Chapter Three

580 Words
Maagang nagising si Xylene dahil unang araw ngayon ng klase ayaw niyang malate at mapunta sa detention room. Tumunog ang kanyang telepono si Amanda. "Oh bakit?!" tanong niya. "Wow ha wala ba akong good morning diyan.." napairap siya sa hangin at lumabas na ng kwarto bitbit ang kanyang bag. "Ano kailangan mo?" "Tabi tayo mamaya.." "Yun lang sasabihin mo?!" tanong niya habang kinakagat ang isang sandwich na nakahanda sa dining table. "Papasok ka na ba?!" napalingon si Xylene sa kanyang likod. Nakatayo sa taas ng hagdan ang kanyang kuya Xiro at nakasuot na ito ng business suit. Tumango siya dito. "Sabay ka na sa akin.." napangiti si Xylene. "Sige Amanda sa school na lang tayo magkita. Bye.." sambit niya sabay lapit sa kanyang kuya at inayos ang necktie nito. Sumilay ang maliit na ngiti sa mukha ni Xiro. "Ang bait naman ng kapatid ko!" napairap naman sa hangin si Xylene. Pinitik niya ang noo ng kanyang kuya, "tara na!". Nauna na siyang maglakad papunta sa garahe, hinintay niyang pagbuksan siya ng pinto ng kanyang kuya at prenteng naupo hqbang ikinakabit ang kaniyang seatbelt. "Sa labas tayo mag-dinner, isama mo na din si Amanda.." nakangiting wika ni Xiro at sinimulang paandarin ang kotse. Ipinikit ni Xylene ang kanyang mga mata. Naramdaman niyang sinusundot ang kanyang braso. "Kuya tigilan mo yan.." Idinilat ni Xylene ang kanyang mga mata, nagulat siya dahil nasa isang hardin na puno ng bulaklak at nagliliparang mga paruparo siya nakatayo. "Nanaginip ba ako?" tanong niya sa sarili. Kinurot niya ang kanyang braso at napangiwi siya ng makaramdam siya ng kirot. Naglakad siya papalapit sa mga rosas na mayabong, Ang gandang pagmasdan. Hinawakan niya ang isang rosas. Nanlaki ang kanyang mga mata ng bigla itong malanta, nangitim ang mga bulaklak na nakapaligid sa kaniya. Dumilim ang paligid, sumisikip ang kanyang dibdib. Nanlalabo ang kanyang mga mata, tumutulo mula sa kanyang noo ang malagkit na pawis. "T-tulong!" "Xy gising!?" mabilis siyang napadilat ng mga mata, hinihingal siyang napatingin sa kanyang kuya, "nandito na tayo.." Napatingin naman siya sa labas, kita niya ang mga estudyanteng naglalakad papasok ng unibersidad. "Ayos ka lang ba?" napalingon si Xylene sa kaniyang kuya. Tumango na lamang siya at pilit na ngumiti. Kinalas na niya ang kanyang seatbelt, "una na ako kuya, ingat ka!" Lumabas na siya ng kotse at tumawid na sa kabilang kalsada papasok sa malaking gate na kulay abo. At sa itaas nito ay may arkong nakalimbag ang pangalan ng unibersidad. "Devlock University.." basa niya. Sumilay ang maliit na ngiti sa kanyang labi at nagpatuloy na sa paglalakad. Tumigil siya sa harap ng bulletin board. Sinuri ang bawat pangalang nakasulat sa coupon na nakapaskil. Hinanap niya ang kanyang pangalan. Napailing siya ng makitang magkasunod ang apelyido nila ni Amanda. Pagpasok niya sa loob ng classroom tili ni Amanda ang unang bumungad kaniya. "Ipinag-reserve na kita ng upuan plua syempre sa tabi ko.." sambit nito sabay iniangkla ang mga braso at hinila si Xylene papunta sa upuan. Makaraan ang ilang minuto dumating ang kanilang hinihintay, ang propesor. May kasama itong isang babae na kasing edad lamang nila. "Ang ganda niya, naiinggit ako.." nakangusong sambit ni Amanda. "Inggitera ka kasi!" tanging sagot ni Xylene na mas lalong nagpahaba sa nguso ng katabi. "Cristel Snyder.." pagpapakilala ng babae. Hindi na nito hinintay ang sasabihin nang propesor at umupo na ito sa bakanteng upuan na nasa harap nina Xylene. "Ang bango niya.." dinig niyang bulong ni Amanda. Pinandilat niya naman ito ng mata kaya naman tumahimik ito.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD