? Lyric 5 : humanda ?

1968 Words
Sinabi na niya sakin ang mga dapat kong gawin. Kaya sisimulan ko na. Maiksi ang oras lalo na ang oras ng kapatid ko at malapit na rin ang concert ng Pisces kaya kailangan ko nang kumilos. "Edele, kailangan natin i-record yung kanta mo, para pagkabigay ko kay Rhode alam na niya." eager na eager pa ako sa pagkakasabi ko nun sa kapatid ko. Natawa pa siya sa akin, "Good luck, ate!" Walanghiya! Kanya talagang ideya 'to, bakit parang lumalabas ay ako pa ang may gustong-gusto. "Irerecord mo ba o kakalimutan ko na lang yung pangako ko?" pinanliitan ko pa siya ng mga mata. Namilog ang bibig niya, "Ay, grabe. Siya sige. Ay teka." Kumunot ang noo ko. "Bakit?" "Remember? I don't sing." Tumawa pa siya. Tumingin siya sakin at taas-baba ang kilay na tiningnan ako. So ano? Lahat ng gaod ako? "Okay lang yan." Sabi ko. "Ate, ayoko namang marinig ni Rhode na ang kumakanta sa CD ay kaboses ni Donald Duck! Syempre kahit sinong makarinig ng unang phrase ay ihahagis o baka durugin pa ang CD, sige ka masasayang effort mo pagka-ganun." ngumiti siya ulit sa mga pagdadahilan niya. Ang husay! "Gusto ko maantig agad ang puso ni Rhode at tatapusin niya yung kanta." Hindi naman ganun kaganda ang boses ko e! "Please?" sabi niya at pinakitaan pa ako ng palagi niyang ginagamit sa akin, her puppy eye look. "Oo na, pero wag ka mage-expect na pang The Voice o Tawag ng Tanghalan 'to ah." paalala ko. "Okay lang yan sige na." pinagtulakan pa niya ako para makauwi na ako at masimulan ko na ang plano ko na ako din pala ang gagawa. ___ Sa bahay ako nag-record para tahimik at ako lang mag-isa. Ewan ko ba bakit parang nahihiya ako ngayon. My God, Odele! Araw-araw kang kumakanta sa Falceto, bakit ngayon ikaw lang mag-isa ang magrerecord ay hindi mo pa magawa. Napre-pressure ako! Alam ko kasing maririnig din ito ni Alas kung nagkataon! Nakakahiya! Kailangan magaling ka, Odele! Galingan mo! Yung pinaka-magaling, yung maiinlove si Alas, yung tipong pag narinig niya ay aasawahin ka agad niya, bwahahaha! Huminga ako ng malalim at pinakinggan ang record ni Edele na pinagmalaki pa niya sa akin na binuhos daw niya ang dugo at pawis niya doon. Nang marinig ko palang ang unang parte ng kanta ay nagdilim na agad ang pandinig ko. OH MY GOD! Bakit nabuhay si Donald Duck? Nakakaloka. ___ Nakailang ulit ako sa pagre-record dahil hindi ako nakukuntento, nagagasgas na ang leeg ko, kakanta pa ako mamaya. Naiistress ako sa ideyang 'to! Hinga ng malalim, kery mo yan. Inhale............. exhale. Go! Kilabot na kilabot ako nung pakinggan ko na ang last record ko ng kanta. Ganito pala ang feeling na mapakinggan ang sarili. Naaalibadbaran ako! Pero wala na akong magagawa, tama na ito… wala na akong maikakanta pa mamaya kapag nag-inarte na naman ako sa huling record ko na ‘to, baka maging si Donald Duck the second na ako. ___ Kinabukasan nagpaalam ako kay Tita na hindi ko muna mababantayan si Edele. Ganun din sa boss ko sa Falceto na hindi muna ako makakakanta ngayong gabi dahil may importante akong gagawin. Maaga akong pupunta sa Cryptone para wala pa masyadong tao. Pero anak ng dalawampung libong kalabaw. Punong-puno na agad ang Cryptone ngayong alas syete pa lang ng gabi. Anong meron people?! Anong nangyari? Dati naman hindi ganito ah! Di bale. Kaya mo yan, Odele! Huminga ako ng malalim at inihanda ko ang sarili ko sa pakikipagdigma sa mga tao ngayon dito na hindi na mahulugang karayom sa dami. Pagpasok ko agad akong pumunta sa backstage, andun kasi ang daan sa room ng iba't-ibang banda. Nung makita ko ay marami na rin ang nasa tapat ng room ng Pisces at ang nasa harap ng pinto nila ay ang dalawang malalaking bouncer. Naalala ko ang unang sinabi ni Beth, "Una, diretsyuhin mo na agad ang pakay mo doon. Sabihin mo na agad na may kailangan kang ibigay kay Papa Rhode!" Okay Beth, eto na. "Kuya!" sigaw ko, saka lumapit kaya napatingin ang lahat sa akin. Parang mali pala ako dun. "Kuya, pwede po ba akong pumasok? May ibibigay lang sana ako kay Rhode." Sabi ko at ngumiti. Nilingon naman ako ng mga babaeng kanina pa nagmamakaawang makapasok at makapagpa-selfie kasama ang mga miyembro ng banda. Tiningnan lang ako ng parehong bouncer atsaka natawa. "Okay ka lang, Miss? Hindi mo ba nakikita? Hindi lang ikaw ang may gustong ibigay kay Rhode Russo. At hindi tumatanggap ng kahit na ano si Rhode, kung para naman kay Alas, Danger at Rocket iwanan niyo na lang sa amin at kami na ang magbibigay sa kanila." Sabi ng isang sa mga bouncer. ANO?! Bakit hindi tumatanggap ng regalo ang Rhode na yun? Ang yabang naman niya! Hindi ba niya alam na kapag walang fans ay walang siya? Pshh. Anyway, kahit ganon nga pala ang ugali niya ay patay na patay pa rin ang kapatid ko. Bakit ba kasi iyon pa ang nagustuhan ni Edele, e alam na alam naman niyang hindi maganda ang ugali ng lalaking yun. Ibinigay na nila ang mga regalo nila para sa ibang miyembro ng banda at napatingin na lang ako doon. Kailangan ko maka-isip ng paraan para papasukin ako ng mga damulag na 'to. Pagbukas nila ng pintuan ay pare-pareho kaming humaba ang leeg para makasilip sa loob. Kitang-kita nagtatawanan ang tatlo habang natutulog naman si Rhode sa isang upuan na halos ikahimatay ng mga nasa tabi kong babae, guys kalma, natutulog lang siya dyan, hindi naman siya naghuhubad! Pero nung makita kong uminom ng beer si Alas ay agad nanghina ang mga tuhod ko, gusto ko ako na lang maging yung boteng iniinuman niya. Ay! Kalma, Odele! Hindi paglalaway ang ipinunta mo dito. Pagbalik ng mga bouncer ay saktong nakaisip ako ng sasabihin na pangalawa sa mga sinabi sa akin ni Beth. "Pangalawa, sabihin mo may number ka ni Alas at tatawagan mo siya para papasukin ka, saka mo kausapin si Papa Rhode." "Kuya, kilala ako ni Alas. Promise. May number niya pa nga ako. Gusto mong makita?" Pagmamayabang ko pa. Bigla namang sumabat ang babae sa tabi ko. "Kuya, girlfriend ako ni Rocket. Papasukin mo na ako at magagalit na iyon." Napalingon kami sa kanya. Mukhang nanloloko ata si Ate ah, o nababaliw na ito? "Kuya! Kuya ako... asawa ako ni Danger. Pinapapasok na nga niya ako." Napalingon naman kami ngayon sa nasa likod namin. WHAT?! Wala pa namang may asawa sa Pisces ah! Ano ba! Wag nga kayo magsinungaling! Baka hindi rin sila maniwala sa akin! Tumingin ulit ako kay Kuya bouncer. "Kuya, seryoso, kilala nga ako ni Alas. May number niya ako. Hindi ako nagsisinungaling." Ulit ko pa. "Kami rin Kuya, hindi rin kami nagsisinungaling." sabat muli nung mga asawa at girlfriend kuno nila Danger at Rocket. SH*T! Obvious naman kasi nagsisinungaling kayo e. Ako naman, totoo naman ang sinasabi ko! Tumingin sa akin ng mabuti ang bouncer, "Miss… ano? Ano ka naman ni Alas? Lahat kayo ganyan ang sinasabi. Naibigay na namin ang mga gusto niyong ibigay, hindi ba? Natuwa naman silang lahat at kung gusto niyo silang makita at kung gusto niyo sila marinig na magpasalamat, manood at suportahan niyo na lang sila mamaya. Okay? Wag na kayo makulit." sita ng mga bouncer sa amin. Ano ba yan! Kasi naman e! Nadadamay tuloy ako! "Ikaw naman Miss." Tumingin siya ulit sa akin. Papapasukin na kaya niya ako? "Pooo?" malaki ang ngiti ko sa kanya, please gumana ka aking maalindog na mga mata at ngiti. Gumana ka ngayon! "Kung.... kung talagang may number ka ni Alas, tawagan mo siya at kapag sinabi niya sa aming pumasok ka, saka ka papasok. Okay?" Wala na akong alindog. Naubos ng lahat. NAHIHIYA AKO KUYA, ALAM MO BA YUN? SI ALAS YUN E! SI ALAS! Crush na crush ko yun, hindi ko kayang tawagan yun, tyaka isa pa, baka isipin niya ginagamit ko lang siya para maka-usap si Rhode, edi na-turn off sakin yun? Tyaka isa pa ulit, baka hindi na niya ako natatandaan, malay ko ba kung napaka-bait talaga ng aking iniirog at marami na siyang tinulungan at binigyan ng number niya. Atyaka last na, isa pa ulit, baka isipin niya peperahan ko lang siya kaya ako tumawag. NOOOO! Oh my God! Hindi ko kaya! Pero kailangan mong gawin, Odele. Wala namang tama sa mga iniisip mo, diba? Pwera lang sa gagamitin mo nga siya para maka-usap ang napaka-supladong Russo na yun! Hinanap ko sa bulsa ko ang number ni Alas. Teka, wait. Hindi ko nga pala dala! Ang tanga mo Odele! Ano ba yan! Ang engot mo naman! Arrrggghhh! Tiningnan ko lang silang lahat doon ng masama. HUMANDA KAYO SAKIN! Pag talaga nakahanap ako ng paraan talaga! Humanda kayo! ___ Wala na akong nagawa kundi ang hintayin ang pagkanta nila. Gagawin ko na yung pinaka-nakakahiyang sinabi ni Beth. "At kapag hindi gumana ang lahat ng iyan, eto na ang gawin mo..... dapat... pumunta ka malapit sa stage.... tapos sumigaw ka dun.... yung pinaka-malakas na sigaw.... yung tipong mapapansin ka ni Rhode at iwagayway mo ang CD na dala mo. Kukunin niya yun....at samahan mo na rin ng sexy dancing." NAKAKAHIYA DI BA? Sino ba naman ang matinong magsesexy dancing sa harapan ng Cold Pisces, edi na-911 ako nun pagkatapos. Kung sigaw at sigaw lang kaya naman, pero yung sexy dancing malabo talaga. Tyaka baka mandiri lang si Rhode at talikuran ako, edi lalong hindi ko naibigay. Kaya sisigaw na lang ako. Labas lalaugan! Bago magsimula ang siksikan ay pumwesto na ako sa pinaka-malapit kay Rhode at kung pwede ko lang i-mightyband ang paa ko sa pwesto na iyon para hindi ako maagawan ay gagawin ko. Ilang oras akong nakatayo doon kaya naman ang sakit sakit na ng paa ko. Katangahan, diba? Hinilot ko pa ang paa ko at tumungo ng marinig ko ang sigawan ng mga tao at may tumulak agad sakin kaya dumikit ako lalo sa ibaba ng stage kaya napatingin ako. Isa isa nang lumabas ang Cold Pisces mula sa backstage. At mga beshy! Hindi ko napigilang tumulo ang laway ng makita ko si Alas. K@@##$%! PENGENG KANIN! Hawak na niya ang gitara niya habang nakakagat-labing nakatingin sa mga audience na hindi magkandamayaw sa pag-abuse sa mga lalamunan nila. As usual naka-ayos na naman ang buhok nyang animo'y rock hot star at naka-denim siyang polo na parang pang-action star sa mga lumang palabas, ganun yung suot niya, pero yung kanya kulay copper at nakapa-simpleng white shirt sa loob at faded jeans with white converse! SH*T PAMATAY! WALA NA! Hindi na ata ako makakasigaw! Nahihiya na ako baka makita niya ako. Wow, as if naman kilala ka pa niya Odele! Tinitigan niya ang gitarang nakasabit na sa kanya at kinalabit ito, para namang may kumalabit din sa ugat ng puso ko, saka niya kinagat ulit ang labi sabay ngumiti. Shemay! Wag ganun, Alas. Huy! Maraming nakakakita, dapat exclusive lang yan para sakin! "Wow. Crowded ang Cryptone ngayon ah." lalong lumakas ang hiyawan nang magsalita na si Danger habang may bitbit na bass guitar. At tumawa pa ito ng napaka-sexy, kaya naman nalaglag na ang mga panga ng fans niya. "GOOD EVENING, CRYPTONE!" sigaw ni Danger at agad sinundan ng pagtambol ni Rocket ng drums kaya naghiyawan lalo ang mga tao at nagtatatalon na. "Kami po ang Cold Pisces, sana po mag-enjoy tayong lahat tonight!" Nabuhay na rin ang dugo ko at napansin kong nasa harap ko na pala si Rhode nakatayo. Ang ganda ng pwesto mo, Odele. Ang husay mo. Napatingin ako kay Alas na nag-intro at saka sinundan ni Rocket sa drums. Alam ko na agad ang kakantahin nila. Kung nandito si Edele malamang sasabay na naman siya dito. Para mas maganda po ang pagbabasa ninyo, please listen to “Liwanag sa Dilim” by Rivermaya while reading* (Intro) (Verse 1)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD