ko.
"bakit po ba?" paos na sabi ko. Alam ko na naman yan ey! segurado ako ipipilit niya na maki pag date ako kay Francis, ayoko nga!! tukmol na yun! hayop siya! mang loloko! babaero!! paraan ko lang ipapaos ang boses ko para idahilan na masama ang pakiramdam ko.
"hindi ko po alam ma'am." sagot niya.
"sabihin mo masama ang paki ramdam ko." sabi ko ulit sa paos na boses.
Narinig ko eto na naglakad paalis. Kaya sinimulan ko na ang pinag babawal na tiknik. Ipinahid ko sa ulo ko ang isang mainit na likido, ipinahid ko din eto sa paa at kamay ko. Pagkatapos nilakasan ko ang aircon ng kwarto ko at Pinatakan ko din ng eyedrop ang mata ko para mamula eto. Saka ako higa at nag kumot, kinumutan ko ang buong katawan ko para maging mainit ang katawan ko para umepekto ang pagiging masama ang pakiramdam ko.
Maya-maya ay may narinig na ako na papalakad papunta sa kwarto ko. Kaya nag panggap ako na tulog. Narinig ko nalang na bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Segurado ako na kasama ng katulong namin ang mommy ko.
"Allyzea Xyriel!! bumangon ka diyan at may pupuntahan kayo ni Francis!" sigaw ng mommy ko. Pero tanging ungol lang ang sinagot ko. Alam ko na umaapoy na naman sa galit ang mukha ng mommy ko. Segurado ako na lumalaki na naman ang butas ng ilong nito. Kung dragon lang siya, tiyak ko na kanina pa niya ako binugahan ng apoy.
"Xyriel!! ano ba!!" sigaw niya ulit.
Unti unti akung bumangon at hinawakan ko ang ulo ko na kunwari masakit eto.
"masama po pakiramdam ko." paos ko na sabi.
Hinila ni mommy ang kumot na naka balot sa akin, at nakita niya ang pag pawis ng buong katawan ko, kasabay ng ma mulang mulang mata ko. Kinapa niya ang noo ko. Tinignan niya ako ng masama dahil napagtanto niya na mainit ako.
"hindi pa tayo tapos Xyriel!!" sabi niya at hinagis niya ang kunot sa akin, saka sila lumabas.
Pag ka labas nila, huminga ako ng malalim. Saka sumimangot.
'im sorry mom!' sabi ng isip ko.
Lumipas ang ilang oras ay nakita ko sa bintana ng aking kwarto na umalis ang sasakyan ni mommy, kasama ang mga bodyguard neto. Kumilos ako, inayos ko din ang gamit ko. At saka naligo. Ayaw ko din mag mokmok buong araw dito, lalabas nalang ako. Iistorbohin ko nalang ang bestie ko.
Nang matapos akung maligo nag bihis ako, isang simpleng dress ang sinuot ko, kulay orange eto at plain lang ang eto walang ka design design, at pinaibabawan ko eto ng isang long sleve na maong na hanggang dibdib lang sakop, at nag suot ako ng sandals na kulay puti na mababa lang ang hills.
Tinali ko ang buhok ko pero kalahati lang itinali ko na buhok ko. At nag ayos ako ng kaonte, curly ang style na buhok ko na hanggang balikat ang haba. Maputi naman ako, medyo matangos ang ilong at pagka kulay asul ang mga mata ko.
Pagkatalos kung makapag ayos, lumabas ako ng aking silid. Bumababa ako, at pag kababa ko nakita ko si nanay Luz, siya ang nag alaga sa akin mula bata ako hanggang ngayon ay andito parin siya, siya ang nag aalaga ngayon kay baby Alexa. Nanay ang tawa ko dito. Hindi na kasi iba sa akin si nanay Luz, itinuri niya akung anak at ganun din ako, itinuti ko siyang parang ina. Hindi rin siya pabor sa gusto ni mommy, pero tulad ng iba wala siyang magagawa.
"ikaw bata ka! ginawa mo naman ang ipinag babawal na tiknik noh!" bungad niya sa akin. Ngumiti ako sakanya at niyakap siya.
"nay! dating gawi!" sabi ko.
"hay naku! ano pa nga ba?! ayokung mapahamak ka! eto nga lang ang maitutulong ko ey! oh! siya lakad na baka mahuli kapa sa pupuntahan mo." sabi ni nanay Luz, at hinaplos haplos niya ang likod ko. Kumawala ako sa pagkakayakap sakanya.
"thank you!!" pasasalamat ko kay nanay Luz. Dahil sa kahit maliit na bagay man lang ay tinutulungan niya ako.
Hindi iba sa amin si nanay Luz, dahil matalik na kaibigan ni mommy si nanay Luz, ewan ko nga ba at bakit tila nag bago si mommy sa pakikitungo sakanya, pinsan din siya ni mommy, at iginugol ni nanay Luz ang oras niya, panahon niya sa amin. Ni hindi na niya siya naka pag asawa at bumuo ng sariling pamilya. Ulilang lubos na si Nanay Luz. Namatay daw ang magulang ni nanay Luz nong bata pa siya, kaya kinopkop siya ng pamilya ni mommy, pinag-aral at ibinigay ang pangangailangan niya, hanggang sa accidente na nabangga ang sinasakyanan ng mga magulang ni mommy kasama dun si nanay Luz, pero maswerteng nakaligtas si nanay Luz dahil iniligtas siya ng ina ni mommy, isinara ng ina ni mommy ang katawan niya kay nanay Luz para maprotektahan eto mula sa pagka bangga ng kanilang sasakyan at para din hindi matalsikan o mabagsakan ng kung ano. Bago daw nabawian ng buhay ang mga magulang ni mommy ay ibinilin sakanya si mommy na huwag pabayaan eto, kaya nangako siya na hinding hindi niya iiwan at aalagaan niya si mommy. Panganay si nanay Luz kay mommy ng tatlong taon kaya ng makapagtapos si nanay Luz ay nag trabaho eto at pinag aral si mommy sa gusto niya eskwelahan, hanggang sa makapag asawa si mommy ay hindi iniwan ni nanay Luz si momny, kahit na malamig ang pakikitungo niya dito naging tapat si nanay Luz kay mommy. Alam ni nanay Luz na isinisisi parin ni mommy ang pagkawala ng magulang ni mommy kay nanay Luz. Pero kinakaya niya dahil nga nangako siya. Kahit ganyan daw si mommy sakanya alam niya mahal niya din eto dahil kung hindi hindi siya neto patitirahin sa mansion at ipa alaga sakanya kami. Kahit alalay kung tawagin sa paningen ng iba ang paninilbihan ni nanay Luz kay mommy, kay nanay Luz naman ay isa etong paraan ni mommy daw para ipakita na mahal niya eto. Hindi naman basta basta katulong si nanay Luz sa amin taga pag alaga lang siya sa amin, at ni hindi siya inuutusan ni mommy na gumawa sa gawaing bahay, nag kukusa lang si nanay Luz, kung iiisipin isa siyang mayordoma sa bahay.
"mag ingat ka ha!" bilin pa niya sa akin.
Ngumiti ako at nag paalam na. Kumaway pa ako sakanya.
May sarili akong sasakyan pero hindi ko eto ginagamit pag umaalis ako. Nag cocomute ako. Mas maganda kasi mag comute, lalo na kung sa pang publikung sasakyan ka sumakay, tulad ng tren or bus.
Tulad nga nang nasabi ko, nag commute ako, at sa tren ako sumakay, papunta sa bahay nila Krisha. Pagkarating ko sa San Anthonio, sumakay ako sa bus para makarating sa mismong bahay nila.
"besssss!!" tili ni Krisha ang sumalubong sa akin pagkarating ko sakanila.
"ang sarap mo talaga'ng gawing alarm clock! alam mo ba yun?!" pag rereklamo ko.
"buti nalang at andito kana. Tatawagan sana kita eh!" sabi niya.
Pumasok kami sa loob ng bahay nila Krisha. At tumungo sa sala nila, umupo kami sa sofa nila. Hinarap ko eto,
"bakit ba?! bat mo balak tawagan ako?" pagtatanung ko.
Iniabot niya sa akin ang isang puting sobre.
"dahil diyan!"
"ano naman to?! sa akin ba'to?!" takang tanong ko.
"opo! pangalan mo ang nakasulat, pero ang pinag tataka ko lang kung bakit naka address sa amin yang sulat na para sayo."
Tinignan ko ang sobre, at nabasa ko nga na pangalan ko ang nakalagda doon, pero kila Krisha naka address.
"dali!! buksan muna, basahin natin ang naka sulat. Kanina pa ako na co-curious eh! kung anong laman! dali!" pang mamadaling sabi ni Krisha.
"exited masyado?! chesmosa lang?!" sabi ko. Ngumiti lang eto sa akin.
"teka lang kukuhanan kita ng maiinum." alok niya.
"kanina kapa sana nag alok." mataray na sabi ko.
Umalis si Krisha at nag tungo sa kusina nila. At saka ko naman binuksan ang sobre.
Lumaki ang mga mata ko, napa nganga ang bibig ko, dahil sa nabasa ko. Bigla kung itinupi ang laman ng sobre. Huminga ako ng malalim. Umiling-iling pa!
'hindi eto maari! hindi eto totoo!' tanging sabi ko sa sarili ko.
Binuklat ko ulit ang laman ng sobre. Lumaki ulit ang mata ko at napa nga-nga ako.
"aaaahhhh!!" napasigaw nalang ako sa nabasa ko. Bigla namang nataramtang dumating si Krisha.
"oh?! bkt? anong nangyari sayo?! bat ka napasigaw?!" tarantang tanong ni Krisha.
Tumingin ako sa kanya, at inabot ang laman ng sobre. Pagkabasa niya, lumaki din ang mga mata neto. Nagka tinginan kaming dalwa at sabay naoa sigaw.
"aaahhhhhh!!"
"best friend! best friend!! aahh!!" pag sisigaw ni Krisha, pero masaya pa eto.
"oh?! bat masaya ka pa?! hindi mo ba alam na ikaka gunaw ng mundo ko eto!" sabi ko.
"aahh!!" tili niya. "ano kaba bestie! eto na ang sagot sa problema mo!"
"Ha?! paanong naging sagot to ha?!" takang sabi ko.
Paano ba magiging sagot sa problema ko ang laman ng sobre?! isa etong gulo. As in big big trouble!!
"malalagot ako pag nalaman eto ng pamilya ko. Mapapalayas ako!!" sabi ko.
"eto! uminun ka muna nga!" alok neto.
Ininum ko naman ang juice na bigay niya sa akin.
"bestie!! mapapalayas kalang, hindi ka itatakwil!!" sabi ng kaibigan kong loka loka.
"ano bang pinag sasabi mo?! palayasin man ako o itakwil, parehas lang din iyon!" reklamo ko.
"atles hindi mo na kailangang mag pakasal kay Francis!" taas noo niyang sabi.
Napahinto ako sa sinabi ni Krisha. Tama nga siya, hindi na matutuloy ang kasal namin ni Francis dahil dito. Pero paano ang pamilya ko?! paano si mama?! paano na ang buhay ko? Segurado ako na papalayasin ako sa amin pag nalaman nilang kasal na ako sa iba. Segurado ako na itatakwil nila ako, itatakwil ako ng buong angkan namin. Itatakwil ako nila mama at papa. Paano na ako?! isang malaking gulo eto. Bakit?? paano nangyari to?! paano ako kinasal?.
Tinitigan ko ang papel na hawak ko. Hindi ko masasabi na peke eto na gagawa lang eto, dahil bawat naka detalye dito ay totoo. At etong hawak ko ay isang orihinal na mag papatunay na kasal ako kay Elle Gilledo.
Naputol ang pag iisip ko ng may nag doorbell sa bahay nila Krisha. Tinignan naman ni Krisha kung sino iyon.
"Para po kay Ms. Allyzea Xyriel Manansala" dinig ko na sabi ng isang lalaki mula sa labas ng bahay nila Krisha. Dahil sa kursunidad ko, kung sino ang nag nasa labas, at kung ano yung ibibigay niya sa akin. Lumabas ako, nakita ko na may hawak si Krisha na envelope, pumipirma eto sa papel na hawak nung lalaki. Pagkatapos neto pumirma ay umalis din agad ang lalaki sakay sa isang motorsiko.
"oh! delevery na naman, para daw sayo!! nag tataka lang ako bat, sa address ng bahay namin naka address ang bawat delever sayo?!"
Inabot sa akin ni Krisha ang envelope na hawak niya na galing daw dun sa lalki kanina. Denilever daw para sa akin. Pumasok kaming dalawa sa loob at umupo.
"Bestie! buksan mo na!" masayang sabi ni Krisha. Excited lang!.
Binuksan ko din ang envelope, sabay din naming tinignan ni Krisha ang laman neto, sabay pa kami na napatingen sa isat isa matapos naming mabasa ang laman. Isa etong mga papel, hindi lang iisang papel, marami iyon, yun angblaman ng envelope, ero sapat na ang isang papel na nabasa namin ni Krisha para malaman kung ano ang naka saad sa mga papael.
"aahhhhhhhhh!!" sabay tili naming dalawa. Ako, tiling hindi makapaniwala sa naka sulat, pero ang kaibigan ko tiling parang kinikilig pa at tuwang tuwa sa nabasa.
"yeeeehhheeyyy!! hindi na talaga matutuloy ang kasal!" nagtatalon pa sa saya si Krisha.
Pero eto ako, hindi maka paniwala sa lahat ng nangyayari. Hindi maipinta ang mukha ko. Sari saring expression na mukha ang ginawa ko.
"hindi nila pwedeng malaman eto! kailangan kung gumawa ng paraan." sabi ko nalang bigla.
"ha?!" takang sabi ni Krisha, at nawala ang saya niya sa sinabi ko.
"samahan mo ako. Kailangan nating mahanap si Elle. Bago pa malaman ng pamilya ko. Kailangan mawalang bisa ang kasal namin bago pa malaman ng pamilya ko." seryosong sabi ko kay Krisha.
"ha?! ba-bakit pa?! eto na yun Bestie! eto na yung sagot mo, hindi mo na kailangan mag pakasal kay Francis."
"itatakwil ako ng pamilya ko. Hindi lang sila ang mag tatakwil sa akin, pati na ang buong angkan namin ay itatakwil ako!" tarantang sabi ko. "ayokong mawalay kila mommy at daddy. Ayokong itakwil nila ako. Oo! ayokong mag pakasal kay Francis, pero ayoko din na itakwil ako! paano na ako?! paano ang buhay ko?! seguradong magiging isa akung kahihiyan sa buong angkan namin!" mahabang sabi ko, at naiiyak narin ako.
Niyakap ako ng kaibigan ko.
"bestie! andito ako, andito ang pamilya ko. Hahayaan mo nalang ba na maging sunundsunoran ka sakanila?! eto na ang pagkakataon mo." paliwanag sa akin ni Krisha.
Hayyy!! anong gagawin ko!!
.
.
.
.
.