? Lyric 3 : gising ?

1777 Words
Huminga ako ng malalim, niyaya ko siya sa chapel dahil doon medyo tahimik at pakiramdam ko kapag doon ko sasabihin ay bibigyan ako ng God ng lakas ng loob para sabihin sa kanya. “Tita, unti-unti nang kinakain ng cancer ang buong katawan ni Edele, mas.. mas lalo... mas lalo pa po syang lumala…” hindi ko mabuo ang gusto ko talagang sabihin. Nalaglag ang mga balikat niya nang marinig iyon at nanlumo lalo ang ekspresyon ng mukha niya. “Mas umonti na yung.... chance.... yung chance ni Edele na... na gumaling...sinabi ng doktor na.... after 2 or 3 months... ay...posibleng tuluyan nang.... hindi mag-function ang... katawan ni Edele.” Halos malaglag si Tita sa kinauupuan niya, kaya naman agad ko siyang hinawakan. “Bakit ganun? Napaka-bait namang bata ni Edele, bakit kailangang siyang magkasakit ng ganyan? Pano... paano ko 'to sasabihin sa mama mo?” hindi na niya napigilang umiyak. Pinilit ko pa ring pigilan ang luha ko kahit ang sakit na ng lalamunan ko. Napatingin ako kay Jesus Christ na nasa loob ng chapel na yun. Nang humupa na ang sobrang pag-iyak ni Tita ay pareho nalang kaming tulala doon at nakatingin sa Diyos. May kanya-kanya kaming tanong na walang mga sagot, parehong hindi maintindihan kung bakit ito lahat nangyayari. Nasa harapan na ako ng Diyos pero yung mga tanong sa isip ko ay hindi ko maitanong sa kanya, parang sa dami nito wala akong maisip na itanong, wala akong masabi. “Kumain ka na ba, Odele? Baka mamaya ikaw naman ang magkasakit nyan.” napalingon ako kay Tita at hinaplos niya ang braso ko. “Dito po muna ako.” sabi ko. “Kailangan mong kumain. Umuwi ka muna at magpahinga sa bahay, ako nalang muna ang magbabantay kay Edele, ha?” tinitigan niya ako nang nagmamakaawang umuwi muna ako. Wala ako sa sariling sumakay ng taxi hanggang sa makauwi. Pagkarating ko sa bahay ay diretsyo lang ako sa kwarto namin ni Edele at napaupo na lang ako dahil sa sobrang panghihina. Tulala at walang imik. Naisip ko na naman ang mga tanong ko sa Diyos. Bakit nga ba? Bakit nga ba si Edele? Ang dami daming masasamang loob na walang kaabog abog kung pumatay, mga adik na wala nang ginawa kundi sirain ang buhay nila at buhay ng ibang tao. Bakit hindi mo na lang ibigay ang buhay nila kay Edele na wala nang ginawa kundi ang gumawa ng tama at pahalagahan ang buhay na saglit mo lang ipapahiram sa kanya? Bakit nga ba? Bakit ang unfair unfair mo? Alam ko masamang tanungin ang Diyos at tao lang ako na walang karapatan kwestyunin ang mga desisyon Nya, pero hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit? Bakit ba? Alam ko namang hindi lang ako ang nagtatanong sa Diyos, alam ko namang hindi lang ako ang nag-iisang may kapatid na may sakit, alam ko namang hindi lang ako ang nag-iisang may malaking problema sa mundong ito. Yun nga ang hindi ko maintindihan. Bakit? Bakit mo pa binuhay si Edele para lang din buong buhay niya ay maging miserable? Bakit mo pa binuhay yung mga taong buong buhay nila ay sobrang hirap nila? Bakit kailangan may pinapanganak na sobrang hirap at may pinapanganak na sobrang yaman? Bakit hindi fair ang mundo? Bakit hindi pwedeng masaya na lang lahat? Para saan ba? Props lang ba sila sa mundong ito? Para lang may masabing mayaman, mahirap? Matalino, bobo? Maganda, pangit? Swerte at malas? Bakit kasama ang kapatid ko doon? Bakit si Edele pa? Bakit siya? Hindi ko na napigilan ang kanina ko pang tinatagong luha. Ang sakit na noon pa lang ay nararamdaman ko na. Ang sakit na kahit ano yatang iyak ko ay hindi mawawala at hindi maghihilom. Pinipilit ko lang maging matatag para maging matatag din si Edele at labanan ang sakit niya, para magkaroon siya ng pag-asang gagaling pa siya. Pero kahit ano pa lang pagpapakatatag ang gawin ko, hindi ko pa rin maalis sa dibdib ko ang sakit... ang sakit sakit.... ang unfair unfair ng buhay sa aming dalawa. ___ Nakatulugan ko ang sobrang pag-iyak at nagising lang ako nang marinig ang tawag mula sa Mama ko. *Hello?* *Odele? Nagpadala na ako ng pera.* Hindi pa man ako nakakapag-salita ay may sinabi na siyang muli. *Sige kailangan ko nang ibaba ang tawag na 'to andyan na kasi si Jo-* *Hindi na namin kailangan ng pera.* *Ha? Bakit? Marami ka pa bang naitabi? O sige par-* *Hindi na namin kailangan ng pera mo kahit kailan. Hindi na namin kailangan ng tawag mo, ng suporta mo. Hindi ka na namin kailangan ni Edele. Kung hindi mo kami gustong makita, siguro tama na rin na hindi mo na kami maka-usap.* *Odele, anong sinasabi mo diyan!* *Alam ko malaki ang utang na loob namin sayo dahil sinuportahan mo ang pag-aaral namin kaya nagpapasalamat ako sayo pero tama na.* *Odele! Ano ba yang sinasabi mo! Nanay mo parin ak-* *Nanay? Hindi ka kailanman naging Nanay sa amin ni Edele. Tumatawag ka lang para sabihin na nagpadala ka na, pero hindi mo man lang kami kinakamusta. Ni hindi mo inaalam kung ano nang nangyayari kay Edele, kung magaling na ba siya o mamamatay na siya. Siguro nanay ka sa mga anak mo diyan pero sa aming dalawa, marami kang pagkukulang. Kaya wag mong sasabihin na naging nanay ka sa amin kasi hindi ko naramdaman.* Hindi ko hinintay pa ang gusto niyang sabihin, ayoko nang makarinig pa ng kung ano sa kanya ngayon. Kung gusto niya pa rin kaming makausap siguro wag na lang ako, kung gusto niya si Edele na lang o kaya si Tita. I've had enough. Ayoko nang lokohin pa ang sarili ko na talagang may Nanay ako kahit na ang totoo naman ay matagal nang wala. ___ Sinabihan ako ni Tita na bukas na lang daw ako mag bantay kay Edele. Kaya naman daw niyang i-manage ang business niya kahit na wala siya doon pero ang trabaho ko ay hindi pwedeng iwanan. Mabuti na nga lang at nakakuha agad ako ng trabaho pagka-graduate ko para may pandagdag na rin ako sa mga gagastusin sa pagpapagamot kay Edele, ayoko na kasi talagang gamitin pa ang pera ni Mama para sa amin. Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Tita at kamustahin si Edele. *Tita?* *Oh? Kumain ka na ba ng hapunan mo diyan? *Okay lang po ako, si.... Edele po?* *Eto, wala pa ring malay.....* Napabuntong-hininga na lang ako. *Ummm.... sige Tita kung sakaling magising siya, tawagan niyo na lang po agad ako ha?* *Sige...... kumain ka na diyan at magpahinga....* Pinutol ko na ang tawag pagkatapos nun. Kinabukasan nagising na naman ako sa dahil sa isang tawag na naman galing sa cellphone ko. Nakapikit pa rin akong kinapa ang aking cellphone para sagutin kung sino ang tumatawag. *He---llo?* *Ate, gutom na ako, pwede bang dalhan mo ako ng luto mo bago ka pumasok sa work?* Napabalikwas ako sa narinig kong boses ni Edele sa kabilang linya. *Ed? Gising ka na?!* *Oo naman! Nakakapagsalita na nga ako oh, Lalalalalala.* Narinig ko pa siyang tumatawa, pero rinig ko rin ang panghihina sa boses niya. Alam na kaya niya? Na? NO, ODELE! Hindi mo pwedeng sabihin sa kapatid mo, hindi niya pwedeng malaman na mawawala na siya. Napakasama mong kapatid kapag ginawa mo yun. *Ikaw talaga, napaka-pilya mo. Siya sige magluluto na ako.* *Okay! Eto si Tita oh, kausapin mo na at nang-aagaw ng cellphone.* Natawa ako sa sinabi niya, walang mapaglagyan ang saya ko dahil nagising na si Edele. *Odele! Gising na si Ed!* "Grabe, para namang first time 'to nangyari." Sigaw ni Tita at narinig ko pa ang side comment ni Edele sa kabilang linya kaya natawa ako. Mukhang kahit nanghihina siya at medyo bumabalik na agad siya sa pagiging maldita niya. *Opo, narinig ko.* *Pumunta ka agad dito, ha? Hindi kasi nakain sa binili kong umagahan e, gusto daw ng luto mo.* *Opo..* Nang maputol ang tawag ay nagmadali na akong magluto, buti na lang at may mga sahog ng Caldereta dito sa ref kaya hindi ko na kailangan pang mamalengke. Iyon kasi ang favorite ng babaeng yun. Mabilis ang bawat pagkilos ko kaya maaga akong natapos. Sandamakmak na kalat sa kusina ang iniwan ko dahil sa pagmamadali. ___ Ala syete ako nakarating sa ospital, tamang-tama may isang oras pa ako bago pumasok sa opisina, malapit lang naman ang opisina sa ospital na ito. Hindi ako mapakali habang hinihintay kong bumukas ang elevator. Pag-akyat ko ay naabutan ko si Edele na nanonood sa cellphone niya ng video na nirecord niya sa music festival. Si Tita naman ay tulog na sa may sofa doon. "Ate!" sigaw ni Edele pagkakita niya sa akin. Nginitian ko siya ng malaki at ipinakita ang dala kong pagkain. "Yehey! Kakain na ako sa wakas." Sabi niya at agad na sinunggaban ang dala kong Caldereta. Nakatingin lang ako sa kanya habang kumakain. Pinagmamasdan ko ang mga kamay niyang puno ng mga pinaglagyan ng dextrose. "Ate, wag mo nga akong titigan ng ganyan, para mo akong kakainin e." Saway niya sa akin at inismidan pa ako habang nginunguya ang karne. Napangiti lang ako. "Kamusta? Wala bang masakit sayo?" Tumingin siya sakin. "Ang weird mo naman, Ate Odele. Para namang first time nangyari 'to e. Pati si Tita ganyan. Okay lang ako, kagaya lang din ng dati. Siguro masyado lang napagod yung buto ko sa kakatalon sa music festival, pero okay pa rin naman ako. At worth it naman yung pagpunta ko doon." Sabi niya na patuloy sa pagkain at nakuha pang imaginin ang gabing iyon at kinilig pa siya bago sumubo muli ng malaking chunk ng karne. Tumango-tango lang ako, pero sa totoo lang ay kinakain ako ng kaba at ng mga salita ng doktor. ___ Pagkatapos niyang kumain ay ibinalot ko na iyon at iniwan ang pagkain para naman kay Tita na tulog pa rin doon sa sofa. "Te, nasan yung papel na pinaglagyan ko ng kanta para sa Pisces?" tanong niya habang nagliligpit ako ng pinagkainan niya. "Nilagay ko sa bulsa ng jeans mo nung gabi na din na yun." Sagot ko. "Paki-dala mamaya pag pumunta ka ulit dito, ah? Baka kasi mawala e, ibibigay ko pa yun kay Rhode pagkalabas ko rito." Napatigil ako sa ginagawa ko. Sinabi nga rin pala sakin ng doktor na hindi na pwedeng lumabas ng ospital si Edele simula ngayon hanggang sa.... Huminga ako ng malalim. Gusto kong sabihin kay Edele dahil nangako ako sa kanya noon na sasabihin ko ang lahat ng tungkol sa kondisyon niya, pero parang hindi ko kayang sabihin sa kanya ngayon. "Si—sige...." halos ibulong ko ang sagot ko sa kanya. "Oo nga pala, hindi ka kakanta mamaya?" tanong niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD