? Lyric 23 : jamming ?

1529 Words

Napatingin sa akin ng gulat na gulat sina Beth, Jasmine, Yna at Shane pati na ang iba ko pang mga kasamahan sa trabaho. Lumabas galing sa backstage ang banda at napukaw agad nila ang pansin ng mga katrabaho ko. Kasama nila si Alas kaya nakahinga ako ng maluwag dahil ngayon ko napatunayang hindi nga malala ang nangyaring aksidente nung nakakaraang linggo. Dumapo agad ang tingin ni Rhode sa akin na parang kidlat lang kadali kaya iniwas ko na rin ang tingin ko sa kanya, pero naisip ko baka mag-isip na naman ng kung anu-ano ang mga ka-trabaho ko kapag napansin nilang hindi ako natingin sa banda. "Ow! Hi, Odele!" Wala sa isip na bati ni Rocket sa akin kaya naman lalong namilog ang mga bibig at mata ng mga katrabaho ko. Ngumiti lang ako at nakita kong sinaway ni Danger si Rocket at huminga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD