Alyssa's POV UNTI-UNTI kong naimulat ang aking mga mata. Nakatulog pala ako. Inabot ako ng antok kaya hindi ko na namalayang nakaidlip na pala ako. Kaagad kong tiningnan ang orasan. Alas sais na ng hapon. Wala bang balak si Helious na palabasin ako dito. Paano ako makakapagluto kung nandito lang ako sa loob ng kwarto niya. Bakit ba kailangan niya akong ikulong rito? Nilapitan ko ang pinto. Sinubukan kong pihitin ito ngunit hindi ko mabuksan. Nakaramdam na ako ng gutom ngunit wala naman akong makain. Sinubukan kong libutin ang kwarto ni Helious nagbabakasakali makahanap ng pagkain. Ngunit nabigo lang ako. Wala akong nakita. Nagugutom na ako ng sobra. Muli kong nilapitan ang pinto para muling pihitin ito ngunit nabigo lang ulit ako. Nasapo ko na lamang ang aking noo. "Helious, buks