Gianna-9

1004 Words

Natuwa naman siya kahit papano dahil kinain naman ni Gianna ang ginawa niyang sandwich para rito. Narinig niyang maarte din ang dalaga pagdating sa pagkain, buti na lang at hindi nasayang ang sandwich na ginawa niya. "Hindi ako makakatulog na ganito ang suot ko," reklamo sa kanya ni Gianna. "Wala akong damit na pambabae, saan naman kita ikukuha," tugon niya sa dalaga. "May malinis ka bang polo diyan?" Tanong nito at nagtaas pa ng kilay sa kanya. Hindi yata siya nito kayang kausapin na hindi ito nagtataray sa kanya. "Of course meron," tugon niya at lumakad patungo sa closet para kumuha ng polo roon. Naramdaman niyang sumunod sa kanya si Gianna sa loob ng closet. Nang buksan niya ang closet ito pa mismos ang naghanap ng damit para rito. Hinayaan na lang niya ito. "Nakaplantsa na ba ito?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD