Prologue

373 Words
Nauuhaw siya, gusto niya ng dugo, pwede bang makainom ng dugo mo? **** Hey b***h saan ka pupunta? hindi pa tayo tapos maglaro! anang ng isang lalaking walang damit pang-itaas. Layuan mo ako halimaw ka! sigaw ng isang babae habang hawak nito ang brasong puro sugat at kalmot. Kahit nadadapa man ay patuloy pa rin ito sa pagtakbo. Nasa masukal silang kagubatan, madilim na ang paligid, kaya imposible siyang makahingi ng anumang tulong. Huwag ka ng magmatigas babae kung ako sayo sumunod ka na lang! kahit anong gawin mong pagtakbo ay maaabutan pa rin kita. Pag-iling lamang ang sagot ng dalaga. Binibilisan niya ang pagtakbo kahit masakit na ang kanyang mga paa. Ang tagal mo naman tumakbo nakakainip kayang maghintay! sambit ng isang boses mula sa likod ng isang puno. Ngumisi ito sa kanya, dahan-dahang naglakad. Pag-atras lamang ang kanyang nagawa, nanlalabo ang mga mata dahil sa luhang bumaha, piping napadasal. Ang gwapong nitong mukha, nanlilisik na mga mata, ang kanyang huling nakita habang nagpapakasawá sa kanyang laman bago siya mawalan ng malay. ---ooo--- Marahang pinihit ni Xylene ang seradura ng pinto. Tinitiyak niyang hindi siya makakalikha ng anumang ingay. Alam niya na natutulog na ang lahat dahil sa nakapatay na ang mga ilaw sa loob ng kabahayan. Mabuti na lamang at bukas ang pinto, dahil kung hindi maghihintay siya hanggang sa mag-umaga. Nilinga niya ang paligid, kahit puro kadiliman ang nakikita niya, tinitiyak niya na wala siyang maaaninag na anino. Unti-unting ipinasok ang katawan. Marahang isinara ang pinto. Parang sa pusa siya kung maglakad, hindi mo aakalain na sumasayad sa sahig ang kanyang mga paa. Nagsisi tuloy siya kung bakit niya pa sinamahan ang brokenhearted niyang kaibigan, madaling-araw tuloy ang inabot niya. Pero naawa naman siya sa sinapit nito, unang linggo ng pag-ibig pero sawi agad. Malapit na siya sa unang baitang ng hagdan ng biglang bumukas ang ilaw. Nagkalat ang liwanag, nasilaw pa siya at napatakip sa mata. Pagtingin niya sa kanyang likuran at nandidilim na mukha ng kanyang kuya ang kanyang nakita. Kumaway siya dito at ngumiti ng pagkatamis-tamis sabay karipas ng takbo muntik pa siyang madapa dahil natapakan niya ang sintas ng sapatos ngunit maagap siyang nakahawak sa may hagdan. Bahala na bukas! sermon ang almusal niya sa umaga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD