bc

Chasing the Vocalist

book_age16+
1.4K
FOLLOW
18.9K
READ
BE
arrogant
badboy
goodgirl
bxg
kicking
mystery
bold
loser
illness
kingdom building
actor
like
intro-logo
Blurb

Odele is a very compassionate sister. She is willing to do anything for her family, including chasing after the vocalist of the band Cold Pisces, whom her sister admires, with the goal to give the band the song her sister wrote for them.

Akala ni Odele ay madali lang ang gagawin niyang paghabol sa banda. Ngunit, hindi niya inaasahan na sa kabila ng umaapaw na talento at karisma ay ubod pala ng suplado at may kasamaan ang ugali ng bokalistang si Rhode. Nang-gagalaiti man sa ugaling binata, Odele tried everything she could to chase the vocalist, unaware that it would alter the path of her normal and peaceful life.

chap-preview
Free preview
? Lyric 1 : hero ?
*Para mas maganda po ang pagbabasa ninyo, please listen to “Hero” by Enrique Iglesias while reading* (Intro) “Ahhh!!! Oh my God! Oh my God!!” halos lumuwa ang tonsil ng kapatid ko, nang ibulong na ng kanyang idol ang unang parte ng kanta sa stage dito sa Music Festival. (Verse 1) “Oo Rhode! Sobrang oo!” (Second and third sentence in Verse 1) “Pupunasan ko ang luha mo!” (Forth sentence in Verse 1) “Iuuwi pa kita!” Hindi maawat ang mga sigaw niya para sa bokalista ng bandang iyon na si Rhode Russo, na alam naman naming pareho na imposible siyang marinig, napakalayo namin at mala-langgam na lang ang lalaking iyon sa paningin naming dalawa. Iwinagayway niya ang kanyang banner na may malaking nakasulat na *IUWI MO NA AKO RHODE RUSSO, PLEASE*. Ipinasadya niya pa iyon, ilang araw bago kami dumalo sa concert na ito. Sobrang intense nung nakalagay kaya ako ang nahihiya tuwing may makakabasa ng nakasulat sa banner niyang iyon, pero wala siyang ni katiting na hiya at gustong-gusto niyang itaas at makita iyon ng kanyang idolo. May mga taong natutuwa sa banner niya at mayroon din namang hindi. (Fifth sentence in Verse 1) “Oo, mahihimatay pa Rhode!” patuloy niyang sigaw. (Sixth sentence in Verse 1) (Rhode's sensual laugh made everyone, including my sister, weaker) Nilingon kong muli ang kapatid ko at namumuo na ang mga luha sa loob ng kanyang mga mata. (Last sentence in Verse 1) Bawat lumalabas na lyrics sa bibig ng Rhode na iyon ay sumasagot siya, minsan ay tahimik siyang bumubulong pero, madalas ay sumisigaw siya. I'm Odele Arze and my sister's name is Edele, she's 17 and I'm 22. Fan na siya ng bandang Cold Pisces simula pa noong 15 years old siya, kahit na wala pang pangalan ang bandang iyon ay fan na siya ng mga ito, at hanggang ngayon na sumikat na ang Cold Pisces ay lalo siyang humanga sa banda. Punong-puno ang kwarto niya ng picture ng apat na miyembro ng bandang iyon, si Rhode na vocalist at bassist, si Alas na lead guitarist, si Rocket na drummer at si Danger na siyang tumutugtog ng keyboard or bassist din kapag hindi hawak ni Rhode ang bass guitar. Kilala ko rin sila dahil yun na lang lagi ang bukang bibig ng kapatid ko. Nakilala niya ang bandang ito noong mag-perform sila sa kanilang prom night. Bale, naimbitahan ang Cold Pisces ng school nila para tumugtog, at doon niya nakita si Rhode na 20 years old lang nung mga panahon na iyon. Simula noon ay sinikap na niyang makilala ang banda at pinilit na maka-attend sa lahat ng gigs ng mga ito, pero dahil 15 lang siya noon ay palagi niya akong niyayaya na sumama sa kanya sa mga gigs para papasukin siya sa Cryptone kung saan ang bar na nag-gigig ang banda. Magkasing edad kasi kami ni Rhode at dahil hindi naman ganun mahigpit ang Cryptone ay isang ID lang ang hinihingi nila para makapasok. But it isn't the only reason I agree to always join her at isa pa, hindi rin naman niya ako pinapatulog kapag hindi ko siya pinapayagan kaya kahit puyat kami tuwing Tuesdays at Thursdays noon ay okay lang basta masaya si Edele. Sa tagal na niyang fan ng Cold Pisces ay never siyang nagkaroon ng pagkakataon na makausap man lang si Rhode Russo dahil mailap ito sa tao kahit na alam naman niyang kailangan niya ang fans to survive sa tinatahak nyang industry, but I guess wala naman siyang pakialam sa fame na meron siya, gusto lang talaga niya ay ang tumugtog. (Chorus) Nang matapos na ang chorus ay hindi na sumigaw si Edele, tinitigan nalang niya ng mabuti si Rhode. Kitang-kita ko sa kanya na kahit napakalayo ng lalaking iyon ay napapahanga parin siya nito dahil na rin siguro sa ibinigay nilang magandang musika at sa talento na meron silang apat. (Verse 2) I cannot deny it, Rhode Russo is a talented one pati na rin iyong mga kabanda niya, they're performing from their heart. Kahit na hindi naman sila ang gumawa o nagsulat ng kantang iyon pero kung i-perform nila ay parang kanilang-kanila ito, at kung paano kumanta si Rhode mararamdaman mo parang ikaw yung kinakantahan niya, nahahalina ka niya at maiisip mo na lang na nandun ka na sa fantasy world kasama siya. That's what I believe Edele had in mind. (Chorus) Nung una ko silang mapanood sa Cryptone, inaamin ko kahit ako ay napahanga ng bandang ‘to, isa na rin iyon sa naging rason bakit ako palaging sumasama kay Edele dahil worth it naman ang fame na tinatamasa nila. (Guitar Solo) (Verse 3) Nakapikit na si Odele sa tabi ko habang ang mga palad niya ay magkapatong na nakalapat sa dibdib niya. Ang ibang tao naman ay nakikisabay sa kanta nila. (Forth sentence in Verse 3) Kung may hinahangaan ako sa bandang ito, ay yung lead guitarist nila na si Alas, tuwing kakalabitin niya yung gitara para bang pati yung mga ugat ko sa puso ay nakakalabit din. Siya yung sinasabi kong rason bakit ako napapayag ng tuluyan ni Edele. (Chorus) (Outro) Mabilis lang na natapos ang kanta kaya sumigaw ang mga tao pati na rin si Edele nang “Isa pa! Isa pa! Isa pa!” at dahil marami pa ang magpeperform ay hindi na pumayag pa ang Cold Pisces na kumanta ulit. Tumawa si Danger sa mikropono niya habang nakaupo sa tapat ng keyboard nito, tumalikod na kasi agad si Rhode kahit na hindi magkanda mayaw ang fans sa kahihirit ng isa pa. “Pasensya na guys hindi namin kayo mapagbibigyan, kung gusto niyo talaga kaming marinig kumanta ulit pumunta lang po kayo sa Cryptone tuwing Mondays, Wednesdays at Fridays. Maraming salamat po!” kumaway na silang lahat pwera lang kay Rhode. Dati rati ay dalawang araw lang ang pagtugtog nila sa Cryptone ngayon ay tatlong araw na. Tatlong araw na rin kami puyat ni Edele kasama si Ino at Patty na mga kaklase at kaibigan ni Edele. “Ate, halika pumunta tayo doon sa sasakyan nila sa labas, balita ko kasi kanila Patty ay aalis agad ang banda pagkatapos nila mag-perform.” hinigit na agad ako ni Edele paalis doon. Palagi naming hinahabol ang Pisces kapag paalis na sila sa event kahit pa mula sa pagtugtog nila sa Cryptone o kahit saan mang gig nila, kaso kahit naman anong habol ang gawin namin ay hindi pa rin siya pinapansin ni Rhode. Bago pa lang kami pumasok dito sa venue ng Music Festival ay alam na namin kung saan naka-park ang kotse ng banda, sinabi kasi sa amin iyon nila Ino at Patty na pareho ring die hard fan ng banda. Habang tumatakbo kami ni Edele ay bigla kong napansing nanghihina siya. “Okay ka lang? Pwede naman kasing bukas na lang ulit natin habulin si Rhode, malamang pagod na yun at hindi na naman tayo papansinin nun.” sabi ko ngunit umiling lang siya at nagpahinga ng kaunti saka ako hinigit ulit para tumakbo. Hindi nga kami nabigo at naabutan namin sina Rhode papasok ng sasakyan nila. “Sandali!!!” sumigaw na agad ako bago pa siya makapasok, napapagod na rin ako sa pagiging suplado ng isang ito! Ang mala-anghel na mukha ni Alas ang nakita ko na nasa likod ni Rhode sa labas ng sasakyan. Nang makalapit kami ay busy na sina Patty at Ino sa pagpapa picture kay Rocket at Danger. Hingal na hingal kami nang matigil kami sa pagtakbo. “San--sandali lang…” sabi ko pa habang habol ang hininga ko. Nakatingin lang si Rhode na nakasakay na sa loob at si Alas naman ay nakahakbang na ang isang paa sa loob ng van at nakangiti. “Kasama niyo ba sila?” tanong ni Alas na nakapag patulala sa akin. Tinutukoy niya sina Patty at Ino. “Ah oo kasama namin sila.” narinig kong sagot ni Ino dahil hindi nga ako makapagsalita. “Kaya pala alam niyo rin kung saan kami naka-park.” hindi mawala ang ngiti ni Alas kaya lalo tuloy akong hindi makapagsalita o makagalaw pati na rin ang makatayo ng maayos. Tulala naman sa tabi ko si Edele. “Ed, bigay mo na kay Rhode.” sabi ko sa kanya. Tinutukoy ko ang papel na may nakalagay ng original niyang composed na kanta para sa banda. Pero bago pa niya maibigay ay nagulat na ako nang mapakapit siya sa braso ko, ang akala ko'y nanghina siya dahil sa waka ay tinapunan kami ng tingin ni Rhode pero nung mahimatay siya ay alam ko na agad ang dahilan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
80.0K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
59.9K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
10.6K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
46.2K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
278.3K
bc

The Blind Billionaire (Las Palmas Series 2)

read
107.2K
bc

The Mayor's Secret Obsession (SPG)

read
70.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook