CHAPTER 7

2031 Words
After Mass napagpasyahan nila magpunta ng Mall. Assual palagian sa play ground nila ang punta. Sa Tom’s World dun palagi ang unang rota nila tatlo. Naiinip si Steven sa kaniyang Unit kaya napagpasyahan lumabas. Tinawagan niya si Jenz ngunit hindi ito nasagot, nabanggit kasi nito na may lakad siya ngayon araw ng linggo. Araw araw naman sila nagkikita dahil madalas after office hours ay nagkikita silang dalawa dumadaan rin ito sa Unit niya kung hindi ito makapunta sa tagpuan nila, dahil sa tambak na trabaho nito sa opisina. Napagpasyahan niya sa Mall nalang magpunta. Habang nag iikot siya ay may napansin siyang isang familiar na mukha. Si Jenz nasa loob ito ng isang palaruan napakaganda nito sa simpleng suot na mini skirt dress. Papasok na sana siya upang lapitan ito ng may isang batang lalake ang lumapit rito, tuwang tuwa ang bata sa dala at hawak na laruan nito. Ngunit mas kinagulat niya ng may isang lalake na may kataasan ang lumapit rito nakasunod sa batang lalake na lumapit kay Jenz. Nagpupuyos sa galit si Steven sa eksenang nasaksihan niya. Lalo ng hinalikan ni Jenz ang batang lalake at niyakap ito. Nang makatayo ito ay tuwang tuwa ang bata na parang may kinukwento kung paano nakuha ang laruan na hawak nito turo turo pa ang lalakeng katabi nito. Kitang kita niya ang kasiyahan sa tatlo para itong isang masayang pamilya kung titingnan. Lalo pa naghimagsik ang galit kay Steven ng akbayan nito ang babaeng pinakamamahal niya. Hindi man lang pumalag si Jenz at hinayaan iyon saka masayang naglakad ang tatlo akay akay ang batang lalake. Nang lumabas na ang mga ito sa palaruan ay bahagyang kumubli si Steven upang hindi siya mapansin ng mga ito. Rinig na rinig niya ang masayang usapan ng tatlo habang naglalakad ang mga ito. “ Mommy ang ganda talaga ng napanalunan namin ni Daddy noh! ” sabi ng batang lalake, ngumiti si Jenz at saka hinimas ang buhok ng batang lalake “ Kaya magpakabait ikaw para lagi ka namin ipapasyal ni Daddy okay! ” “ Yes Mom! Always naman ako mabait diba? Diba Daddy mabait naman talaga po ako? ” “ Yes baby! Mabait ata itong baby namin eh! Itong Mommy mo lang ang hindi ” sabay tawanan ng batang lalake at ng lalakeng tinawag nitong Daddy “ Kitams Mommy sabi ni Daddy mabait ako! Ikaw lang raw ang hindi hehehe ” sabay tawa pa ni Lance sabay inaasar nila ng Daddy Justin niya ang Mommy Jenz niya. Sa isang sulok lalong naghihimagsik sa galit si Steven. Nagpapantig ang kanyang tenga sa galit sa mga salitang narinig, tinawag si Jenz na mommy ng batang lalake at Daddy ang lalakeng kasama nito. Samakatuwid ay niloloko at pinaglaruan lang pala siya ni Jenz. Ito ba ang tila tinatago nito kaya hindi magawa sumama nito sa kanya pabalik ng America. Dahil sa hindi niya maunawaan na sinasabi nito na andito na ang buhay nito at hindi niya magagawang iwan pa. Sobrang sakit, napakasakit hindi na napigilan umiyak ni Steven dahil sa kanyang nakita. Isang masayang Pamilya na kaylanman ay hindi nangyari sa kanila ni Jenz. Dahil iniwanan siya nito ng hindi niya alam ang dahilan. Ngayon na akala niya ay maaus na ang lahat sa kanila, inunawa niya ang desisyon nito magpaiwan rito sa pinas at wag sumama sa kanya sa States. Akala ni Steven ay maaus na ang lahat sa kanila at posible na mangyari na bumuo sila ng isang pamilya kasama si Jenz. Ngunit hindi pala, may pamilya na pala ito na hindi nito maiwan iwan. “ Ako lang pala itong gago na patuloy umasa na magkakaayos kaming dalawa, at bubuo ng masayang Pamilya ” umiiyak na bulong niya sa sarili niya. Pinagtikom pa niya ang kanyang kamao at pinagpupupukpok ang manobela ng kanyang sasakyan. “ Hayop ka Jenz, napakasama mo ” sigaw sigaw ni Steven “ Napakagago ko naniwala ako sayo ” galit na galit na sabi nito Napagpasyahan niya huwag umuwi ng kanyang unit dahil alam niya pupuntahan siya roon ni Jenz matapos ang lakad nito dahil iyon ang napag usapan nilang dalawa. Umuwi siya sa bahay ng kanyang mga magulang, kinabukasan ay kasal ng kanyang nakakabatang kapatid araw ng Lunes nito napagpasyahan ganapin ang kanilang kasal ng long time boyfriend nito na si Jonathan. “ Kuya anong meron at umuwi ka rito. ” nabiglang tanong ni Joyce Hindi nakibo si Steven! Tuloy tuloy lang siya sa kanyang kwarto. Nang makapasok sa kwarto duon niya ibinuhos ang kanyang mga luha na kangina pa pinipigilan umagos pagdating niya sa bahay. Galit na galit siya. Nagpupuyos sa galit ang puso niya. Hindi niya matanggap ang panloloko sa kanya ni Jenz. Nakita niyang napakarami missed call na si Jenz, maaari ay nasa Unit na niya ito. Hindi niya iyon pinansin, muli ay pinikit niya ang kanyang mga mata hanggang sa makatulog ito. “ Nasaan naman kaya si Steven? Usapan namin ay magkikita kaming dalawa rito sa Unit niya matapos ang lakad ko. Pero bakit wala ito ” may pagtatakang sabi ni Jenz sa sarili niya. May ilang oras na nag aantay si Jenz ngunit walang Steven ang dumadating, timatawagan niya ito ngunit hindi nasagot kahit sa kanya mga text ay wala itong reply. Late na masyado kaya napagpasyahan niya umuwi nalang ayaw niya mag alala pa sila Mama, Papa at Kuya kung hindi siya uuwi ngayon. Bukas ay kasal ni Joyce kailangan rin niya makapagpahinga dahil maaga silang aalis nila Kuya niya. Kasama niya kasi ang mga ito maging sila Mama at Papa niya ay imbitado. “ Wow kagwapo naman ng Apo ko ” sabi ni Mama matapos makita si Lance sa suot nito. Isa kasi ito sa mga kinuhang abay ni Ninang Joyce niya. “ Ou naman po Lola nagmana ata ako sa inyo ni Lolo eh! ” “ Nakatutuwang bata talaga ito. Narinig mo ba Honey sa atin raw siya nagmana. Napakaswerte talaga natin sa apo natin at lumaki itong mabait, hindi pa marunong magsinungaling ” galak sa tuwang sabi ni Mama. “ Ou naman Honey aba totoo naman yon, sa atin siya nagmana kung sa Mommy at Daddy niya malamang niyan ay hindi siya lalakeng gwapo na tulad niyan ” biro ni Papa na kinasimangot ni Kuya Justin, narinig pala nito ang mga sinabi ni Papa. “ Tama ba narinig ko? Aba Lance wala ka nang pasalubong kay Daddy sa susunod ” biro ni Kuya Justin “ Daddy naman! Biro lang po iyon, ” sabay bawi ni Lance “ Narinig niyo yon Mama, Papa! Biro lang raw iyon hahaha! Kita niyo sa akin si Lance nagmana ” tawa tawang sabi ni Kuya Justin “ Aba talagang bayas tong Apo natin Honey! Mana nga talaga sa Daddy niya, pero sa kalokohan ou hahaha. Pero sa kagwapuhan sa akin Justin. ” sabi ni Papa kay Mommy at Kuya. Saka sila nagtawanan lahat. Totoo naman pagdating sa kalokohan kuhang kuha ang ugali ni Kuya. “ Tama na nga po iyan! Lahat po kayo ay sa inyo ako nagmana! Kaya nga po pogi ako eh! Sabi nga po ni Ella pogi ako kaya crush niya ako ” pagyayabang ni Lance “ Abang bata ito napakabata mo pa! Anong crush crush! Mag aral ka muna anak ” hindi napigilan hindi makisali sa usapan ng kaniyang Pamilya. “ Mom don’t worry po! Crush lang naman po iyon sabi ni Daddy hindi masama ang magkacrush basta mag aral ako mabuti, huwag ko pababayaan ang studies ko wala raw po masama iyon. ” gulat na sagot ni Lance kay Jenz. “ Kuya Justin! ” galit na turan niya. Binalingan niya ito dahil sa sinabi ng anak, napakabata pa nito pero kung magsalita minsan ay para itong matanda at maraming alam. “ Sorry Jenz! Pero tama naman ako diba? Huwag niya lang pabayaan ang studies niya wala iyon masama. Saka normal naman iyon sa edad ni Lance, ikaw nga diba ilan taon ka nung unang magkacrush sa classmates mo? ” pang iiba nito. Bata pa siya noon Seven years old ng una siya magkacrush kay Cyrus isa sa mga kaklase niya nuon. Si Kuya Justin ang taong nakakaalam lang nuon. “ Pero hindi tama ang tinuturo mo kay Lance kuya, ” giit ko rito. Sabagay hindi na rin bata pa si Lance sa susunod na taon ay mag 10 na ito. Napakabilis ng panahon at may binata na talaga kami. “ Anak okay! Basta mag aaral ka lang mabuti, ayoko matulad ka sa iba kaya ang gusto ni Mommy ay makapagtapos ka ng iyong pag aaral. Studies first yan ang palagi ko sinasabi sayo mag aral ka muna, bata ka pa! sa pag laki mo ay maunawaan mo lahat ng sinasabi namin sayo. ” mahinahon na sabi ko kay Lance. Alam ko naman sa murang edad nito ay nauunawaan at naiintindihan na nito lahat ng sinasabi ko rito. “ Yes Mommy! Mag aaral po ako mabuto this is my promise! ” tinaas pa ang isang kamay bilang pangangako nito. “ Tara na at huli na tayo! Baka nauna pa ang ikakasal satin sa simbahan tayo ay hanggang ngayon ay naririto pa ” sabat ni Papa at Mama Dumating kami ng Simbahan ay marami na ngang tao roon. Nasa isang kwarto pa ang Bride. Dahil kilala ang Mommy at Daddy ni Joyce sa simbahan ay binigyan sila ng isang kwarto kung saan ay namamahinga muna ang bride habang iniintay mag umpisa ang takda ng kanyang kasal “ Joyce napakaganda mo ” sabi ni Aprilyn “ Kaya nga, isang napakaganda na Bride ngayon ng kaibigan natin ” singit naman ni Carla “ Moira wala pa ba si Jenz? ” baling na tanong naman ni Miami “ Naku wala pa nga eh! Ilang minuto nalang mag uumpisa na ang kasal nitong si Joyce ” sagot ni Moira Nalungkot naman si Joyce dahil baka biglang hindi pumunta ang isa sa malalapit niyang kaibigan pero nangako naman ito dahil kinuha pa nga niyang abay ang anak nitong si Lance upang masiguro ang pagpunta nito. “ Huwag ka mag alala dadating iyon ” panunuyo ni Miami kay Joyce para ito kumalma dahil kangina pa ito kabado sa mga oras na ito. Biglang may kumatok sa pinta na pumutol sa pag uusap nilang magkakaibigan “ Ayan na ata si Jenz ” excited na sabi ni Miami Ngunit laking gulat nila ng mapagsino ang dumating isang gwapo na lalake ang iniluwa ng pinto na yon. Napanganga silang lima apat sa lalakeng ngayon ay nasa harapan nila. “ Hi ” bati nito sa kanila “ H—hi ” kinakabahan na sagot nila. Para kasi itong isang artista sa kanilang paningin. Nagulat sila ng tumawa ng malakas si Joyce “ Girls anong itsura ba yang mga itsura niyo? ” tawa tawang sabi ni Joyce “ Hindi maipinta ang mga mukha niyong apat, gwapo ba? ” muli ay sabi nito. Ngumit naman ang lalake na natatawa na rin sa reaksyon ni Joyce “ I’m Steven! Joyce younger brother ” lahat sila ay nabigla sa sinabi nito. For the first time ay ngayon lang kasi nila nameet ang Kuya nito. Dahil sa States ito nakatira at hindi umuuwi ng pinas dahil busy raw sa pag aasikaso ng negosyo nila roon. Kaya nga napakatagal na panahon na hindi matuloy tuloy ang kasal ni Joyce dahil sa Kuya nito dahil wala pa raw time ito para makauwi ng pinas pero dahil sa pangungulit ni Joyce ay napapayag nito ang Kuya niya para maging Best Man nito sa kanyang kasal. “ Girls nabigla ba kayo? Sorry ngayon ko lang naipakilala sa inyo si Kuya Steven, he so busy sa hindi ko malaman na dahilan kahit nasa pilipinas na ay trabaho pa rin inaatupag. ” nakangiting sabi ni Joyce saka binalingan ang Kuya niya. “ Kuya Steven meet may friends, College friends ko sila si Aprilyn, Carla, Miami at Moira. Wala pa yung isa namin friend sayang hindi mo siya makikilala. ” malungkot na turan ni Joyce. Dismayado kasi ito dahil gusto sana niya ito maipakilala sa Kuya Steven niya. Nakarecieved ng text messages si Steven upang makapagpaalam na siya sa kanyang kapatid at mga kaibigan niya. Gusto niya lang sana makita Ito bago man lang ito ikasal. “ Nice to meet you Girls but I am sorry mauna na ako, gusto ko lang sana macheck si Joyce before his wedding. Joyce mauna na ako, Dad text me hinahanap raw ako ng mga business partners niya gusto raw ako makilala. ” pamamaalam niya sa mga ito. “ Okay Kuya, thanks ” “ See you later! By the way Congrats ” saka humalik sa pisngi ng kapatid niya. Naglalakad na si Steven ng matanawan muli ang isang Familiar na mukha. Kausap ito ng mga Mommy at Daddy niya kasama ang ilang mga Business Partners ng mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD