? Lyric 21 : tulak ?

1688 Words

"Hindi po..." Mabilis kong sagot, saka napatungo ako nung maalala ko kung bakit nga ba malagkit ang buhok ko at madumi ang damit ko. Hinawakan ng Mama ni Alas ang buhok ko at nagulat ako nang amuyin niya iyon. "Natapunan ka ng alak? O tinapunan ka ng alak?" Napatingin ako sa kanya, paano niya nalaman. Bakit parang nababasa ata niya ang nasa isip ko. "Ah… ummm... pasensya na po talaga, dahil po sa akin kaya naaksidente si Alas. Wala po akong ibang masabi kundi sorry… pasensya na po talaga." Nakatungo kong sabi. "Ayos lang yon... ahh, Odele, tama? Ayos lang yon, para medyo mabawasan naman ang kagwapuhan nitong si Alas. Siya na lang kasi ang mas napapansin ng mga babae." Biro ni Rocket. Nagtawanan sila. "Ayos ka lang ba talaga, Hija? Hindi ka ba nasaktan?" Mahinhing tanong ulit ng Mama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD