CHAPTER 12

1973 Words
Hindi pa sana siya payagan ni Steven na pumasok sa kanyang opisina. Gusto nito ay magkasama lang silang dalawa, subalit hindi maaari dahil may trabaho na kailangan niyang tapusin. Naiwan si Steven na parang bata na nagmamaktol dahil sa pag alis ni Jenz. Inip na inip na ito mag isa sa kanyang Unit gustong gusto niya na makita at makasama muli si Jenz. Wala naman ito nagawa dahil marami pa raw trabaho na kailangan tapusin si Jenz, kaya wala na siya nagawa upang payagan na nga ito pumasok sa opisina. Gumayak nalang din si Steven upang pumasok sa office ng kanyang mga magulang, mamayang hapunan pa naman gagawin ang pinaplano na pamamanhikan ng kanyang mga magulang sa pamilya ni Jenz. Ang anak naman nila ay pumasok na rin sa school maaga raw ito sinundo ng Kuya Justin ni Jenz upang ihatid sa kanyang eskwelahan. Nakakainip — inis na sabi niya sa sarili Habang busy si Jenz ay may biglang kumatok sa kanyang opisina. Akala niya ay kanyang Secretary lang, subalit laking gulat niya na ang niluwa nito ay ang kanyang mga kaibigan. “ Kamusta Mrs. Delgado? Ang secret wife ng isang Delgado at natatanging tagapagmana ng mga Delgado. Masaya ba? ” bulalas na sabi ng kanyang mga kaibigan ng tuluyan makapasok ang mga ito “ Biruin niyo girls, napakatagal na pala tayong niloloko ng matalik nating kaibigan! Kaya naman pala ni minsan ay hindi nagpapapasok ng lalake sa buhay niya ay isang Delgado pala ang hinihintay ” singhal ni Miami na nakatukod pa ang isang kamay sa mesa habang nilapit ang mukha sa mukha niya ” kinakabahan naman si Jenz sa mga susunod na sasabihin ng mga ito. “ Nagawa pa niyang maglihim at magtago na matagal na pala itong kasal sa isang Delgado, masakit pa ruon ay hindi niya ito sinabi satin. ” inis na sabi ni Carla “ Kaya nga girls! Anong dapat natin gawin sa kanya? Niloko at pinaglihiman tayo ng isa nating kaibigan ” gagad naman ni Aprilyn “ Pugutan ba natin guys ” pananakot ni Moira “ Girls magpapaliwanag ako! Mali ang ” “ Manahimik ka! ” sabay sabay na sabi ng kanyang mga kaibigan upang hindi niya na naituloy pa ng sasabihin niya “ Sinabi ba namin magpaliwanag ka? ” galit na sabi ni Joyce. Hindi kasi natuloy ang honeymoon nito dahil sa nangyari kahapon sa paglabas namin ng anak ko na si Lance “ Dahil sayo, naudlot ang honeymoon ko! Parehas talaga kayo ni Kuya. ” inis na singhal ni Joyce “ I’m so sorry ” naiiyak niya sabi saka yumuko “ Sinabi ba namin magsalita ka? ” pasigaw na sabi ni Aprilyn “ Tahimik, ikaw itong may kasalanan! Kaya wala kang karapatan magsalita o kahit magpaliwanag man lang ” galit na sabi ni Moira “ Girls ” umiiyak na tumingin siya sa mga kaibigan pagmamakaawa sa mga ito na sana mapatawag siya sa nagawang pagtatago. “ Hindi mo ba nakikita, galit na galit kami sayo ” “ Lalo na ako girl’s, naputol ang masayang honeymoon ko ” pinagsalikop pa nito ang dalawang braso at yumuko sa mesa ni Jenz. “ huhuhu ” “ Nakita mo na ginawa mo Jenz? ” galit na si Carla Umiiyak na rin talaga siya dahil sa nakikitang galit na galit na mga kaibigan. Hindi na niya napigilan na pati siya ay mapayuko sa mesa niya at umiyak ng tuluyan. Sa ganoong position ay hindi nakita ni Jenz na hindi magkandamayaw ang mga kaibigan habang siya ay umiiyak ay busy naman ito sa supresa na hinahanda ng mga ito. Sinadya nila talaga iyon upang magawa nila ang plano na supresahin ang kanilang kaibigan at I congratulate sa nalalapit nito muling pagpapakasal. Nagtampo man sila ngunit sobrang saya nila dahil sa wakas ay makikita nilang masaya at maligaya ang kanilang kaibigan. Lalo na si Joyce na mababakas ang sobrang kasiyahan dahil sa wakas ay sa Kuya Steven niya ito napunta. “ huhuhu, sorry na girls hindi ko talaga alam, promise wala akong alam na ang lalakeng pikasalan ko nuon ay Kuya pala ni Joyce. Sorry dahil hindi ko sinabi at naglihim ako na nagawa ko magpakasal ng hindi nagsasabi sa inyo. Patawarin niyo ako girl’s ” sakto pag angat ni Jenz ng mukha upang tingnan ang mga kaibigan siya naman pagbungad ng Supresa nila para kay Jenz “ SURPRISE ” sabay sabay na sabi ng mga kaibigan niya. “ CONGRATULATIONS JENZ ” basa niya sa maliit na bunner na hawak nila Moira at Miami habang si Carla ay my hawak na cake, si Aprilyn ay may dala dalang baloons at wines naman ang bitbit ni Joyce Inis na inis siya sa kadramahang ginawa ng mga kaibigan “ Girls! ” singhal niya sa mga ito habang tumatawa ang mga ito. “ Sorry Jenz! Naisip namin supresahin ka sana eh! Pero hindi namin iyon magagawa kung hindi namin gagawin iyon. ” “ Grabe tinakot niyo ako, pinaiyak pa dahil akala ko ay galit talaga kayo dahil sa paglilihim ko. ” inis na sabi niya sa mga kaibigan “ Nagtampo naman talaga kami, pero masaya na rin! Hindi mo ba alam umiiyak iyak pa tong si Joyce kahapon gumawa pa ng eksena ng hindi ka dumating ng ipakilala kami sa Kuya Steven niya. ” pangbubuko ni Carla “ What? Joyce do that? ” gulat na hindi makapaniwalang sabi niya “ Yes! Alam mo naman kung gaano namin ikaw kagusto na mapangasawa ng Kuya niya. Especially Joyce excited ito na magkakilala kayo ng Kuya niya. ” hindi makapaniwalang talaga si Jenz na ganoon pala talaga ang mga kaibigan kaseryoso na magkakilala sila ng Kuya ni Joyce. Sabagay sinusuway suway pa niya ang mga ito dahil hindi talaga siya favor sa gusto mangyari ng mga kaibigan niya. “ Paano ba kasi kayo nagkakilala ni Kuya? Jenz ” pag aalam nito. “ Kaya nga Jenz diba hindi ka naman natuloy nuon sa training mo sa Company nila duon sa States? ” Carla “ Mahabang kwento ” saka siya ngumiti “ Ano ba yan! Ikwento muna ” inis na sabi ni Moira “ Kaya nga! Dapat ikwento muna, antagal rin namin nag aantay sa kwento na Yan, kung ano ba talaga tunay na nangyari sayo ng pumunta ka ng America. ” Miami “ Sige na Jenz kwento na ” aprilyn “ Okay! Ganito kasi iyon ” pumupwesto naman ang kanyang mga kaibigan para makinig sa kwento niya. Sinabi niya lahat lahat kung paano sila nagkakilala nung unang dating niya sa America, saka kung paano nangyari na naikasal siya kay Steven at kung paano niya ito nagawang iwan. “ What? Ang malanding Carla na yon ang dahilan kung bakit mo nagawang iwan si Kuya Steven? ” gulat na gulat na turan ni Joyce “ bakit kilala mo ba yung Carla na yon? Joyce ” Miami “ Yes! Isa iyon sa mga naging Ex ng Kuya ko. Pero nagkahiwalay rin sila sa pagkakaalam ko dahil sa panlalake nito. Habang sila kasi ni Kuya nagawa nito pumatol sa ibang lalake ng mabuntis pilit pinakakargo sa Kuya Steven ” Joyce “ Alam mo ba iyon Jenz ” Miami Tumango naman siya! “ kaylan ko lang din nalaman ng magkita kaming dalawa at makapag usap ” “ Grabe! Ang kapal naman ng mukha nung babae na yon, nagawa mo ngang iwan ang lalakeng pinakamamahal mo upang hindi mawalan ng ama ang anak nito subalit anak mo naman ang pinagkaitan mo na magkaroon ng Ama ” Carla “ Hindi ko naman kasi alam na buntis pala ako ng time na yon! Gusto ko sana bumalik subalit natatakot ako. ” “ Natatakot saan? ” Aprilyn “ Ang hindi ka tanggapin ni Kuya Steven? ” tumango siya “ Hindi ganoon katanga si Kuya Steven para hindi ka tanggapin, lalo na at Mahal na Mahal ka non. Iba magmahal si Kuya pero iba rin pagmasaktan pero madalas puso Ang sinusunod nuon hindi ang sinasabi ng isip niya. Nakita mo naman? Ikaw na mismo ang nakakita kung paano magmahal si Kuya Steven para lang itong baliw ” pambubuko sa kuya niya. Sabay tawa. “ Mukhang kilala mo talaga ang Kuya mo Joyce ” Carla “ Ou ah! Mula pagkabata kahit magkalayo kami nuon ay hindi nakalimot iyon tumawag sakin. Nabanggit nga nito ang babaeng minahal niya may sampung taon na lumipas pero after noon wala na ito sinabi, hindi na ako nagtanong inisip ko na baka wala na ang mga ito. Hinayaan ko nalang. ” pagkukwento ni Joyce “ Maiba tayo! Galit ka ba talaga kay Jenz dahil hindi natuloy ang Honeymoon niyo ni Jonathan? ” Miami “ Ou ahh! Naudlot yung chance na makabuo kami ng baby ” biro na sabay tawa nito ng malakas “ Anong naudlot? Pinagsasabi mo, hindi ba meroon na? ” pangbubuko ni Jenz “ What? ” sabay sabay na gulat na sabi ng mga kaibigan nila. “ You mean buntis na rin si Joyce? ” Miami na hindi makapaniwala sa narinig. Sunod sunod na rebelasyon ang dumating sa kanilang magkakaibigan. Una ay ang pagkakasakit ng Asawa ni Moira na hanggang ngayon ay patuloy ang pagpapachemo sa sakit na lung cancer. “ Ano bang sinasabi mo Jenz? ” Joyce “ Hindi mo ba alam? Huwag mong sabihing hindi mo nahahalata. Ikaw na nagsabi may ilang buwan ka na hindi dinaratnan ” “ Totoo ba yon Joyce ” Aprilyn “ Ah Kasi, ahh ou! ” Hindi malaman ang isasagot. “ Hindi pa kasi sure kung totoo ang hinala ko girls ” Joyce “ Tara dali, tumungo tayo sa Hospital para makasigurado tayo ” aya ni Miami “ Wait ” pigil na sabi ni Jenz “ Ano naman yon? ” inis na excited na sabi Carla “ May kailangan muna ako gawin! ” naisip ni Jenz gumanti at isupresa si Joyce at ang asawa nitong si Jonathan. Natutuwa na siya sa isipin na mangyayari na eksena mamaya sa Ospital. Kinuha agad niya sa bulsa ang Cellphone nito saka nagtype ng text messages. Pinadala niya iyon sa Daddy at Mommy ni Joyce, maging sa asawa nito at kay Steven. “ Ok! Let’s go ” aya niya sa mga kaibigan “ Sino naman tinext mo? ” takang tanong ng lima niyang kaibigan “ It’s Nothing, huwag niyo na pansinin. Hindi importante yon! Tara na. ” pagpapatiuna niya Nakarating agad sila sa Hospital kung saan pagmamay ari ng pamilya ni Moira. Dito rin nagtatrabaho ang Kuya nito at dalawa pang nakababatang kapatid. Kapwa mga Doctor sa Ospital. Agad naman hinagilap ni Moira ang mga kapatid para sa test na gagawin kay Joyce upang malaman ang hinala nila kung talagang buntis ito. “ Kuya kayo na bahala kay Joyce ah! ” Moira said “ Ou naman! Saglit lang ito makukuha agad natin ang results ” sagot ng mga kapatid nito Habang nag aantay ay kinausap niya ang mga kaibigan sa plano na isupresa ang kaibigan. Kumuha sila ng isang kwarto at doon ay pinahiga si Joyce upang makapagpahinga. Kinuntyaba nila ang mga kapatid nito para maisamatuparan lahat ng Supresa na gagawin nila. Makaraan ang ilang minuto ay natanggap namin ang isang magandang balita. “ Joyce was 7 weeks Pregnant ” tuwang tuwang silang magkakaibigan sa sinabi ng Kuya ni Moira. Agad sila naghanda sinabihan nila ang Kuya ni Moira para sa kanilang plano. “ Joyce you need to rest! Makakasama sayo ang maggagalaw galaw. Kailangan mo munang manatili rito sa hospital para mabantayan ka maigi. Marami pa tayong test na dapat gawin! Hindi kasi malinaw ang results kailangan muna namin obserbahan ka within 24hrs or mas maganda may ilan araw ka pa mamalagi rito. Bakit kasi hindi ka nagtungo agad dito, nahihirapan na tuloy kami matukoy ang kalagayan mo ” Joey’s acting! Napakagaling talaga ng ginawang pag arte ni Kuya ni Moira na ginatungan pa ng mga kapatid nito. Paniwalang paniwala si Joyce sa sinabi ng mga Doctor. Pumayag ito manatili sa hospital gaya ng sinabi ng mga Doctor’s na tumingin sa kanya. Ngunit sa isang banda ay may katotohanan rin naman iyon, nabanggit ng Kuya Joey na medyo nasa maselan na stage ng pagbubuntis si Joyce kinakailangan nito hindi mastress at mapagod. Kaya napag usapan nila na ilagay ito sa isang kwarto para makapagpahinga. Habang busy ang ilan sa paghahanda ng kanilang supresa at tila hindi naman mapakali si Jenz. Ngayon kasi ang araw ng pamamanhikan ng pamilya ni Joyce sa bahay nila. Subalit dahil sa kagagawan mukhang madedelay ng konti ito, pero hindi na yon mahalaga. Sa isip ni Jenz ay mapasaya ang mag asawa. Kahit nung una ay nais niya makaganti rito at pagtripan ang matalik na kaibigan. After lunch maisagawa na nila lahat. Nakaready na ang lahat habang iniintay nalang nila ang pamilya nito at ang asawa na si Jonathan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD