EPISODE 13

2160 Words
Sakto ala una, natanawan na nila Jenz ang pamilya ni Joyce kasama ang asawa nito. “ Iha anong nangyari kay Joyce? ” agad na tanong ng mga magulang nito “ Nasa loob po nagpapahinga lang ” sagot ni Jenz. Kinindatan naman niya ang kanyang mga kaibigan na kasabwat niya sa plano na yon. Maging ang mga Doctor at ilang staff na kinasabwat nila ay nakaready na at mag aantay nalang ng signal niya. Dali Dali pumasok sa loob ang pamilya at asawa nito. “ Joyce anak! ” humahangos na sabi ni Mommy Amelia “ Anong nangyari sayo Love? Anong ginagawa mo rito sa hospital? ” nagtataka naman na tanong ng asawa nito. “ Batay po sa observation namin at sa ilang test na ginawa namin sa asawa niyo, kinakailangan niya ng ibayong pag iingat. Nasa mahirap nq stage po siya sa ngayon, hindi nararapat na ito ay mastress, kailangan niya makapagpahinga at iwasan na rin ang mapagod dahil kung hindi ay malalagay siya sa matinding panganib. ” mahabang paliwanag ni Doctor Joey “ Doc hindi ko po kayo maunawaan, kangina ay okay na okay ang asawa ko panong— ” “ Kaya nga po pinaliliwanag ko sa inyo ng Maayos! Sa ngayon maayos ang asawa niyo subalit kinakailangan niyang maging maiangat kundi makakasama sa kanila ” dugtong na sabi pa ni Doc Joey “ Ano? kanila? ” gulat na gilalas na sabay sabay na tanong ng pamilya at asawa ni Joyce Habang nanunuri sa mga nangyayari ang pamilya at asawa ni Joyce ay siya naman dahan dahan na pagkilos ng magkakaibigan, maging ang ilang staff ng hospital na kinumtsaba nila ay pumuwesto na sa kani kanila pwesto. Kanya kanya sila ng bitbit ng para parenalya na may iba’t ibang kulay. May maliit na banner rin silang ginawa para sa kanilang kaibigan. Nang makapwesto na ang lahat ay siya nang hudyat na ilabas nila ang Supresa para s kaibigan na si Joyce. Wala pa kasi itong alam sa nangyayari maliban sa conclusion na buntis ito. Sakto sa pagtatanong ni Jonathan muli at pagsagot ni Doc Joey sa tanong nito saka nila ilalabas lahat ng kani kanilang bitbit na tinatago sa mga likod nila. “ Doc maaari niyo bang ipaliwanag ano po bang Dalawa ang tinutukoy niyo? Kung tama po pagkakaintindi ko ang asawa ko ay ” “ Yes Mister. Buntis po ang asawa niyo she is 7weeks pregnant ” pagtutuloy nito sa sasabihin sana ni Jonathan. Saka naman nila nilabas ang Supresa nila “ CONGRATS ” sabay sabay na sigaw ng lahat ng naroroon sa kwarto. Maliban sa mga gulat na gulat sa masayang balita na natanggap mula sa Doctor Sabay sabay nila nilabas ang kanilang Supresa, nilabas ang Banner na may nakalagay Welcome Little Angel, pinaputok ang para parenalyang bitbit nila na may laman ng iba’t ibang kulay na ribbon at pira piraso na papel. Inilabas rin nila ang Cake at sinindihan ang Candle’s na may naukit na Welcome little angel. Naghanda rin sila ng iba't ibang putahe ng pagkain na inorder nila upang mapagsaluhan. Syempre hindi mawawala ang Pizza na favorite ng buong Barkada. Isa isa iyon pinasok ng ilan staff na pinakisuyuan namin upang tulungan kami na maisagawa ang Supresa namin kay Joyce. Masayang masaya ang buong Pamilya Delgado dahil sa sunod sunod na blessings na dumarating. Maliban lang sa isang bagay. Ang tungkol sa nawawalang anak na babae na kakambal ng kanyang Asawa. Nuong una ay may kutob na siya mula sa babaeng nakilala may ilan taon na nakararaan. Subalit bigla nalang itong nawala. Naalala ko kasi nakwento noon ni Joyce ang tungkol sa nakatatandang kapatid na babae na kambal nga raw ng Kuya Steven niya. Napansin ko ang hugis puso na kabiyak sa isa nitong mga obra kaya mas lumakas ang kutob na nararamdaman ko ng mga panahon na yon. Lalo ng makita ko ang pares ng kwintas na suot ni Steven nitong makaylan na magkita kaming dalawa. Kaparehas na kaparehas iyon sa lalarawang iginuhit ng babaeng nakilala. Sa pagkakatanda pa ni Jenz ay Carmela Isabella Geronimo ang ngalan ng babaeng iyon. Nasaan na kaya ito matapos umalis sa poder ng kanyang Nobyo na si Ismael Zion Montebar isang sikat na sikat na artista na napabalitang nabuntis ang babaeng kapareha sa pelikula, kaya ang babaeng ka live in nito na si Carmela ay tuluyang lumayo at hindi na nagpakita pa. Kutob pa lang naman iyon subalit gusto niya makumpirma sa oras na makita niya muli ang babaeng si Carmela bago na ilabas sa lahat na natagpuan niya ang nawawalang si Stephanie Delgado ang kambal ng kanyang asawang pinakasalan Maari naman makauwi si Joyce basta sundin lang nito ang ibinigay na payo ni Doc Jonathan. “ Ikaw may kagagawan nito ano? Umamin ka? ” gilalas na sabi ni Joyce Natawa si Jenz sa tinuran ng kaibigan “ Masaya naman diba ” saka niya ngumisi ng nakakaloka. Umismid naman si Joyce na may pagtataray “ Gumaganti ka lang! ” Sabi muli nito natawa naman silang magkakaibigan “ Joyce it’s been a lot of blessings, dapat lang tayo magsaya! Biruin mo full of surprises ang mga dumating. Napaka Kel – J mo! ” biro ng mga kaibigan “ Marami tayong dapat ipagpapasalamat, kaya magsimba tayo by this Sunday. Sa dating tagpuan okay ” huwestyon ni Carla “ Yap! Your right medyo matagal tagal na rin. Okay this Sunday so don’t missed it. Marked your Calendar dapat walang makakalimot ah! Hindi dumating may kaltos ” biro sabi ni Aprilyn Madalas kasi sila nuon magsimba nung mga College pa sila. Then after Mass umiikot ikot sila sa lugar at naghahatid ng konting tulong or pagkain para sa mga taong hirap sa buhay. Usually mga batang tamba o pagala gala. May isang place sila na itinayo upang duon paraanin ang kanilang tuloy. Madalas dahil sa sobrang busy pinadadaan nalang nila sa mga Volunteer ang tulong at suporta nila. “ Doc Joey baka gusto niyo sumama if ever available kayo! Baka pwede magpamedical mission na rin tayo para sa kanila. ” husuwestyon ni Jenz Maluwang na ngiti naman ang sinagot nito. “ Sure no problem! Basta kayo, magsasama rin ako ng ilang staff para makatulong sa inyo. ” Masayang masaya si Jenz sa sinabi ng Doctor. Pero may isang tao naman na nagpupuyos sa selos ang nasa isang sulok at matiim na nakatingin sa kanila dalawa. Kangina pa itong gusto sumabog dahil sa init na nararamdaman sa sobrang pag aapoy. Napailing nalang si Jenz sa lalakeng kanyang lihim na minamahal. Lihim pa bang masasabi na bulgar na sa lahat na siya ang asawa nitong may sampung taon nang tinatago tago. “ Maraming salamat Doc, kaylanman ay malakas kami sayo. ” nakangiting tugon niya sa Doctor. “ Paano sure na si Doc this Sunday, wala nang atrasan ” “ Sino ba aatras? Mukhang ikaw lang naman ang tila hindi maaaring sumama this Sunday ” sabay pabirong sabi nila Miami at Joyce. Saka itinuro ang lalakeng kangina pa humahatak pala ng atensyon mula sa pakikipag usap niya sa Doctor. Para na talaga ito sasabog sa galit ng dahil sa selos. Agad naman niya ito nilapitan saka inaya palapit sa Doctor. “ Doc Joey, I want you to meet Steven Delgado my husband. Steven this is Doc Joey Moira’s younger brother. ” agad naman iniabot ni Doc Joseph ang kamay kay Steven at hindi naman nag isip pa ay inabot na rin iyon ni Steven upang para makipagkamay. “ Siya ba Jenz ang Papa ni Lance? ” tanong ng Doctor. Matagal na panahon na kasi niya iyon tinago tago at isa itong si Doc Joey ang malalapit na Doctor na nalalapitan niya noon sa tuwing nagkakasakit ang Mahal na anak. “ Ou Doc Joey siya nga ” sagot sa Doctor “ Kaya naman pala kagwapo na bata si Lance ay may pinagmanahan. Gwapo rin pala ang Ama. Marunong ka pumili Jenz ah! ” pabiro na sabi ng Doctor. Marunong rin palang tumingin ang Doctor na ito – bulong na sabi ni Steven sa sinabi ng Doctor “ Salamat Doc, marami nga nagsasabing gwapo raw ako, itong asawa ko lang si Jenz ang ayaw maniwalang gwapo ako. Siguro ay bulag ng pakasalan ako. ” gagad na biro sa Doctor ng magawang sumingit sa usapan sa pagitan ng Asawa at ng Doctor. Natawa ang Doctor sa sinabi ni Steven. “ Marunong rin palang magbiro ang asawa mo Jenz, akala ko ay pagseselos lang ang alam. ” saka pa tumawa ito “ Isang malaking Joke Mister huwag mong seryosohin. ” pahapyaw na biro pa nito sa asawang biglang namula ang mukha na kasing pula ng siling labuyo na nag aapoy sa sobrang pagkapahiya. Hindi naman sinasadya ni Doc Joey dahil biro lang iyon, itong si Steven naman ay napikon pero gulat sila ng sumagot pa ito. “ Naku Doc biro ba iyon? Pero salamat dahil totoo naman iyon, nagselos ako dahil baka mamaya ay tinatago pa rin nitong asawa ko na may asawa na siya. Sampung taon na rin iyon ng takbuhan ako makatitikim na siya oras gawin pa niya ulit iyon. ” “ Naku Jenz mainit na revelation pala ang sa inyo nitong asawa mo, kung sa akin iyon hindi na kita patatawarin pa. Buti nalang at Mahal ka. Kaya huwag mo nang balakin ulitin pa, kita mo may pananakot na. Makakatikim ka na raw sa susunod ” isang hirit na biro pa ng Doctor bago ito namaalam para magrounds sa kanyang mga iba pang pasyente sa Ospital. “ Oh siya mauuna na ako. Marami pa akong pasyenteng nag iintay. Congrats sa iyo Joyce, alagaan mo iyang baby mo. Sundin mo lahat ng bilin ko sayo huwag na huwag kang magpapakapagod at pagpakastress. Ikaw Jonathan ingatan mo mag ina mo huwag mong istressin at baka ikaw ang mastress sa huli. Alagaan mo, hindi ikaw ang aalagaan ng mag Ina mo. Okay sige na mauuna na ako ” “ Teka Doc biro pa rin ba yung sinabi mo? ” habol na sabi nila “ Nasasakanila nalang kung biro o susundin nila ” saka ngumiti. Naiiling sila maging ang Doctor ay marunong rin mag joke. Nakuha pang mag iwan ng isang mensahe na pinadaan sa joke. “ Moira kakaiba yang Kuya mo ” Sabi ni Aprilyn “ Ewan ko ba roon ” Natatawang Sabi “ Binata pa iyon diba? ” tanong ni Carla “ Bakit Carla may balak ka ba? ” Sabi naman ni Miami “ Balak agad? Pwede ba nagtatanong Lang? ” inis na ismid nito. “ Ayan naman kayo ” saway ni Jenz “ Dapat magsaya tayo ngayon hindi mag away. Basta sa linggo iready niyo na lahat ng pasalubong natin sa kanila okay. “ Yes Boss ” sagot ng mga kaibigan niya. “ Pwede ba kami sumama anak? ” Sabi ni Tita Amelia “ Ou naman Mommy bakit ba hindi, mas marami mas masaya. Marami tayong mapapasaya na mga bata kung marami tayo. ” Isang masayang pagsasalo ang naganap sa paglabas ng pagdadalang tao ni Jenz. Marami ang natuwa at lahat ay sabik sa pagdating ng bagong angel sa barkada. Mararagdagan muli kami ng isang makulit na inaanak. Lahat Kasi kami ay inaanak ang mga anak kaya naman taon taon ay masaya namin ginaganap ang pagsalubong ng Pasko at bagong Taon na kasa kasama ang kanya kanya naming anak. Kung ako noon ay palagian niloloko na walang asawa o jowa na maipakita si Joyce naman ay walang anak dahil sa hindi matuloy tuloy na kasal nito. Pero ngayon makukupleto na ang barkada na gaya ng sa kanila. Gusto kasi nilang lumaki ang mga anak na magkakabarkada rin gaya nila. “ Sa susunod na taon may bago nang barkada ang ating mga anak. ” Miami “ Kaya nga makokompleto na sa wakas ang barkada. ” Carla “ Biruin niyo yon sunod na sunod na Blessings ang nangyari sa atin. Dumating ang tunay na Ama ni Lance dahil sa kaibigan nating kaytagal tinatago tago ang katotohanan sa tunay na Ama ng Anak. ” Moira “ Hindi lang iyon, ang pagtatago sa tunay na Ama ng anak at ang pagtatago nito sa matagal na kasal sa Kuya ni Joyce. Aba at may asawa na pala. ” Aprilyn “ Yon na nga, una pa palang lumandi. ” dugtong pa ni Joyce. Sabay tawanan ng kanyang mga kaibigan. “ Wala talaga siyang plano sabihin kung hindi pa lumitaw ang itong si Steven. ” Carla. “ pagtulungan talaga ako? ” singhal niya sa mga kaibigan Ang mga kapwa magulang nina Steven at Joyce saka ang asawa nito ay tila walang masabi kapwa mga tulala at nunuod sa kani kanilang batuhan ng salita. Biro lang naman iyon at natural na sa kanilang magkakaibigan. Dahil kung hindi sila ganoon natitiyak na mayroon kakaiba sa kanilang pagsasama. Meaning mayroon hidwaan or hindi nagkakaintindihan. Pagganoon kasing sitwasyon madalas ay tahimik at walang gusto manguna sa pag sasalita. Madalas iyon pero noon nuong nagsasama pa sila nuong mga College pa. Bagong tinatayo palang ang kanilang Groupo.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD