“ Naku iha, Congrats kayo pala ang naka bid ng new project ng mga Delgado. ” dinig ni Steven na sabi ng isang Business Partners ng kanyang Daddy
“ Salamat po! ”
“ Kasama mo ba si Engineer? ” tanong pa ng isang kasama ng Daddy niya.
“ Opo! Naroon po at kasama si Lance isa po kasi ito sa mga abay ”
“ Magkasama pala ang mag Ama. Bagay na bagay talaga ang dalawang iyon napakacute tingnan. ”
“ Kaya nga po madalas talaga silang mapagkamalan ” nakangiting sabi ni Jenz.
Habang nakikinig ay nagpupuyos naman muli ang puso ni Steven.
“ Bakit naririto sila? Anong ginagawa ni Jenz dito. ” bulong na sabi ni Steven sa isip niya.
“ Anak nariyan ka pala ” gulat na turan ng kanyang Mommy na hindi niya napansin. Dahil sa malakas na salita nito ay kumuha ito ng atensyon mula sa umpok na mga tao na nag uusap mula sa may unahan.
“ Steven naririyan ka na pala! Halika at ipakikilala kita sa kanila ” tawag ng kanyang Daddy wala na nagawa si Steven upang lumapit sa umpukan na yon.
Nanlaki naman ang Mata ni Jenz ng makita si Steven sa lugar na yon subalit mas kinagulat nito ay ng marinig at tawagin anak si Steven ng kanyang Tito Rudolfo Daddy ni Joyce na kanyang kaibigan.
“ Steven anak sila ang mga Business Partners ko. Si Mr. Natividad, Mr. Sy, Mr. Yap, Mr. Gomez at siya naman si Architect Sandoval isang napakahusay na Architect. Sayang nga lang at umalis na sa Company natin pero isa rin sila sa mahuhusay na Contractions Company ng Delgado Empire. Matalik na kaibigan rin ng kapatid mo. ” mahabang pagpapakilala ng Daddy niya kay Jenz.
“ Naku iho tama ang Daddy mo! Napakahusay na architect yang si Jenz sayang nga lang at nagresign nagtayo ng sarili niyang Firm. Ngayon ay kilala na sa buong bansa ang Contractions Company nila. ” giit na sabi pa ng kanyang Mommy
“ Nice to meet you ” baling niya kay Jenz inilahad pa niya ang kamay rito para hindi mapahiya sa kanyang Mommy at Daddy. Masyado mataas pala ang pagtingin nila rito sa babaeng nanloko at nanakit sa puso niya. Pilit na ngiti ang binigay niya sa dalaga
“ Nice to meet you too Mr. Delgado ” sagot ni Jenz saka tinanggap ang pakikipagkamay nito. Ramdam ni Jenz ang higpit ng pagkakahawak nito sa kanyang kamay, masakit iyon. Lalo ng mas pinisil pa nito at diniinan, hindi napagilan ni Jenz mapangiwi subalit hindi niya iyon pinahalata sa mga taong kasama niya.
Tinitigan niya sa mga mata si Steven nababahiran iyon ng galit. Subalit bakit magagalit ito, dahil ba sa nalaman na kaibigan siya ng nakababatang kapatid nito.
Diba nga siya dapat ang magalit dahil ni minsan ay hindi nito nabanggit na anak pala ito ng mga Delgado. Kung nabigla ito paano pa si Jenz na mas nabigla sa kanyang nalaman.
Kaya ba hindi nito siya pinatuntong man lang nuon sa Branch ng mga Delgado sa America ng nuon ay siya ay magpunta. Dahil ayaw nito malaman ang katotohanan na isa pala itong nagmamay ari ng Delgado Empire at natatanging taga pagmana nito.
Pilit niya kumalas sa pagkakahawak nito sa kanyang kamay. Alam niyang galit ito. Pero hindi tama na saktan niya ako. Dahil kung mayroon dapat magalit ay siya iyon. Nagawa niya magpakasal sa isang Delgado na matagal niyang inilihim sa kanyang pamilya at kaibigan. Wala siyang kaalam alam na kapatid pala ito ng isa sa matatalik na kaibigan.
“ Tara na sa loob, ilan minuto nalang mag uumpisa na ang kasal ” aya ng kanyang Mommy
“ Sige po Tita, pupuntahan ko lang po si Joyce at baka inaantay ako nuon akalain pa na hindi ako pumunta. Baka umiiyak na po iyon ngayon ” biro na sabi niya kila Tita Amelia at Tito Rudolfo niya.
“ Oh siya! Tumakbo ka na agad roon iha, tiyak nga na hinahanap ka na ng mga kaibigan mo. Pasensya ka na at naharang ka pa namin sa pagpunta mo roon. ” hingi paumanhin ng Tito Rudolfo niya.
“ Sige po mauna na po ako ” sabay yukod at alis na roon. Hindi na niya tiningnan pa muli si Steven, alam niya galit ito subalit bakit. Wala nga ito sa kanyang Unit kahapon ng siya ay pumunta bakit ito magagalit ng ganoon.
Kumatok muna ako saka ko binuksan ang pinto. “ Hi ” bati ko sa mga kaibigan ko. Tama nga siya umiiyak na si Joyce ng mga oras na yon.
“ Bakit ngayon ka lang? ” singnal ng mga kaibigan niya
“ Sorry naharang kasi ako nila Tito Rudolfo at ng kanyang mga Business Partners ” pagpapaliwanag ni Jenz ngunit umismid si Joyce na mapanghanggang ngayon ay umiiyak ito
“ Huwag ka na magalit oh! Dumating naman ako, papangit ka niyan eh! Sige ka. Gusto mo ba humarap sa lahat na gutay gutay yang make up mo? ” biro na sabi niya
“ Kasi naman antagal mo eh! Hindi mo tuloy naabutan si Kuya Steven. ” maiyak iyak na sabi nito.
Natatawa naman siya. Hanggang ngayon ay parang bata ito, Nilapitan ni Jenz ito saka niyakap. “ Don’t worry I’ll meet her. Dumating siya roon kung saan kami nag uusap ng mga Daddy mo. Pinakilala na siya sakin ni Tito Rudolfo at Tita Amelia.
Sumilay naman ang ngiti sa mukha nito “ Talaga? ” masayang sabi nito “ Ano tingin mo kay Kuya? Pogi diba ” tila excited na bata na panay ang usyoso sa pagkakakilala namin ng Kuya niya.
Hindi kasi nila alam na ang lalakeng Ama ni Lance ay ang Kuya Steven nito. Ang lalakeng pinakasalan ko noon at bigla nalang din iniwan.
“ Okay lang! may itsura mukha naman tao ” biro niya parang bata naman ito na nagpapadyak pa
“ Hindi mo nagustuhan si Kuya Steven Jenz? Pogi naman siya at mabait pa ” pambubuyo nito sa Kuya niya.
“ Pwede na! ”
“ Iyan lang masasabi mo sa kuya ni Joyce? ” sabay sabay na sabi ng kanyang mga kaibigan.
Natawa naman siya “ Bakit ba? Ano ba expection niyo na sasabihin ko? ” gagad na sabi niya sa mga ito.
“ Wala ka na talagang pag asa Jenz ” matamlay na sabi ni Miami
“ Bakit ba gustong gusto niyo na mag asawa ako! ” singhal ko sa kanila. Pero biglang may naisip na kalokohan si Jenz Alam niya mabibigla ito kung sabihin niya na may asawa na siya kaya ayaw niya na maghanap pa! pero alam niya naman na hindi siya titigilan ng mga Ito oras na sabihin niya iyon.
“ Anong nginingiti mo dian babae ka ” singhal naman ni Aprilyn
“ Wala naman! Naisip ko lang kung aminin ko na kaya sa inyo ang totoo ” gaya ng nasa isip niya ay gulat na gulat ang mga ito sa sinabi niya. Pero ayaw na sana niya pa magsinungaling sa mga ito. Lalo ngayon naririto na si Steven, gusto niya magkaayos na silang dalawa.
Hindi dahil sa nalaman niya na isa itong taga pagmana ng pamilyang Delgado kundi dahil sa ito ng lalakeng pinakamamahal niya at ama ng kanyang anak.
“ Anong katotohanan ba iyon? Binibitin muna man kami Jenz ” gilalas na tiran ni Moira
Ngumiti muna siya, sasabihin na nga ba niya sa mga ito, bumuntong hininga muna siya saka ngumiti ng nakalaloko “ what if I said I am already married with a Man I loved. ” nanlaki pa ang mga Mata ng kanyang mga kaibigan.
“ what? Are you married na hindi man lang namin nalaman? This is a joke right? ” bulas na sabi ni Carla
“ what if Hindi ”
“ Jenz hindi magandang biro ” gilalas na turan ni Joyce
“ P—pero ”
“ Jenz I swear hindi magandang biro talaga yang sinasabi mo ” she can’t imagine na kala niya ay kukulitin siya ng mga ito oras na sabihin niya iyon pero nagkamali siya ayaw siya paniwalaan ng mga ito.
“ Okay kung ayaw niyo maniwala it is ok! But sinabi ko na sa inyo ang katotohanan kaya huwag niyo na ako ibuyo sa kahit sino pa! ” gagad na sabi sa mga kaibigan niya
“ But are you telling the truth Jenz? Hindi ba talaga biro iyon? ” she nodded
“ Pero sino ang lalakeng yon? Siya na ang ama ni Lance? ” she nodded again
“ where he is ” ngumiti naman si Jenz
“ Soon makikilala niyo na siya. Gusto ko muna maging ready lahat before ko siya iharap sa inyo. Mas nabigla kasi ako sa nalaman ko ngayon, I can’t expect na mas complicated pa ata ang sitwasyon namin dalawa. Hindi ko alam kung matutuwa ba ang lahat oras na inilabas ko na siya or hindi. Mahabang panahon rin kasi ang lumipas pero pinagtagpo muli kami ng kapalaran ngayon alam ko okay na kami pero may biglang nangyari muli, mas lalo pa ata naging mahirap sakin na ilabas siya sa inyo. Saka hindi ko pa nasasabi sa kanya na nagkaanak kami ng araw na iwanan ko siya. Sure ko na napatawad niya ako sa pang iiwan ko sa kanya nuon pero—” bitin na sabi ko. Tila ako naman ang iiyak sa mga oras na ito.
“ Anong pero Jenz? Ituloy mo ” sabi ni Miami
“ para kasing langit at lupa ang pagitan naming dalawa pala. Hindi ko yon alam ng mga panahon na nakasama ko siya, ngayon ay napag alaman ko ang matagal na nitong nililihim sakin nuong nagsasama pa kaming dalawa. Saka hindi ko rin alam kung bakit tila nagbago muli siya sakin. Parang galit na galit ito muli ng makita ko siya ” umiiyak na sabi na ni Jenz.
“ Jenz ” sambit ng mga kaibigan at saka siya niyakap ng mga ito.
“ Anong malay mo Jenz hindi naman totoo na galit siya sayo ” pang aamo nila Moira
“ Hindi ko alam. Gusto ko muna magkausap kaming dalawa, duon ay malalaman ko ang katotohanan sa pakiramdam ko. ”
Naputol ang kanilang eksena ng may kumatok sa pinto. “ it’s time! Sorry girls kailangan na lumabas ng Bride ” Sabi ng coordinator ni Joyce.
“ Later mag usap usap tayo okay ” nagsitango naman silang lahat
Sabay sabay na silang lumabas ng silid na iyon patungo sa pintuan ng Simbahan.
Nakapasok na pala ang lahat maliban sa Bride na siya nalang inaantay. Sila naman magkakaibigan ay pumila na rin dahil bago ang Bride ay sila muna Ang unang magmamartsa papasok sa altar kung saan ay nag iintay na ang kanyang Groom.
Habang naglalakad ay nakita niya ang masinhing tingin ng lalakeng pinakamamahal. Napakagwapo sana nito sa kanyang suot ngunit bakas na bakas ang galit nito sa kanyang mga mata.
Kaba at mabilis na t***k ng puso ang kanyang nararamdaman ng mga oras na yon. Nuon ay nangarap rin siya na isang araw ay dumating ang panahon na siya naman ang ikakasal at lalakad sa red carpet patungo sa altar kasama ang Lalakeng pinakamamahal sabay sila nito haharap sa dambana kung saan ay kapwa sila manunumpang dalawa para sa kanilang pagmamahalan.
Mangyayari pa kaya iyon isang araw.
Habang nagpapalitan ng Vows ang bagong kasal ay palihim siya tumitingin sa pwesto ni Steven.
Nang araw na humarap rin sila nuon sa altar at kapwa nanumpa na magsasama habang buhay masayang masaya siya nuon dahil kita niya kung gaano siya kamahal ng lalakeng kanya pinakasalan.
Pero sa mahabang panahon nagawa niya itong iwanan ay pinagtagpo muli sila ng kapalaran. Napakasaya ni Jenz ng muli ay maging maayos ang lahat sa kanila.
Subalit bakit nagkakaganito, galit na galit itong muli sa kanya. Ano ba ang kanyang nagawa matapos nila magkita nung sang araw ay kapwa pa sila masayang dalawa. Kapwa nila pinagsaluhan ang masasayang sandali na sila ay magkasama.
Masayang masaya pa sila ng araw na iyon subalit ng pumunta siya sa Unit nito kahapon ay wala ito at ngayon ay galit na galit na ito sa kanya.
Gusto niya ito makausap.
Kinuha ni Jenz ang kanyang cellphone sa pouch na dala dala niya. Nagsend siya ng message rito na mag usap silang dalawa matapos ang kasal ng kanyang kaibigan.
Nasa reception na silang ngunit wala pa rin itong reply. Labis na siyang kinakabahan ng mga sandaling iyon. Panay ang sulyap niya sa kanyang Cellphone ngunit ni isang text ay wala siya natatanggap rito.