Natapos ang aming masarap na hapunan. Maraming pagkain ang hinanda ni Mama ang lahat ay mga paborito naming dalawa ni Kuya. Syempre paborito rin ito ni Lance. Lahat kasi ng gusto namin nitong si Kuya ay ginugusto ni Lance especially ang mga pagkain na madalas na kinakain namin ni Kuya.
Makaraan ang isang oras ay nagpaalam ako sa kanila. Sinabi ko na may kailangan lang ako saglitin ngunit babalik akong muli.
“ Jenz hindi ba maaaring ipagpabukas mona iyan. Magpahinga ka naman. Ayon ang anak mo ay nakatulog na. matulog ka narin at bukas mona iyan puntahan at asikasuhin. ” pamimigil nila Mama at Papa
“ kaylangan po Kasi na ngayon ko ito puntahan, bukas po ay marami pa akong gagawin sa opisina kaya wala na akong oras pa na maisingit ito. ” pamimilit ko makaalis dahil ayoko naman itong sumugod rito kung hindi ako tutupad sa sinabi ko. Nang bigla naman tumunog ang aking telephono.
Speaking of the devil sinagot ko agad ang tawag nito “ I’ll be there at 30 min’s. ” ibaba ko na sana iyon ng magsalita ito
“ okay good! Dahil alam mona ang mangyayari kung hindi ka makakarating. ” pananakot pa muli nito. Kailangan ba ulit ulitin nito na dapat ay dumating ako.
“ Yeah I know! Don’t worry I’ll be there at 30 mins. Wala naman traffic kaya makakarating agad ako. ” sagot ko. Medyo malayo kasi ang place nito sa place namin. Asa Makati ito at kami ay sa Taguig. Kung walang traffic 20-30 minutes ay naroroon na ako ganun katagal pero kung malawak ang traffic ay aabutin rin ng isang oras o higit pa bago ako makarating sa tinutuluyan nito.
“ okay I’ll wait for you ” sabi nito sa kabilang linya rinig ko pa ang buntong hininga nito. Bigla naman nagsalita si Kuya Justin mula sa likod ko. Hindi ko napansin na gising papala ito.
“ aalis ka? Hindi ba late na para bumiyahe ka pa? Sino ba iyan at ganon nalang kaimportate na kitain mo sa ganitong oras. Hindi ba naisip niyan na babae ka at delikado magdrive ka pa sa ganitong oras. ” galit na sabi nito. Hindi ko inaasahan na lalabas pa ito mula sa kwarto nito.
“ Sorry it is important kailangan ko lang makipagkita sa kanya. Bukas ay busy na ako, wala na akong time para kitain pa siya. Don’t worry I’ll be back. Mabilis lang ito. Babalik rin ako agad. ” hinging paumanhin ko.
“ okay I’ll wait for you. Bilisan mo lang at mag uusap pa tayo. Before 11pm dapat naririto ka na. Understood? ” karsistikong sabi nito.
“ yes po masusunod kamahalan ” biro ko sabay halik sa pingi nito. May tunog pa yon para maging dahilan ng pagtawa naming dalawa.
“ Langya para ka talagang bata Jenz your so sweet like before hindi ka pa rin nagbabago. Sige na umalis ka na. Dapat before 11pm ay naririto ka na. mag iintay ako sayo. ” pangtataboy nito
“ Yes your highness! Pero diba si Cinderella 12nn ang call time bakit ako ay 11pm. Diba masyado pang maaga yon? ” biro ko sabay takbo tiyak na kasunod nuon ay babatukan na ako ni Kuya Justin.
Natatawa si Justin habang tinatanaw ang papalayong si Jenz. Kahit hanggang ngayon ay parang bata ito kung kumilos, walang pinagbago mula ng mga Bata pa kasi sila nito ay ganito na talaga ang turingan nila. Para silang magbarkada at kaylanman ay hindi hinayaan si Jenz na masaktan ng iba. Lagi lang ito nakasubaybay kay Jenz, nagkamali lang siya ng umayon sa gusto nito na makarating ng America upang duon mag Masteral sa kursong Architecture.
Mali pala kami dahil makaraan lang ang ilan buwan matapos ang Masteral nito ay hindi na nagawa nitong tapusin ang training nito sa Company na pinapasukan ni Jenz bagkus ay umuwi ito na may dala dalang masamang balita.
Iyak ito ng iyak walang impis iyon sa maraming buwan. Dahil sa batang dinadala nito matapos makauwi ng Pilipinas ay kasama na rin nito ang sanggol na pinagbubuntis nito. Ni ayaw nito sabihin kung ano ang nangyari sa kanya roon bagkos nanatili lang itong tahimik at ayaw magsalita tungkol sa bagay na iyon.
Minabuti namin intindihin iyon at igalang ang kanyang desisyon. Saka wag na rin magtanong o ungkating pa iyon ngunit paminsan minsan ay hindi namin maiwasan maungkat subalit lagi lang ito lumilihis ng usapan. Kaya hindi na namin ito pinipilit pang magsalita.
Sakto lang sa oras na sinabi ko ng makarating ako sa lugar ni Justin. Isang 5 star hotel iyon na pagmamay ari nila Joyce. Hindi lang naman mga Hotels ang negosyo ng Delgado Empire marami rin itong mga Condominiums na pagmamay ari nila.
Isa kami sa Constructions Company na kinuha nila everytime mayroon projects una kaming kinocontact ng mga Delgado at isa iyon malaking opportunity para sa maliit na Kumpanya na itinayo namin ni Kuya Justin. Kung dati ay Real Estate Company lang ang Negosyo nila Papa simula ng magbalik ako after ko makapanganak kay Lance ay naisipan namin magtayo ng Firm batay sa kurso namin ni Kuya. Dahil parehong Engineering naman kami lahat at architecture naman ako minabuti namin magtayo ng Firm at humawak ng mga Constructions. Nag umpisa kami sa konting tauhan hanggang sa dumami na rin dahil sa maraming Project’s na dumadating sa amin lumalaki na rin ito kaya sobrang tinutukan ko ito ayoko na biguin pa sila Kuya at Papa maging si Mama na siyang nagpakahirap mag alaga sa aking munting angel.
Tila isang biyaya kasi ito ng dumating sa amin. Simula ng dumating si Lance naging maganda ang takbo ng negosyo ng aking pamilya. Isang bagay na hindi ko kaylanman pinagsisihan bagkus ay pinagpasalamat ko pa dahil sa isa itong biyaya.
Agad ako nagtungo sa Redemption Counter. Hindi para magbooked kundi alamin ang Room Number na kinauukupahan ni Steven. Kailangan ko magmadali dahil natitiyak kong kagagalitan ako ni Kuya kung hindi ko masusunod ang oras na binigay nito.
Hindi alam ni Jenz na lahat ng pinag usapan nila ng Kuya Justin niya ay narinig lahat ni Steven sa kabilang linya. Nang magpaalam kasi ito kay Jenz ibababa na sana niya ng biglang marining ang boses lalake sa kabilang linya.
Nagtatangis muli ang damdamin ng lalake dahil sa pangalawang pagkakataon ay may lalake muli kausap si Jenz. Hingil pa roon ay binigyan pa ng oras ang dalaga upang makabalik matapos magpunta sa Unit niya.
“ Sino ang lalakeng iyon! Anlakas ng loob na sermuhan at pagsalitaan ang babaeng tinatangi ng kanyang puso. ” bulong nito sa isip niya. Sa mahabang panahon ay hindi nawala sa isip at puso nito si Jenz ganoon pa man nagawa siya iwan nito at nanatiling minahal niya ito ngunit bumuhos ang galit ng makita ito na may kasamang ibang lalake. Ang masakit pa room ay pinsan niya. Si kiel anak ng kapatid ng kanyang Mommy. Tapos ngayon isang hindi niya nakikilalang lalake ang nagbigay ng pag aalala sa babaeng iniirog niya.
Ilan sandali pa tumunog na ang Doorbell. Natitiyak niya na si Jenz iyon. Nagpupuyos ang damdamin niya, napakalakas niyon na halos hindi niya makontrol gustong gusto niya ito yakapin at puyusin ng halik ngunit kailangan niyang magpigil.
Hindi maaaring magpadala muli sa bigkis ng damdamin para rito. Kung nuon ay madali nitong nakuha ang puso ko ngayon ay hindi ko hahayaan na madali muli nitong mabawi iyon. Ou mahal ko ito ngunit ayoko nang magpaloko muli rito.
Hindi nga siya nagkamali si Jenz iyon. Pinagbuksan niya ito ng pinto at pinatuloy ito. “ pumasok ka! ” sabi ni Steven kay Jenz “ buti dumating ka ” muli ay sabi nito kay Jenz
“ ou naman! Sinabi ko naman sayo darating ako. ” sagot ni Jenz. Sa totoo lang ay kangina pa siya kinakabahan kung bakit siya naririto at tumungo ng hindi nag iisip.
“ kamusta ka na? ” tanong ni Steven kay Jenz matapos paupuin ito sa sofa katapat na kinauupuan niya.
“ Hindi ako nagpunta rito para makipagkamustahan sayo. Ano bang sadya mo at pinapunta mo pa ako ng dis oras ng gabi rito sa Unit mo. ” paglilihis ni Jenz sa tanong ni Steven. Kailangan niya ipakita rito na hindi siya papaapekto sa sasabihin nito. Hindi na siya ang dating Jenz na nakilala nito.
“ Mukhang malaki na nga ang pinagbago mo Jenz sa mahabang panahon na pag iwan mo sakin. Hindi ka na ang dating Jenz na nakilala at minahal ko noon pero nagkamali pala ako dahil sa kabila ng lahat ay iniwanan mo rin ako ”
“ Huwag mona balikan ang nakaraan Steven. Sabihin mona kung anong bagay ang gusto mo pag usapan natin ngayon. Maiksi lang ang oras na pwede ko ilaan sayo kaya diretsyahin mona ako. ” inis na sabi ko. Bakit kailangan pang balikan ang matagal ng tapos sa aming dalawa.
“ Bakit Jenz natatakot ka bang malaman ang totoo kung bakit mo ako iniwan? Akala mo ba ay hindi ko alam na pera lang ang talagang pakay mo kung bakit mo ako pinakasalan. Bakit Jenz nakonsensya ka ba kaya bigla mo nalang ako iniwan dahil ba sa nalaman mo ang totoo kaya bigla ka nalang umalis ng walang pasabi o paalam man lang, bigla ka nalang naglaho at hindi na muling nagpakita o nagparamdam. Matapos ang lahat, nagawa mo rin akong saktan. Napakasakit Jenz halos ikabaliw ko pero sa huli naisip ko hindi ka worth it para Mahalin ko ng ganoon nalang. Tama lang pala na umalis ka at iniwan ako dahil nagising ako sa isang bangungot na ginawa mo sa maiksing panahon. Napakabait ng tadhana sa pangalawang pagkakataon ay nagtagpo tayong muli para ibigay sayo ito. ”
Isang envelope iyon! Iniabot nito sa akin at kinuha ko ito. Kinakabahan ako ng sobra habang inaabot iyon, nanginginig ang mga kamay ko habang hawak hawak ko ang envelope na yon. Pinagkatitigan ko iyon saka ko tinanong si Steven.
“ Ano ito? ” baling na tanong ko na pinagkatitigan ko pa ang mga mukha nito.
“ Bakit hindi mo buksan ng malaman mo ” sagot naman nito.
Dahan dahan ko ito binuksan sobrang bilis ng t***k ng puso ko ng mga oras na yon. Hindi ko alam kung ano ang bagay na nilalaman ng envelope na yon. Nang mailabas ko ang laman nito laking gulat ko ng mabasa at mapagtanto kung ano ito. DIVORCE PAPERS
“ Nagulat ka ba? Sabagay hindi na dapat itanong pa sayo dahil kitang kita sa mukha mo ang labis na pagkagulat sa nakita mo. Tama ka Divorce papers yan ninais ata ng kapalaran na maipaabot ko yan sayo kaya sa pangalawang pagkakataon ay pinagtagpo tayong dalawa. Lagi ko yan dala dala oras na magkita tayong dalawa ay plano ko ipapirma yan sayo. May pirma ko na yan sayo nalang ang kulang matapos mo pirmahan iyan ay ipapaasikaso ko na agad sa Attorney ko para mabilis na mapawalang bisa ang kasal nating dalawa. ”
“ Huwag ka mag alala, hindi naman ako nabigla sa binigay mo. Matagal ko na rin itong pinag iipunan ngunit salamat dahil sayo ay hindi ko na kakailanganin pa gumastos. Bahala ka na sa gusto mo ” saka ko iyon pinirmahan ng walang kahit anong salita.
“ Don’t worry Jenz kahit mapawalang bisa iyan makakatanggap ka ng Compensation mula sakin. Dahil wala naman tayong anak buwan buwan ay mayroon ka pa rin matatanggap na monthly allowance hindi naman siguro maliit ang Isang Daang libo sa isang buwan na matatanggap mo ” pinagdiinan pa nito ang salitang isang daang libo na labis ko kinainis hindi ako mukhang pera para ipamukha nito ang pera niya.
Nagtatangis ang kanyang dibdib sa galit at inis “ Hindi ko kailangan ng pera mo Steven. Kaya saiyo nalang iyan may sarili akong pera at kumikita ako sa sarili kong pamamaraan kaya wag mo ipamukha sakin ang pera mo. Kung tapos ka na aalis na ako, maiwan na kita. ” Sabi ko sabay tayo!
“ Bakit dahil ba sa kanya? Mas marami ba siyang pera, kaya nagawa mo akong iwan? Huh Jenz bakit hindi ka makasagot ” galit na turan nito na mas lalong nagpuyos ang mga tenga ko sa mga narinig ko rito. Nagbabaga ang pakiramdam ko na gusto ko itong sampalin ng pagkalakas ngunit kailangan ko magpigil.
“ Wala akong dapat ipaliwanag sayo. Aalis na ako ”
“ Bakit dahil ba nag aantay siya? Kaya nagmamadali ka masyado dahil kinakailangan mo umuwi bago mag alas onse ng gabi? Napakamasunurin mo pala Jenz. Kung siguro sinabi nito na huwag mo siyang iiwan ay gagawin mo, hindi gaya ng pag iwan mo sakin noon ay hindi mo kayang gawin iyon sa lalake mo ngayon. ” sigaw na sabi nito habang naglalakad ako palabas ng Unit nito
“ Wala akong dapat ipaliwanag sayo Steven inuulit ko. Aalis na ako, naibigay ko na ang gusto mo at pakay ko kaya ako pumunta rito. ” sabay talikod muli matapos ko humarap ng magsalita ito ngunit hindi pa man ako nakalalapit ng lubusan sa pinto ay biglang may binalibag ito.
Isang bote ng alak na pinag inuman nito. “ nasisiraan ka na ba talaga Steven, bakit mo ako binato ng bote ng alak ” galit na galit na sabi ko. Hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng mga luha sa mga mata ko na kangina ko pa pinipigilan bumagsak.