Alyssa's POV "Ano naman kaya ang susuotin ko?" nakaharap ako sa mga damit ko. Naguguluhan ako kung ano ang susuotin ko? Ang sabi kasi ni Helious suotin ko ang mga pinamili niya para sakin. Sobra naman sa kaseksihan yung mga damit na pinamili niya para sakin. Gusto niya bang ganito yung mga sinusuot ko? Naalala ko si Andrea, ganito ang mga sinusuot niya. Gusto ba ni Helious na gayahin ko si Andrea? Napailing na lang ako. Hindi ko kaya magsuot ng ganito pero dahil ayaw kong mapahiya si Helious sa mga barkada niya, pipilitin kong magsuot ng gusto niyang ipasuot sa akin. Mas pinili ko ang kulay pink na dress, manipis lang na strap at maiksi hanggang sa itaas ng aking mga tuhod. Nang maisuot ito ay tumingin kaagad ako sa salamin. Bumilog ang aking labi. Napaka-sexy naman nito. Hiyang-hiya