CHAPTER 1

2086 Words
“ Hi Jenz! How are you? " tila ay gulat na salubong ng kanyang matatalik na kaibigan " Wow! your looking Good and Elegant with your Black Dress ” Masayang bungad ni Aprilyn. Isa sa mga matatalik na kaibigan at kaklase niya nuong nasa College pa siya. Hindi naman kasi ito nagkamali dahil talagang bumagay sa kanya ang kanyang suot na Black Dress na may pagkahapit sa hurma ng kanyang katawan. Bahagya niya rin kinulot ng kaonti ang mga dulo ng kanyang buhok saka ito inilugay na mas lalo pa nagdala sa kanyang suot suot na dress. Pinaghandaan niya talaga ang araw na ito dahil alam niya hindi na muli siya titigilan para usisain ng mga malalapit na kaibigan. Everytime nalang kasi sasapit ang Reunion nila siya ang lagi front topic ng lahat although may kanya kanya naman na mga asawa ang lahat maliban lang sa kanya. Isa kasing Dalagang Ina si Jenz. Maliban sa kanya walang ibang pinagsabihan ng mga nangyari sa kanya Sampung Taon na nakakalipas. Although alam ng mga ito na mayroon siyang anak yon lang, ayaw na rin kasi niya maalala ang mga bagay na nakaraan kaya minabuti niya nalang ilihim sa lahat ang bagay na iyon kahit sa kanyang mga kaibigan at mga magulang o kahit sa kanyang pinakamalapit na Kuya Justin niya. “ Sinabi mo pa! Para tuloy dalaga itong si Jenz at walang Anak. ” baling ni Miami isa rin sa mga kaibigan ni Jenz “ Dalaga naman itong si Jenz! Miami ” sabad ni Carla “ Ou nga Dalaga si Jenz! Sino ba nagsabi hindi, Carla? ” sagot ni Miami “ Tumigil na nga kayo sa pagtatalo na dalaga ako at baka mamaya ay magkapikunan pa kayong dalawa. ” suway ko sa kanila. “ Grabe ka naman Jenz magkapikunan talaga? Parang hindi ka pa sanay sa aming dalawa. Nuon pa man ganito na kaming dalawa ” nakangiting saad ni Miami. Tama naman talaga ito nasa College pa lang kami ganyan na silang Dalawa. “ Kasi naman Jenz nasaan ba kasi yang Ama ng anak mo? Aba 10years na hindi ka man lang nagsasalita about sa nangyari sayo nuon ng magpunta ka ng America. Umuwi ka nalang dito at ginulat kami na nagdadalang tao ka na pala. ” muli ay pagbubukas sa nakalipas na sampong taon na may pagtatampo na saad ni Miami. “ Ou nga Jenz! Sayang naman at nasayang ang pangarap mo makarating ng America. Tuwang tuwa pa naman kami ng ikaw ang ipadala roon para duon mag aral at kumuha ng Masteral. Pinaghirapan mo pa iyon para ikaw lang maipadala roon tapos makaraan ang ilang buwan ng matapos ang masteral mo, umuwi ka nalang dito at buntis ka na pala. Hindi mo man lang natapos ang training mo roon sa Company Branch ng Delgado Empire na pagmamay ari nila Joyce para na rin sana sa Promotion na inaasam asam mo noon pa man. Ayon nasungkit ng iba! Na dapat ay sayo. ” panimula muli ni Carla. Heto na nga ba sinasabi ko, mag uumpisa na muli silang ungkatin ang aking nakaraan kahit may 10 years na rin ang nakakalipas. Sa tuwing magkikita kita nalang kaming magkakaibigan ay inumpisahan nilang hagilapin ang sagot sa kanilang pagdududa at agam agam kung sino talaga ang Ama ng aking Anak. Alam ko may agam agam na rin sa kanila tungkol sa lalakeng nakilala ko sa America may sampung taon na nakakalipas. Nakwento ko kasi sa kanila iyon na may lalake akong nakilala roon at naging boyfriend ko habang naroroon ako. Ngunit lingid sa kaalaman nila na nagawa ko magpakasal sa lalakeng iyon ng hindi ko sinasabi sa kanila o nabanggit man lang. Sariling desisyon ko iyon at hindi ko sinabi sa kanila dahil alam ko na kokontrahin nila. Natatakot ako na magalit sila sa akin dahil sa ginawa kong desisyon ng hindi man lang kinonsulta sa kanilang lima. Masyado mabilis ang pangyayari, sa maiksing panahon ay minahal ko ito hanggang sa dumating sa punto na napagdesisyonan namin dalawa na magpakasal roon sa America. Matapos ang Masteral ko roon ay hindi na ito pumayag na pumasok pa ako sa training ko sa Company nila Joyce. Mahigpit nitong pinigilan ako na makapasok o makatuntong man lang sa Office ng mga Delgado. Ang Delgado Empire na kung saan ako ay nagtatrabaho ng wala pang isang taon. Dahil sa angking galing ko raw matapos ang ilang buwan ay napili ako upang ipadala sa America para doon mag Masteral at kumuha ng Training para sa Promotion na hinatag sakin ng Kumpanya. Delgado Empire ay pagmamay ari ng pamilya ng aking kaibigan at ka schoolmates nung College na si Mary Joyce Delgado. Isa ang Delgado Empire sa malalaking Company sa buong Bansa. Maliban roon mayroon rin silang mga Branch sa ilang Bansa sa buong Mundo. Napakatanga ko nga naman kasi mas pinili ko pa ang lalakeng iyon para sa pangarap ko kung bakit ako naroroon sa America. Hindi ko inisip kung ano ang dahilan kung bakit ako naroroon sa bansang iyon. Bagkus ay nagpadala ako sa bigkis ng aking nararamdaman para sa lalakeng iyon. Masyado ako nadala sa damdamin ko para rito. Kaya naman ganoon nalang, sinunod ko na wag nalang pumasok at tapusin ang training ko sa Delgado Empire. Dahil sa paniniwalang Mahal ako nito. Nang dahil sa pagmamahal na iyon ay nauwi sa wala ang mga pangarap ko para sa sarili ko. Matapos ang ilang buwan ay napagdesisyonan ko umuwi nalang ng Bansa dahil sa isang pangyayari na hindi ko kaylan man naisip o sumagi man lang sa aking sarili na mangyayari iyon sa akin dahil sa pagpunta ko roon sa America. “ Muli ka naman nag iisip at sinasarili mag isa ang iyong problema Jenz! ” biglang hayag nila Aprilyn, Miami at Carla. Kaya naman naputol ang aking pagbabaliktanaw sa aking nakaraan na muli nilang binubuksan. “ Sorry guys. ” sabi ko saka napayuko. “ Wag mo kasing sarilinin, naririto kami oh! ” Miami said saka sabay tingin sa iba pa naming mga kaibigan “ Kaya nga Jenz! Para saan pa na mga kaibigan mo kami. ” tudyo naman ni Carla “ Para kasi itong bata si Jenz. She’s always pretending na okay lang siya. But definitely she’s not. ” Aprilyn said too. “ Alam mo Jenz may sampung taon na rin at alam naming hindi mo pa rin makalimot lahat ng mga nangyari sayo roon sa America. Lagi mo lang sinasabi okay ka but deep inside hindi. Alam namin nasasaktan ka pa rin sa mga bagay na nangyari sayo but wag mo isipin na wala gusto damayan ka. Naririto kami handa makinig sayo nag aantay lang kami mag open up ka about your personal reasons kung bakit ganoon ang nangyari sayo ng pumunta ka ng America. Alam namin may sarili kang dahilan kung bakit mo gusto ilihim samin iyon, pero mga kaibigan mo kami at handa kami makinig sayo. Don’t keep it. Huwag mong sarilinin. Kung alam mong masyado na mabigat dalhin said us. Handa naman kami pakinggan ka, damayan at tulungan para mas madali mong makalimutan lahat. Hindi yung mag isa mo lang dinadala ng ayaw mong may mga taong damayan ka. ” mahabang lintihiya ni Miami. Sa isang banda ay tama naman ito ngunit natatakot at nahihiya ako sa kanila. Lalo kung malalaman lang ng mga ito ang aking matagal nang nililihim sa kanila. Hindi pa ako ready magsabi at magkwento sa kanila ng lahat lahat. Kaya hanggang kaya ko sasarilinin ko nalang muna ito at pananatilihing lihim sa iba. Kahit alam ko madalas ay nagtatanong rin si Lance about sa kaniyang Ama. Ngunit wala akong maisagot rito kundi nasa malayo at nagtatrabaho ang kanyang Ama sa America. Maliban roon wala akong binabanggit na iba rito. Kahit litrato nito ay wala ako dahil binura ko iyon matapos lahat ng pangyayari sa amin dalawa ng kanyang Ama. Ang tanging alaala lang nito ay ang naiwan na regalo nito ng simula ng umalis ako roon at iwan ito. Iyon ang batang pinagbubuntis ko ng hindi man lang nito nalaman kahit kelan. “ Mag iiyakan na muli ba tayo? Diba sinabi ko naman sa inyo okay lang ako at wala kayo dapat ipag alala. Wala naman ako pinagsisihan sa lahat ng naging desisyon ko noon lalo ng ipagbuntis ko si Lance diba? Sa tuwing magkikita kita nalang ba tayo ay uungkatin niyo ang nakaraan ko? Hindi ba pwede kalimutan nalang ninyo gaya ng paglimot ko roon. ” sambit na pakiusap ko na rin sa kanila. “ Pero Jenz! Alam namin hanggang ngayon ay iniisip isip mo pa rin lahat ng iyon. ” giit ni Carla “ Pero Matagal na panahon na iyon. kalimutan niyo na! at kinalimutan ko na rin iyon ” tanging lagi hiling ko sa kanila sa tuwing inuungkat nila iyon “ Oh siya! Sige na nga. ” tugon na pagsang ayon ni Aprilyn ngunit maliban rito ay hindi nasagot pa ng pagsang ayon ang dalawa sila Carla at Miami na mariin na nakatitig at binabasa ang aking iniisip “ Teka nasaan na nga pala sila Joyce at Moira? ” pagliwas ko ng paksa sa kanila. Na siya naman kinabigla nila. Kangina pa kaming apat rito ngunit wala pa yung dalawa. Si Joyce at Moira ay isa rin sa mga malalapit na kaibigan ko nung College. Si Joyce ang isa sa anak ng may ari ng Company kung saan kami nagtatrabaho nila Miami at Carla noon. Kapwa kami mga Architect sa Delgado Empire. Sila Aprilyn at Moira naman may kani kanilang Family Business naisipan duon magtrabaho para makatulong sa kani kanilang pamilya. Si Miami at Carla kapwa naman mga may kaya sa buhay ngunit hindi nga lang gaya nila Joyce, Moira at Aprilyn na kilala sa Bansa ang kani kanilang Kumpanya. Ako naman isang hamak na anak ng isang Engineer. May maliit rin negosyo ang mga magulang ko gaya nila Miami at Carla. May isang Real Estate Company ang aking mga magulang katuwang ni Papa at Mama si Kuya Justin sa pagpapatakbo nito. Isa rin kasi itong Engineer na nagtapos ng kursong Civil Engineering sa School kung saan ko nakilala ang aking mga kaibigan. Ako naman nagtapos sa kursong Architectural gusto sana nila Papa at Kuya na tumulong nalang ako sa kanila sa pagpapatakbo ng negosyo dahil sa kursong kinuha ko ngunit matigas ang ulo ko may pangarap ako na gusto maabot lalo alam ko may possibility na makapag masteral ako sa America kung sa mga Delgado ako magtatrabaho. Narinig ko kasi iyon ng minsan mag OJT ako roon ang sabi ng Head ko roon ay nagbibigay ng Chance ang Company na makapag aral at makapag Masteral sa America ang mga empleyado na may magagandang potential. Kaya naman pagkagraduate ko agad ay tinanggap ko ang offer sa akin ng Delgado Empire at isinantabi ang kahilingan ng aking pamilya na roon sa Kumpanya namin magtrabaho. “ Ewan ko ba roon sa dalawa na yon! Hindi pa nasagot sa mga text messages at calls ko. Kangina ko pa kinocontact ang mga iyon ” sagot ni Carla “ Si Moira on the way na raw, kasasagot lang niya sa text message na sinend ko rito. Si Joyce wala pang sagot. ” Saad ni Miami “ Baka busy pa sa pag aasikaso ng nalalapit nitong kasal ” Saad naman ni Aprilyn sa mga kuro kuro ng mga kaibigan Sabagay busy na nga naman itong so Joyce sa nalalapit na kasal nito sa matagal nang kasintahan. Sa wakas ay nakuha na rin ng mga ito magpakasal matapos ang ilang taong paglalahad ng kanilang engagement sa lahat. Kala namin hindi na matuloy tuloy ito dahil sa kagagawan ng Kuya nito na nasa America busy raw kasi ito at hindi makauwi ng Bansa dahil sa Negosyo nila roon. Ayaw naman magpakasal ni Joyce ng wala ang Kuya niya dahil ito ang kanilang magiging Best Man sa matagal ng pinaplano nilang kasal. Sa wakas ngayon ay matutuloy na ito. Dahil nagsabi na ang Kuya nito na uuwi na ng Bansa para mapagbigyan ang ninanais ng nakababatang kapatid. Ganoon nalang katuwa ni Joyce dahil sa wakas matutuloy na rin ang Kay tagal na pinapangarap na kasal. Ngayon ako naman ang kinukulit ng mga ito na magpakasal na rin dahil kapwa silang lahat ay may kanya kanya ng pamilya maliban sa akin na nananatiling Dalagang Ina. Saka nalang siguro pag ready na ako, Kung makakilala ako ng tamang lalakeng magmamahal at tatanggapin ako maging ang Anak at nakaraan ko. Baka sakali maisipan ko na rin lumagay sa tahimik gaya ng mga kaibigan ko. Ang tanong meroon pa kaya ako makikilala na tamang lalake na magagawang tanggapin ang gaya ko. Nagkipit balikat ako. Para kasing malabo ang naiisip ko. Maswerte ako kung meroon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD