"Sino ka ba sa akala mo ah Calvin!" Galit niyang sabi kay Calvin nag kaladkarin siya nito palabas ng bar. Sinubukan pa nga niyang makawala iyun nga lang masyadong mahigpit ang pagkakahawak sa kanya ni Calvin at hindi niya magawang makawala rito. "Hindi mo ko asawa Calvin!" Hiyaw pa niya sa lalake. Nais niyang ipaalala rito na wala itong karapatan sa kanya. "Enough, Gianna enough!" Ganting sigaw sa kanya ni Calvin. "Aray!" Malakas na tili niya nang walang ingat siyang tinulak ni Calvin sa sasakyan nito. Tumama ang katawan niya sa pintuan ng kotse. "Alam ba ng mga magulang mo ganyan katigas ang ulo mo ah Gianna?!" Galit nitong tanong sa kanya. "Eh, ikaw Calvin alam ba ng mga magulang mo na napakababaero mo! Kahit saan ka magpinta maya nakasunod na babae sa iyo!" Matapang niyang sabi rit