CHAPTER 11

2017 Words
“ Teka tama po ba lahat ng narinig ko? ” gulat na turan ng Kuya Justin ni Jenz, lahat naman sila ay sabay sabay na palingon sa Kuya ni Jenz. “ Justin, anak ” sabay na tawag sa pangalan ni Kuya “ Kuya Justin! ” tawag naman ni Jenz sa pangalan ng Kuya niya. Kinakabahan siya natitiyak niya na galit ito dahil sa pagsisinungaling niya at pagtatago ng totoo “ Jenz bakit nagawa mong itago samin nila Papa at Mama! Napakatagal na panahon namin inintay malaman ang buong katotohanan sa nangyari sayo ng magtungo ka ng America, subalit ni minsan wala ka binanggit tungkol sa iyong pagpapakasal. Umuwi ka nalang dala dala si Lance sa yong sinapupunan. Tapos ngayon malalaman namin, ikaw pala itong may kasalanan at tinakbuhan ang Ama ng iyong anak. ” galit na turan ng Kuya Justin ni Jenz “ Justin, Anak tama na yan! Mahalaga ay maayos na ang lahat sa kanila, unawain mo nalang ang kapatid mo ” “ Kaya ba hindi mo masabi sabi samin nuon Jenz? ” “ Kuya Justin ” umiiyak na sabi ni Jenz “ Halika nga lumapit ka sakin ” tawag na aya nito kay Jenz. Lumapit naman si Jenz na kinakabahan sa pwedeng gawin ng Kuya niya “ ARAY, ansakit Kuya Justin ” singhal ni Jenz sa ginawa ng Kuya Justin nito “ Masakit ba? ” “ Ou Kuya Justin ikaw kaya, sayo ko gawin ng hindi ka masaktan ” inis na sabi ni Jenz “ Ngayon alam mo na! ” tanong na sabi ng Kuya Justin niya, subalit nagtataka siya sa bagay na tinutukoy nito “ A—anong a ” “ Alam mo na kung gaano kasakit ang iwan mo ang asawa mo habang mag isa mong dala dala ang inyong Anak. Masakit diba? Kulang pa yan sa sakit na ginawa mo sa Ama ni Lance ” “ Kuya Justin ” inis ni Jenz “ Bakit? Isa pa gusto mo? ” “ Nakakainis ka! ” saka niya binalya ang Kuya niya ngunit mabilis nitong nakuha ang Plano ni Jenz kaya imbis makaganti nadalawahan si Jenz “ Aray, Kuya Justin Naman eh! ” “ Halika nga ” saka siya niyakap nito. “ Sorry, masaya lang ako para sayo Jenz ” madramang sabi ng Kuya Justin niya. “ Hep, hep! Parang walang tao kayong kasama ah! ” bulalas ng kanilang Ama “ Daddy, bakit sinaktan mo si Mommy ” “ No Baby! binibiro ko lang si Mommy mo. ” sagot ni Justin saka binalingan si Steven “ Pre Justin pala, Kuya ni Jenz ” abot nito ang isang kamay pagpapakilala nito kay Steven Kinuha naman ni Steven iyon “ Steven, Jenz Husband ” “ Narinig ko nga lahat! Pagpacenxiahan mo na itong pasaway kong kapatid, kahit kelan ay parang bata pa rin kumilos at mag isip ” pangbubuyo kay Jenz “ No, okay Lang! it’s may fault. Hindi ko rin man lang nagawang hanapin siya nuon. ” nakangiting sagot ni Steven. “ Dapat mga ay hindi mona hinanap pa! Itong pasaway na toh! Pero biro lang ” sabay tawa nito “ Naku Iho ipagpaumanhin mona itong mga anak ko, ganyan talaga sila! Madalas nga napagkakamalan silang mag asawa dahil sa mga kilos at turingan nila. Lalo na ng dumating si Lance sa buhay namin, ito kasing si Justin na ang kinalakhan Daddy ni Lance. ” bulas ng kanyang Papa “ Okay lang po! Ako man po ay naloko rin, akala ko ay niloko ako ni Jenz matapos namin magkaayos! Nagselos po ako ” pang aamin nito habang napakamot pa sa ulo Tumawa naman ng malakas ang lahat “ Totoo po iyon, kaya nga po wala sa oras ay napaamin ako ng bigla kami sundan ni Steven ng mag aya si Lance mag Cr. ” “ Kaya naman pala nawawala kayo at kaytagal bumalik ” “ Opo, naku galit na galit pa nga po sakin! ” pagsusumbong ni Jenz Natatawa naman si Steven dahil parang napahiya siya sa ginawa “ Hindi ko naman kasi alam, malay ko ba. Wala ka naman nabanggit sakin ng maghiwalay tayo nuong isang araw ” “ Pero Jenz maiba tayo bakit kaylanman wala ka nabanggit samin na si Kuya pala ang tinutukoy mo na nakarelasyon mo ng asa America ka nuon? ” singit na tanong ni Joyce “ Hindi ko rin alam, wala akong idea na kuya mo pala siya! Kahit ng magkita nga kami muli ng tawagan ako nito nagulat pa nga ako ng makuha nito ang Cellphone number ko! Wala siya binanggit na anak siya nila Tito at Tita. Nito nalang ng ipakilala ako ni Tito Rodolfo sa kanya laking gulat ko. Kuya mo pala ang lalakeng tinakbuhan ko nuon ” Natatawang kwento niya. “ Naku ako man hindi ko rin alam na magkaibigan pala kayo, nagulat rin ako ng malaman kangina na kilala siya nila Daddy at Mommy ” “ Kaya ba hindi nuon natuloy sa training niya si Jenz ikaw ang may gawa Kuya? ” “ Ou! ” pag amin nito. “ ayoko kasi malaman niya ang tunay na pagkatao ko, ayoko magkita kami ron at manibago siya ng pakikitungo sakin nuon. ” “ Talaga nga naman! Pasaway ka Rin talaga Kuya, dahil sayo nawala ang pangarap ni Jenz na makapagtrabaho roon. ” “ Sorry naman! Mahal ko lang talaga siya nuon ” “ Nuon? Paano naman ngayon? Ibigsabihin ay hindi mo na pala ako Mahal ngayon? ” galit galitan sabi ni Jenz “ Biro lang, syempre Mahal na Mahal kita magpahanggang ngayon ” sabay hatak kay Jenz. “ Naku nanlalagkit na rito, hindi na kayo nahiya! ” birong sabi ni Joyce. “ Oh siya tama na ito, bukas ay mag uusap usap tayo tungkol sa nalalapit niyong kasal. Balae ok lang ba sa inyo, bukas ay mamamanhikan kami sa bahay niyo late man ay gagawin natin ang traditional na gawain na atin kinasanayan. Lalake ang samin dapat na magpakita kami ng tamang asal hindi yong nagpakasal sila ng hindi natin nalalaman. ” uyos ng Daddy no Steven “ Ou naman balae, welcome na welcome kayo para sa pagsasama ng ating mga pamilya! Makakatanggi pa ba kami, may bunga na ” biro na sabi ni Mama, saka muli ay nagtawanan lahat. Ang akala ni Jenz ay mahihirapan siyang aminin at sabihin sa lahat subalit parang isang Magic ang mga nangyari. Kasalukuyan naman nagmamasid ang mga kaibigan nila Joyce sa nangyayari sa kanilang pamilya. Nang matapos ang Celebration at nakauwi na ang lahat napagpasyahan ng pamilya na sa Hotel na tumuloy. Ang mga Mama at Papa ni Jenz maging ang Kuya Justin niya ay napagpasyahan umuwi nalang muna upang mapaghandaan ang gaganapin na pamamanhikan ng pamilya Delgado. “ iha ok lang ba masolo muna namin ang aming apo? Aba eh! Gusto naman namin makasama ito, matagal na panahon hindi namin nakasama si Lance nais namin makabawi rin sa kanya. ” pamamaalam ng mga magulang ni Steven. “ Sige po Tita, wala po problema! Lance baby kila Lola ka muna ayos lang ba? ” “ Iha don’t call us Tito at Tita. From now on call me Mommy at Daddy kay tito mo. Pamilya ka na namin ngayon marapat lang isaayos natin na rin maging ang nakagawian mo pagtawag sa aming dalawa. ” sambit ng Mommy ni Steven “ Ako po! Lolo at Lolo na rin po ba itatawag ko sa inyo? ” biglang singit ng makulit na si Lance “ Abay Ou Apo, Lolo at Lola na dapat ang itawag mo samin ng Lola mo. ” natutuwang sabi ni Daddy Rudolfo Tuwang tuwa naman si Lance sa sinabi ng kanyang Lolo “ Yes! Dalawa na ang Daddy ko, may dalawa pa akong Lolo at Lola! Diba po masaya? Ikukukwento ko kay Ella Mommy na may dalawa akong Daddy, Lolo at Lola ” “ Sino naman Apo si Ella? Kaibigan mo ba? ” tanong naman ni Mommy Amelia “ Opo, pero sabi ni Ella Crush niya raw po ako ” gulat na gulat Naman sila Lolo at Lola nito sa sinabi ng anak “ Crush? ” “ Opo, pogi raw po kasi ako kaya sabi ni Ella ay Crush niya raw po ako ” “ Pagpacenxiahan niyo na po si Lance, Mom, Dad ” “ Okay lang! binata na talaga ang Apo namin hindi natin masisisi may pinagmanahan eh! ” “ Po? ” gulat na turan niya “ Ganyan edad si Steven ng sabihin niya may nagkakacrush sa kanya! Pagkakatanda ko ay classmates din nito iyon ” nagkatinginan naman silang mag asawa Kaya naman ganun ang asta ng kanilang anak ay may pinagmanahan pala talaga. Buong akala niya ay sa Kuya Justin niya lang ito nagmana hindi lang pala. “ Paano aalis muna kami ng maipasyal muna namin itong apo namin. ” “ Sige po mag iingat po kayo! Lance baby huwag ka malikot habang kasama sila Lolo at Lola behave ka Lang ” “ Mommy kelan po ba ako naging malikot? Malaki na po ako, I know kung ano dapat kong gawin. Huwag po kayo mag alala mabait po ata ako ” sabay ngisi nito. Talaga bata na toh, malaki na nga talaga. Matapos makapagpaalam ay nakaalis na nga ang mga Daddy at Mommy ni Steven. Naiwan silang dalawa sa unit ni Steven. Nakita niya pa ang paniningkit ng mga mata nito na may tila gusto ipakahulugan “ Babe! Wala na sila Dad and Mom. Baka pwedeng ” sabay tapal niya sa bibig nito ng dalawang daliri niya. Alam na kasi ni Jenz ang susunod na sasabihin nito “ Hindi pwede! May kasalanan ka pa! ” biro na sabi niya. “ Anong kasalanan ko? Diba ikaw ang may kasalanan sakin, hindi mo alam kung gaano ako nasaktan kahapon ng makita ko kayo sa Mall. ” “ Bakit hindi mo kami nilapitan? Nakita mo pala kami duon sana tinawag mo ako, napakarami ko sayong missed calls at text messages wala ka ni isang reply! Antagal ko nag aantay sayo rito hindi ka dumating ” sabay ismid ni Jenz “ Kasalanan mo naman yon ah! Umuwi ako sa bahay nila Mommy umiiyak ako, sobrang sakit dahil kala ko ay niloko mo ako, matapos natin magkaayos makikita kong may kasama kang iba at bata tinawag pa kayo Mommy at Daddy. ” inis na sabi ni Steven Tawa naman ng tawa si Jenz dahil sa parang bata na arte ng kanyang asawa. Ngayon niya napatunayan na Mahal na Mahal siya nito, lalo ng ipakilala siya sa magulang nito bilang asawa hindi niya naisip na magagawa iyon nito. Lalo pa ng malakas na loob na harapin nito ang kanyang mga magulang. Hindi siya makapaniwalang magagawa nito aminin sa mga ito ang mga nangyari sa kanila may sampung taon na nakararaan. Natutuwa naman siya sa ganoon pa man ay maluwag silang tinanggap ng kani kanilang magulang. Napakabait ng kapalaran para sa pangalawang pagkakataon ay pagtagpuin sila at muli ay paglapitin. Wala na siya mahihiling pa dahil siya na ata ang pinakamasayang babae sa mundo dahil sa lahat ng mga nangyari ay naging maayos ang lahat. Nasasabik na rin siya sa nalalapit na susunod nilang kasal. Masaya siya dahil matutupad na ang kanyang pangarap na makasal sila witness ang kani kanilang pamilya. “ Babe! Ano bang iniisip mo? ” sabay halik sa kanyang leeg “ Ano ba! Nakikiliti ako ” gilas na sabi niya rito. Mabilis na pala nito nailapit ang mukha sa mukha niya habang malalim na nag iisip sa mga pangyayari. “ Babe isa lang please ” bulong nito “ Isa ka dian! Tiyak na makakarami ka na naman ” biro niya na kinatawa ni Steven “ ikaw naman babe! Alam mo naman miss na miss kita eh! ” “ Miss mo mukha mo ” inis inisan sabi niya sabay tinalikuran ito. Kukuha sana siya ng tubig ng bigla siya balyahin nito. Agad siya binuhat papunta sa kama saka dahan dahan na ibinagsak roon. Nakangisi pa ito na parang baliw habang titig na tigig sa kanya. Hindi nga siya nagkamali, mabilis nitong nahubad lahat ng mga saplot nilang dalawa at nag umpisa na ito sa pinaplano mangyari sa kanila. Hanggang sa marating nila kapwa pareho ang rurok ng kaligayahan ay hindi nagpagil si Steven na ulit ulitin iyon. Mula sa isa hanggang sa makarami at kapwa sila ginupong dalawa. “ Babe I love you so much! Hindi ako magsasawang sabihin yan sayo! Mahal na Mahal kita higit pa sa buhay ko ” naiyak naman si Jenz sa sobrang kaligayahan sa mga oras na yon. “ I love you too Steven Mahal na mahal rin kita! Mula nuon magpahanggang ngayon ikaw lang ang lalakeng pinakamamahal ko wala ng iba. ” maiyak iyak pa na sabi ni Jenz sabay naman dinampian siya ng halik ni Steven sa kanyang nuo pababa sa labi niya hanggang bumaba pa ng bumaba. At ang halik na yon ang nagdala para muli ay pagsaluhan nila ang isa pang mainit na sandali sa kanilang buhay. Hanggang tuluyan na silang ginupo ng pagod at antok kapwa na sila nakatulog na dalawa. Kapwa sila maligaya sa mga oras na yon kaya mahimbing silang nakatulog kapwa yakap ang isa’t isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD