"Hoy! Xylene basta mo nalang ako iniwan!" simangot ng kanyang kaibigan pagkakita sa kanya.
"Huh?" maang na tanong niya. Totoo naman kasi bigla niya na lamang itong iniwan sa tapat ng gate. Binuhusan niya pa ito ng dalang mineral water para magising.
"Naka move-on ka na?" pag-iiba niya sa usapan. "Dzuhh ako pa.." pagtataray nito. "Tsaka maraming fafa diyan noh kaso sayang si John ang yummy pa naman.." malungkot na wika nito.
Tipid siyang napangiti sa totoo lang maganda naman talaga si Amanda. Maputi ito, matangos ang ilong, may balingkinitan na katawan, matalino, masasabi mo nang perpekto ito. Marami din ang manliligaw nito pero kung sino pa ang pinag-alayan nito ng puso, ang taong akala niya'y di siya sasaktan, yun pa ang nang-iwan.
"Oo nga pala Xy, classmate pa rin ba tayo ngayong school year?" lingon nito sa kanya. "Hindi ko lang alam.."
Biglang tumunog ang cellphone ng kasama. Sumenyas ito na sasagutin niya lang. Lumabas ito sa coffee shop at doon sinagot ang tawag.
Nakaramdam siya ng tawag ng kalikasan, tumayo siya sa kanilang table. Nilingon niya muna ang kaibigan, busy pa ito.
Naglakad siya papuntang comfort room, walang tao, solong-solo niya ito. Pumasok siya sa isang cubicle, inilock ang pinto, hinubad ang undies at naupo sa toilet.
Napapapikit pa siya sa init na dumaloy palabas ng kanyang katawan. Sino ba naman kasi ang matinong tao na iinom ng tatlong tasa ng kape at sabay-sabay pa iyon!
Napamulat siya ng maramdaman niya na may pumasok sa loob ng comfort room. Alam niyang hindi lamang isa kundi dalawa ang pumasok sa loob dahil sa pagtama ng sapatos nito sa sahig.
Pinakinggan niya ang paligid, walang kahit anong ingay, kahit ang pagpasok nito sa cubicle ay wala.
Pinagpawisan siya ng malagkit, itinaas ang undies. Hindi niya alam kung pipindutin niya ang flush o hindi.
Nanatili lamang siya sa loob, nakikiramdam. Wala siyang gamit na pwedeng ipanglaban kapag masasama itong tao.
Tumaas ang kanyang balikat ng biglang bumukas ang katabing pinto ng cubicle. May narinig siyang ungol, napalitan ng halinghing, ang matunog na pagsipsip ng labi sa balat.
Nangilabot siya sa kanyang narinig, mahabanging langit dito pa talaga gumawa ng kababalaghan!
Dahan-dahan siyang lumabas ng cubicle nakalimutan niya pang isara ang zipper ng kanyang pants pati ang paghugas ng kamay, ayaw niyang manatili sa loob ng matagal.
Pagbalik niya sa kanilang table, tumulo ang pawis mula sa kanyang noo, sakto ding pumasok si Amanda.
"Oh Xy, pawis na pawis ka?!" umupo ulit ito sa dating pwesto. "Uwi na tayo!"
Pabagsak siyang nahiga sa kama, nakatulalang nakatingin sa kisame. Tumunog ang kanyang cellphone, si Amanda. Nakauwi na siguro.
"Hmmp! nagtatampo na talaga ako sayo! iniwan mo na naman ako bigla! pero keri lang nakapapicture naman ako sa idol ko!"
Tiningnan niya ang isinend nitong litrato. Nakangiting mukha ni Amanda at may kasama itong lalaki. Napailing siya alam niyang mga ganitong mukha ang pangarap ng kaibigan. Ini-zoom niya sa mukha ng lalaki, nakakaakit tingnan ang asul nitong mga mata, nakakahipnotismo.
Pinindot niya ang panibagong mensahe galing sa kaibigan. "Kaiden Flocks Wordebster ang pangalan niya sis, sakaling i-search mo!"
Napanguso siya, mukha ba siyang naghuhunting ng fafa!
Natampal niya ang bibig, malala na siya, napapagaya na siya kay Amanda!
Sandali niya ulit itong tinitigan, familiar ito sa kanya pero hindi niya alam kung saan niya ito nakita.
Napakibit-balikat siya, bumangon sa kama, dumiretso sa banyo dahil nakaramdam siya ng panlalagkit.
"Kamusta ang gala niyo ni Amanda?" bungad na tanong ni Xiro pagkaupo niya sa dining table.
"Maayos naman!" ngiwi niya. "Sabi nina mommy at daddy next month pa sila makakauwi!". Napatingin siya sa kanyang kuya. "Akala ko this week na!"
"Sinabi ng mommy tatapusin na lamang nila yung work nila kesa bumalik pa ulit doon para matapos ang kontrata!" tumango na lamang siya, ano pa ba ang aasahan niya, kahit miss niya na ang mga ito. Para naman daw sa kanila ng kuya niya ang lahat ng mga paghihirap nito sa ibang bansa.
"Pasukan na pala sa Lunes magkaklase pa rin ba kayo ni Amanda?" tumango siya sa kanyang kuya tinatamad na siyang magsalita. Bigla siyang nawalan ng gana kumain.
Tinaasan siya ni Xiro ng kilay, "busog ka ba?!" tanong nito ng makitang pinaglalaruan niya ang pritong manok sa plato.
Tumango ulit siya at tumayo. Hindi niya nilingon ang kanyang kuya na tinatawag ang kanyang pangalan.
︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎ ︎