Chapter 6: Cocktails

1244 Words
                                                                                              KRIS Bastien sat back on his seat. He crossed his arms, his muscles twitching and flexing. Shet! Ang sarap hawakan ng biceps at triceps niyang maskulado. At ang lapad-lapad ng chest and shoulders niya. Jusko! Lalaking-lalaki talaga! Nakakatulo-laway. Nanunuyo ang lalamunan ko kaya napainom ako ng cocktail kong Blue Lagoon. Sa kabila ng malakas na ingay sa paligid namin katulad ng musika, daldalan, tawanan at pagdampi ng tubig-dagat sa seawall, narinig ko ang puso kong dumadagudog. Dug-dug. Dug-dug. ‘Ayun. Parang biglang nag-slow motion lahat. He looked at me hotly. I tried to ignore him though, trying to be unaffected by those sexy eyes. Uminom na naman ako at nag-order ng panibago. Nang parating na uli ang waiter ay may babaeng lasing at nabangga sa waiter. Tuloy ay tumalipon sa shirt ko ang drinks at napamura ako. “The f**k!” bulalas ko. “Oh, I’m sorry!” hinging-despensa ng babae. Hindi ko na pinansin ang babaeng nag-sorry pero makulit siya. Hinihipuan na lang ba ako sa basang parte ng shirt ko, which is exactly my chest down my stomach part. Ramdam ko ang malamig na likido sa balat ko. Pinaalis ko naman ang waiter para kumuha siya ng panibagong drinks pero ang babae ay haplos pa rin nang haplos sa ‘kin. “Lady, get the f**k off me!” Nakatiim-bagang akong nagsabi sa kanya. Maganda naman sana siya pero hindi ko siya type. Of course not! Hindi pa ako nababaliw para magkagusto sa isang babae. Sa halip na lumayo sa ‘kin ay napatitig ang babae sa akin. Bigla siyang ngumiti at lalo siyang gumanda sa paningin ko nang hindi ko mawari. No, hindi ako bisexual. I was sure of that. Itinuro niya pa ako. I winced as I smelled the alcohol in her breath. Puro tequila. Jusmio! Parang gusto kong masuka. “Oh? I know you! Ikaw si Kris Eugraf!” Tumuwid siya nang bahagya at ako ay napatingin sa kanya. Hindi ko siya matatandaan kaya nakabusangot lang akong nakatitig sa kanya. “It’s me Talia!” dagdag niya pa na sinapo ang dibdib niyang malulusog. “What?” Parang nabingi ako nang ilang segundo dahil sa sinabi niya at sabay pa kami ni Bastien na napabulalas. Tumawa si Talia at saka pasimpleng hinimas ako sa balikat at dibdib. “Hindi ko alam na magkikita tayo rito, Kris! If I did, I shouldn’t have drunk too much!” Namumungay ang magagandang kulay-tsokolate niyang mga mata. Pantay ang mga ngipin niya at tisay pa rin siya, though I don’t see her baby fats anymore. She turned into a sexy and hot lady that every man would want to bang her. And that’s by real men’s standards. Not mine. Just sayin’. Hindi naman siya nakakalalaki. Bading pa rin ako. “And you are Kris’ friend?” Bumaling na siya kay Bastien ngayon. Hinagod niya rin ng tingin ang guwapong kasama ko. I admit. Kahit na sinong babaeng napapatingin sa gawi namin ay napapatitig din kay Bastien nang sobrang tagal. He’s like an eye candy. Pang-Magic Mike talaga ang katawan. Jusko! Nakakatulo-laway sa nasabi ko na. Hay! I remembered to finish my drink nang maramdaman kong literal na akong naglalaway. Peste! Ayokong mapahiya sa harap niya. But Bastien just gave her an disapproving look. No, that wasn’t just disapproving but hostile look. Bakit kaya? Dahil naistorbo ‘yong business na usapan namin? “Thanks! ‘Yong natapon kanina, i-add mo pa rin sa bill namin.” Baling ko sa waiter na naglagay ng bagong drinks. “Yes, Sir.” Natuwa ang teenager pang waiter. Parang relieved siyang marinig ang sinabi ko dahil baka siya ang pagbayarin ng natapon nang dahil kay Talia. Paglingon ko naman sa babae ay, aba! Nakakuha na siya ng silya mula sa kung saan at nakiupo na rin sa may mesa namin ni Bastien. I can’t help but snort. The woman has guts, I give her that. Kahit binigyan na siya ng “f**k off” glare ni Bastien ay ang tigas ng magandang mukha ni Talia. Naki-join pa rin siya sa amin nang walang kaabog-abog. Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng ito, eh. Wala na akong masabi. “Huy! Pipi ka ba? Ba’t hindi ka nagsasalita?” sabi niya kay Bastien. Tanga lang si Talia. O sadya nga yatang lasing na nang hindi niya mapansin na nagsalita kanina si Bastien. Sabay pa nga kami ng “What?” eh. “This hasn’t happened before,” Bastien kept mumbling to himself. Mali ba ako sa narinig ko? Tss! Of course, it never happened before! Ngayon lang kami nagkasama at heto rin si Talia. Napatingin si Bastien sa akin. “Kris, let’s get you home. Doon na tayo magpatuloy sa diskusyon natin.” Inignora niya si Talia na ininom ang isang baso ng cocktail ko. “What about her, Bastien? Hindi natin siya puwedeng iwanan nang ganyan lang. Lasing na siya, eh.” Nakokonsensiya naman akong iiwan lang dito ang pasaway na si Talia. Binalingan ko na lang ang babae. Inignora ko ang matalim na tingin ni Bastien na para bang tunawin na ng laser eyes niya ang babaeng lasing. Hindi niya talaga type si Talia kahit maganda siya at gifted sa hinaharap. “Sino ba’ng kasama mo, Talia? Or do you want us to drop you home?” usisa kong naiinis din. Napaka-inconvenient ba naman kasi. “I don’t want to go home! I hate my nagging parents! They want me to marry na!” reklamo niya pa. Kulang na lang ay ngangawa na siyang parang baka. Okay, but that doesn’t answer my questions. At least one of them nga lang. “Ah, f**k this!” anang Bastien na inis na inis na talaga. Parang sako ng bigas si Talia na inilagay ni Bastien sa kanyang balikat. Napanganga ang mga tao sa nakita, lalo na ako. Hindi ko kasi inasahan na gagawin niya ‘yon. “I’m going to throw up, Kris!” reklamo ni Talia. Her eyes were half-closed. “Damn it!” sabi ko. Patuloy na nagreklamo si Talia. Ngali-ngaling tinawag ko ulit ang waiter namin at binigyan ng pera para sa bill namin. May ekstrang tip ‘yon. Hindi kasi ako maramot. Sumunod na ako kay Bastien na parang balewala lang ang sinabi ni Talia. Dumuwal ito pero hindi natamaan si Bastien nang dahil sa mabilis niya itong ibinaba at hinayaang dumuwal sa lupa ang babaeng lasing, doon malapit sa parking lot. “f*****g drunken women!” Narinig kong sambit ni Bastien. It was like he really hates women. But I could be wrong.  Woman hater kaya siya? Inalalayan niya ito ulit papunta sa kotse niya. Napalingon siya sa akin para tingnan kung sumusunod pa rin ako. “Iba na ang pipiliin kong bar next time,” he mumbled. Hindi ko naman naintindihan ang ibig niyang sabihin. Siguro gusto niyang sa susunod ay hindi na kami sa Tiki Bar. Baka gusto niya sa Why Not? O kaya naman sa Kamalig? Basta narinig ko na naman niyang inulit niya ang sinabi na niya kanina na “This didn’t happen before” nang nasa loob na kami ng kotse niya. I just took it for granted. Ako na ang nag-seatbelt kay Talia na nakahiga sa backseat. Bumaho talaga ang amoy ng kotse ni Bastien na kanina ay parang siya ang amoy, suede and citrus. Ngayon ay tequila at suka na. “What’s wrong with her anyway?” tanong niya. “Your guess is as good as mine,” nasabi ko na lang. Pinaandar na niya ang kotse nang nakapag-seatbelt na ako. “Let’s just leave her at some hotel,” he suggested. “Fine.” Naghintay lang ako sa kotse nang ipasok niya sa malapit na hotel si Talia at binayaran iyon. “Kris, I don’t want to see that woman ever again!” he said, eyes burning with hatred.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD