? Lyric 4 : boy lang ?

1918 Words
Bukod pa kasi sa trabaho ko sa opisina, nag-aaral pa lang ako ay kumakanta na ako sa bar na pagmamay-ari ng Kuya ni Ino. Mga 15 lang ako non, kapit-bahay kasi namin si Ino at matagal na rin namin silang kilala, kaya napagbigyan akong kumanta doon ni Kuya Iggy. Kaya ako nagkakaroon ng oras na mapanood pa rin ang ng gigs ng Cold Pisces dahil noon tuwing Tuesdays at Thursday ay pang-10pm ako samantalang pang-12am naman ang Pisces sa Cryptone kaya nagmamadali agad akong humabol nun. Ngayong MWF (mon, wed & fri) na ang Cryptone ay pang-12am na ako kaya minsan na lang ako nakakahabol sa simula, madalas ay tapos na bago ako makarating doon, si Tita naman ang kasama ni Edele kapag sinasabi kong hindi ako makakahabol. "Hindi.... nagsabi na ako kay Kuya Iggy na may sakit ka." "Sweet talaga ng sister ko." Nilingon ko siya at saka hinalikan sa noo. "Babalik ako mamayang mga 6pm, ha. Pagkagising ni Tita sabihin mo kumain na siya." sabi ko at nginitian lang ako ni Edele saka tumango. “Sigurado ka bang okay lang na pumasok muna ako?” tanong ko sa kanya, nag-aalala kasi ako dahil baka mas gusto niya akong nandito sa tabi niya. “Oo naman, ate…” malaking ngiti at may pagkindat pa siya nang sabihin iyon sa akin. Halos pagtulakan pa nga niya ako para lang pumasok na ako dahil panay ang lingon ko sa kanya na nagiging weird na ako sa paningin niya. ___ Marami akong trabaho ng araw na ito at para sa akin ay maganda na rin iyon, para medyo mawala ang pag-iisip at pag-aalala ko. Mabilis akong umuwi pagka-dating ng alas singko para mapuntahan na si Edele sa ospital. Hinanap ko pa yung jeans niya na may papel sa bulsa, dahil iyon ang pinakabilin niya at malamang sa malamang sisimangutan ako non kapag nakalimutan ko. ___ Pagdating ko sa ospital ay pareho silang tahimik na dalawa. Si Tita nakatingin lang sa bintana samantalang si Edele ay naka-upo lang sa kama niya ng maayos. Nilingon ako ni Edele at agad na nginitian, pero yung ngiting kahit abot tenga ay alam kong hindi totoo. "Ito yung..... kanta mo..." sabi ko at ibinigay sa kanya ang papel. Lumingon din si Tita sa akin at nilapitan ako. "Uuwi muna ako, ha. Babalik ako bukas ng umaga." Ibinaba niya ang tingin saka kinuha ang black na bag sa isang upuan at nagpaalam muli sa amin bago tuluyang umalis. Hindi ko lang pinansin ang pagiging matamlay ni Edele at umupo ako sa sofa. Sa tingin ko malungkot lang siya dahil hindi niya mapapanood ang Cold Pisces ngayong gabi at nagtalo sila ni Tita dahil nagpumilit ang isang ito na manood. "Wag ka na malungkot... sa wednesday pwede mo na mapanood si Rhode." Hinihintay ko ang reaksyon niya. Natawa siya ng mahina habang tinitingnan ang kantang ginawa niya para sa banda. "Talaga? Sa tingin mo..... makakalabas pa ako sa wednesday o kahit kailan dito?" sabi niya at agad akong nilingon. Nagulat ako sa sinabi niya. Nagsimula ng tumulo ang mga luha niya kaya nilapitan ko agad siya. Pinunasan niya agad iyon at saka tumawa ulit. "Balita ko hinatid daw tayo ni Alas dito at magkasama kayong nag-iintay sakin." nagsimula na siyang tukso-tuksuhin ako. Alam ko namang grabe ang lungkot niya at itinatago niya lang iyon ngayon, kaya sasakyan ko muna siya. Alam kung ayaw pa niyang pag-usapan ang nalaman niya ngayon. Ngumiti rin ako, kagaya niya ay pilit rin ang ngiting iyon, "Oo, binigay niya nga ang number niya sa akin.” pagmamayabang ko. Natawa siya at lalo akong tinukso. "Matagal mo nang gusto yun ah, bakit hindi mo tawagan?" tanong niya. "Nahihiya ako, and I'm sure nakalimutan na rin niyang binigyan niya ako ng number niya, alam mo namang maraming mga babae ang Cold Pisces." Natawa ulit siya, "Bakit? Ayaw mo bang maging isa sa mga babae ni Alas?" nagtawanan na kami, yung tawanang kahit malakas ay alam mong peke. Alam mong sa loob loob namin ay may iniinda kaming matinding lungkot. Natahimik siya saka tiningnan ulit ang kantang ginawa. "Hindi.... hindi ko na maibibigay kay Rhode 'to." Bigla na siyang umiyak ng umiyak ulit kaya niyakap ko nalang siya. Naiinis ako sa sarili ko kasi wala akong ibang magawa. Kung may pwede lang akong gawin… gagawin ko ang lahat para kay Edele. "Mamatay na ako, Ate Odele. Mamatay na ako..... Hindi ko na sila mapapanood ng live ulit." Tuloy-tuloy niyang bulong habang umiiyak. Pinatatahan ko na lang siya at pinatitigil sa mga sinasabi niya. Tuluyan na ring bumigay ang mga luhang pinipigil ko. Naaawa ako sa kapatid ko at naiinis ako kung bakit sa kanya pa nangyari 'to. Maya-maya ay natapos na rin ang sobra niyang pag-iyak at kitang-kita ang pamumugto ng mga mata niya. "Gusto kong ibigay sa Cold Pisces 'tong ginawa kong kanta para sa concert nila sa Araneta. Gusto ko rin silang mapanood ng live.... pero paano?" nagsimula na naman siyang maluha. Alam kong alam na niyang malabo na ang gusto niyang mangyari, siguro nga ay gusto niyang pumunta sa gig nila Rhode ngayon, pero hindi na siya pinayagan ng doktor kaya nasabi na sa kanya ang totoo. Ano kayang pwede kong gawin para sa kapatid ko? Kahit sa maliit na paraan lang, yung kaya ko lang… Teka... "Ako..." sabi ko, kaya lumingon siya sakin. "Ako ang magbibigay.... ako ang magbibigay kay Rhode niyan para makanta niya sa Araneta." pagpriprisinta ko. Tinitigan niya akong mabuti. "Sisiguraduhin kong kakantahin ito ni Rhode Russo sa concert nila at mapapanood mo yun." pangako ko, kahit na hindi naman talaga ako sigurado. "Sigurado ka?" nagtatakang tanong niya. "Oo naman, madali na yun. Pupunta ako sa Cryptone at ibibigay sa kanya yang kanta mo." Matapang kong sagot. Ngumiti siya at niyakap ako para magpasalamat ng husto sa gagawin ko para sa kanya. "Kay Rhode mo mismo ibigay, Ate, ha? Gusto ko siya ang unang makakita nitong kantang ginawa ko. Please?" hiling niya. Nung tumango ako ay nakita ko ulit ang totoong saya sa mukha ni Edele, alam kong nae-excite siya sa ipinangako ko. Napaisip muli ako. Madali lang naman yun, di ba? Madali nga lang ba? Kailangan kong gawin para sa kapatid ko. Pero... last time I checked napakahirap habulin ni Rhode Russo at napaka-suplado ng isang iyon. Kaya ko ba talaga? Kaya ko bang habulin ang supladong bokalistang yun? ___ May official page naman ang Cold Pisces sa Youtube at inuupload doon ang bawat gig nila kaya kahit hindi na pwedeng manood ng live si Edele ay mapapanood pa rin niya ang mga idolo sa Youtube. Buong maghapon kong inisip sa opisina kung paano ko ibibigay sa Rhode na iyon ang kanta. Tyaka teka, sh*t! Pag naibigay ko na ‘to, paano niya malalaman ang tono? So kailangan ko munang ipa-record kay Edele yung kanta? Paano pag-narecord na niya? Tapos ibibigay ko na kay Rhode? Paano kung hindi niya pakinggan kasi nasa CD or hard drive? Teka, Odele wag mo muna problemahin kung pakikinggan ba niya, ang problemahin mo kung paano mo ibibigay? Paano?! Tawagan ko kaya si Alas? NAKAKAHIYA! Titigan pa nga lang ang calling card niya, ay nanginginig na ako, paano pa kung tatawagan ko siya, paano pa kung marinig ko na ang boses niya? Baka ikamatay ko! Atyaka sabi ni Edele kay Rhode mismo, malamang kapag binigay ko kay Alas iyon ay hindi pakikinggan ni Rhode, kasi iisipin niyang para lang kay Alas ang kantang yun. Napahawak ako sa ulo ko habang nakaupo sa tapat ng monitor ko sa opisina. "Headache?" tanong ng katrabaho ko at naging kaibigan ko na rin na si Beth. Tumango ako at napatingin siya sa monitor ko. Napaligon din ako at napansing wala pa akong kahit na isang sentence sa article na ginagawa ko. "Hirap ba ng topic na binigay sayo?" tanong niya. My nose wrinkled. "Medyo. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan." Sagot ko. Kahit na hindi naman talaga yun ang main problem ko ngayon. Tumawa siya, "Tulungan kita." nakangiti niyang alok sa akin. Umiling ako, nakakahiyang manghingi ako ng tulong dahil trabaho ko 'to, at may sarili siyang trabaho, lalo na't kaya ko namang gawin, wala lang talaga ako sa focus ngayon. "Ah... wala ka sa focus noh?" tanong niya ulit. Teka! Naririnig nya ba ako? "Boyfriend yan, noh?!" natatawa pa siya at akala tama ang hula niya. PERO HINDI. Hindi ko naman boyfriend si Rhode, noh! Hindi ko rin siya friend. Boy lang! Boy lang siya. "Bakit? Nambababae?" tanong niya na agad nagpa-iling sa akin. "Okay lang yan. Mag-kwento ka. Bawas stress din ang pagku-kwento. Dali na. Magpapaka-love expert ako ngayon sayo." pagpupumilit niya sa akin sa bagay na hindi ko naman talaga problema. Hindi naman kasi tungkol sa love 'to. Naiilang tuloy ako. Pero sige, bawas stress kamo. Lumapit ako sa kanya at bumulong, "Kilala mo yung bokalista ng bandang Cold Pisces?" tanong ko na agad nagpabilog ng mata at bibig niya at halos mabali ang leeg sa paglingon sa akin. "BOYFRIEND MO SI RHODE RUSSO?!" Sigaw niya na may pagtayo pa kaya naman napatingin ang lahat ng empleyado sa amin. Tahimik kasi sa opisina namin dahil busy nga sa bawat article na sinusulat kaya talagang pag sumigaw ang kung sino man ay maririnig ng lahat. Agad ko siyang hinigit para maka-upo ulit siya. Ramdam ko na agad ang matatalim na titig at nakakapanusok na usapan ng mga katrabaho namin. "Shhhh. Hindi.... hindi ko boyfriend yun." napangiwi pa ako sa ideya. "Ano? Ex mo?" Nanlaki lalo ang mata ko! NO! "Hindi rin!" lalo akong naalibadbaran. "Ano? May gusto sayo? Ini-stalk ka?" Malakas pa rin ang boses niya. "Shhh. Hindi nga!" matinding tanggi ko. "E ano nga kasi? Wag mong sabihing, IKAKASAL NA KAYO?! ASAWA MO NA SIYA!" Napatayo na naman siya at napasigaw muli. JUSKO! Bakit ko ba kasi kinukwento pa dito, napaka-ingay pala ng babaeng 'to. Narinig ko na naman ang bulong-bulungan ng mga ka-opisina namin, kaya pinaupo ko ulit si Beth. "Beth, wala akong koneksyon kay Rhode Russo, okay?" paglilinaw ko sa kanya. "E anong love problem mo sa kanya?" tanong niya. Hello! Wala naman kasi akong sinabing love problem. Siya lang nag-iisip yun. Nagtatanong lang ako kung kilala niya. Na obvious namang kilala niya talaga, bakit pa nga ba ako nagtanong pa. "Wala akong love problem kay Rhode. Tinatanong ko lang kung kilala mo siya." "Oo naman! My God, sino bang hindi nakakakilala kay Russo ngayon, e sikat na sikat na ang hunk na yun!" Napangiwi ako sa ipinapakita niya pang pagkilig-kilig. Bakit kaya dumadami ang fans ng Russo na yun? E mataas naman ang tingin sa sarili, ever since! "Okay. Ganito kasi... may kapatid ako.... super fan din siya ng Cold Pisces.... at ni Rhode Russo. Tapos may ginawa siyang kanta para sa banda. Gusto niyang ibigay ko mismo kay Rhode, pero hindi ko naman alam kung paano dahil napaka-suplado at mailap naman ng isang iyon." Umirap pa ako sa ere. "Bakit ikaw namomroblema niyan? E diba yung kapatid mo nga mismo ang may gawa at may gusto? Bakit hindi siya ang magbigay?" Natahimik ako bigla sa tanong niya. "May.... may sakit ang kapatid ko at hindi na siya pwedeng umalis ng ospital." Napatungo ako pagkatapos iyon sabihin. Bumalik na naman sa isip ko ang sitwasyon ni Edele. Matagal rin siyang natulala. "I'm sorry… hindi ko alam..." tiningnan ko siya at sinabing okay lang. Nag-isip muna siya saka umayos ng upo at nang maka-isip na ng isusuggest sa akin ay nanlaki pa muna ang mga mata niya, "Ganito gawin mo......"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD