"Gianna! Where the hell do you thing your going?!" Galit niyang tanong sa dalaga na mabilis ang mga hakbang patungo sa pintuan. Sinundan pa niya ito. Hindi niya ito pwedeng hayaang lumabas mag isa. Gabi na, baka ano pa ang mangyari rito sa labas. "Aalis ako, ayokong makasama ang katulad mo!" Galit nitong tugon sa kanya at akmang aabutin na nito ang pintuan nang mahila niya ito sa braso par pigilan. "Tumigil ka na nga Gianna! Huwag kang parang bata!" Pigil niya sa dalaga. "Bitiwan mo ko Calvin! Wala kang karapatan para pigilan mo ko! Wala tayo sa opisina ngayon! At lalong hindi mo ko asawa!" Asik nito at sa kanya, saka siya nito mabilis na tinuhod. Nasaktan siya kaya nabitawan niya ito, nagawa nitong buksan ang pintuan at mabilis na tumakbo palabas, habang namimilipit pa siya sa sakit sa