Maagang nagising si Xylene, mas maaga pa siya sa kanyang alarm clock. Kailangan niyang lambingin ang kanyang kuya Xiro.
Alam niyang magsusumbong na naman ito sa kanilang mommy at daddy. Masyadong OA pa naman ito kung magkwento.
Kung hindi dadagdagan ang detalye ng pagsumbong sa mga ito, babawasan naman nito, basta mapagalitan lang siya ng mommy at daddy nila.
Napatulis ang kanyang nguso. Suhulan niya kaya? nah hindi mahilig sa suhol yun. Bigyan niya ng babae? mas lalo lang siyang isusumbong. Bilhan niya kaya ng bagong kotse? pshh nilulumot na ang mga kotse nito sa garahe.
Kagat-kagat ang kuko sa daliri, titingin sa kisame sabay tingin ulit sa sahig. Pilit siyang nag-iisip ng pwedeng maipa-in sa kuya.
Sunod-sunod na mararahang katok ang nagpabalik sa kanyang katawang lupa. "Ms. Xylene nakahanda na po ang agahan! pinapababa na po kayo ni señorito!"
Napatingin siya sa orasan. Anong oras na ba? halos lumuwa ang kanyang mga mata ng makitang halos apat na oras na ang lumipas pero wala pa rin siyang naiisip.
Bagsak ang balikat na naupo siya sa dining table. Inihanda na niya ang kanyang dalawang tainga sa almusal na sermon. Siguradong mabubusog na naman siya at hindi lamang iyon. May pasobra pa itong sermon dahil masyado siyang espesyal.
Mahaba ang kanyang nguso habang itinusok ang hawak na tinidor sa hotdog na nakahain sa mesa, inisang kagat ito at pilit na nilulunok.
Narinig niya ang pagtikhim ng kanyang kuya Xiro. Titig na titig ito sa kanya. Inubos niya ang laman ng kanyang bibig.
Ibubuka na niya ang kanyang bibig pero inunahan na siya ng kanyang kuya.
"I've receive all your text messages! diba sabi mo madali ka lang?!" taas kilay na tanong nito. Napanguso ulit siya, hindi niya naman kasi alam na lalangoy sa alak ang kaibigan. "Don't try to speak, save it!" turan nito sabay tayo.
Inayos nito ang necktie na suot, kinuha ang susi sa tabi. "Don't go outside you're grounded"
Nag-ulap ang kanyang mga mata, nahirapan siyang lunukin ang kinakain, bakit ba hindi pa siya sanay sa ugali ng kanyang kuya Xiro!
Tumayo na siya, nawalan na siya ng ganang kumain, tinawag niya si manang at sinabing sila nalang ang kumain ng agahan.
Naglakad siya pabalik sa kanyang kwarto, nagkulong. Ano naman ang gagawin ko dito?
Dinampot ang remote sabay binuksan ang TV. Unang bumungad sa kanya ang nagkakagulong mga tao. Balita?!
Inilipat niya ng channel ngunit iyon pa rin ang palabas. Nagkakagulong mga tao, nag-iiyakan, may nakikiusyuso lang.
Nandito po tayo ngayon kung saan naganap ang karumaldumal na krimen. Sinasabi na ang nasabing biktima ay nakaranas ng matinding panggagahasa, hindi lamang iyon may nakitang mga pasa, sugat at kalmot sa buong katawan. Ngunit ang nakakapagtaka lamang ay wala itong dugo, isang maputlang bangkay. Inaalam pa ng pulisya kung ilang tao ang may kinalam-
Pinatay niya ang telebisyon, napatulala sa kisame, bumuntong hininga. Ipinikit ang mata, nilunod ang sarili sa kadiliman.
Sapo niya ang dibdib, pinagpapawisan siya ng malagkit, ang lakas ng t***k ng kanyang puso. Hinihingal siyang bumangon sa kama. Tandang-tanda niya ang kanyang panaginip.
Isang lalaking nakaitim na polo, matangkad, may kaputian, ngunit hindi niya maaninag ang mukha nito dahil sa tumatabing na ilang hibla ng buhok.
Sa isang kisap-mata ay nasa harapan niya na ito. Ramdam niya hanggang ngayon ang mainit nitong hininga.
Sinipsip nito ang puno ng kanyang tainga sabay bumulong, "I'm gonna find you b***h!"
Ramdam niyang nagtayuan ang kanyang balahibo sa batok pati sa braso. Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Panaginip lang ang lahat!
Napalingon siya sa pinto dahil may kumakatok sa labas. "Xy buksan mo ang pinto!"
Ang kuya niya? anong oras na ba? ang aga naman ata nitong umuwi!
Napatingin siya sa labas ng bintana, madilim na. Ilang oras ba akong nakatulog?
Lumapit siya sa pinto at binuksan, sumalubong sa kanya ang nakakunot na mukha ng kanyang kuya Xiro.
"Bakit ang tagal mong buksan ang pinto?!" nilampasan niya ito at dumiretso sa kusina, nagugutom na siya.
"Hey Xylene!" tawag nito pero hindi niya pinansin. Balakajan.
Naghanap siya ng cup noodles kahit nakita niya ang nakahandang pagkain sa dining table. "Xylene kakain na tayo, ibalik mo na yan!"
Kumain ka mag-isa mo! "Xylene I'm warning you, bakit hindi mo ako kinakausap?!"
Nilampasan niya lamang ito, iniiwas niya ang kanyang katawan nang subukan siya nitong hawakan. Manigas ka diyan!.
"Hindi mo ako madadala sa ganyan mong style!" pinagsasabi nito? inilagay niya na ang mainit na tubig sa noodles sabay tinakpan.
Kumuha siya ng loaf ng tinapay, inilagay sa isang tray kasama ang noodles at nagtimpla na rin siya ng gatas.
Nilampasan niya ulit ang kanyang kuya Xiro. Alam niyang nagtitimpi lamang ito na hindi siya masigawan.
"F-fine hindi ka na grounded!" utal na wika nito.
Napataas ang kilay ni Xylene, parang nabingi sa sinabi ng kanyang kuya Xiro. Napalingon siya sa gawi nito.
"Anong sinabi mo?" napairap ito sa hangin. "Are you deaf?!" ngumuso siya. "Hindi ka na grounded!" nakapamewang ito.
Hindi niya ito natiis, mabilis niya itong tinalon sabay niyakap. Hindi rin pala siya natitiis ng kanyang kuya.