“ Hello who is this? ” tanong ko sa kabilang linya matapos ko sagutin ang cellphone ko ng tumunog iyon.
Kasalukuyan ako nasa office at tinatapos pa ang ilan designs na pinasa ng aming mga architect. Sinusuri ko iyon mabuti upang walang maging problem once pinasa namin sa mga clients ng aming maliit na Company.
Kumabog ng todo ang dibdib ni Jenz ng marinig magsalita ang nasa kabilang linya. Boses lalaki at kung hindi siya nagkakamali kilala niya ito.
“ Can I speak to Mrs. Delgado ”
“ who is this? ” pagkaikaila ko na kilala ko ang boses na yon.
“ oh really! I was shocked for what I heard Mrs. Delgado. Pati pala boses na ito ay hindi muna kilala at kinalimutan muna rin talaga ng tuluyan. ” sabi pa nito
“ I am sorry! But I’m not Ms. Delgado baka nagkamali ka ng tinawagan Mr.? ” putol na hindi ko naituloy dahil hindi ko alam ang sasabihin rito ayoko magkamali at malaman nito na nakikilala ko ang boses na yon.
“ Mr. Delgado! ” pagduduktong nito sa sasabihin ko sana.
“ Sorry Mr. Delgado baka mali ang numero na tinawagan mo. Ibaba ko na toh! Marami pa akong gagawin ” pag iiwas ko rito. Alam kong si Steven iyon ang boses nagmamay ari nun.
Pero bakit ito tumawag sa akin? At paano nito nalaman ang numero ko. Hindi overseas number iyon kaya malakas ang kutob ni Jenz na nasa pinas lang ito. Ano ang kailangan nito kay Jenz may sampung taon na rin mula ng iwanan niya ito sa States at mula nuon wala na siya naging balita rito.
Ano ang binabalak nito sa pagbabalik nito sa Pinas? May plano ba ito maghiganti sa ginawa niya? Paano kung malaman nito na may anak sila at nagbunga ang maikling panahon na nagkasama silang dalawa.
Biglang kinabahan si Jenz sa isiping iyon. Paano kung bawiin nito si Lance kapag nalaman nito na may anak sila. Wala siyang habol roon dahil alam niya na may pera ito at kaya bawiin ang kanyang anak sa isang pitik lang nito magagawa nito iyon dahil sa pera nito.
“ I am not Mrs. Delgado. Let’s come with me for a dinner mayroon akong gusto idiscuss sayo! Magkita tayo ng personal ng malaman mo na hindi ako nagkamali ng tinawagan ko. ” automatically said
“ But I am sorry Mr. Delgado I am not Mrs. Delgado. Nagkakamali ka ng taong tinawagan mo. I’m Ms. Sandoval at kahit kelan ay hindi pa ako nag aasawa para tawagin mo sa pangalan Mrs. Delgado. Mukha atang mali ka ng taong tinutukoy ko. Maaari sana ay ibababa ko na ito at marami pa akong dapat tapusin na trabaho. Sige goodbye. ” ibaba ko na sana ng muli ay pigilan ako nito
“ wait! Kung hindi ka makikipagkita sakin ngayon sa bahay niyo na mismo ako tutungo para magpakilala sa pamilya mo. Sasabihin ko lang naman na ako ang lalakeng iniwan mo matapos pakasalan may sampung taon na rin ang nakakaraan. At doon ko sasabihin ang pakay ko sa bagay na gusto ko idiscusd sayo. ” pananakot nito.
Biglang binalot ng kaba si Jenz dahil sa sinabi nito. Hindi maaari pati bahay ng pamilya ko ay alam na rin nito. Magugulo lahat oras na lumabas ang lalakeng minsan ay minahal ni Jenz at naging bahagi ng buhay niya.
“ teka bakit pati pamilya ko ay idadamay mo. Okay panalo ka na! Hindi ako pwede sumama sayo sa dinner I have a dinner meeting tonight. Magkita nalang tayo after dinner sabihin mo sakin kung saan mo gusto magkita tayong dalawa at pupuntahan kita. ” yon nalang ang bagay na naisip niya para tumigil na ito. Nakapangako kasi siya kay Mama at Lance na sasabayan ko sila sa dinner ngayong araw.
“ okay sa wakas ay naalala mo rin ako. Sa Unit ko nalang. Hihintayin kita. Siguraduhin mo lang pupunta ka kung hindi— ”
“ yes im going don’t worry ” sagot ko agad upang maputol ang sasabihin nito.
“ okay! That’s it. Goodbye see you later. ” matapos iyon ay binaba na ng tuluyan nito at nawala na sa kabilang linya.
Si Jenz naman naiwanan na nakatulala at hindi makapaniwalang makalipas ang mahabang panahon ay maririnig pa muli ang boses na yon at hindi lang magkikita pa silang dalawa.
Sadya talagang mapaglaro ang tadhana para muli ay magkrus ang mga landas nila.
After working hours dumiretso na agad siya sa bahay nila. Inutos nalang niya kasi sa Secretary na ibili siya ng cake wala na rin kasi ito oras para dumaan sa cake store.
“ Mommy ” masayang salubong ng aking anak na si Lance. Niyakap agad ako nito at nagpakarga, kahit napakabigay nito ay wala ako magagawa na hindi ito kargahin.
He is still may baby kahit 9 years old na ito baby pa rin kung kumilos at maglambing pero may mga time na parang matanda ito magsalita kapag kinausap mo. Dahil nag iisang apo lahat ng layaw ay nasusunod. Masyado spoiled kila Mama at Papa pati na rin kay Kuya Justin ay sunod na sunod ang kapitsuhan nito. Kaya naman kung kumilos at gumalaw minsan ay baby ba baby pa rin.
“ namiss mo ba si Mommy ” sabay halik sa magkabilang pisngi nito.
“ yes Mommy I really miss you! Bakit antagal mo naman umuwi? Gutom na kami ”
Mukhang nagtatampo ito dahil sa late na pag uwi ni Jenz pasado alas syete pa lang naman pero nagugutom na raw ito. Sabagay madalas ay alas sais pa lang ay kumakain na ang mga ito. Nakagawian na iyon ng pamilya namin mula ng kami ay mga bata pa.
Ala sais ng umaga ay umagahan namin ng Pamilya at alas onse naman ang tanghalian hindi dapat umabot ng alas dose kundi sermon kami kila Mama at Papa noon. At alas sais ng Gabi ang hapunan matapos yon ay magsisipasok na kami sa kanya kanyang kwarto kung wala naman kami dapat gawin o pag uusapan.
Minsan nanuod lang kami ng Tv na sabay sabay pero madalas ay sa mga kwarto lamang kaming lahat matapos ang hapunan gagawa ng homework or manonuod ng Tv ang daily routine namin nila Kuya Justin may kanya kanya kasi kaming Tv sa bawat kwarto namin.
Minsan ay madalas pala ay ginugulo ako ni Kuya Justin sa kwarto ko. Duon ito nanunuod o kaya naman ay gumagana ng kanyang homework minsan ay nakakatulog na rin ito sa kwarto ko. Wala ako magawa siguro ay naiinip ito mag isa sa kanyang kwarto. Kahit simple at hindi kami ganoon kayaman gaya ng iba ay sinisiguro naman ng aming mga magulang na mabigay ang lahat ng aming pangangailangan. Pero malungkot rin pala.
Biruin mo hindi man ganoon kalaki ang mga kwarto namin ay malungkot dahil mag isa lang kami ruon. Tanging sarili lang nakakausap namin dalawa ni Kuya kaya madalas ito ay lumilipat sa kwarto ko para may nakakausap ito. May mga katulong rin kami gaya ng mayayaman pero hindi nga lang marami gaya sa iba.
“ Sorry Baby maraming trabaho tinapos si Mommy eh! Nexttime babawi ako, okay ” pagpapaliwanag ko rito para hindi na magtampo
“ ano nasermunan ka naman ng mabait kong pamangkin ” sabay kami napatingin ni Lance sa lalakeng nagsalita na yon
“ Daddy Justin ” sigaw nito na biglang kumawala at bumaba sa pagkakabuhat ko. Dali dali tinungo ang Daddy Justin nito.
Daddy Justin kasi ang tawag nito kay Kuya dahil sa wala raw naman siya Daddy ay Daddy na ang kinalakihan tawag nito kay Kuya Justin. Wala naman nagawa si Kuya kundi pumayag. Kaya heto nga minsan ay napagkakamalan kami mag aasawa imbes na magkapatid na dalawa.
“ himala dumating ka ng maaga ” baling na tanong sakin ni Kuya. Tila ito gulat na gulat dahil sa pag uwi ko ng maaga. Sabagay palagi nga naman late na rin ako madalas kung umuwi minsan ay inuumaga pa dahil sa mga trabaho sa opisina. Minsan pa nga ay duon na ako nakakatulog pag may mga rush na dapat akong tapusin na trabaho
Ngumiti muna ako saka ako sumagot “ Mukhang nagtataka ka pa Kuya palagian naman ako nauwi ng maaga ahh! ” sabay biro ko rito. Maaga dahil inuumaga na nga kamo hehehe. Sabay tawa ko
“ maloko to! Anung maaga? Sabagay maaga nga naman inuumaga ka na madalas, uuwi ka lang para maligo at magbihis pagkatapos ay aalis na muli. Aba Jenz wag mo sanang sanayin ang sarili mo sa ganoon. Babae ka pa naman hindi ka na naawa sa anak mo madalang na kayo magkitang dalawa. Nasasanay ka lang sa pagtawag tawag rito para magkausap kayo pero hindi mo magawang makipagbonding rito kahit sabayan man lang sa pagkain hindi mo magawa, puro ka trabaho. ” mahabang sermon muli ni Kuya palagian ito ganito pag sa tuwing magkikita kaming dalawa.
“ Sorry na Kuya! Alam mo naman pinagbubutihan ko lang ang trabaho ko dahil ayoko mapahiya muli sa inyo ni Papa. Dahil sa katigasan ng ulo ko nuon nakita niyo ang naging bunga. Nais ko lang bumawi dahil sa kabila ng lahat hindi niyo ako pinabayaan kaya hayaan niyo sana ako makabawi sa lahat ng mga nagawa ko. Hindi ko naman napapabayaan ang pagiging Ina ko kay Lance alam ko pa rin naman ang limitations ko sa pagiging Ina sa kanya. ”
“ Jenz kaylan man hindi ka namin sinisi alam mo yan. Ikaw lang itong nag iisip ng mga bagay na hindi naman. Mahal na Mahal ka namin nila Mama at Papa kaya kahit ganoon pa man nangyari sayo ay pinagpapasalamat namin iyon dahil binigyan mo ng isang angel sila Mama at Papa kita mo naman kung gaano sila natuwa ng dumating ang iyong anak sa buhay natin. Kaya wag mona isipin pa ang nakaraan bagkus ay kalimutan muna iyon at mag umpisa ka muli sa panibagong yugto ng buhay mo. Wag mong tapusin ito ng dahil lang sa tingin mo ay hindi tama ang iyong nagawa. Naririto lang kami at susuportahan ka sa abot ng aming makakaya Mahal na Mahal namin kayo ng iyong anak yan sana ang iyong pagkatandaan. ” sa lahat ng sinabi nito ay muli ay tumulo ang mga luha sa aking mga mata.
Niyakap ako ni Kuya naramdaman ko ang paghaplos ng palad nito sa mga buhok ko. Napakaswerte ko talaga dahil sila ang naging pamilya ko sa mahabang panahon. Hindi ako iniwan ng mga ito, sinamahan nila ako mapalaki ng maayos ang anak ko.
“ Tama na nga yang drama niyong dalawa. Halina, kumain na tayo at kangina pa nag aantay ang Papa niyo at si Lance sa hapag. Hindi makakain dahil inaantay antay kayong dalawa. ” bigla ay pigil ni Mama sa madramang sandali namin ni Kuya. Kapwa kami natawa sa ginawang pasok ni Mama sa eksena.
Para tuloy kami nasa isang Teleserye kung saan ay matiim na ang eksena ngunit may bigla pumutol nito at nagsabi na CUT.
KAKAIN NA RAW PALA.. GUTO NA SILA..
“ Mama kahit kelan talaga. Ikaw ba Director palagian ka nalang sumisingit sa mainit na eksena naming dalawa nito si Jenz. ” may halong pagmamaktol ni Kuya.
“ Tumigil ka nga. Palagian mo nalang iyang sinesermunan si Jenz. Buti nga at hindi nananawa sa mga paulit ulit mong lintihiya. Kung ako siguro ay baka nagatukan na kita. Aba daig mo pa alarm clock paulit ulit. Ang nakaraan ay nakaraan hayaan muna maghilom at dalhin ng nakaraan. Wag mona pilit balikan masasaktan ka lang. Ang pinagdaanan nitong si Jenz ay napagdaanan ko rin nuon sa Papa ninyo. ” mahabang gatong ni Mama. Para lang panggatong sa nag aapoy na eksena.
“ aba marunong ka pala Mama. Ngunit ikaw na ang nagsabi ang nakaraan ay nakaraan bakit pati ang sa inyo ni Papa ay nasama. ” saka himalakhak ng nakakaloko si kuya
“ itong bata na toh! Ikaw nga ay mag asawa na ng mabawasan ang sakit ng ulo namin ng Papa mo. Hindi ka na Bata, tumatanda ka na dapat ay mag asawa ka na ng hindi itong si Jenz ang palagian mong pinagdidiskitahan. ”
“ bakit pati pag aasawa ko ay nadamay sa usaping ito. Ikaw talaga Mama wala ka na makita kundi ako. Bata pa naman ako, saka lalake ako hindi mo dapat madaliin ang pag aasawa ko. Itong si Jenz dapat ang pinag aasawa natin eh! Tumatanda na rin iyan, halos lahat ng kaibigan niya ay may mga asawa na siya nalang ang wala. ” pati ako ay nadamay na sa alitan nila. Joke biruan lang. sanay na ako sa dalawang ito kung magbiruan para lang magkabarkada.
“ bakit pati ako ay nadamay diyaan? Halina nga kayo at kumain na tayo baka mamaya kung saan pa mapunta yang pagtatalo niyo dalawa. mamumuti na sa gutom yung dalawang nag aantay kangina pa sa hapag. ” aya ko sa kanila. Kung hindi baka abutin pa ng mahabang sessions ang dalawa dahil walang gusto magpatalo sa tuwing magkakaganito sila.