CHAPTER 6

1937 Words
“ s**t ” bungad niya ng mapansin na alas dos na ng umaga. Lagot siya nito sa Kuya Justin niya. Talaga naman. Mahabang sermon muli ito natitiyak ni Jenz na hindi siya titigilan nito. Dahan dahan siyang tumayo sa pagkakahiga niya sa braso ni Steven. Ngunit nahirapan siya dahil sa mahigpit na yakap nito sa kanya. “ Matulog ka pa Jenz! Mamaya ka na umuwi kung gusto mo ay ihahatid pa kita upang makapagpaliwanag sa mga magulang mo. ” naalipungatan pala ito dahil sa paggalaw ni Jenz. Hinalikan muli siya nito sa kanyang noo. “ Hindi maaari Steven. Kailangan ko na makauwi ngayon. ” pagpupumilit ni Jenz. “ Iiwanan mo naman ba ako Jenz? Gaya ng ginawa mo sakin nuon. “ Hindi agad nakuhang sumagot ni Jenz “ Sige okay lang Jenz, umalis ka na. Iwanan muna ako muli gaya ng ginawa mo nun. ” bumitaw ito sa pagkakayakap nito sa kanya saka tumalikod. Nakokonsensya naman siya sa ginawa nito. Para itong isang bata hanggang ngayon. Kaya naman niya ito minahal noon dahil sa ugali nito. “ Oh may gosh! Sorry Miss hindi ko sinasadya ” hinging paumanhin ng lalakeng bumangga sa kanya. Bago pa lang siya sa America at hindi pa niya kabisado ang pasikot sikot roon. Kasalukuyan siya nag iikot pagkatapos niya ayusin ang mga gamit niya ay agad gumayak si Jenz para makapamasyal bago mag umpisa ang kanyang klase para sa Masteral niya. “ Bago ka rito noh? ” nakangiting sabi nito. “ Yeah! Halata pala. ” natatawang sabi niya “ Kaya pala kangina pa kita napagmamasdan parang hindi mo alam kung san ka pupunta! ” “ Hehehe hindi kasi ako familiar sa lugar! Gusto ko sana mamasyal para mafamiliar ako sa mga place! Kaya lang mukha atang naligaw ako ” sagot ni Jenz sa lalake “ Ganun ba! Baka gusto mo samahan Kita! By the way I’m Steven, and you are? ” “ Jenz! Just called me Jenz. ” Totoo nga sinamahan ako ni Steven, pinasyal niya ako sa maraming lugar roon. Nakakatuwa siya dahil hindi lang ito mabait na tao may pagkasweet rin ito. Inaalalayan niya ako palagi kahit saan kami magpunta. Pagkahatid niya sakin sa bahay matapos kami mamasyal ay hindi pa roon nagtapos ang lahat araw araw ay nagkikita kaming dalawa, sinusundo niya ako sa school after my class. Until dumating ang araw na nahulog na ang loob namin sa isa't isa. Sinagot ko ito at ganun nalang ang katuwaan nito. Hindi dahil sa gwapo ito, kundi dahil sa napakabait nito pero laking gulat ko sa sumunod na sinabi nito halos tumigil ang mundo ko dahil hindi ko mahanap ang isasagot ko rito. “ Jenz hindi ko na kaya malayo ka pa sakin, ilan months nalang at matatapos na ang Student Visa mo dahil matatapos na rin ang Masteral mo after your training babalik ka na sa Pinas at hindi ko iyon kakayanin Jenz! Will you MARRY ME ” Umiiyak na si Jenz bago pa nasabi iyon ni Steven totoo iyon maging siya ay hindi na rin kakayanin mapalayo rito. Ngunit mas nagulat siya sa sinabi nito. Napakabilis naman kung pakakasal siya rito sa ilang buwan na pinagsamahan nila ay masasabi niya minahal niya talaga ito, mabait ito at ni minsan ay hindi siya pinakitaan ng anumang masama. Alam niya mabuti ang intensyon nito pero ang pakasal dito parang hindi pa ata Tama. Hindi pa niya ito lubos na kilala, alam niya sa sarili niya hindi ito simpleng tao na gaya niya, mayroon pa itong hindi sinasabi sa kanya. Kahit sinabi nito na gaya niya nandito lang ito para mag aral nuon hanggang sa matanggap sa isang malaking Company rito sa States. Kaya lang Mahal na Mahal niya si Steven iyon ang alam niya at sinisigaw ng puso niya. “ Pero Steven! Tila ata napakabilis ng gusto mo, ang pakasal ay hindi ata Tama pa sa ngayon ” “ Pero ito nalang ang solusyon Jenz upang hindi ka na malayo pa sakin. Mahal na Mahal kita at hindi ko iyon kakayanin kung mawawalay ka pa sakin. Kung makakasal ka sakin hindi na natin problemahin ang pananatili mo rito. Madali natin maaayos lahat at hindi muna kakailanganin umuwi pa ng Pinas at lumayo sa tabi ko. Jenz please pumayag ka na ” sumamo ni Steven “ Pero Steven ” “ Jenz please! Marry Me ” Hindi na alam ni Jenz ang gagawin pero gusto niya tanggapin nalang ang offer nito “ Jenz ” umiiyak na sabi nito Maging si Jenz ay hindi na mapigilan ang patuloy na pagbagsak ng kanyang mga luha. Kung tatanggihan niya ito natitiyak niya pagsisisihan niya habang buhay. Kung tatanggapin naman niya Ito matitiyak niya magiging maligaya siya sa feeling ni Steven. Alam niya kung gaamo siya nito kamahal pero hindi pa siya ready sa bagay na yon pero hindi rin naman niya kakayanin malayo pa sa taong pinakamamahal niya. “ okay Steven I will MARRY YOU ” Sumilay ang ngiti sa mukha ni Steven. Ang mukhang walang patid ang pagluha ay napalitan ng kapanatagan sobrang saya nito dahilan upang siya ay pangkuin nito at isayaw sa hangin habang buhat buhat siya, siya naman ang pagsigaw nito at paikot ikot habang sinisigaw ang YES SHE MARRY ME. Labis ang kaligayan nilang dalawa ng mga oras na yon. Hanggang sa dumating ang araw na kanilang pag iisang Dibdib. Tanging silang dalawa lang at ang Secretary nito ang naging saksi sa ginawang ceremony ng araw na yon. Sobrang saya nilang dalawa wala iyon pagsidlan sa araw araw na sila ay magkasama mas lalo niya naramdaman ang pagmamahal sa kanya ni Steven. “ Jenz, Jenz, ” nagising siya sa pagbabaliktanaw dahil sa pagyugyog sa kanya ni Steven kita ang pag aalala nito sa mukha dahilan upang yugyugin siya ng hindi na siya nakasagot dito at napatulala nalang pala siya dahil sa mga alaala ng nakaraan nila. “ Jenz are you alright? ” nag aalala tanong nito “ yes I am! May biglang naisip lang ako sorry for that. ” hinging paumanhin niya upang hindi na ito mag alala pa. “ Akala ko ay ano nang nangyari sayo! Sobrang nag alala ako Jenz! Iloveyou, Mahal na Mahal kita Jenz please don’t leave me. ” niyakap siya nito ng sobrang higpit saka siya hinalikan muli, Hindi napigilan ni Jenz tumugon muli lalo sa mga halik ni Steven. Kapwa nila dinama ang bawat halik na kanilang pinagsaluhan. Mula sa padampi dampi hanggang naging malalim iyon at nadala muli sila ng kapwa init ng kanilang mga katawan sa muli ay naulit at kapwa pinagsaluhan’ ang maiinit na sandali hanggang sa umabot sa rurok ng kanilang kaligayahan. “ Jenz hindi mo na ba ako iiwan? ” baling na tanong nito “ Steven Mahal kita pero hindi ako maaari sumama sayo. Gaya ng sabi ko nandito ang buhay ko! Hindi maaaring iwanan ko nalang iyon ng basta basta. ” “ Pero Jenz paano ako? ” malungkot na tanong nito “ Maaari naman tayo mag usap na dalawa, tawagan mo ako at sasagutin ko iyon. Marami na rin social media na maaari nating gamitin upang makapag usap at makapagkita. Maraming paraan Steven, kung may oras ka umuwi ka rito at ganun rin ako pwede naman kita dalawin kung sakali magkaroon ako ng libreng oras pupuntahan kita sa States. ” mahabang turan ko upang maibsan ang pag aalala nito na mapalayo muli kami sa isa’t isa. Bumuntong hininga ito. Saka siya pinagkatitigan. “ Jenz mukha ngang hindi kita mapipilit na sumama pa sakin pabalik ng States pero masaya ako marinig sayo na Mahal mo rin ako. Mahal na Mahal kita Jenz yan ang pagkatandaan mo. Magkalayo man tayo pero gaya ng mga sinabi mo pangako uuwi ako muli rito para makasama ka at sana ganun ka rin Gaya ng sinabi mo ay pupuntahan mo ako roon oras na magkaroon ka ng pagkakataon. Panghahawakan ko iyon Jenz maaari ba? ” umiiyak na sabi nito “ Ou Steven! Pangako yan. Mahal na Mahal rin kita Steven. Kaylanman ay hindi iyon magbabago pangako. Gagawin ko iyon pupuntahan kita para makasama ka. Pangako Steven. ” sagot ni Jenz saka muli ay hinalikan siya nito sa noo at bumaba muli sa kanyang labi. Nakauwi na siya ng bahay pero hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwalang ang lalakeng pinakamamahal niya na nagawang iwan sa mahabang panahon ay nagawa siyang patawarin at ngayon ay ok na sila. Problema nalang ni Jenz ay kung paano ito sasabihin sa kanyang pamilya at sa kanilang anak ni Steven. Alam niya matutuwa ito dahil matagal na nito ninanais na makilala at makasama ang kanyang Ama. Sumapit ang alas sais ng umaga ay wala pa rin siya itinulog, alas singko na siya ng umaga nakauwi. Ayaw pa nga sana siya pauwiin ni Steven ngunit hindi maaari mag aantay ang kanyang pamilya maging ang kanilang anak na si Lance. Hindi pa niya nasasabi kay Steven ang tungkol sa anak nila kaya hindi niya magawang umalis at sumama rito ay dahil kay Lance. “ Good Morning Mom ” bati ni Lance matapos kumatok at pumasok sa kwarto ko. Araw ng Linggo nakapangako ako na ipapasyal namin siya ng Daddy Justin niya. Hindi naman nagalit si Kuya Justin sa hindi ko pag uwi ng takdang oras na sinabi niya. Nagtampo lang ito dahil nag antay raw siya ngunit hindi ako dumating kaya minabuti nalang na matulog nalang siya. “ Baby excited ka na ba? ” “ Yes Mom! Bilis maligo ka na at gumayak Mom, Ang bagal mo talaga! Si Daddy Justin nakagayak na! hmp, ” ismid nito. Manang mana talaga ito kay Kuya Justin kuhang kuha nito ang ugali at kilos ni Kuya. Sabagay idol niya raw kasi si Kuya Justin. “ Sige na maliligo na si Mommy! Lumabas ka na at kumain sa baba, ayain mo muna si Daddy Justin mo kumain para hindi kayo magutom sa pamamasyal natin mamaya. ” Natatawang biro ko. Paano ba naman palaging ginugutom ang dalawa sa tuwing pinapasyal namin si Lance. Konting kembot lang ay gutom na raw sila, kaya tuloy mas marami pa ang pagkain namin sa iba't ibang Restaurant kesa sa pamamasyal namin. “ Yes Mom! Bilisan mo po ahh! Naiinip na kami ni Daddy Justin, sabi ni Daddy ang kupad mo raw para kang pagong kung kumilos kaya ka raw napag iiwanan eh! ” talagang bata na toh, gulat si Jenz sa tinuran ng anak na si Lance “ Baby bad iyon ah! I’m still your Mom hindi mo dapat sinasabi ang ganoon kay Mommy okay? ” “ Yes Mom! Pero mabagal ka naman talaga eh! Hehehe ” sabay tawa pa. “ Umalis ka na nga, baka mamaya hindi na ako sumama sa inyo! Sige ka, magsama kayo ng Daddy Justin mo. ” tampo tampuhan turan ko kay Lance saka ako tumalikod at umismid. “ Mom it was a joke okay! Biro lang po ” paglalambing nito. Niyakap pa si Jenz nito at hinalikan sa magkabilang pisngi. “ Mom don’t be mad, biro lang po iyon. Sige na po gayak na po kayo at late na tayo. Diba po magsisimba pa tayo nila Daddy, before mamasyal. ” ou nga pala nalimutan ko. Palagian namin ginagawa iyon tuwing sasapit ang linggo. “ oh siya! Sige na bumaba ka na roon, gagayak na ako. Maliligo lang si Mommy at bababa na rin ako. ” sumilay ang ngiti sa mukha ni Lance nagtatalon pa ito sa tuwa ng marinig na sasama na si Jenz. “ okay Mom! ” sabay halik muli sa pingi niya. Nang makalabas na ito ay nag umpisa na siyang tumayo, kumuha lang siya ng kaniyang isusuot at saka pumasok ng banyo. Gaya ng palagian niya suot nag mini skirt dress siya na lagpas tuhod. Saka siya nagsuot ng rubber shoes tinerno niya sa kanyang suot. Bagay naman iyon at nadadala niya ang lahat ng combination na kanyang sinusuot. Hindi baduy dahil ayos na ayos talaga sa itsura na, inilugay pa niya ang kanyang buhok na mas nagdala pa sa kanya. Minsan nag jumper dress pa nga siya terno sa kanilang tatlo ng Kuya Justin niya kaya kadalasan ang tingin ng mga tao nakakasalubong nila ay isang Pamilya sila. May Daddy, Mommy at Baby.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD