“ Mommy bakit po? ” tanong ni Lance maging ito siguro ay napapansin na ang panay sulyap niya sa kanyang cellphone.
“ Wala naman baby! Bakit may kailangan ka ba? ” balik na tanong niya rito
“ Naiihi po ako Mommy, busy kasi si Daddy eh! Pwede na ikaw na po sumama sakin? ” sagot ni Lance
“ Ou naman baby! Halika duon tayo sa Cr ” aya ko rito saka ako tumayo sa pagkakaupo.
Natanawan ni Steven si Jenz na tumayo kasama ang batang lumapit rito. Iyon ang batang kasa kasama nito kahapon sa Mall na tumawag ng Mommy kay Jenz.
Tumayo na rin si Steven sa pagkakaupo niya at maingat na sinundan ang dalawa. Napagtanto niya sa Comfort Room ang punta ng mga ito. Nag iintay si Jenz sa labas habang ang bata ay pumasok sa loob.
Nilapita niya ito. Laking gulat naman ni Jenz na mapagsino ang lalakeng dumating.
Kitang kita sa mukha ng dalaga ang pagkataranta nito ng makita si Steven. Hindi pa kasi ready si Jenz na sabihin rito ang tungkol sa kanilang Anak. Pero tila ata sinasadya ng pagkakataon ay muli ay ito na ang gumawa ng paraan para masabi na niya rito ang tungkol kay Lance.
“ Hi ” sabi niya rito ng makalapit ito, palinga linga pa siya habang nag aantay sa paglabas ni Lance.
Umismid pa ito, “ tila ata nagulat ka sa pagdating ko? Bakit may tinatago ka ba? ” galit na turan nito. Mas lalo pa siya kinabahan sa sinabi nito. Paano nalaman nito ang tungkol kay Lance.
Alam na kaya nito? Ang lihim sa aming anak – Sabi niya sa isip
“ a—ahh e—ehh wala! ” kinakabahan sabi niya.
“ Wala? Bakit tila kinakabahan ka? ” muli ay panghuhuli nito
“ Mommy ” sigaw ni Lance matapos makalabas ng Cr. Napatingin naman si Lance sa lalakeng kasama ko
“ Mommy who is he? ” gulat na tanong nito
Hindi alam ni Steven ang kanyang naramdaman ng malapitan itong natitigan, parang nakikita niya rito ang kanyang sarili dahil hindi naman niya ito nakita ng malapitan ng makita niya ang mga ito sa Mall kahapon.
“ Mommy ” muli ay tawag ni Lance kay Jenz
“ Jenz sino ang bata na ito? ” nagtataka tanong ni Steven. Paano ba niya sasabihin sa dalawa na mag ama sila. At anak namin si Lance.
“ bakit ganyan ka magsalita sa Mommy ko? Sino po ba kayo? ” baling na tanong ni Lance sa kanyang Ama
“ Pwede ba huwag tayo rito mag usap! Duon tayo sa Unit mo ” aya ko kay Steven. Dahil sa Hotel ng mga Delgado ginanap ang Receptions duon na naisip ni Jenz na makapag usap sila ni Steven.
Nagpatiuna na si Jenz habang akay akay si Lance na hanggang ngayon ay nagtataka sa mga nangyayari.
“ Mommy sino po ba siya? ”
“ Later baby sasabihin ko sayo kung sino siya ”
Nakasunod lang sa kanila si Steven na isa rin sa nagtataka sa nangyayari.
Nang marating nila ang Unit nito ay tumabi sila ni Lance upang mabuksan ni Steven ang pinto. Nang mabuksan iyon at tuluyan silang makapasok ay hinarap siya nito
“ Sabihin mo sino ang batang yan? ” pasigaw na sabi ni Steven
“ Bakit mo sinisigawan ang Mommy ko ” galit na sabi ni Lance sa nagpupuyos na si Steven. Natigilan naman si Steven sa sinabi ng batang kaharap.
Hindi ata tamang sigawan ko si Jenz sa harap ng batang ito. Mali siya
“ Sorry! Okay lang bang mag uusap muna kami ng Mommy mo? ” tanong na baling niya sa bata. Itinuro nito ang isang sofa at pinaupo muna roon ang batang kasama nila.
Sumunod naman ito. Nang matanawan na nakaupo na ito roon saka niya binalingan si Jenz na ngayon ay tumutulo na ang luha.
“ I’m sorry nasigawan kita ” hinging paumanhin ko kay Jenz “ Sino ba ang batang yon Jenz? At Sino ang lalakeng kasama mo kahapon sa Mall? ” nanlaki ang kanyang mata sa sobrang gulat.
Kaya ba hindi ito umuwi dito sa Unit niya ay dahil nakita niya kami nila Kuya Justin sa Mall? Kaya ba galit na galit ito ng magkita sila kangina sa Simbahan at ipakilala sa kanya ng Daddy niya. Kaya ba ganoon nalang ang naging reaksyon nito ng magkita sila?
Unti unti ay napagdudugtong na ni Jenz ang mga pangyayari. Kaya pala ganoon nalang ang galit nito ng makita kasama niya si Lance.
“ No it’s okay! Kasalanan ko naman Steven, it is my fault! Nakita mo pala kami kaya ka pala hindi umuwi kahapon! Antagal ko nag antay sayo ngunit ni anino mo ay wala ka rito. Kaya ka pala nagbago at galit na galit sakin ng makita mo ako saka ipakilala sayo ng Daddy mo ” umiiyak na sabi ni Jenz
“ Yes I saw everything! Napakasaya niyo pa kahapon. Hindi mo alam kung anong pakiramdam ang naramdaman ko ng mga sandaling iyon. Galit na galit ako sa sarili ko sa pangalawang pagkakataon ay nagpakatanga ako sayo, napakagago ko dahil naniwala ako sayong Mahal mo ako. Subalit pinaglaruan mo lang pala ako. ” humahangos na sabi ni Steven
“ No! kaylanman ay hindi iyon totoo! Mahal na Mahal kita Steven ” umiiyak na Sabi ko
“ Mahal? Matapos makita ng dalawang mata ko, kung gaano kayo kasaya kahapon habang namamasyal sa Mall ”
“ nagkakamali ka! Hindi yon sa ganoon. Mali ang conclusion mo! Bakit Hindi mo muna ako tinanong? Nakita mo pala kami kahapon, alam mo pupunta ako dito sa Unit mo pero nasaan ka? ”
“ bakit pa? kitang kita para pagsinungalingan mo pa? kitang kita na ng dalawa kong mata ano pa dapat na sagot ang dapat na marinig ko mula sayo? Ang katotohanan sa lahat ng nakita ko? ”
“ Hindi ganoon Steven! Mali kasi ang iniisip mo ”
“ Anong mali roon? Rinig na rinig ko pa ng tawagin kayo ng batang yan ng Mommy at Daddy ano pang mali roon? ” mas lalo pa pala siya magugulat na maging iyon pala ay narinig nito.
“ Steven mali ”
“ Anong mali sinasabi mo? Mali bang tawagin kayo nito na Mommy at Daddy? ”
“ Steven mali kasi iniisip mo ”
“ Paano naging mali Jenz? ”
“ Steven makinig kang mabuti, ou tama yang bata na yan ay anak ko ”
“ OH diba tama ako anak mo nga siya sa lalakeng yon ” pamimilit nito
“ makinig ka muna! Yes he is my son, but your Son too. ”
Biglang natigilan si Steven sa narinig na sinabi ni Jenz. “ Pa—paano? ”
“ Paano nangyari? Did you remember that day na nagpasya akong umalis at iwanan ka. May babae na pumunta sa bahay sinabi nito na buntis ito dala ang magiging anak mo rito. Nakiusap ito na lumayo nalang ako dahil ako ang dahilan kung bakit hindi mo kapanagutan ang batang dinadala nito. Napaisip ako sa sinabi nito tama ito wala pa naman tayo anak ng mga time na yon dapat na ako ang lumayo, hindi ko kayang dahil sa akin may isang bata na walang kamuang muang ang mawawalan ng Ama ng dahil sa akin. Ngunit sa paglayo ko matapos ko makauwi ng pilipinas duon ko naman nalaman na dala dala ko naman ang anak nating dalawa. Iyak ako ng iyak nuon dahil sa kagustuhan ko na hindi mawalan ng Ama ang sanggol ng babaeng yon nagawa kita iwan nuon ”
“ Si Carol ba Jenz ang tinutukoy mo? ”
“ Ou siya nga! Tandang tanda ko pa ang pangalan ng babaeng iyon. Nang dahil sa kanya nagawa ko alisan ng karapatan magkaroon ng isang Ama at masayang Pamilya ang aking anak. Sinisisi ko ang sarili ko noon dahil sa nagawa ko sa ating anak. Gustong gusto ko bumalik ngunit natatakot ako na makita na okay na kayo ng babaeng iyon. Sa ilang buwan ng pagkukulong at pag iiyak ko isang araw napaisip ako, palalakihin ko ang ating anak kahit nag iisa ako. Sa tulong ng aking Pamilya naging madali ang lahat para sa akin ang palakihin si Lance. ”
“ Pero sino ang lalakeng yon? ” takang tanong ni Steven
“ Si Kuya Justin ba ang tinutukoy mo na nakita mo kasama namin kahapon? Younger Brother ko, siya na rin ang tumayong Ama ni Lance at kinalakihang Daddy nito sa mahabang panahon. ” pagpapaliwanag ko sa lalakeng nakita nito.
Umiiyak si Steven, Hindi kasi siya makapaniwalang nagkaroon sila ng anak ni Jenz. Sinisisi niya ang sarili na hindi niya nagawa itong hanapin sa loob ng mahabang panahon na yon. Maging siya ay tinanggalan niya ng karapatan ang anak na magkaroon ng sariling Ama.
“ napakagago ko talaga Jenz! Pinag isipan kita ng masama sa mahabang panahon kaya hindi ko nagawang hanapin ka dahil sa sinabi ni Carol na pera lang ang habol mo sakin nuon. Si Carol na ubot ng kasinungalingan ang ginawa nuon sinabi niyang buntis ito ngunit nalaman ko na hindi ako ang Ama kundi ang lalakeng nakarelasyon nito habang tapos na ang sa amin dalawa. Nalaman ko tinakbuhan ito ng lalakeng iyon at ayaw ito panagutan kaya sa akin nito pinapasa ng minsan malasing ako nuon ay pinalabas nito na may nangyari sa amin dalawa. Ngunit malinaw pa sa isip ko na walang nangyari nuon sa amin dalawa. Ito lang nagpupumilit na meroon. Napakagago ko Jenz! ” humahagolgol na sabi nito.
“ Hindi Steven! Huwag mo sisisihin ang sarili mo, inisip ko nuon magkita tayo muli na sinubok lang tayo ng pagkakataon upang subukin kung gaano natin kamahal ang isa’t isa. Kaya pa natin itama ang lahat Steven. ”
“ Pero paano Jenz baka maging ang anak natin ay hindi ako magustuhan lalo sa inasal ko pa sayo kangina ”
Ngumiti si Jenz kahit umiiyak pa rin at tuloy tuloy ang pag agos ng kanyang luha. Umiling siya “ Hindi Steven kaylanman gaya ko ay hindi magagawang magalit sayo ni Lance. Matagal ka na niya hinahanap hanap sakin, sabik na sabik ito sayo. Mahal na Mahal ka ng anak mo. Pangako yan. ” tumitig sa kanya si Steven
“ Jenz! Totoo ba? Hindi galit sakin ang anak natin? Kahit napakagago ng kanyang Ama? ” umiling iling si Jenz saka bumaling sa gawi ni Lance tinawag niya Ito
“ Lance! Baby come here! Lumapit ka kay Mommy ” tumingin naman ito saka tumayo sa pagkakaupo nito sa sofa.
Nang makalapit na ito ay nagtanong agad ito ng mapansin ang mga mukha nila na umiiyak “ Mommy bakit ka po umiiyak? Siya rin po? Bakit po kayo umiiyak na dalawa? Nag away po ba kayo? ” sunod sunod na tanong ni Lance. Habang walang malang gawin sa pagtingin sa mga mukha namin ni Steven
“ Lance baby did you missed your Daddy right? ” tumango tango si Lance
“ Where he is Mommy? Where’s my Daddy ”
“ He is your Daddy Lance! He is your Daddy Steven baby ” saka bumaling ng tingin kay Steven na sige pa rin sa pag iyak nito.
“ He is my Daddy? Totoo po ba kayo ang Daddy ko? ” tanong nito kay Steven tumango naman si Steven hindi alam ang kanyang magiging reaksyon ng tanungin siya ng kanyang anak kung siya ba ang Daddy nito. Isa lang ang nagawa niya ang yakapin ito ng mahigpit
“ I am sorry baby! Your Daddy was too late. Hindi alam ni Daddy I am sorry ” umiiyak na sabi ni Steven. Ganito pala ang pakiramdam na mayakap ang kanyang anak.
Sabik na sabik si Steven na magkaroon sila ng anak nuon ni Jenz. Pero dahil nagawa siya iwan nuon nito nawala ang pangarap at kasabikan nito. Pero ngayon malaman niya na may anak sila ni Jenz ganoon nalang ang labis na kasiyahan niya na mayakap ito. Ang pamilya na pinapangarap niya nuon ay nabigyang katuparan.
“ Anak patawarin mo si Daddy ”
“ Daddy why your still say sorry? ” Sabi nito ng iangat ang ulo mula sa pagkakayakap rito. “ I am not mad Daddy! I am so happy dahil sa wakas po ay umuwi ka na, Mommy telling me na busy ka sa work kaya hindi mo magawang umuwi para makita ako. But Mommy always telling me na you love me! Kahit hindi ka po natawag man lang lagi ko po iniisip na one day uuwi ka rin gaya ng lagi sinasabi ni Mommy sakin one day uuwi ka upang makita ako. Tama nga po si Mommy ngayon po ay narito ka na, umuwi po kayo diba Daddy para makita ako? ”
Umiyak naman muli si Steven dahil sa sinabi ng anak nito. Hindi siya makapaniwalang napalaki ito ng nakapabait na bata at napakatalino ni Jenz mag isa. Kahit wala siya sa tabi ng mag ina niya ay hindi man lang ito nagtanim ng galit at sama ng loob sa kanya. Bagkos ay pagkasabik ang nakita niya mula sa kanyang anak.