Episode 1

2099 Words
Chapter 1 Ako si Allyzea Xyriel Manansala, Xyriel ang madalas na itawag nila sa akin. 26, of age at nakapag tapos sa kursong business add. Actually, hindi yan talaga ang gusto kung kunin na course ko. Kaso yan ang gusto ng magulang ko at ang lolo ko. Pero kung ako ang masusunod gusto ko mag pinta. Mag drawing, art kasi ang hilig ko pero ayaw ng magulang ko. Kaya sinunod ko nalang ang gusto nila. Nag iisa akong anak na babae. Tatlo kaming magkakapatid at ako ang bunso. Isang mayaman na pamilya ang Manansala. Pina mumunuhan neto ng aking lolo ang Manansala corporation. Seguro nasa class B lang ang angkan namin, nasa pangatlong baytang lang ang bilang namin, kasama sa pangatlong pangkat ang Manansala sa mayayaman dito sa lugar namin. Hindi ang Manansala ang pinaka mayan dito sa lugar namin. Kundi ang Guillermo family, sila ang top 1sa lahat ng nangungunang pinaka mayaman dito sa lugar namin, dahil ang Guillermo din ang mayaman sa iba pang bansa. Kaya gusto ng angkan namin ay maka pangasawa ako ng mas higit sa aming angkan. Dahil sa bunsong anak ng lolo ko ang dady ko, nasa amin ang pleasure. Nasa amin ang tingen. At nasa akin ang atensyon nila. Hindi lang naman ako ang babae sa angkan namin meron pa, lima kaming babae sa angkan namin na magkasing edad na wala pang asawa. At dahil sa nag iisa nga akong anak na babae ni daddy malaki ang expectation nila sa akin. Buong buhay ko naka base sa sinasabi nila. Bawat kilos ko ay sila ang kumo control. Tulad nga sa kursong tinapos ko, yun ang gusto nila. At ngayon, gusto ng magulang ko ay maka pangasawa ako ng mas higit sa amin, mas mayaman sa amin. Para daw sa amin ipamana ng lolo ko ang kompanyang Manansala corporation. Yun kasi ang habili ng lolo ko. Kung sino ang mas hihigit na makaka pangasawa ng mayaman sakanya niya ipapamana ang Manansala corporation. Kaya, ayun. Ang magulang ko din ang naghanap ng magiging asawa ko. At pinag kasundo kami ni Francis. Si Francis Allaya, anak ng may ari ng hotel na Allaya hotel, pag mamay ari din nila ang Allaya resort, at iba pa. Ang angkan nila ay naka bilang sa pangalawang pangkat na mayaman sa lugar namin. Kaya ayun, botong botong silang lahat sakanya. Gwaponaman si Francis, maputi, maangas tignan, matipuno, maaalintulad kay Richard Gutierez ang pagmumukha niya. Nan ligaw naman siya sa akin, pero magulang ko din ang sumagot dito. Kahit hindi ko siya sagotin alam naman namin na pinag kasundo na kami na ikasal. Pero may ugali siyang pinaka ayuko. Ang pagiging babaero neto at kayabangan kagi ang alam. Oo kami. Oo naka takda kaming ikasal, hindi ko din alam masasabi na napamahal ako sakanya, dahil nga diba kami at tinakda kaming ikasal, natural lang na mag selos ako at magalit, natural lang din na eenarte parin ako. Kahit hindi ko siya gaano kamahal, dahil sa kami ay pinag kasaundo syimpre labis parin akong nasaktan ng makita kung may kahalikan siyang iba. Hindi lang iyon, minsan ko na din siyang nakitang nakikipag talik. Hindi pa kami mag asawa tapos ganun na siya, paano pa kaya kung mag asawa na kami talaga. Nagalit ako ng husto sa ginawa niyang pangloloko sa akin syimpre nasaktan fin ako. Dahil sa anim na buwan naming magkasintahan may araw na na naging mabuti ang pakikitungo niya sa akin. Nung mga araw na nag sisimula palang kami ay maganda naman ang ipinapakita neto sa akin. Pero ng hindi ko maibigay ang gusto niya, ayun na. Lumabas ang tunay niyang ugali. Nag sumbong ako sa pamilya ko, pero hindi nila ako kinampihan, kasalanan ko pa daw, dahil hindi ko raw ibigay ang nais ni Francis, mag papakasal din naman daw kami ni Francis kaya natural lang daw na ibigay ko ang nais niya, dahil dun din daw kami papunta. Naki pag break ako kay Francis, para sa akin wala na kami. Pero wala na talaga akung kalayaan sa pamilya ko. Dahil kahit wala na kami ni Francis, itinuloy parin nila ang pagpapakasal namin ni Francis. Sila na ang nag organize. Pero hindi ako nakiki sama. Tatlong buwan nalang ang nalalabi at kasal na namin ni Francis. "ma! kailangan ba talaga ituloy ang kasal namin ni Francis? ma ayoko!" reklamo ko kay mommy. Kasalukuyan akong nag susukat ng wedding dress ko. Hindi sana ako sasama, kung ano ano na ang dinahilan ko pero, wala akong nagawa. Dahil pinag bantaan ako na itatakwil pag hindi ako sumunod sa kanila. "Xyriel! ano ka bang bata ka. Andiyan na yan. Saka! malaking uportonidad na makasal ka kay Mr. Ayalla, Giginhawa ang buhay mo. Magiging masaya ka. Lahat ng gusto mo makukuha mo." sabi sa akin ni mommy. "ma! mag dudusa lang ako pag nag pakasal ako kay Francis. Alam neyo po naman na napaka babaero po nun." Kinurot ako sa tagiliran ni mommy, "kasalanan mo yan kung bakit nang bababae si Francis, dahil hindi mo magawang ibigay ang gusto niya. Pasalamat ka nga at kahit ganun ang ginawa mo itinuloy niya ang pag papakasal sayo." Namaywang pa si mommy, at tinaas pa ang kilay neto, at sabing "pasalamat ka din at sa akin mo namana ang kagandahan mo. Buti at maganda ka. Buti kamo at patay na patay sayo si Mr. Ayalla, kung hindi! malilintikan ka talagang bata ka!" Sumimangot na lang ako at gustong pumatak ang mga luha ko. Minsan, iniisip ko na mahal ba nila talaga ako. Iniisip ba nila talaga ang kapakanan ko. Parang kasi, tanging yaman lang ang iniisip nila. "mommy! nakita ko po pala si Hanna at Francis na nag hahalikan," malumanay kung sabi, hindi ko alam kung bakit sinabi ko pa iyun. Alam kung hindi naman nila ako papakingan. Lumaki ang mata ni mommy at butas ng ilong neto, alam ko na, nagagalit o naiinis na naman eto. Biglang hinablot ni mommy ang braso ko, "anong ginawa mo?! yan na nga sinasabi ko sayo. Seguradong nilalandi na naman ng Hanna'ng yun si Mr. Ayalla, inaahas na naman yun. Yang pinsan mo na talagang yan, naku!! ang sarap tirisin na parang kuto! kaya ikaw! wag kang mag papatalo sa Hanna na yun!, isuko muna ang p********e mo! habang maaga pa! wag ka ng mag enarte! wag mo nang hintayin yang pagkatapos ng kasal, dapat ngayon din! ngayon din, isuko mo na sakanya, ipa ubaya mo na kay mr. Ayalla, ibigay mo na ang hinihingi niya! bago pa maakit ng Hanna nayun!" Naiinis na talaga ako sa pamilya ko. Ano ba talaga ako sakanila! hindi ba nila ako ipag tatanggol man lang? hindi ba nila aalamin kung ano ang nararamdaman ko. Wala na ba silang paki alam sa akin. . . . . . . . . . "tuloy na tuloy na ang kasal, hindi naba mapipigilan? wala nabang ibang paraan??!" reklamo ko sa kaibigan ko. Andito ako ngayon sa bahay ng kaibigan ko. Hindi nila alam ng pamilya ko tungkol sa kaibigan ko. Hindi nila alam ang tungkol kay Krisha, Isang simpleng tao si Krisha, hindi siya o sila ng pamilya niya kabilang sa mga tatlong pagkat na mayayaman. Isang simpleng mamayanan lang sila. Nakilala ko siya nung nag aaral pa ako sa college. Isang schoolar si Krisha sa kolehiyong pinapasukan namin. Inilihim ko sa pamilya ko ang tungkol kay Krisha, dahil nung minsan ko to ipinakilala sa pamilya ko bilang kaibigan ko, nilait lait lang siya, pero ipinag tanggol ko naman siya. Buti lang ang sadyang napaka bait niya, pati ang pamilya niya. Hindi sila yung tipong mangagamit, hindi sila yung tipong kinaibigan lang ako dahil sa may kaya ang pamilya ko. Sa tuwing andito ako sa kanila, ni pisong dulong hindi niya ako pinag gagastos. Ilang taon na din kami na mag kaibigan, at masasabi ko na mas sila pa ang itinuri akong pamilya. "may alam akong paraan?!" sagot agad neto. Bigla sumaya ang mukha ko sa sinabi niya. Nabuhayaan ako ng loob. "talaga?! ano naman yun?" masayang tanong ko agad sakanya. "si Elle." agad din niyang sagot. Natahimik ako sa sinabi niya, hindi ako nakapag salita. si Elle? ano naman ang kinalaman neto? "natahimik ka bigla?? ano? nakapag plano kana ba?" biglang basag ni Krisha sa biglang ikinatahimik ko. "ano naman ang magagawa ni Elle?" sabi ko. At sumimangot ako. "hindi siya mayaman tulad ni Francis, saka mas may kaya kapa dun kesa sakanya. Anong sasabihin ko sa pamilya ko?! segurado ako na lalaitin din siya. Anong magagawa niya?!" "mukhang pera kasi yang pamilya mo. Kung ako lang sana ang pinaka mayaman sa mundo, bibilhin kita sa kanila. Hindi ka kasi nababagay sa pamilya mo." deretsahan netong sabi. Yan si Krisha, palaban. Deretsahan, pero kahit ganyan pa ang sinasabi niya sa pamilya ko hindi ako nagagalit sakanya, kasi totoo naman na pera lang ang importante sakanila. Pero humihingi din eto nang paumanhin sa akin. "sorry sa nasabi ko." Diba, humingi parin siya ng paumanhin kasi alam niya na pamilya ko parin yun. Ngumiti ako sakanya, bilang pagtugon na ayos lang. "alam mo, matagal ko na etong iniisip, anak kaba nila talaga?!" sabi pa niya. Yan din ang iisipin ko. Kaso hindi ey! may ebidensya na anak talaga nila ako. Dahil kamuka ko si daddy, at ang kuya kung si Xyvien. Magkamukha kami ni Kuya Xyvien, para ko siyang boy version. "kaso, satuwing nakikita ko si Kuya Xyvien at ang daddy mo, masasabi ko na anak ka nila talaga." bawi netong sabi. "aahh!! hu! hu!" iyak ko kunwari. "tawagan mo na kasi si Elle, gusto mo di puntahan natin siya sa tinitirahan niya." sabi ni Krisha. "ano nga magagawa ni Elle?!" sabi ko. "siya ang pipigil ng kasal." "paano? mag wawala siya sa simbahan? o itatanan niya ako? alin dun?!" reklamo ko pa. "yun!! tama!" sigaw niya. "mag patanan ka kay Elle!" Umawang ang labi ko sa sinabi niya, hindi naman ako seryoso sa sinabi ko. Isa pang Elle na yun.! hayyy!!! muntik ng magulo ang buhay ko dahil sakanya. Dahil sa isang laro muntik akong napahamak. At sa kalokohan ng mokong na yun muntik na akung napaniwala sa haka haka ko. Simula ng mangyari ang larong iyon, simula ng maganap ang bagay na iyon, pagkatapos din iyon, hindi na kami muling nagkita pa. Hindi na muli nag cross ang landas namin. Dalawang buwan narin ang nakakaraan. . . . . . . . . . . . . samantala, (someone point of view..) "paano ka na kaka seguro na babalik iyon bro?!" sabi ni Greg. "dalawang buwan na kaya ang nakakaraan. Simula mangyari ang laro." sabi naman ni Calvin. "segurado ako. Babalik iyon. At syimpre, ako parin ang taga pagligtas niya. " nakangiting sabi ng isa. Isang lalaking matipuno, maputi eto, matangos ang ilong. Maninipis ang labi. May kasingkitan ang mata. Matangkad at maganda ang pangangatawan. Maihahalintulad siya sa isang karakter o artista sa ibang bansa. Yan ang datingan ang katangiang pisikal ni Elleziar Guillermo. Ang taga pag mana ng Guillermo corporation. C.E.O ng Guillermo Company, at may ari ng isang pinaka sikat na resort sa lugar nila. At sila din ang pinaka mayaman, tinitingala sa lugar nila. Siya si Elliazar Guillermo. Nag mula sa angkan ng mga pamilyang Guillermo. Nag uusap silang mag kakaibigan sa isang bar. Na pag mamay ari mismo ni Elliazar. At minamanage ng kaibigan niyang si Greg. Nag share din si Elliazar sa isang maliit na talyer ni Greg. Nag share din si Elliazar sa business na isa pa niyang kaibigan na si Calvin, na isang restaurant. Ganyan kayaman si Elliazar Guillermo at kabait. Pero, iilan lang ang nakaka alam sa tunay niyang pagkatao. Ang pamilya niya , kaibigan niya, at ang mga malalapit nilang kamag anak at kaibigan. Tinatago niya ang tunay niyang katauhan sa marami. Gusto din niya kasing mamuhay ng isang normal. Yung walang camerang nakaabang. Walang sumusubaybay sakanya. Ganun din ang kapatid neto na si Kaye Zyndra Guillermo. Itinatago din neto ang katauhan niya. Tanging mga magulang lang nila ang humaharap sa camera at maging sa social media. Pag may mga event silang pupuntahan, nag susuot sila ng isang mask, si Kaye Zyndra ay may guhit paro-paro sa kanyang mask, na tanging kalahating mukha lang ang nakikita, mata lang ang natatakpan dito,. samantalang si Elliazar naman ay tanging mata lang ang makikita. Tulad ng kapatid niya, kalahating mukha ang tinatakpan nila. Nag susuot ng mask si Elliazar na natatakpan ang pisngi, ilong at labi neto. May guhit pa Z sakanyang mask, at lagi din etong nakasuot ng tie na my naka kabit na letrang Z. Kaya binansagan siyang "Mr. Z" . . . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD