“ Yes baby! Umuwi si Daddy dahil gusto ka makita. Sobrang miss na miss ka na kasi ni Daddy. I am sorry baby natagalan sa pag uwi si Daddy ”
“ Hindi na po ba kayo aalis muli Daddy? Hindi niyo na po ba kami iiwanan ni Mommy? ” sa tinuran na iyon ng anak ay napatingin siya kay Jenz na nuon ay panay rin ang pag iyak habang nanunuod sa kanilang mag ama.
“ Yes Baby! I’ll stay. Hinding hindi na muli kayo iiwan ni Daddy promise! ”
“ Talaga po Daddy? Hindi ka na aalis gaya ng dati? ” tuwang sabi ng Anak.
“ Yes baby! But kailangan muna umalis ni Daddy ngunit babalik muli ako para makasama kayo ni Mommy but if your Mommy agreed gusto ko kayo isamang dalawa sa pupuntahan ni Daddy saka tayo sabay sabay babalik. ” sumilay ang saya sa mukha ng anak.
“ Mommy narinig mo yon? Gusto ni Daddy isama tayo sa pupuntahan niya. Okay lang po ba sumama tayo kay Daddy? ” masayang tanong ng anak nila
“ Kaya lang baby may pasok ka pa! sa susunod nalang pagbakasyon muna. Sasama tayo sa Daddy mo. ” nalungkot naman ang anak sa sinabi ni Jenz.
“ Tama si Mommy may pasok ka pa! masamang lumiban sa school hayaan mo at babalik agad si Daddy promise babalikan ko kayo ng Mommy mo. ” pangungumbinsi sa anak upang hindi na ito malungkot pa
“ Baka po kasi hindi niyo na kami balikan ni Mommy ulit eh! ” natatakot na sabi ni Lance sa kanyang Daddy
“ No baby! Promise Daddy will be back soon. May mga trabaho lang tatapusin si Daddy saka ako babalik sa inyo ni Mommy okay ba iyon? ”
“ Promise Daddy? Babalikan mo po kami ni Mommy? ”
“ Yes baby! Promise Cross my Heart ”
“ Okay po! Daddy I will be mad incase hindi ka bumalik. Promise magagalit talaga ako sayo ” sabi pa muli ng makulit na si Lance natatawa naman si Jenz dahil sa paulit ulit ng anak sa paniniguro na babalikan ito ng Daddy niya.
“ Manang mana sayo! Kuhang kuha ugali mo diba? ” Natatawang bulong niya kay Steven. Ganon na ganon kasi ito sa paniniguro na hindi niya na muling iiwan ito.
“ Baby your Mommy said na mana ka raw kay Daddy! ” biro na sabi sa anak na si Lance
“ Ay opo Daddy mana ako sayo kasi parehas tayong pogi ” balik na sagot ng anak nila na kinatawa ng malakas ni Jenz
“ Why are you laughing? ”
“ Wala may naalala lang ako! ”
“ Ano naman iyon? ”
“ Kasi yung sinabi ni Lance! “
“ Alin duon? ” takang tanong ni Steven
“ Na mana siya sayo, na pareho kayong pogi ” Natatawang sabi niya
“ Anong masama ruon? Parehas naman talaga kami pogi ng anak natin ”
“ Hindi! Yan din kasi ang sabi nila kila Papa at Kuya Justin na kangina ay pinagtatalunan pa nila bago kami pumunta sa Simbahan. ” tumaas naman ang kilay ni Steven
“ Bayas pala itong anak ko! Teka nga, Baby sino mas gwapo samin ng Daddy Justin at Lolo mo? ” tanong ni Steven sa anak
Nag isip pa muli ito sa isasagot “ ahmm, ” napakamot pa sa ulo “ Kasi Daddy mahirap mamili, palagay ko po ay ako! ” Natatawang sabi nito habang napapakamot pa sa ulo.
“ Tama nga naman! Pero baby kangino ka nagmana ng kapogian? ” muli ay tanong ni Steven sa anak. Gusto niya kasi malaman kung ano ang isasagot nito
“ Ahhmm, ” nag isip pa muli ito.
“ Sabi ko na sayo mana talaga sayo, pagdating sa kalokohan kuhang kuha ugali niyo ni Kuya Justin. ” muli ay bulong niya kay Steven
“ Daddy alam ko na! Sa inyo po tatlo nila lolo at Daddy ” sa wakas ay sagot nito
“ Dapat isa lang! ”
“ Kasi po hindi ko pwede sabihin isa lang, dapat kayo po tatlo para walang magagalit! Lahat po kayo para masaya ” nakangiting sabi pa ng anak. May point naman ito.
“ Sige na nga! Kahit madaya ka ” dismayado turan ni Steven
“ Daddy galit ka ba? Don’t be mad. Kasi naman po lahat kayo ay gwapo tulad ko kaya sa inyong tatlo po ako nagmana.
Habang nakikipagkulitan sila Steven at Jenz sa kanilang anak na si Lance. Labis naman ang pag aalala ng mga taong kasama ng mga ito dahil hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik ang mga ito.
“ Nasaan na ba si Kuya Mommy, bakit hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik! ”
“ Naririyan lang siguro iyon, hayaan muna asikasuhin mo nalang ang mga bisita mo ”
“ Nakakainis naman kasi siya, kasal ko ngayon eh! ”
Habang nag uusap ang mag ina ay Hindi napansin ang paglapit ng mag asawang Mr. and Mrs. Sandoval na ina ng kanyang kaibigan.
“ Paumanhin ”
“ Kayo po pala Tito, Tita ” gulat na turan ni Joyce
“ Mr. and Mrs. Sandoval kayo pala! ” gulat rin na bati ng kanyang Mommy
“ Pasensya na! nais lang namin batiin itong si Joyce! Congrats iha, sa wakas ay natuloy na rin ang iyong kasal ”
“ Naku tama kayo, napakatagal na inantay ito ni Joyce palagian nalang nauudlot dahil sa kanyang Kuya Steven na ayaw umuwi ng Pinas. ”
“ Mom! Kailangan pa ba ikwento! Sabagay umuwi nga naman si Kuya nawawala naman ” inis na sabi nito
“ Bakit nasaan ba ang Kuya mo? Sabagay si Jenz at kanyang anak na si Lance ay kangina pa rin nawawala. Nagpaalam lang pupunta ng Cr hanggang ngayon ay hindi pa nabalik ang mag ina. ” Sabi ng parents ni Jenz
” Ou nga pala! Kangina ko pa hindi nakikita si Jenz, gusto ko nga sanang makita ang Apo ninyo. Aba natutuwa ako sa batang iyon kahit mag isa ay napalaking mabait at matalino nitong si Jenz. Gusto ko nga sanang ipakilala ito sa Kuya ni Joyce, aba kung magugustuhan lang ito ni Jenz ay ipakakasal ko agad sila. Hindi na lugi ang anak ko napakabait na bata ni Jenz kahit pa may anak ito ay walang problema saming mag asawa! Lalo at napakabait saka nakakatuwa ng anak ni Jenz. ” masayang turan ni Mrs. Delgado
“ Naku tama po kayo Mommy! Nakakainis lang kasi itong si Kuya Steven palagiang nawawala. Kangina ko pa gusto ipakilala kay Jenz si Kuya pero nawawala naman ito. Hindi na lugi si Kuya kay Jenz. Kaya lang parang kabuti naman iyon palaging nawawala. ” bwisit na inis na sabi ni Joyce.
“ Naku salamat kung ganoon Mrs. Delgado. Salamat sa magandang pakikitungo niyo sa anak namin na si Jenz. ”
“ Huwag na Mrs. Delgado ang itawag niyo sakin, Balae na ang itawag niyo sakin! Balae soon malay natin ay magawa nating mapagsama at maipakasal ang mga anak natin.
Napagkasunduan nila Steven at Jenz na bumalik na sa Receptions. Natitiyak na rin kasi nila na hinahanap sila ng mga kasama nila. Habang naglalakad ay buhat buhat ni Steven ang kanyang anak na si Lance. Tuwang tuwa ito dahil sa wakas ay nakapagpabuhat ito sa kanyang Ama isang pangarap ng kanyang anak.
“ Ibaba mona si Lance, Steven malapit na tayo sa Receptions. ” ngunit hindi siya pinakinggan nito
Pagpasok pa lang nila sa loob ay agaw eksena sila sa lahat ng mga naroroon, lahat ay nakatingin sa kanilang tatlo. Hinawakan siya sa kamay ni Steven, pinisil pa nito iyon upang huwag siya kabahan.
“ Don’t worry ako ang bahala sa inyo ” Sabi pa ni Steven. Pero sobra na talaga ang kaba niya sa mga oras na yon. Lalo ng mapansin ang Kuya Justin niya na kasalukuyan ay sinusundan ng tingin sila.
Nakita rin niya si Mr. Delgado na Ama ni Steven. Palapit kasi sila sa tumpok ng ilang tao. Naroon ang kanyang Papa at Mama niya, si Joyce at ang Mommy ni Steven. Mabilis nakuha ni Tito Rudolfo kung saan sila patungo kaya mabilis rin ang mga yapak nito papunta sa pwesto na tinatahas nila ni Steven.
“ Hi Mom ” bati ni Steven mula sa apat na nag uumpukan na nag uusap usap. Nakuha naman nito ang pansin ng mga ito ng magsalita si Steven. Sabay sabay ito napalingon sa kanila. Sakto naman ang dating ng Daddy ni Steven gaya ng apat na labis na pagkabigla sa pagsulpot nila ay siya rin pagkabigla ni Tito Rudolfo.
“ Anong ibigsabihin nito Steven? ” gulat na tanong ng Daddy niya
“ Ou nga Kuya! Bakit magkakasama kayong tatlo ni Jenz at Lance ” gagad na sabi ni Joyce
“ Anak, Jenz anong ibigsabihin nito? ” gagad na tanong rin ng Papa ni Jenz
“ Mommy, Daddy, Joyce I want you to meet may Family! ” sabay kabig hhhkay Jenz habang karga pa nito pa rin ang anak na si Lance. “ Jenz my wife and this is Lance my son ” pagpapakilala niya sa mag Ina. Saka naman binalingan ang mga magulang ni Jenz
“ Hello po! I’m Steven, Jenz husband. Sorry po natagalan bago ako nakapagpakilala ng formal sa inyo. Iniwanan po kasi ako ni Jenz may sampung taon na nakakaraan, bigla nalang itong umalis ng walang paalam, akala ko po sa mabahang panahon ay niloko ako ni Jenz. Ngayon lang po ako nagkalakas ng loob na hanapin siya, patawad hindi ko po alam ang tungkol kay Lance ipagpatawad niyo po sa mabahang panahon hindi ako naging Ama sa anak ko ngunit hayaan niyo po sana bumawi ako sa mag Ina ko! Kung mamarapatin niyo po gusto ko bawiin ang lahat ng pagkukulang ko bilang asawa at ama sa mag Ina ko. ” mahabang turan ni Steven sa magulang ni Jenz.
“ Jenz totoo ba ang sinasabi ni Kuya? Subalit paano? Diba hindi ka naman natuloy nuon pumasok sa Company namin sa States! ” nagtataka na tanong ni Joyce
“ Yes Joyce! Pero mahabang kwento. ” nakangiting sagot niya rito
“ Ikaw pala ang lalakeng sinasabi nitong si Jenz Kuya ” tawa tawang tango naman si Steven.
“ Naku balae, pinag uusapan pa lang natin ay nagkatotoo na. ” masayang sabi ni Tita Amelia
“ Balae? ” Hindi napigilan tanong ni Jenz
“ Naku iha! Kangina pa namin kayo pinag uusapan nitong anak ko na si Steven. Plano talaga namin ipakilala siya sayo at kung magugustuhan mo ito ay plano namin ipakasal agad kayo. Biruin mo naman nagkatotoo agad. Balae ako na humihingi ng paumanhin sa nagawang kasalanan ng Anak ko. Kung alam ko lang hindi ko hahayaan na magkaganoon. Aba napakahabang panahon subalit nagpapasalamat ako. ngayon ay maayos na silang dalawa. ”
“ Wala iyon Balae, ito naman palang anak namin ang may kasalanan at nang iwan, kung nuon ay galit na galit kami sa lalakeng gumawa nuon sa anak namin ngayon ay wala na! dapat pala dito kami kay Jenz nagtanim ng sama ng loob. Pasaway na bata. Matapos magpakasal ng hindi namin nalalaman ay nagawa pa palang iwan ang asawa niya ng ganoon nalamang. Jenz anong tingin mo sa kasal laro at naiwan mo ng ganoon ang asawa mo? ” baling na sabi sa kanya ng Papa niya
“ Sorry Papa! Hindi ko po sinasadya na hindi sabihin sa inyo natakot po kasi ako. Plano ko talaga balikan siya noon pero natatakot po ako na hindi ako matanggap muli ni Steven matapos na iwanan ko ito. ”
“ Dapat lang, kung sa akin mo man gawin hindi na kita tatanggapin! Pasalamat ka mabait na bata itong napangasawa mo kahit ganon ay nagawa ka pang patawarin ” galit galitan na turan ng Papa ni Jenz
“ Paano na ang plano niyo ” singit na tanong ng Papa ni Steven
“ Magsasama na po muli kami ng pamilya ko Dad. Aalis lang ako, aayusin ko lang lahat sa Company at saka ako babalik rito para makasama na muli ang pamilya ko. ”
“ Hindi iyon! Anong plano niyo? Nagpakasal kayo ng hindi namin alam, aba hindi kami makapapayag na hindi kayo makasal rito sa Pinas. Magulang kami dapat ay makita man lang namin kayo maikasal na dalawa nitong si Jenz ”
“ Opo Dad. Kung papahintulutan po ako ng Mama at Papa ni Jenz handa ko muli pakasalan si Jenz kahit saan nito gusto. ”
“ Aba maganda yan! Papayag kami agad iho. Dapat ay may basbas naman namin ng mga magulang mo ang kasal niyo dalawa ng anak namin na si Jenz “ pag sang ayon ng Papa ni Jenz.
“ Oh siya! Isang araw pag usapan natin iyan balae! ”
“ Mabuti pa nga ” sang ayon naman ni Mama ni Jenz.
“ Sa madaling panahon dapat ay makaikasal na kayo, aba napakalaki na nitong Apo namin dapat lang makasal muli kayo ” sabi pa ulit ni Mama ni Steven
“ Lance Apo halika nga at lumapit ka kay Lolo, naku po kaya pala kay gaan ng loob namin sa batang ito ay tunay na apo pala namin talaga ito. ” binuhat agad ni Tito Rudolfo si Lance matapos makalapit ito.
“ Siya ay tama ka Daddy! Kaya pala una pa lang ay nakikitaan ko ito ng pagkahawig kay Steven. Ngunit hindi ko iyon pinansin. ”
“ Kaya nga po Mommy, hawig nga ni Lance si Kuya Steven! Nagtataka nga rin kami nuon habang ito ay lumalaki, lumalaki rin ang pagkakatulad nila ni Kuya pero etong si Jenz ay ayaw umamin sa tunay na nangyari sa kanya nuon sa pagpunta niya sa America ” dugtong na sabi ni Joyce.