Ramdam niyang nakasunod ang mga mata ni Calvin sa kanya. Sino ba naman ang hindi mapapatingin sa ginagawa niya ngayon. Nakahubad siya sa harapan ni Calvin. Sinadya niyang gawin ang magbihis sa harapan nito, para naman maipakita rito kung ano ang tinanggian nito. Kung sana sumipot ito sa kasal nila edi sana natikman na nito kung gaano siya kasarap. Ngayon maglaway ito at magsisi sa hindi nito pagsipot sa kanya sa altar. "Gianna," tawag sa kanya ni Calvin. Napansin niya ang pagpiyok ng tinig nito. Isa lang ang ibig sabihin non may epekto rito ang ginagawa niyang pang aakit. Sinulyapan niya si Calvin habang balewala sa kanya ang kahubaran sa harapan nito. Saka niya maingat na sinuot ang puting t-shirt ni Calvin. Sa totoo lang mabango at malinis naman ang una niyang napili, iyon nga lang nai