? Lyric 84 : akala ?

1861 Words

Lumala ako ng lumala, na pakiramdam ko ay tama na ang maling paniniwala ng mga tao sa totoong nangyari sa akin nung gabing iyon, at yung mga iba pang nangyari sa isla na yun. Yung mga ibinibintang nila sa akin na nilandi ko ang bawat miyembro ng banda, pakiramdam ko na tuloy, totoo iyon. Ayoko nang maniwala sa sarili ko. Lalong naging madalas na hindi ako nakakatulog sa gabi, minsan ay uupo lang ako sa kahit saang sulok ng kwarto ko at panay na ang mga naririnig kong bulong-bulungan sa tenga ko, kung makatulog man ako ay palagi ko lang napapanaginipan ang gabing iyon, o kaya naman yung tinuturo turo ako ng mga tao at sinisisi nila akin ang lahat-lahat. Umabot ng halos isang taon ang lahat ng pangyayaring ito sa akin. Isang taon akong nagtago sa bahay at sa publiko, isang taon akong walang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD