? Lyric 19 : hindi naiintindihan ?

1390 Words

Hindi ko lang pinansin ang tanong niya. "Kumain ka na ba? Umalis ba si Mama?" Tanong ko at inilapag ang paborito niyang pagkain sa mesa. Paglingon ko ay nakatingin na siya sakin. "Bakit mo sinampal si Rhode? Pwede mo namang hindi gawin yun. Sana binigay mo na lang yung CD at hindi mo na lang sya sinaktan." Inis niyang sabi sa akin. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, "Hindi mo ba narinig yung sinabi niya sa CD mo?" "Kahit na! Sana binigay mo na lang at hindi ka na nagsalita pa ng kung anu-ano! Ganun ba kahirap ibigay yung CD? Kung hindi mo sinabi yun at ibinigay mo na lang, edi sana pakikinggan niya na yung kanta ng maayos. Hindi naman importante sa akin kung ano ang sabihin niya, ang importante mapakinggan niya yung gawa ko!" Nagulat ako sa galit ni Edele sa akin ngayon dahil sa pags

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD