CHAPTER 2

2112 Words
“ hello guys sorry I am late! Sobrang traffic sa Edsa tila may nagbanggaan pa ata. Marami pa kasi ako tinapos sa office kaya late na rin ako nakaalis. Naabutan na rin ako ng rush hour. Kaya heto ” pagliliwanag nito na siyang pumutol sa usapan namin apat ng biglang sumulpot si Moira sa aming harapan. “ No it is okay! Maupo ka na. how about Joyce where she is? ” pagtatanong ko “ Wala pa rin ba siya rito? ” takang tanong ni Moira na tumango naman kaming lahat “ kangina pa nga namin tinatawagan pero hindi nasagot. Nasaan na kaya iyon? ” nag aalalang sambit ni Miami “ Baka naman gaya ko natraffic lang! Alam niyo naman hindi nasagot iyon once na dadrive ng Car. ” Moira said Nang biglang sabay sabay kami napalingon ng biglang may magsalita “ Ako na topic na? ” speaking of Joyce dumating na rin sa wakas ito. “ Your late ” puna na sabi ko “ Sorry sinundo ko pa kasi si Kuya Steven! Parang bata gusto ay ako pa ang sumundo sa kanya dahil ako naman raw dahilan ng pag uwi nito. ” pagpapaliwanag naman ni Joyce. Steven nga rin pala ang name ng Kuya nito kapangalan ng lalakeng nakilala ko roon sa America ngunit ni minsan ay hindi sumagi sa akin na magkaugnay ang dalawa dahil isang Delgado rin ang lalakeng pinakasalan ko noon ng ako ay nasa America. “ Edi masaya ka na? ” panunudyo ni Miami “ Ou naman aba matagal ko nang inaantay antay ang pag uwi nuon. Jusko kay haba ng panahon na inantay ko matuloy lang ang kasal ko. Nang dahil lang sa Kuya Steven ko ay hindi matuloy tuloy. ” Masayang sagot ni Joyce. Mahahalata mo talaga ang kasiyahan nito sa mukha habang sinasabi iyon. “ For good na ba ang Kuya Steven mo rito sa Pinas Joyce? ” tanong naman ni Carla “ Nope! Hindi ko pa masasagot iyan dahil alam niyo naman si Kuya mas importante pa ang Kumpanya kesa sa pag aasawa kaya nga hanggang ngayon hindi pa rin ito nag aasawa eh! Mas gusto pa ata kaharap nito lahat ng mga Investor’s kesa ang kaharap ang sarili niyang Pamilya. ” mahabang sagot ni Joyce. Napangisi naman si Miami at Carla na tila may kalokohang tumatakbo sa kanilang mga isipan. Ganoon nalang gulat namin ng magsalita ang mga ito matapos magbulungan ang dalawa. “ Bakit hindi natin ipakilala rito Kay Jenz ang Kuya Steven mo Joyce! Siguro naman ay okay lang naman sayo kung ipapakilala natin rito sa kaibigan natin diba? Binata ang Kuya mo at Dalaga naman itong kaibigan nating si Jenz. Malay natin magustuhan ng Kuya mo itong si Jenz di hindi na ikaw mamumublema na umalis pa ng Bansa ang Kuya mo. ” birong tugan na may pangungutya ni Miami matapos nagbulungan muli sila ni Carla saka tumawa. Nainis naman ako sa bagay na naisip ng mga ito. Hindi naman ata tama na pati ako ay kukutyain ng mga ito sa Kuya ni Joyce. “ Tigilan niyo nga iyang mga kalokohang naiisip ninyo. Pati ba naman nananahimik na Kuya ni Joyce naiisipan niyo ng kalokohan at gusto niyo pa talaga sakin ikabig makapag asawa lang. Hindi niyo man lang naisip na baka mamaya may sarili nang pamilya iyon roon sa America kaya ayaw na umuwi rito sa Pinas. ” inis na sambit ko sa mga kalokohang pinag sasabi ng mga ito. “ Ikaw naman Jenz galit ka na agad. Biro lang iyon ng dalawa pero malay nga natin diba ikaw lang pala inaantay antay ng Kuya nitong si Joyce. ” panunudyo naman ni Moira Isa pa sa sumang ayon sa kalokohan nila Miami at Carla saka sumabat rin si Aprilyn bilang pagsang ayon sa tatlo “ Ou nga naman Jenz ” tila ata pinagtutulungan ako ng mga ito sa panunudyo ng mga ito sa Kuya Steven ni Joyce. Ang nananatiling pananahimik ni Joyce ay biglang nabuwag ng isang malakas na hagikhik “ may point kayo girls. ” biglang pagsang ayon nito. Sa mga kalokohan ng aming mga kaibigan. “ Pati ba naman ikaw Joyce? Talaga bang sasakyan mo ang mga kalokohan ng mga iyan? ” inis na sabi ko “ Teka it’s a joke lang naman Jenz! Pero kung papayag ka rin naman edi mas maganda diba! ” Miami smirked habang sinasabi mga mapanuksong kataga nito. “ Nakakainis na kayo ahh! Alam ko naman na lahat kayo ay lumagay na sa tahimik pero hindi naman tama na pati Kuya nitong si Joyce ay ipagtutulakan ninyo sa akin. Alam ko rin naman iniisip niyo lang ako dahil nga sa nangyari saakin noon but don’t worry girls dadating rin ang araw gaya ninyo ay lalagay rin ako sa tahimik once matagpuan ko na ang sarili ko na magmahal muli but sa ngayon please wag niyo muna ipilit sakin ang bagay na iyan. Ngayon I want to focus. Career and si Lance muna ang gusto ko asikasuhin. Sana maunawaan niyo sana iyon. ” mahabang saad ko sa kanila saka ako ngumiti bilang pakiusap ko sa kanila. “ Sige na nga Jenz hindi na namin ipipilit pa sayo na ang Kuya Steven nitong si Joyce. Nauunawaan ka naman namin kung bakit hanggang ngayon ay ayaw mo pa rin magpatuloy ng iba sa buhay mo. Pero ang hiling namin ay sana naman magawa mo naman ng buksan iyan sa iba. Huwag mo masyado kimkimin ang nakaraan na, iyon ay matagal na nakaraan at lumipas na iyon huwag mo na palaging balikan paano ka pa makakausad sa buhay mo kung palagi mo ito binibitbit kahit saan. Iwanan mo nalang sana, para makausad ka na ng maayos sa buhay mo ngayon. ” Miami I smiled with her “ you may right Miami but don’t worry it was a part of my past matagal ko na itong kinalimutan. Dadating rin tayo diyan sa gusto niyo mangyari but now hayaan niyo muna ako magpatuloy sa buhay na tinatahak ko. Unti unti maisasaayos ko rin naman lahat wag kayo mag alala. At that day kayo una ko sasabihan ” tanging nasabi ko nalang sa kanila hindi kasi alam ng mga ito na kinasal na ako noon ng pumunta ako ng America yon ang bagay na hindi ko masabi sabi sa kanila. Dahil nahihiya ako sa kanilang lima at ayoko na magalit sila sa akin dahil sa hindi pagsabi sa kanila noon. Mahigpit na usapan namin magkakaibigan na dapat oras na may ikasal sa amin ay dapat alam ng bawat isa at hindi dapat na hindi kami kompleto sa araw ng masayang araw na iyon. Pero nagawa ko magpakasal ng hindi alam ng mga ito at wala pa sila sa masayang araw ko na iyon. Kasi naman maliban sa amin dalawa tanging kami lang dalawa ang naroroon at ang taong nagkasal sa amin dalawa, yon lang wala na ibang dumalo o pinagsabihan kaming dalawa. Napakasimple at mabilisang kasalan lang iyon. Isang napakalaking sikreto sa marami. “ thanks girls kahit kelan hindi ako nagsisi na kayo ang mga natatanging mga kaibigan ko. Salamat sa lahat ng suporta at hindi pag iwan sakin. ” saka ko sila niyakap na lima. Isang mahigpit na group hug ang pinagsaluhan namin anim. “ heto naman tayo girls isang madamdaming paksa na nakapagpatayo naman sakin ” maluha luhang gagad nk Aprilyn. Hindi lang naman ito kundi lahat kami. Dahil sa tuwing ganitong pagkakataon hindi maiwasan na gawing paksa ang aking nakaraan. Matapos ang araw na iyon. Mabilis na lumipas ang mga araw sa susunod na linggo na ang nalalapit na kasal ni Joyce sa long term boyfriend nitong si Jonathan isa sa anak ng kanilang Business Partners. Balita ko nga ang Kuya nito ang pumalit muna sa kanyang posisyon sa Kumpanya habang nag aayos sila ng kanilang kasal ni Jonathan. “ hi Jenz ” bati ng secretary ni Joyce “ Hello Cath! Nariyan na ba si Joyce? ” bati na tanong ko rito “ Wala pa! bakit may sadya ka ba sa kanya? ” balik na tanong nito “ Ou sana, ipapakita ko lang sana itong pinagawa niya sakin. Sayang wala pa pala siya gusto ko sana makita niya muna at kung may ipapabago siya maaayos ko. Maaari ba iwan ko nalang ito sayo? ” “ Sige ako na bahala Jenz! Iwan mo nalang at kung dumating si Mam Joyce ipapakita ko sa kanya. Ihatid ko nalamg sayo sa bahay niyo sakali may gusto itong ipabago sayo. ” sagot nito. Designs kasi iyon ng bahay na gusto nila ipatayo ni Jonathan. Matagal na nirequest ni Joyce na ako ang gusto niya gumawa ng Designs ng bahay na ipapatayo nilang mag aasawa. Sa sobrang busy ko sa pagtulong kila Papa at Kuya sa pamamalakad ng Kumpanya nakaligtaan ko na ang pangako na iyon sa dalawa. Kaya ngayon nalalapit na rin sa wakas ang kanilang kasal gusto ko itong maging handog sana sa dalawa. Gaya ng kasal nila nadelay na rin ng matagal ang plano ng mga ito na maipatayo ang kanilang Dream Home ng dahil sakin. Ngayon lang kasi ako nagkaoras o sadyang siningit ko lang talaga para matupad ang pinangako ko sa kanila. Sana magustuhan nila. Sabi ko sa sarili ko “ Jenz kaw pala iyan, kamusta ka na ” isang boses sa aking likuran. Sabay kami Napabaling sa taong nagsalita niyon. “ Kiel ikaw pala ” pinsan ni Joyce isa sa mga nakaclose ko sa mga nakatrabaho ko rito may sampung taon na nakakaraan. “ Mabuti ikaw ba? ” balik na sabi ko “ Maayos lang! namiss kita matagal na rin simula ng umalis ka rito sa Kumpanya. ” “ Ou nga! Namiss ko na rin ikaw. Balita ba sayo? ” “ Heto binata pa rin hehehe ” sagot nito na sinabayan ng malakas na tawa “ Naku hanggang ngayon ba hindi mo pa rin nakikita ang babaeng magpapatibok ng puso mo? ” biro na sabi ko. Matagal na rin kasi ito nagpahiwatig nuon ng tunay na nararamdaman para sakin, ngunit sinabi ko na hanggang magkaibigan lang ang kaya ko ibalik rito dahil nahihiya ako sa pamilya ni Joyce ayoko isipin nila na ginagamit ko ang pagkakaibigan namin para makuha ko ang mga ninanais ko. “ ikaw talaga! Alam mo naman nuon pa kung sino ang babaeng tinatangis nito. ” sabay turo sa dibdib nito “ kaloka hanggang ngayon mapagbiro ka pa rin. Hindi ka na nagbago ” tawa tawang sabi ko “ Jenz kaylan man hindi nagbiro ang nararamdaman ko para sayo. Nuon pa man ikaw na ang sinisigaw nito ngunit ayaw mo lang itong paniwalaan, lahat ay para sayo ay biro lamang. ” seryosong sabi ni Kiel “ Kiel alam mo naman diba ang sagot ko sa nararamdaman mo para sakin. Hanggang duon lang ang kaya ko isukli sayo. Hindi ko kasi kaya sirain ang pagkakaibigan natin dalawa. Marami pang babae ang pwede dumating sa buhay mo kaya huwag mo ibuhos lahat ng dahil sa nararamdaman mo para sakin ay ayaw mona timingin at ibaling sa iba iyan. Hayaan mo may pumasok na iba malay mo sang araw hindi mo alam yung babaeng maglalakas ng loob na pasukin ang buhay mo ay siya na palang babaeng mamahalin ka at mamahalin mo habang buhay. ” mahabang pangaral ko rito. Pangaral na sa akin man ay hindi ko kaylan man maiapply simula ng magawa kong magpapasok sa buhay ko ng lalake at mag umpisa ako magmahal sa hindi tama iyon ay naging isang sugat na kaylanman ay hindi na gumaling galing. Kasama na ata sa buhay ng tao na minsan ka masaktan ay mahirap na rin itong maghilom lalo kung malaki ang sugat na iniwan nito sa puso mo. “ halika na Kiel. Ilibre muna ako namiss ko kumain na kasabay ikaw. ” pagbabago ko sa usapan namin dalawa. Masyado na kasi itong seryoso at nadadala ng emosyon na matagal na nakaraan. “ kahit kelan pagkain talaga yang nasa isip mo. Libre ka diyan! Ikaw manlibre dahil matagal na panahon ka na hindi man lang nagparamdam. ” saka ito umakbay. Sa wakas ay nakita ko na rin itong ngumiti gaya ng dati. Masaya ako makitang masaya rin ito sa muli naming pagkikita. “ O siya! Sige sagot ko na kabayaran sa muli mong pagngiti gaya ng dati. Masaya ako makita kang ganyan Kiel ” saka ako tumingin sa mga mukha nito. At ngumiti naman ito ng pagkaluwang saka pinalabas ang magkabilang naglalaliman na dimple. “ Ganyan ba Jenz? ” mas lalo pa pinagbuti ang pag ngiti “ Ou mas gwapo ka sa ganyan Kiel. Sana lagi ka nalang ganyan ng baka sakali ay matagpuan muna ang babaeng magpatibok ng puso mo ” sabay tawa ko ng malakas. “ Binibiro mo lang ata ako eh! Ayoko na nga ” saka sumimangot Ito “ Ano ka ba kelan ko ba nagawang magbiro sayo ” panunuyo ko “ O siya tara na at kumain na tayo ” hinawakan ko ito sa kamay at saka hinila palabas ng Office Building nila Joyce. Kakain nalang kami kesa mapikon pa ito at ungkatin muli ang nakaraan. Habang palabas sila Jenz at Kiel hindi nila namalayan ng dalawa ang mga mata na mariin na kangina pa nakatingin habang sila ay masayang naghaharutan palabas ng building. Isang lalake na nagtatangis at gusto silang sugurin dahil sa masayang paglalambingan ng dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD