Chapter 9

1845 Words
Vala’s POV I arrived home at around nine in the evening. When I got to the front of our house, I saw that my mother was waiting there, looking like she had been waiting for me for a while. Lumabas siya para salubungin ako. “Oh, anong nangyari at ginabi ka? Akala ko tuloy pinakulong ka na niya.” Bakas sa mukha niya ang pag-aalala sa akin. “Hindi ko siya nakausap kasi. Hindi siya napunta sa mansiyon nila kaya alalang-alala talaga sa ‘yo,” sabi pa niya. Inaya ko siyang pumasok sa loob, malamig kasi sa labas. Naupo kami sa sofa at saka ko sinabi sa kaniya ang nangyari. “Hindi na niya ako ipapakulong mama.” She immediately smiled when I said that. “Salamat naman. Sabi ko na nga ba’t napalaki ko siya nang maayos,” sabi pa niya habang napapapalakpak pa. “Pero, bakit daw? Anong dahilan at hindi ka na niya ipapakulong?” tanong pa niya. “Dahil magiging alipin na lang niya ako. Hanggang hindi pa raw siya naikakasal, magiging alipin niya ako,” sabi ko pa kaya agad ding nawala ang ngiti sa mga labi niya. “Pumayag ka?” “Opo, para hindi na ako makulong. It’s better that way than ending up in prison for a long time.” Matapos naming mag-usap ay inaya na niya akong pumunta sa kusina. Pinagtira nila ako ng ulam at baka hindi pa raw ako kumakain ng hapunan. Pero hindi na ako kumain dahil bago ako pauwiin ni Alaric ay pinakain na niya ako ng dinner doon. Mabuti na nga lang at sagot niya ang pagkain ko habang inaalipin niya ako. ‘Yun nga lang, tira-tirang ulam ang pinaulam niya sa akin kanina. Pero ayos lang din, masarap naman. Um-order kasi siya ng food sa mamahaling restaurant. Hindi na niya ako inutusang magluto ng hapunan kanina at baka kung ano na naman daw pagkain ang gawin ko. He’s annoying because he even gave me an assignment. He said I should learn to cook because he’s often just at his condo. Doon lang din kasi niya ginagawa ang trabaho niya. Pero kapag may meeting, kailangan din daw umalis kaya kailangang nakabuntot pa rin ako sa kaniya. Kahit gabi na, tinuruan pa rin ako ni mama na magluto ng adobong manok. Sinabi ko kasi sa kaniya na binigyan ako ni Alaric ng assignment. Kailangan daw matuto akong magluto para sa kaniya. And since it was my mother who took care of Alaric, she knows the foods he really likes. He supposedly loves chicken adobo with pineapple, according to her. Kapag ‘yon ang ulam nito, napaparami ang kain niya kaya nang gabing ‘yon, adobong manok na may pinya ang tinuro niyang iluto sa akin. Hindi naman masasayang ang iluluto namin ngayong gabi dahil ilalagay namin sa frigde para almusalin bukas. Pagkatapos ng isang oras, natutunan ko naman kung paano lutuin ‘yon. My mother taught me her cooking secrets. That’s why I’m sure Alaric will be surprised tomorrow when I let him taste the dish I’m going to cook. Patulog na ako nang mag-group video call pa sa starbook sina Hendrix, Nadia at Claud. “Talaga, ginagawa ka na lang niyang alipin?” hindi makapaniwalang tanong ni Hendrix. “Oy, that’s better than getting locked up in jail,” sabi naman ni Claud. “You better excel in finding a virgin woman, or perhaps it’s even better if you just save yourself for her since you’re a virgin, right? You’re also lucky with Alaric because that man is very wealthy,” udyok naman ni Nadia. “Shut up, Nadia. Never kong gagawin ‘yan. Ang magandan niyo na lang gawin ay tulungan akong maghanap ng babaeng maganda, mabait at virgin. Saka, ‘yong wala na ring trabaho, gusto kasi ng mokong na ‘yon ay buong oras ng babae niya ay ibigay sa kaniya nito, ayaw niya ng palaging busy sa trabaho,” sabi ko sa kanila. “Sige, tutulungan kita diyan. Baka kasi sabihin mo na naman na wala akong kuwentang kaibigan,” sagot ni Claud. “Aba dapat lang, manager ka ng cake shop ko tapos ikaw pa ang inaatasan kong tumingin at umasikaso ng lahat habang alipin muna ako ng Alaric na ‘yon.” “Parang kailangan ko na tuloy chikahin ang mga babaeng customer sa beauty salon ko,” sabi naman ni Hendrix. “Ay, oo, maganda ‘yang naisip mo. Saka, dapat kada linggo, mabigyan ninyo ako ng isang babaeng irereto kay Alaric. Parang awa niyo na, tulungan ninyo ako para matapos na agad ang pagiging alipin ko sa kaniya,” sabi ko pa kaya sabay-sabay na tumawa ang tatlo. “Next time kasi, bago mag-amok, isipin mo muna kung makakasama sa iyo ang gagawin mo,” pangaral ni Hendrix. “True, palagi ka kasing highblood, ganiyang-ganiyan talaga ‘yong mga hindi nadidiligan,” panunukso naman ni Claud. Bago pa magsalita si Nadia, pinatay ko na ang linya ko, hindi na kasi maganda ang mga usapan namin. Pinagkakaisahan na nila ako kaya mabuti pang matulog na lang at maaga pa ako bukas sa trabaho kong wala naman akong kinikitang pera. Nakakaloka talaga. ** Na-late lang ako ng five minutes, nakatawag na agad siya. “Heto na, nasa parking area na ako ng condo mo kaya sorry na agad,” sagot ko sa tawag niya pagbaba ko sa sasakyan ko. “Next time, you can’t be late even for five minutes. I don’t want to go hungry. By seven-thirty in the morning, breakfast should already be prepared,” sabi niya sa kabilang linya. Tila tuwing umaga ay hindi maganda ang timpla ng mood niya. Boss na boss talaga. “Yes, tatandaan ko ‘yan,” sagot ko. Pagpatay niya ng linya niya, napamura ako habang papasok na sa elevator. Bago pa lang ako sa pagiging alipin sa kaniya, pero ngayon pa lang, parang susuko na ako. Pagdating ko sa loob ng condo niya, agad ko nang pinindot sa smart lock door niya ang password na binigay niya sa akin kagabi bago ako umuwi. Nang sa ganoon daw ay hindi na ako magpipindot pa ng door bell kapag ganitong umaga. Nadatnan ko siyang nakaupo sa sofa habang topless at towel lang ang suot sa pang-ibaba. Bumagal ang paglalakad ko nang titigan ko siya dahil para siyang model sa itsura niya roon. Hindi ko inaakalang napakaganda pala ng katawan ng mokong na ito. Yung bycep niya ang ganda nang pagkakahubog, lalaking-lalaki ang malapad niyang balikat, tapos ‘yung abs niya sa tiyan niya, parang nang-aakit. Isama pa na mas hot siyang tignan sa wet look niya. Lord, bakit may ganitong kagandang lalaki kang nililikha sa mundong ito, tapos lolokohin lang naman ang mga babaeng seryosong magmahal? Halata namang bad boy ang isang ito. Pahanap-hanap pa siya ng babae sa akin na kunyari ay pakakasalan niya pero ang totoo, virgin hunter talaga siya. Bakit, kasi mas masarap kangkangin ang babaeng virgin. Sabi nga nila, mas masikip, mas masarap. Bumalik na lang ako sa wisyo ko nang makita kong nakakunot na ang mata niya pagtingin sa akin. Tinitignan niya ako mula ulo hanggang paa kaya nagtaka ako. “B-bakit?” tanong ko. “I don’t want you dressed like that when you come here. Starting now, you should wear women’s clothing when youre with me, hindi ‘yong mukha kang tomboy,” sabi niya kaya napailing ako. “Pero, ganito talaga ang porma ko. Kaya lang ako naka-dress kahapon ay dahil nagsimba ako sa simbahan,” sagot ko sa kaniya. Tumayo siya. Biglang nalaglag ang towel na suot niya kaya napasigaw at nagtakip ako ng kamay sa mukha. “Huwag kang OA. Naka-boxer short ako,” sabi niya kaya dahan-dahan kong tinanggal ang kamay sa mukha ko. Pagtingin ko sa kaniya, oo nga, may suot nga siyang boxer short kaya nakita kong napangisi siya. Ang guwapo ni moko talaga kapag ganito. “I’ll allow you to wear like that just this once, but starting tomorrow, you’ll have to wear a dress,”sabi pa niya. Nakalagay sa contract na lahat ng sasabihin at iuutos niya ay kailangan kong gawin, kaya wala akong magagawa kundi ang mag-dress na nga tuwing pupunta rito. Napangisi na lang tuloy ako at saka napakamot ng ulo. “Okay, magde-dress na po ako simula bukas,” sagot ko na lang sa kaniya. “Oh, sige, magluto ka na ng breakfast ko. Magluto ka ng kanin at saka ulam na masarap. I don’t want bread, milk, coffee, or anything fried in the morning. Gusto ko, kanin at ulam na may sabaw,” utos niya. “It better be delicious because I told you last night to learn how to cook, or else tomorrow, I’ll make you wear just a bra and panties when you come to work,” dagdag pa niya na kinalaki ng mata ko. “Mabuti na lang pala at nag-aral ako kagabi. Sisiguraduhin kong masasarapan ka sa iluluto ko sa iyo,” pagmamalaki ko sa kaniya. Tumuloy na ako sa kusina niya. Binuksan ko ang fridge at saka hinanap ang mga sangkap na kailangan ko. May nakita akong manok kaya napangiti agad ako. Lalo na nang makita kong ring may pinya roon. Inugasan ko sa running water ang manok at saka ako nagsimulang maghiwa ng bawang, sibuyas at ng iba pang kailangan ko. Tinandaan kong mabuti ang pagkakasunod-sunod na tinuro sa akin kagabi ni mama. Ginawa ko rin kung paano siya magtimpla para maging masarap at pantay-pantay ang lasa ng asim, alak at tamis. Dapat daw, mangibabaw ang lasa ng tamis ng pinya dahil ‘yon daw ang pinakagusto ni Alaric. Saktong seven thirty ng umaga ay luto na ang kanin at pati na rin ang adobong manok na may pinya. Tinawag ko na siya sa kuwarto niya para sabihin handa na ang almusal. Pagdating niya sa dining area, nakita kong napataas ng sabay ang dalawa niyang kilay. “Adobong manok na may pinya ba ang niluto mo?” tanong niya agad na para bang kinagulat niya. “Oo, baka kasi hindi ka pa nakakakain niyan. Masarap ‘yan, specialty ko ‘yan,” pagsisinungaling ko para yabangan siya. “The food you cooked smells good. Amoy masarap siya, but I still need to taste it to know if it really is delicious, right?” Tumango ako biglang tugon sa kaniya. Nang mag-umpisa na siyang kumain ay kabado rin talaga ako. Pagsubo niya nang isang subo ng kanin na may ulam, nakita kong napatingin siya agad sa akin habang namimilog ang mga mata. “Ano, masarap ba?” tanong ko sa kaniya. “Ang weird, kalasa siya ng paborito kong ulam noong bata pa ako. Nakaligtas ka, Vala. Masarap ang pagkakaluto mo nito kaya napahanga mo ako,” puri niya kaya napangisi ako. Yes! Salamat kay mama dahil niligtas niya ako. Kung hindi pala ako nagpaturong magluto sa kaniya kagabi at pangit ang lasa ng nagawa kong almusal kay Alaric ngayong umaga ay papasok akong naka-bra at panty na lang bukas. Kapag sinabi pa naman ni Alaric, gagawin niya. Mabuti na lang talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD