? Lyric 85 : move on ?

1940 Words

Tinitigan niya ako habang bitbit ang isang batang mukhang hindi pa nakakapaglakad. Maayos naman ang pagkakatali ng buhok niya, wala naman siyang sugat o pasa sa mukha at mga kamay niya, pero mukha siyang pagod at maamos ang damit, pati ng batang dala-dala niya ay madungis ding tingnan. Umiwas ako ng tingin, "M—may iniwan ako sa bahay mo. Isiniksik ko iyon dun sa kaunting awang ng pintuan niyo." Hindi pa rin siya umiimik kaya naglakad na ako papaalis nang mahawakan niya ako sa braso at dahil sa aking trauma ay mabilis ko iyon inalis at nagulat agad siya sa ginawa ko, at umiyak naman ang batang dala niya. Tinakpan ko ang braso ko ng jacket na dala-dala ko. Simula nung gabing nangyari sa akin iyon ay hindi na ako pumapayag na may humahawak sa kahit na anong parte ng katawan ko, pwera kapa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD